Thursday, August 7, 2014

Psycho's Love Interest : Chapter 19

CHAPTER 19


“You called out for Shane but guess who came?”



Kung may isang tao man na tutulong kay Richelle bukod kay Shane, hindi niya inaasahan na magiging si Zenn iyon. Nakilala niya ito na mukhang lalampa-lampa kaya nga binully ito ni Miggs noon.



Kahit pa noong mga oras na nagbanta ito na papatayin daw nito kung sino man yung nananakot sa kanya at yung time na malapit na nitong sugurin si Trent, hindi pa rin makapaniwala si Richelle na magagawa ngang magpaka-brutal ni Zenn gaya ng ginagawa nito ngayon.



Parang ibang tao na si Zenn. Sunud-sunod ang pagsuntok nito kay Henry. Walang awa at parang nag-eenjoy pa nga. “Motherfuckin’ asshole! Have you got no balls?” Saka nito napansin yung paintball marker. “Oh, but you have paintballs! How nice!” Kinuha nito ang paintball marker at inubos ang bala para puntiryahin sa mukha si Henry.



Nang tuluyang maubos ang paintballs, naisip naman ni Zenn na yung baril na mismo ang gamitin panghampas kay Henry. Ni hindi nito pinakinggan ang pagsuko at pagmamakaawa ng taong binubugbog niya.



Halos natuliro si Richelle habang pinapanood si Zenn. Hindi na niya sigurado kung yung pulang pintura o tunay na dugo na ang nakikita niyang tumutulo kay Henry. Kung hindi pa siya kikilos, baka mauwi na sa malagim na krimen ang nangyayari.



Patakbong lumapit si Richelle sa dalawa kahit pa dumudulas-dulas na ito sa pinturang nasa sahig. Nang makalapit siya sa nakatalikod na si Zenn, saka niya ito niyakap. “Please stop.” Nanginginig ang mga kamay niya ngunit may lakas pa siya na mas higpitan ang pagyakap sa binata. “Zenn, natatakot na ako.”



“Hindi mo na kailangang matakot sa kanya.”



“Hindi sa kanya. Sayo ako natatakot, Zenn. Tumigil ka na.”



Dahil sa mga sinabi ni Richelle, dahan-dahang lumambot ang expression ni Zenn.



“Anong ginawa ko para takutin ka? Ipinagtatanggol pa nga kita.”



“Pero sobra na! Balak mo ba siyang patayin? Tama na, please!”



Kahit parang labag sa loob ni Zenn, pinakinggan niya ang hiling ni Richelle. Ngunit hindi matatapos ang lahat, hangga’t hindi pa niya napagsasabihan si Henry. “Kapag nagsumbong ka, totoong baril na ang gagamitin ko at totoong dugo mo na ang dadanak. Maliwanag ba?”



Ungol na lang ang naisagot ni Henry dahil sa sumabog na nguso nito pero…



“Sumagot ka ng maayos!”



“O—oo…”



Matapos nito, hinila na ni Zenn si Richelle paalis sa lugar na yun. Pagdating sa ground floor, sa likod ng building sila dumaan upang hindi makaagaw ng pansin. Pareho kasi silang mukhang duguan dahil sa pulang pintura.



Habang nagmamadali, may kinausap naman sa cellphone niya si Zenn. “Kailangan ko yung sasakyan. Ngayon na.” Utos nito sa kausap niya. “Iwan mo dun sa tapat ng lumang school gate.” At saka nito ibinulsa pabalik ang cellphone.



Ang tinutukoy na lumang school gate ay yung ikatlong gate ng NEU kung saan walang mga estudyante at outsiders na nakakalabas-pasok. Matagal na itong hindi pinapadaanan at halos limot na nga ng mga tao ang tungkol sa gate na ito. Maging si Richelle, first time niya lang napuntahan ang lugar na ito.



“Paano mo nalaman ang tungkol sa daanan na ‘to, Zenn?”



“Mahilig akong mamasyal.” Ngunit paglapit nila sa harap mismo ng gate, naka-padlock ito. Sinubukan niya itong sirain pero hindi nagtagumpay. “Iche, takot ka ba sa heights?”



“Bakit mo natanong?”



“Wala tayong choice kundi sumampa dyan sa gate para makalabas.”



Napatingala si Richelle at sinukat ang taas ng gate. “Hindi ko yata kakayanin, Zenn. Masyadong mataas. At isa pa…” Napatingin siya sa mga sarili nila na balot ng malagkit na pintura. “Baka madulas tayo. Mas delikado.”



Napasapo ng noo niya si Zenn. Nag-iisip siya ng ibang paraan para makalabas sila ng NEU pero mukhang wala na siyang ibang plano. Nang mapansin ni Richelle na masyado nang pinoproblema ito ng binata…



“May naisip ako.” Lumapit sa harap ng padlock si Richelle saka siya napatingin sa singsing na ibinigay sa kanya ni Zenn. Kahit may halong panghihinayang, sinira niya ito para magamit ang wire at kalikutin ang padlock. Ilang sandali pa, nabuksan na nga niya ito.



“I’m impressed! How did you do that?”



“Tinuruan ako ni Sh—” Hindi naituloy ni Richelle ang sasabihin dahil alam niyang nagbabago palagi ang reaksyon ni Zenn sa tuwing nababanggit niya ang pangalan ni Shane. Minabuti na lang niya ang baguhin ang sasabihin. “Sorry nga pala. Kinailangan kong sirain ‘tong singsing.”



“Wag mo nang alalahanin yan. Tara na.”



Paglabas nila ay nandoon na nga ang sasakyan ni Zenn. Sumakay ang dalawa sa loob at umalis na palayo sa NEU.



= = = = =



“Saan mo ako dadalhin?”



“Sa art studio ko.”



Tahimik nang nag-drive si Zenn patungo sa isang subdivision na ngayon lang napuntahan ni Richelle. Karamihan sa mga bahay na naroroon at wala pang mga taong nakatira kaya hindi kataka-taka ang katahimikan sa buong paligid.



Lumiko ang sinasakyan nila sa pinakahuling kaliwang kanto at ilang sandali pa, natigil sila sa tapat ng isang maliit na bahay.



Naunang bumaba ng sasakyan si Richelle at sumunod ay si Zenn. “Paano nga pala yang upuan ng sasakyan mo, Zenn? Nabahiran na rin ng pintura.”



“Madali lang palitan yan.”



“Babayaran kita.”



“Bayaran mo ako sa ibang paraan.”



Kinabahan bigla si Richelle. Anong ibang paraan ang tinutukoy ni Zenn?



Pumasok na sila sa loob at tulad ng iniimagine ni Richelle sa isang typical na art studio, bumungad sa kanya ang iba’t iba at naggagandahang mga obra ni Zenn. Puro mga wire sculptures ang mga ito, all shapes and sizes.



Ngunit ang pinaka umagaw ng kanyang atensyon ay yung human-sized sculpture na nasasakluban ng puting tela. “Yan ba yung sinasabi mong sculpture na malapit mo nang matapos?”



“Oo.”



Lalapitan na sana ito ni Richelle upang silipin ngunit kumapit sa braso niya ang binata. “Maligo ka muna. Alam kong lagkit na lagkit dyan sa pintura sa katawan mo.”



Napayuko si Richelle upang tignan ang sarili niya. Um-oo na siya agad at sumunod na sa binata papunta sa banyo. Pagpasok niya sa loob, nakita niya na ang nanggigitatang sarili sa harap ng salamin. Parang siyang naligo sa dugo.



Nilibot niya rin ng tingin ang sosyal na ayos ng banyo na kinaroroonan niya. Sinilip niya ang nasa likod ng nakasabit na plastic curtain at nakita ang shower at bathtub. Binuksan niya yung shower at medyo maaligamgam na tubig ang tumulo sa kanyang mga palad. Nagkaroon siya ng dahilan para ngumiti dahil sa wakas ay makakapaglinis na siya ng katawan.



Naghubad na siya ng damit at suot niyang underwear. Lahat ng ito ay namanchahan na ng pintura kaya laking panghihinayang niya. Naligo na siya at laking pasasalamat niya na water-based ang pintura kaya hindi ganun kahirap tanggalin at kuskusin sa katawan at buhok niya.



Habang pinagmamasdan naman ang bawat patak ng tubig na nagiging kulay pula dahil sa pagkakahalo nito sa pintura, muling sumasariwa sa utak niya ang mga naganap kanina. Kusa ring nagri-replay sa utak niya ang sinabi sa kanya ni Sherrie.



“Alam mo kung ano ang sabi saakin ni Shane kaya niya ako hiniwalayan? Dahil hindi mo raw yun magugustuhan! Dahil ayaw mong may kaagaw ka! Selfish ka! Ang kapal ng mukha mo! Magbestfriend lang kayo pero kung angkinin mo siya, parang sayo siya!”



“Bakit ginamit ni Shane ang pangalan ko para magsinungaling at makipaghiwalay sa babaeng yun?” Napayukom ang mga palad niya dahil sa inis. She felt betrayed by the person she trusted her whole life—her best friend!



Nagugulumihanan na talaga si Richelle, ngunit nabaling ang kanyang atensyon nang marinig ang boses ni Zenn kasabay ang isang katok sa pinto.



“May dala akong tuwalya at damit. Ipapasok ko lang dyan sa loob.”



“Ha? Ipapasok mo rito sa loob?” Naalarma si Richelle dahil mukhang hindi siya nagkamali ng pandinig. Papasok nga si Zenn habang nakahubad na siya at naliligo.



Nagpanic siya ngunit hindi rin naman nagawang makapag-protesta pa. Nakapasok na si Zenn sa loob at isinabit ang dalang tuwalya at damit sa may sabitan.



Pakiramdam naman ni Richelle na umakyat na ang dugo sa kanyang mukha dahil sa hiya at kaba. Tanging ang plastic curtain lang ang namamagitan sa kanilang dalawa ngayon ng binata. Hindi man ito totally tranparent, maaninag pa rin kung ano yung nasa kabilang kurtina.



Napako siya sa kinatatayuan niya habang nakatakip sa mga parteng dapat niyang takpan. Hindi siya gumagalaw at nakatingin lang sa malabong imahe ni Zenn sa kurtina.



“If you need anything else, just call me.” Kalmado lang ang boses ni Zenn. Hindi naman agad nakaimik si Richelle kaya naman, “Iche? Okay ka lang ba dyan?”



“Okay lang! Basta wag ka nang lumapit… nakahubad ako…”



Walang ideya si Richelle sa naging reaksyon ni Zenn nang sabihin niya yun. Ngumiti ba ito? Nagulat? Nahiya? Pero naaninag niya ang pagtango nito ng isang beses saka na umalis palabas ng banyo.



Nang masiguro na ni Richelle na nag-iisa na lamang siya, muli niyang binalikan yung pinto. “Sa naalala ko, ni-lock ko naman ‘to kanina.” Sabi niya sa isip.



= = = = =



Matapos maligo ay ginamit na ni Richelle ang tuwalya at pamalit na iniwan ni Zenn para sa kanya. Inaasahan na niyang wala itong maipo-provide na underwear kaya wala siyang choice kundi lunukin ang kahihiyan. Ngunit ang hindi niya inaasahan, yung t-shirt na iniwan ni Zenn ay may pamilyar na disenyo. Dali-dali niya itong sinuot at inirolyo na lang sa bandang hita niya ang tuwalya upang hindi ito masyadong maiksi.



Paglabas niya ng banyo, naabutan naman niya si Zenn na busy sa kinakalikot nitong bagong wire sculpture. Hinubad na nito yung polo niyang namanchahan ng pulang pintura at ngayon ay naka-topless na lamang.



Imbes na pasugod siyang kakausapin ni Richelle ay natameme ito habang nakatingin sa magandang katawan ng binata.



“Ang bilis mong naligo ah.”



“Ah… uhm…” Yun na lang ang nasabi niya. Ngunit umiling-iling siya upang hugutin ang mga salitang nais niyang sabihin. “May ganito rin akong t-shirt. Yung pambabae naman.”



“Really? What a coincidence!”



“Coincidence lang ba talaga, Zenn? Noong bumili ako ng ganitong t-shirt sa mall, naramdaman kong may nakasunod saakin noon. Inisip ko agad na ikaw yun… kaya magsabi ka na ng totoo. Ikaw nga ba yun?”



Dahan-dahang lumapit si Zenn sa kanya. Mula sa kanyang mga mata, bumaba pa ang tingin nito hanggang sa kanyang mga hita niya na natatakpan lan ng tuwalya. Hindi napigilan ni Richelle na ma-conscious sa mga titig na natatanggap niya at gusto niyang malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan ng binatang kaharap niya.



“Yes, Iche. Sinundan nga kita noon. At binili ko yan para katerno dun sa binili mo.”



“Bakit?”



“Kasi nagustuhan ko rin yung design.” Simpleng sagot nito. Ngunit hindi ito kinagat ni Richelle.



“Gaano mo ako kadalas sundan?”



“Madalas. Madalas para malaman ko tuwing kailan mo ako kakailanganin.”



“Pero hindi mo kailangan gawin yun. Pwede ka namang lumapit kaagad saakin!”



“Sorry kung wala akong lakas ng loob na lapitan ka agad.” Nakayukong sagot ni Zenn. “Hinihintay ko lang din kasi na tawagin mo ako—tulad ng ipinangako mo.”



“Wag! Wag mong gagamitin saakin yang paawa effect mo ngayon, Zenn!” Pasigaw na sabi ni Richelle na para bang nanenermon ng isang bata. “Yang pagsunud-sunod mo saakin, yang bigla mong pagsulpot kung saan-saan, hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko eh.”



“Then do you want me to go? Do you want me to stay away from you?”



Natigilan bigla si Richelle. Mas gugustuhin nga ba niyang umalis si Zenn? Mas gugustuhin nga ba niyang layuan na siya nito?



Kahit na may kaunting pag-aalinlangan sa kanyang isipan, sigurado naman siya sa isinisigaw ng puso niya.



“No, Zenn. I don’t want you to go. I just want you to be true.” At lakas-loob na mas pinaliit ni Richelle ang distansya niya sa binata. “Aaminin ko sayo, kinikilig ako nung umamin ka saakin na inaalam mo ang lahat ng tungkol saakin. Natutuwa ako sa atensyon mo, Zenn. Pero mas gugustuhin ko na harap-harap mong ibibigay saakin yun. Gusto kong personal mong iparamdam saakin yun. Hindi mo kailangan magtago. Hindi mo kailangan magpaka-stalker! Magsabi ka lang saakin ng totoo mong nararamdam!”



“I like you!” Direchong isinagot ni Zenn sa lahat ng mga hinihiling na marinig ni Richelle. “I want you.” Dahan-dahang inabot nito ang kamay ng dalaga upang palapitin pa lalo sa kanya. Nawala na ang kakatiting na distansya nila sa isa’t isa at, “I love you.” Ibinulong nito sa mga labi niya.



“Oh my God, Zenn.” Yun na lamang din ang lumabas sa bibig ni Richelle dahil sa halo-halong emosyon niya. Hindi na siya makapag-isip pa ng matino. “You’re driving me crazy…”



“I’m the one who is crazy here.” Bigla pang yumuko si Zenn at, “So will you go out with me?”



Napangiti na si Richelle. Parang bang buong buhay niya, ito lang ang hinihintay niya. At ngayon ay nangyayari na nga, “Yes, Zenn.”



And there goes her first kiss.



End of Chapter 19

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^