Tuesday, August 5, 2014

Say 'I Love You': 02. Jin's Blood Donation??


Annaya's POV






NAPA-BUNTONG hininga na lang ako matapos kong marinig ang sinabi ng daddy ko na naka-hanap na raw sya ng school na papasukan ko sa college para sa pag-aaral ko ng Medicine. Isinandal ko ang ulo ko sa head ng upuan ng sasakyan. Feeling ko bigla akong nagka-headache.




"One of the best school ang UP pag-dating sa Medicine. I'm sure magugustuhan mo doon."sabi ni daddy Franco, habang marahan nyang inililiko ang sasakyan, galing kami sa hospital for my daddy's monthly check-up. Halata ang excitement sa boses nya.




Hindi na ko mag-tataka, dahil matagal na nyang pangarap na mag-karoon ng isang doktor na anak. Kaya nga iyon ang gusto nyang kunin ko sa college. I cannot say no, kahit na ba hindi naman iyon ang gusto kong kuhain. Ayaw ko kasing ma-disappoint ko si daddy at ayaw kong masira ang pangarap nya ng dahil lang sa pagiging selfish kong anak.




Well, I'm used to it. Simula pa lang naman ng bata ako, 'yes daddy' lang ang sagot ko. I never say 'no' to whatever decisions he made for me. Kasi ang alam ko mas makabubuti sakin yun.




I have everything, well known si Daddy. May poultry sya sa probinsya namin sa Nueva Ecija. So far, so good naman ang takbo ng negosyo nya. Stable naman ang buhay namin. Only child lang ako, my mum left us when I was five.




Dad is very mad at that time and I think until now. Simula ng iwan kami ni mommy naging mas mahigpit sakin si daddy. Dumami ang bawal na gawin. At mas naging worse ng tumuntong ako sa high school. Bahay at eskwelahan lang ang destinasyon ko. I cannot go out with my friends not unless kapareho ko rin silang pagdo-doktor ang kukuhain sa college. The Annaya Sanchez now is different when mum is still with us.




I don't have any social life, maraming nag-iimbita saking lumabas pero ni isa sa kanila wala akong tinanggap. I have a lot of suitors, pero ni isa sa kanila wala akong sinagot. Natuto akong umiwas sa mga kaibigan ko, hanggang sa unti unti na silang nawala. Now, all my high school life I'm totally a loner. Library o rooftop lang ang tamabayan ko sa school.




Iniisip ko nga na wag na lang mag-debut sa nalalapit kong eighteenth birthday kasi wala rin naman akong iimbitahan. Wala na akong friends, I don't have a boyfriend. Walang a-attend ng party ko kundi mga kamag-anak ko lang. Mas pipiliin ko na lang na mag-kulong sa bahay at palipasin ang kaarawan ko.




Minsan, nakakaramdam na ko na pag-kapagod, hindi lang ng pisikal, pati emosyonal. Nasa akin nga ang lahat pero na-realized ko na hindi pala ako masaya. May sumisigaw sa loob ko, may hinahanap sya na hindi ko malaman kung ano. Pakiradam ko para akong puzzle na kulang ng isa para mabuo. At hindi ko alam kung ano ang isa na 'yun.




"Tumingin tingin ako ng clinic sa St. Luke's Global. Ang daming bakante, kaya nagpa-reserba na ako ng isa. Mahirap na baka maubusan tayo."napa-nganga ako ng lingunin ko si daddy.




Halos hindi ako makapaniwala. "Dad, fourth year high school pa lang ako. Next year pa ang graduation ko. At kahit na ga-graduate ako ng high school, I still have ten to fifteen years to finished my Medicine bago ako mag-clinic. Don't waste your money like that, we don't know yet what will going to happen."sabi ko sa kanya in despair. Napalingon sakin ang daddy ko kahit na ba busy sya sa pagda-drive.




"Why, Naya? May plano ka bang suwayin ako?"seryosong tanong nya sakin. Mukhang na-misinterpret ni daddy ang sinabi ko.




"It's not like that, dad. What I'm saying is, things can change. Who knows sa ibang bansa ko pala gustong magka-clinic?"dahilan ko na lang para hindi na lumalim pa ang usapan at mauwi nanaman sa away.




Nitong mga nakaraang araw kasi madalas ma-misinterpret ni daddy ang mga sinasabi ko kaya madalas din kaming mag-away. Kaya minsan I have to tell some lies para lang huminahon sya at hindi na mag-kagulo pa. Mahirap na, may komplikasyon kasi sa puso si daddy. Bawal syang ma-stress o mag-isip ng ikasasama ng loob nya. Ayaw ko namang masugod sya sa hospital ng dahil sa akin.




"Its okay. Ikaw na nga ang nag-sabi, things can change. Mas mabuti na yung handa."kumalma na ulit sya matapos ng simpleng palusot ko na iyon. Buntong hininga na lang ang isinagot ko sa kanya saka ako napalingon sa bintana ng kotse.




Pinapanood ko ang mga taong nag-lalakad sa daan habang marahang umaandar ang sasakyan namin dahil sa traffic. Nakuha ang atensyon ko ng apat na lalaking nag-lalaro ng skateboard sa may court na dinaanan namin malapit sa squater's area. Napansin kong isa sa kanila may bandage sa ulo. Tinitigan ko sya, hindi ko alam kung bakit. Basta nakatitig lang ako sa kanya hangganga sa bumilis na ulit ang pag-andar ng sasakyan namin.




Ano kayang nang-yari sa ulo nya? Tanong ko sa isip ko habang pinapanood ko ang reflection nya sa side mirror ng sasakyan.









-----------



Jin's POV



----------



WALANG hiya! Late nanaman ako! Walang hiya kasi 'yung asawa ni Aling Marimar eh! Buong mag-damag na nagkaka-kanta ng killer song. Buti na lang hindi natuliro mga adik samin kahit na ba paulit ulit na binabanggit ng asawa ni Aling Marimar ang famous lyrics ng killer song, 'I didit my wey'.




Todo padyak na ko sa skateboard ko makaabot lang sa oras dahil kung hindi, lubaking mukha nanaman ng P.E teacher naming si Mr. Carino ang sasalubong sakin! Mood wrecker pa naman 'yung si Mr. Carino. Magaling mag-utos 'yung patakbuhin ang mga late ng sampung beses sa basketball court ng bulok bulok naming eskwelahan. Kahit kasi private ang Ashita High School, mukha paring napabayaan dahil sa mga sira sirang upuan na parang pinunasan pa ng milyun milyong kulangot.




Mga basag na salamin ng bintana, sirang pinto at mabahong banyo na walang flush at puno ng sulat ang pader. Karamihan sa teachers ay may edad na isa na nga doon ang half-Japanese half-Filipino naming principal na walang ginawa kundi ang maupo lang sa upuan nya at mag-utos sa mga trabahador nya.




Ga-graduate na lang ako next year wala parin akong nakikitang pag-babago sa school ko.




Ilang dipa na lang at maaabot ko na ang gate ng school ko. Nilingon ko ang relo ko, one minute na lang ang natitira. Tinodo ko na ang padyak sa skateboard ko, pero centimeter na lang ang layo ko ng may biglang sumulpot sa daan kong tatlong baliw na nag-uunahang makapasok sa loob ng school.




"Aish!"singhal ko ng makita kong sina Reg, Miguel, at Ian pala iyon. Late rin sila gaya ko. Ano pa nga bang aaasahan ko sa mga 'to?




Nag-uunahan kami sa pag-takbo ng bigla kaming matigilan ng may pamilyar na boses na tumawag samin. Sabay sabay kaming napalingon sa likuran. Mukha ni Mr. Carino ang bumungad samin. Hawak nito ang mahiwagang patpat nito na inihahampas nya sa sino mang sumuway sa inuutos nya.




"Kayong F4 nanaman?! Kahit kailan talaga!"naiiling pa nyang sabi samin. F4, iyan ang ibinansag samin ng hindi ko malaman kung sinong sira-ulo ang nag-pauso. Bakit nga ba F4? Dahil kaming apat ang tinatawag na failed students dahil hindi kami nag-aaral ng mabuti. Puro kalokohan at pagba-banda lang daw ang alam namin.




"Sir! Good Morning!"masayang bati ko, baka sakaling mag-bago pa isip nya at 'wag na lang kaming patakbuhin sa court.




"Walang maganda sa morning kung kayong F4 ang nakikita ko."aba'y loko pala 'tong si sir e.




"Walang maganda sa morning kung lubak lubak mong mukha ang sumasalubong samin."pabulong kong sabi, natawa naman sakin sina Reg, Miguel at Ian.



  



"May sinasabi ka ba Jin?"




"Wala po, napansin ko lang ang aliwalas ng mukha nyo ngayon."sinubukan ko syang utuin pero mukhang hindi umubra.




"Parang sinabi mo na araw araw ang dumi ng mukha ko ah!"




"Parang ganun na nga."nadulas ako sa sinabi ko.




"Gago ka talaga Jin!"nag-peace sign ako ng sikuhin at murahin ako ni Miguel. Halata sa mukha nya ang inis. Napailing naman sina Reg at Ian.




"Dahil sa sinabi mo Jin. Hindi ko kayo patatakbuhin sa field ngayon."taka kaming nag-katinginan sa isa't isa nila Reg, Miguel at Ian. Isang malaking himala ang nang-yari. "Pero..."parang bigla akong kinabahan sa pero na 'yan ah~









-----



"SIR! SANDALI! MGA TOL! TULUNGAN NYO KO!"




"Kaya mo 'yan tol! Parang kagat lang 'yan ng langgam!"natatawang sabi sakin ni Reg habang tinatapik tapik pa nya 'yung balikat ko.




"Baliw! Kahit parang kagat pa ng bakla 'yan! Hinding hindi ko gagawin!"pilit akong kumakawala sa pag-kakahawak nila Ian at Reg sa braso ko.




"Bakit? Nakagat ka na ba ng bakla?"tanong ni Miguel sa natatawa nyang boses.




"Ulul! Teka nga bakit ba ako ang pinipilit nyong mag-donate ng dugo?! Alam nyo namang may phobia ako sa dugo! Mga sira talaga tuktok ng ulo nyo!"




Gusto ko man mag-kamot dahil sa biglaang pag-hampas ni Sir Carino sa ulo ko, hindi ko na nagawa dahil hawak nga nila Ian at Reg ang mga kamay ko. "Isasama mo pa ko sa pagiging sira ulo nyong F4! Ipasok na sa loob 'yan!"utos nya sa tatlong baliw. Pakiramdam ko para akong kini-kidnap ng mga sindikatong naka-drugs.




"'Wag ka na lang tumingin tol, para di ka himatayin!"napailing naman si Ian.




"Gago! Advice ba 'yan?! Mga tol! Sir! Parang awa nyo na!"parang sira-ulo kong pag-mamakaawa sa kanila.




"'Wag ka nang mag-inarte! Lumakad ka na! Bilisan mo! Gustong maka-usap ng Principal ang mga magdo-donate ng dugo. Pasok na!"pinipilit akong pumasok ni Sir Carino sa loob ng office ng Principal pero nag-pupumiglas ako.




"Sir! Sinabi ko na! Hindi ako magdo-donate ng dugo!! Miguel! Please! Parang awa nyo na!"pakiramdam ko nangigilid na luha ko pero sa halip na maawa sila, pinagtatawanan pa ko ng mga hinayupak!




"Pasok na!"hinawakan ako ni Miguel sa braso at hinatak ulit palapit ng pinto. Pinag-tulungan nila ako hanggang sa dumausdus ako sa sahig, sa loob ng office ni Principal.



  



"Mga sira ulo talaga kayo!"



  



"Jung JinWoo!"tawag ng prinsipal namin. Mabilis akong tumayo para harapin sya at mag-makaawang hindi ako mado-donate ng dugo.




"Principal!"hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Bigla nanamang huminto ang oras ng muli ko syang makita. Ang babaeng biglang nag-patibok ng puso ko. Ang Prinsesa ng buhay ko.




"What Mr. Jung?"




"Ilang timbang dugo ba kailangan nyo?"











-



End of Chapter Two: Jin's Blood Donation??










No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^