Sunday, July 20, 2014

The King's Will:02.The Past that Torments Kai


Chapter Two:

The Past that Torments Kai
-------------------------
A/N: Flash back po ito ng buhay ni Kai ... Medyo mahaba haba lang .. ^^
--------------------------


Author's P.O.V
Three Years Agos
At Grand Terrain Kingdom
*Fifteen Years Old Kai
------------------------


NAKA-HINGA ng maluwang si Loui ng makita nyang nasa kusina ang Prinsesa at abala sa kung ano mang ginagawa nito.

Ma, ma, Prinsesa Kai! Naan dito lang po pala kayo. Kanina pa po kayo hinahanap ng Hari.”saad ni Loui.

Tell him I'm busy!”utos naman ni Prinsesa Kai ngunit ang atensyon nito ay nasa ginagawa nito. Lumapit si Loui para alamin ang pinagka-kaabalahan nito at bahagya syang napangiti ng makita nyang cake pala ang ginawa nito. Kaarawan kasi ng Hari ngayon.

Para po ba yan sa inyong ama Prinsesa?”tanong nito. Tumango naman si Prinsesa Kai, bago nya kinuha ang Icing at marahang nilagyan ang ibabaw ng cake. “Kaya po ba ipinautos nyong walang bibili ng cake dahil kayo ang gagawa? Ma, ma, siguradong matutuwa ang Mahal na Hari.”

Napangiti si Prinsesa Kai nang marinig nya ang sinabi ni Loui. “Tingin mo magugustuhan ni papa 'tong gawa ko?”excited nyang tanong bago sya kumuha ng toppings at inilagay ito sa ibabaw naman ng icing.

Opo.”nakangiti ring sagot ni Loui.

Kung ganun. I gotta give this to him now!”mabilis na kumilos si Prinsesa Kai, binuhat nya ang cake upang dalhin ito sa kanyang ama.

Ma, ma, Prinsesa! Sandali! Marami pong dumi ang mukha ninyo! May mga bisita po Hari ang ama ninyo...”hindi na natapos ni Loui ang saasbihin nya dahil tumakbo na palabas ng kusina ang Prinsesa bitbit ang cake na gawa nito habang punong puno ng dumi ang mukha at damit nya.



-------------------------
AT GROBES ZIMMER
A PLACE FOR KING's BIRTHDAY CELEBRATION
BIGGEST ROOM IN GRAND TERRAIN

-----------------------

LAHAT ay natigilan ng pumasok si Prinsesa Kai sa loob ng Grobes Zimmer dala ang cake na gawa nito. Alam ng Prinsesa na ang bisita ng kanyang ama ay ang mga Haring nag-mula pa sa iba't ibang kaharian sa buong mundo. Pero wala syang paki-alam, ang mahalaga sa kanya ngayon ay maibigay ang cake sa kanyang ama.

Papa!”tawag nya sa kanyang ama na masayang nakikipag-usap sa isang Hari. Bahagyang nagulat ang Hari sa itsura ng anak nya pero napangiti rin ito ng makitang may dalang cake ang anak.

Oh, narito na pala ang Prinsesa ng Grand Terrain.”nakangiting saad nito na para bang proud pa itong makita ang anak kahit na ba napaka-dumi ng mukha at suot nitong damit.

Prinsesa Kai.”tawag naman ng kanyang ina. Gaya ng Hari bahagya din itong nagulat pero napawi din iyon ng makita nya ang bit bit ng anak.

Umubo ang Prinsesa, tapos ay lumuhod sya sa harapan ng Hari at inalok ang ginawa nyang cake. “Mahal kong Hari. Tanggapin nyo po ang ginawa kong regalo para sa birthday ninyo.”pormal na saad ng Prinsesa na ikinatuwa naman ng lahat ng Hari at Reynang naroon sa loob ng Grobes Zimmer.

Nilapitan ng ina ni Prinsesa Kai ang kanyang ama at hinawakan ito sa balikat para sabihin dito na tanggapin nya ang regalo ng kanyang anak. Ngumiti ulit ang Hari, at naisip nitong lokohin ang anak.

Pasensya na Mahal na Prinsesa, pero mukhang hindi ko matatanggap ang regalo mo.”nakangiti nitong sabi.

Umasim ang mukha ng Prinsesa, mula sa pag-kakaluhod ay mabilis itong tumayo. Salubong na ang kilay nito dahil hindi tinanggap ng kanyang ama ang pinag-hirapan nyang gawing cake.

What?! Pinag-hirapan ko 'to! Hindi 'to basta bastang regalo lang 'di katulad ng regalo ng mga Hari't Reyna mong bisita! How could you reject it?!”sa isang iglap ay inatake na ng pag-kainis si Prinsesa Kai.

Natawa ang Hari, at napangiti naman ang kanyang asawa. “Prinsesa, ang regalo mo ang pinaka-espesyal na natanggap ko sa kaarawan ko. Maraming salamat.”

Nang maintindihan ng Prinsesa ang ibig sabihin ng Hari ay unti unti syang napangiti.

Kuhain mo ang regalo ng Prinsesa.”utos ng Hari sa tauhan nyang nakatayo sa likuran nya.

Nang makuha iyon ng tauhan ay patakbong yumakap si Prinsesa Kai sa kanyang ama. Nag-palakpakan naman ang mga bisita dahil sa heart warming na eksenang nasaksihan nila.



-----------------
AFTER A FEW MINUTS
AT KAI's ROOM

----------------

NAPA-BUNTONG hininga ang Reyna habang sinusuklayan nya ang mahabang buhok ng kanyang anak. Naroon sila ngayon naka-upo sa harapan ng salamin. Sa mga oras na yun ay naka-bihis na ang Prinsesa.

What's wrong?”tanong ng Prinsesa ng marinig nya ang kanyang inang bumuntong hininga.

Hindi parin ako makapaniwala na unti unti nang nagma-matured ang anak ko. Talagang masaya ang ama mo dahil sa ginawa mong cake. Iyon pala ang dahilan kaya ipinautos mong walang gagawa o bibili ng cake.”

Ngumisi si Kai na para ipinagyayabang nya sa kanyang ina ang ginawa nya. “Gagawa ulit ako nun sa birthday mo, mama.”ngiti lang ang sinagot ng kanyang ina.

Sandali silang natahimik pag-kuway muling nag-salita ang ina ni Prinsesa Kai. “Dadating ang araw, pamumunuan mo ang kaharian an ito. Kaya naman anak gusto kong gayahin mo kung pano mamuno ang inyong ama.”

No.”napaangat ng ulo ang kanyang ina dahil sa sagot na iyon ni Prinsesa Kai. “Dahil hihigitan ko ang ginagawa ni papa. Aalagaan ko ang Grand Terrain at hindi ako papayag na angkinin sya ng iba! Pag nang-yari yun, gagamitan ko sila ng powers ko!”saad nito.

Natawa naman ang kanyang ina. “Nakalimutan ko, isa nga palang Mahotsukai ang anak ko.”

Sa kanilang pamilya kasi si Prinsesa Kai lamang ang may kakayahang gumamit ng Magical Power. Ipinanganak itong taglay ang dugo ng pagiging Mahotsukai.

Natigilan ang usapan nila ng may biglang kumatok at pumasok ang tauhan ng Reyna. “Mahal na Reyna.”tawag nito. Bakas ang takot sa mukha nito na agad naman napansin ng Reyna.

Alam nyang masama ang dalang balita ng kanyang alagad kaya naman mas minabuti na lang nyang tumayo palayo kay Prinsesa Kai upang hindi nito marinig ang kung ano mang masamang balita na iyon.

Ilang saglit lang ay bakas na rin ang takot sa mukha ng Reyna. “Kairelle! Wag na wag kang aalis dito sa kwarto mo! Naiintindihan mo ba ako? Kahit anong mang-yari!”tarantang utos ng Reyna.

Napakunto ang nuo ng Prinsesa, “Hu? Bakit? Ano nangyayari?”nalilitong tanong nito. Pero sa halip na sumagot ay tiningnan lang sya ng kanyang ina bago ito tuluyang lumabas ng kwarto nya.




MAKALIPAS ang trenta minutos ay nakaramdam na ng kakaiba si Prinsesa Kai. Na para bang may kakaibang nang-yayari sa labas. Naisipan nyang sumilip sa bintana nya, dahil mula doon ay tanaw nya ang Grobes Zimmer.

Nang-laki ang mga mata nya ng makita nyang nasusunog ang Grobes Zimmer kung saan naroon ang kanyang ama't ina. Madali syang tumakbo papunta doon para alamin kung ano nga bang nang-yayari.

Pag dating sa entrance ng malaking kwarto halos mahimatay sya sa bigla dahil sa mga Hari at Reynang nakabulagta sa sahig, duguan at wala nang buhay. Sa loob ay halos wala ka nang makita dahil sa makapal na usok.

Nang maalala nyang nasa loob ang kanyang ama't ina ay hindi na nag-dalawang isip pa ang Prinsesa na tumakbo papunta papasok. Gumawa sya ng air tunnel mula sa makapal na usok gamit ang magical power nya para lang makadaan.

Natigilan sya ng makapasok sya sa loob. Naroon si Sky ang alaga nyang agila, nasa anyong tao ito at mukhang nakipag-laban ito dahil hawak pa nito ang spada habang naka-bulagta ito sa lapag, hinang hina at duguan. Naroon din si Loui at gaya ni Sky duguan at hinang hina din itong naka-bulagta.

Sky... Loui...”naiiyak na wika ni Prinsesa Kai.

Pri---Prin---sesa...”nauutal na tawag ni Loui ng mapansin nya ang Prinsesa. Dahan dahan namang napaangat ang ulo ni Sky ng marinig nya yun.

Napalingon si Prinsesa Kai ng marinig nyang sumisigaw ang kanyang ina sa kailang bahagi ng Grobes Zimmer. Mabilis syang tumakbo doon, pero napigilan sya ni Sky ng pilitin nitong makagalaw.

Tumakas ka na Prinsesa Kai.”saad nito.

Tila hindi nagustuhan ni Prinsesa Kai ang sinabi ni Sky, kaya naman imbes na sumunod ay itinulak nya si Sky palayo, “Look! I don't know what's going on! Pero kailangan ko iligtas ang mga magulang ko! Alam kong kailangan nila ng tulong ko!”

Sabay silang napalingon ng makita nilang nag-lalakad papunta sa kanila ang Reyna bit bit ang Hari na duguan.

Mama! Papa!”pero hahakbang pa lang sana palapit ang Prinsesa, nagulat na lang sya ng may biglang kumislap na ilaw ang tumama sa Hari at Reyna at sa isang iglap sabay silang bumagsak sa sahig. Sa sandaling yun ay binawian ng buhay ang kanyang ama't ina mismo sa harapan nya. “No!!!! No! No! Sky! Tulungan mo sila!”nag-wawala nang utos ng Prinsesa.

Princess Kairelle~.”tawag ng isang lalaking pamilyar ang boses para kay Princess Kai. At hindi nga sya nag-kamali. Ang lalaking ito ay ang former right hand ng Hari.[

Rank! You bastard! Agitatione Concussa!galit na binato ng spell ng Prinsesa Rank pero nagulat sya dahil hinawi lang nito ang naka-mamatay na spell nya.

Tumawa si Rank at lumakad kaunti. “How harsh of you, Princess. Nang-galing pa ko sa malayong lugar para lang bumisita dito and yet... iyan ang ibabati mo sakin.”muling tumawa ang lalaki.

Gladius Diaboli!”sunod naman umatake si Sky. Hawak ang nag-aapoy nyang spada patalon nyang sinugod si Rank. Pero nabigla sya ng sa isang iglap ay nasa harapan na nya na rin ito. Ngayon ay pareho na silang nasa ere.

Ngumisi ito tapos ay itinutok nito ang kamao sa mukha ni Sky. Infernum Pugnus!”

May kulay pulang umilaw sa kamao ni Rank, ilang saglit lang ay sabay silang bumagsak ni Sky sa lapag. Sa sobrang lakas ng impact ay nagiba at nagkaroon ng crack ang sahig.

Sky!!!”sigaw ng Prinsesa.

Tumawa si Rank, sa mga sandaling iyon ay naka-upo parin ito sa harapan ni Sky habang an kamao nito ay naka-baon parin sa mukha nya. Saka lang inalis ni Rank ang kamay nya ng tumayo sya. “Sky... para namang wala tayong pinag-samahan ng ilang taon. Nakalimutan mo na ba kung gano tayo kasaya noon? Bakit ngayon nag-iba ka na? Gusto mo na kong patayin? Nakaka-lungkot naman.”umarte pa syang parang nalulungkot.

Walang hiya ka! I'm gonna kill you!”tumakbo si Prinsesa Kai palapit kay Rank para sugurin ulit ito pero naunahan sya nito.

Tumalsik sya palayo, at sa sobrang lakas ng pwersang tumama sa kanya ay dumugo na nga ang labi nya. Pinilit parin nyang tumayo kahit na nangi-nginig na ang buo nyang katawan.

Tumawa ulit si Rank, lumakad ito palapit sa trono ng hari at padiquatrong naupo. “Gusto mo kong patayin?”sandali itong natawa. “Masamang mag-biro ng ganyan, little Princess.”

Feuer Faust!”nag-apoy ang kamay ni Prinsesa Kai at pinilit paring nitong tumakabo palapit kay Rank.

Oh~ Heersend.”manghang saad ni Rank. “As expected of you Princess Kairelle.”

Iniangat ni Rank ang kamay nyang at sa isang hand gesture lang ay may flushing water na lumitaw sa dinadaan ni Prinsesa Kai.

Para itong nag-raragasang water fall, ang pinag-kaiba nga lang ay sa ibaba ito nang-galing. “Ahhhhh!!!”sigaw ng Prinsesa nang tangayin sya ng nag-raragasang tubig paitaas at agad din syang bumagsak ng mawala ang tubig.

Tapos nun ay tumawa ng napakalakas si Rank. “This is so exciting! My dear Princess! Fine, gusto mong makipag-laro? I'll play with you. Pero ikaw ang taya hu?”lumitaw ang evil look sa mukha ni Rank habang nakangisi itong nakatingin kay Prinsesa Kai. “I'll spare your life together with those two.”ang tinutukoy nya ay si Loui na ngayon ay tinutulungang makatayo si Sky.

Shut up!”sigaw ng Prinsesa, lalaban pa sana sya kaso napahawak sya sa tagiliran nya ng may naramdaman syang sakit. Mukhang masama ang pagkakabagsak nya.

Prinsesa!”tawag naman ni Loui, halos hindi naman maidilat ni Sky ang kaliwang mata nya dahil sa dugong tumutulo mula sa ulo nya.

Itinungtong ni Rank ang siko nya sa gilid ng upuan at nangalumbaba sya. “Since ikaw ang taya, you have to chase me, right?”

Napaatras ang Prinsesa ng tumayo si Rank. “Hinding hindi ko hahayaang angkinin mo ang Grand Terrain!”matapang na saad nya.

Huminto si Rank sa harapan ni Prinsesa Kai, tapos ay iniangat nya ang mukha nito gamit ang isang daliri nya. “Don't worry. Hindi naman ang pinaka-mamahal mong Kaharian ang gusto ko... Anyways, shall I tell the rules of our game?”ngumiti ito saka bumitaw sa pagkakadikit ng mga daliri nya sa baba ng Prinsesa.

Simple lang naman. Dahil ikaw ang hahabol, dapat lang mag-umpisa ka sa malayo. Diba?”

Anong ibig mong sabihin?!”biglang kinabahan ang Prinsesa sa sinabing iyon ni Rank. Pero hindi sya nito pinansin. Nginitian lang sya nito.

Natigilan na lang si Prinsesa Kai ng itutok ni Rank ang palad nito sa mukha nya. Hindi na sya naka-galaw pa nang bigla na lang may umilaw na itim sa palad nito. Hangganga sa bigla na lang humangin ng napakalakas at may lumitaw na black hole sa likuran ng Prinsesa. Para itong magnet na hinahatak sya papasok.

Prinsesa!”tawag ni Loui at Sky, pero kasabay ni Prinsesa Kai ay tuluyan na silang tinangay ng black hole.

Don't worry Princess, habang nasa malayo ka, I Rank Lorditch will take care of your Kingdom. Have a nice vacation Your Highnest!”at nag-pahabol pa ito ng malakas na tawa.






---------------------

NAGISING si Prinsesa Kai sa isang hindi pamilyar na kwarto. Iniikot nya ang paningin nya sa palikid, wala syang ibang makita kundi maliit na espasyo ng kwarto na may isang lamesa at upuan kung saan doon nakaupo si Sky habang natutulog.

Napalingon sya ng mag-bukas ang pinto at pumasok si Loui na may dalang supot na puti. “Ma, ma, Prinsesa. Mabuti at gising na kayo. Bumili ako ng makakain nyo.”

Hanggang sa mga sandali na yun ay iniisip parin ni Prinsesa Kai kung ano ang mga nangyari. At nang unti unti itong bumalik sa ala-ala nya ay hindi na nya napigilang mapaiyak. Sa lakas ay napabalikwas si Sky sa gulat.

Bakit Prinse... sa?”natigilan si Sky ng makita nyang umiiyak ang Prinsesa. Nakaramdam sya ng awa, at wala na syang nagawa pa kundi ang yakapin ito.


-------------------------
END OF FLASH BACK
------------------------

KAI's P.O.V
THE PRESENT
HUMMING TOWN
IN FRONT OF THEME PARK

-----------------------

AYAW ko sana pag-usapan ang tungkol kay Rank, pero gusto ko rin naman malaman kung ano na bang ginagawa nya sa Grand Terrain.

Narinig kong may binuong Underground Organization si Rank.”napalingon ako kay Sky at napataas ang kilay ko.

Underground Organization?”

Tumango-tango si Sky habang ngumunguya sya ng apple, pag-kalunok nya saka sya nag-salita ulit. “Puro Mahotsukai sa iba't ibang parte ng mundo ang kasapi sa oragization na yun. At ayon sa source ko kasama din sa organization na yun yung apat pang Hari ng apat na malalaking Kingdom sa buong mundo, balita ko Mahotsukai din yung apat na Hari na yun. Ano sa tingin nyo plano nya? Sakupin ang mundo?”natawa si Sky, “Lumang goal na yang isang antagonist sa isang kwento na may Magical Powers.”

Sa totoo lang hindi ko na naiintindihan pa ang sinasabi ni Sky dahil na kay Rank na ang atensyon ko.

Underground Organization? Mahotsukai Members? At ang mga Mahotsukai bloosd Kings ng apat na malaking Kingdom? Anong plano nya?


---------------------------------------




-------------------------------

End of Chapter 2: The Past that Torments Kai

--------------------------------

See You Next time!

--------------------------------


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^