Chapter
Three:
The
South and North End
-------------
Kai's
P.O.V
At
Le chapetier de Johnny
-------------
TAKIP-TAKIP
ni Sky ang mga mata ko habang
nag-lalakad kami papunta sa Le chapetier de Johnny. Excited na ko sa
totoo lang. You know why? Dahil sa wakas makikita ko na ang dahilan
kung bakit kinailangan kong mag-trabaho sa Restobolok si Mr. Ali at
mag-part time pa after nun.
Makikita
ko na rin ang resulta ng pinag-hirapan ko! Dugo at pawis ang binigay
ko maipagawa ko lang ang barko na 'to! And finally! Ito na ang moment
na pinaka-hihintay ko~!
“Sky
ano ba! Malayo pa ba? Mga kabaklaan mo eh! May patakip takip ka pa sa
mata ko!”inis kong sabi sa
kanya. Pero di ako galit. Excited lang naman.
“Konting
hakbang na lang Princess. Malapit na tayo. Ayan na. Isa na lang. At a
count of three saka ka didilat. One...”
Binuksan
ko na agad mata ko kahit hindi pa tapos mag-bilang si Sky. Wala na
kong pakialam sa bilang bilang nya. Ang gusto kong makita yung dream
ship ko!
Feeling
ko nag-nining ning ang mga mata ko nung makita ko sya. Bumilis yung
takbo ng puso ko. Parang hindi ako makahinga, and suddenly, hindi ko
na namalayang napaiyak na pala ako.
“Sky...”yun
na lang ang nasabi ko bago ko niyakap si Sky.
“Pri---Prinsesa.”sabi
ni Sky.
Ang
saya saya ko. Ito na yun! Yung moment na ilang taon kong hinintay.
Finally! Finally, makakaalis na rin ako dito sa Humming Town at
makakabalik na rin ako sa totoong home ko. Ang Grand Terrain!
Simula
sa araw na 'to! Ipinapangako ko! Pag-babayaran ni Rank lahat ng
kasamaang ginawa nya sa akin! Sa mga magulang ko and to all my people
in Grand Terrain! Babawiin ko lahat lahat!
“Ma,
ma, Prinsesa Kai. Nan dito na pala kayo.”narinig
kong tawag ni Loui. Bumitaw ako sa pag-kakayakap ko kay Sky at
pinunasak ko ang mga luha ko bago ako lumapit kay Loui.
“Loui,
san ka ba galing?”tanong ko.
“Ma,
nang ibalita sakin ni Sky ang tungkol dito. Namili na ako ang mga
panga-ngailangan natin.”may
nakita nga akong mga boxes malapit sa barko.
“Nan
dito na pala kayo.”sabay
sabay kaming napalingon ng dumating ang shipwright na si Johnny ang
may-ari ng Le chapetier de Johnny. Naka-suot pa sya ng working outfit
nya habang bitbit nya yung maso. Mga nasa middle age lang sya, at
talaga namang mabait sya.
Teka...
baka nag-tataka ka kung pano nag-karoon ng pagawaan ng barko sa isang
napakaliit na town. Ganito kasi yan. May Royal Blood si Johnny tulad
ko. Dahil hindi mag-katugma yung pangarap nya at pangarap ng mga
magulang nya sa kanya. Lumayas sya sa Kingdom nya at napadpad sya
dito.
Bago
pala sya umalis, ninenok nya muna yung kalahati ng kayamanan ng
pamilya nya kaya naman naipatayo nya ang Le charpetier de Johnny,
pagawaan ng barko. At sya rin ang nag-sisilbing King sa Humming Town.
Dahil sa tuwing kailangan ng mga tao dito ng tulong, mapa-financial
man o hindi. Si Johnny ang tinatakbuhan nila. In short, mabait talaga
sya.
“Johnny!”masaya
kong bati. Sya ang nag-tyagang gumawa ng barko na 'to.
“Kamusta
Princess? Okay ba ang pag-kakagawa ko? Nasunod ko ba ang gusto mo?”at
isa sya sa naniniwalang Prinsesa ako.
“Good
job! Johnny! Dahil dyan may bonus ka sakin.”nilingon
ko si Sky para kuhain ang nag-iisa na lang nyang apple. Kakagat pa
sana sya kaso mabilis ko yung naagaw. Napakagat na lang tuloy sya sa
hangin. “Here! This is your bonus!”saglit
na natigilan si Johnny, pero natawa na lang sya dahil sa reaction ni
Sky.
Inabot
ni Johnny ang apple. “Salamat, Princess.”sabay
hinagis nya ito pabalik kay Sky.
“Uy!
Thanks!”masayang sabi ni Sky.
“Sya
nga pala Princess, kelan nyo balak na umalis?”pag-iiba
ni Johnny ng usapan habang lumakad kami palapit sa barko.
“Ngayon.”diretsong
sagot ko. Napailing na lang sya at natawa. Siguro kasi expected na
nyang yun ang isasagot ko. At hindi nga ako nag-kamali.
“Base
sa pag-kakakilala ko sayo, malamang yan ang isasagot mo.”sabi
nya.
Well,
ganito naman talaga ako. Once na nag-desisyon ako, no one can stop
me. Hindi ko pinag-iisipan ng ilang oras, araw, buwan ang
pagde-desisyon. Ginagawa ko sya on the spot. Hindi ako takot sa end
result ng biglaang decision ko. Kahit pa failed or success. Whether I
live or I die. Ang importate, maibigay ko yung best ko. Para wala
akong pagsisihan sa huli.
Madalas
nga nila akong sabihang spoiled brat, matigas ulo, pasaway. But I
don't give a damn. Ganito ako, ito ang Philosophy ko sa buhay. Kaya
hindi ko kailangang mag-bago for the sake of others. Love me or Hate
me. Yan lang ang pwedeng pag-pilian once na makilala mo ko.
“Anyways,
ano bang meron sa barko na 'to?”bukod
sa pink na pink na kulay nya.
“Sinunod
ko yung designs na gusto mo. Tingnan mo na lang mamaya. At gawa yan
sa puno ng Sal, isa sa pinagkukuhaan ng hardwood pang-gawa ng mga
barko kaya naman wala na kayo dapat ikatakot na baka lumubog kayo.”
Bumuntong
hininga ako, bago ulit ako nag-salita. Heto na, magda-drama na ko.
Hindi ako sanay sa ganito pero malaki talaga ang naitulong samin ni
Johnny. Ever since na dumating kami dito sya na ang tumulong samin.
At hanggang ngayon paalis na kami. Sya parin ang nag-iisang tumulong
samin.
“Johnny,
alam mong ayaw ko ng drama. Pero gusto ko lang talagang mag-pasalamat
sa lahat ng naitulong mo sakin. Saming tatlo. Hindi ko man maibalik
lahat yun, pero promise ko. Once na mabawi ko ang Grand Terrain.
Babalik ako dito para pasalamatan ka ulit.”drama
ko lang...
“Hindi
mo na kailangang ibalik yung mga naitulong ko. Pero yung bumalik
dito. Dapat lang. Dahil naging parte ka na rin ng isla na 'to. You're
always welcome here.”
Ngumiti
ako, “Salamat Prince Johnny.”
“Former
Prince Johnny. Now, I'm a shipwright.”at
nag-katawanan kaming dalawa. Ang cheesy ng moment na ganun. Buti na
lang iniba nya agad yung usapan. “By the way, kailangan
ko kausapin si Sky kung pano i-operate ang barko. At yung mga iba
pang dapat gawin bago kayo umalis.”
“Ah,
sige. Silipin ko na rin yung barko.”
Yun
lang at dumiretso na ko sa barko. Hindi naman kalakihan yung
pag-kakagawa. Dahil hindi ko naman kailangan ng napakalaking barko.
Ang importante ay makatawid kami ng dagat papuntang Grand Terrain.
Kung
tatanungin mo ko kung bakit ako mag-babarko kung pwede naman ako
mag-eroplano... well, sabi ko naman. Ang Humming Town ang
pinaka-maliit na isla sa buong mundo. Walang space para gumawa pa ng
Runway ng eroplano. At isa pa, may isang parte ng dagat na tanging
barko lang ang pwedeng makatawid. Kaya kailangan ko talaga 'to.
Nilibot
ko ang kabuuhan ng barko. Maganda, wala akong masabi. Lahat ng
ni-request nasunod. Malaking kwarto at banyo. Malawak na kusina na
may kumpletong gamit. May kwarto ni Sky at Loui. Pink na pink kahit
san ka lumingon. At ang pinaka-the best sa lahat, yung unahang bahagi
ng barko ay may design ng malaking ulo ng agila. Request ko rin kasi
yun. All in all, ang ganda ng barko.
“Ma,
ma, Prinsesa Kai. Ano pong balak nyo ngayong ayos na ang
barko?”napalingon ako nang
marinig ko si Loui.
Napa-seryoso
ang mukha ko nang itanong sakin ni Loui yun. Plano? “Gaya
parin ng dati.”susugurin
namin ang dagat, para makarating sa Grand Terrain at talunin si Rank.
Three
years... sa loob ng tatlong taon na yun, wala akong ibang ginawa
kundi ang mag-sanay at palakasin ang sarili ko. Pinag-aralan kong
mabuti ang mga spells na effective sakin. Hindi ako humihinto sa
pag-sasanay, dahil alam kong darating at darating ang pag-kakataon na
mag-haharap ulit kami ni Rank. At sisiguraduhin ko na hindi na ako
yung batang babae na nakalaban nya noon.
Alam
kong medyo matatagalan, pero hanggat wala naman akong nababalitaang
ginagawa nyang masama sa mga mamamayan ng Grand Terrain. Gagamitin ko
ang mga araw na dadaan para gawin ko pang malakas ang sarili ko.
“Prinsesa!
May gusto pang sabihin si Johnny satin! Bumaba muna kayo dito!”tawag
ni Sky.
“Okay!”bumaba
kami ni Loui at pinuntahan namin sina Sky at Johnny na ngayon ay
naka-upo na sa mga nag-uumpukang kahoy. Naupo ako sa tabi ni Sky
habang si Loui naman ay nag-kusang mag-buhos ng tsaa sa tasa at
ibinigay sakin. “Thank you.”saka
ko nilingon si Johnny. “Ano nga ba yung sasabihin mo?”
“Gusto
ko lang sabihin sa inyo yung ilang mga rules sa dagat. Para naman
hindi na kayo magugulat kapag nan dun na kayo.”
Oo
nga pala. Galing sa Black Sea si Johnny, nakapag-ikot na sya sa dagat
at nakarating dito. Kaya hindi na ko mag-tataka kung marami syang
alam tungkol sa rules ng dagat.
“Una
sa lahat, maraming mga mala-higanteng sea creatures sa dagat. Alam
kong ikaw Sky at Princess Kai ay Mahotsukai. Pero wag nyo silang
mamaliitin dahil hindi biro ang lakas nila.”
“Mga
Magical Creatures din ba sila tulad ko?!”excited
na tanong ni Sky. Nag-kibit balikat naman si Johnny.
“Who
knows. Pero maraming nag-sasabi na hindi naman daw taga dito talaga
yung mga kakaibang sea creatures na yun. Anyways, pangalawa. Hindi
lang sea creatures ang pwede nyo masalubong on your way to Grand
Terrain. Maraming pirata sa dagat, lalong lalo na pag pinasok nyo na
ang Red Sea at Black Sea.”
“I'm
sure alam nyo nang may apat na parte ang dagat. Ang White Sea, kung
nasaan tayo ngayon, kung titingnan mo sa mapa, katapat ng islang 'to
ang Grand Terrain”ipinakita
nya sa amin ang mapa.
“Ito
ang Humming Town or Humming Island.”turo
nya sa ibaba ng mapa, dun sa napakaliit na isla. “At ito
naman ang Grand Terrain Kingdom.”sunod
nyang tinuro yung nasa itaas naman. Yung may pinakamalaking isla.
“Considered as South and North End silang dalawa dahil
pareho silang nasa mag-kabilang dulo.”
“Ito
naman ang White Sea. Dahil hindi naman kayo nag-layag papunta
dito.”alam nya kasi kung
anong nang-yari kung pano kami napunta dito dahil na-kwento ko sa
kanya.
“Ang
White Sea ay nahahati sa dalawa. And South West White Sea at South
East White Sea. As you go futher from White Sea sa dulo may makikita
kayong napakalangking rock wall. Yun ang wall boundery ng White Sea
papuntang Brown Sea. Hindi kayo makakadaan sa wall na yun dahil kahit
anong gawin nyo hindi nyo mararating ang tuktuk nun.”
“Ganun
ba talaga ka-taas yun?”putol
ni Sky sa explaination ni Johnny.
“Kung
ganun, pano kami makakadaan papuntang Bronw Sea?”ako
naman ang nag-tanong.
“Sabi
ko nga, nahahati sa dalawa ang White Sea. Pwede kayong dumaan alin
man sa dalawa para marating nyo ang Brown Sea. Dito naman wala na
kyong dapat pag-piliang daan. Dahil kahit san man kayong part ng
White Sea dumaan iisa lang ang baksak nyo. Dito.”itinuro
ni Johnny ang pabilog na isla nasa gitnang bahagi.
“Ang
Einiro Island o mas kilala sa tawag na Red Sea Entrance. Pero
binabalaan ko kayo. Sa oras na pasukin nyo ang Einiro Island
kailangan nyong mag-ingat.”
Napakunot
nuo ko sa sinabi ni Johnny. “Mag-ingat? Anong ibig mo
sabihin?”naguguluhan kong
tanong.
“In
this world, hindi lang naman ikaw at si Sky ang Mahotsukai. Marami
kayo, may mahina, malakas at... mas malakas pa sa inaakala mo. Pwede
mo silang masalubong habag nasa gitna ka ng White and Brown Sea. Pero
sa Einiro Island, sigurado akong lahat ng klase makikita mo.”nang
sabihin nya yun biglang bumalik sa isip ko si Rank. “Dito
tumatambay sa islang 'to ang mga Mahotsukai na Pirata, Bandits, Most
Wanted Criminals bago sila pumasok sa two Legendary Sea. Ang Red and
Black Sea.”
“Two
Legendary Sea? Pano naman sila naging Legendary?”tanong
din ni Sky.
“Hindi
ko alam. Pero ang sabi sabi. May nang-yari daw labanan sa pagitan ng
dalawang dagat na yun.Tulad sa White Sea, may wall boundery din ang
Black Sea.”
“Tulad
ng White Sea, nahahati din sa dalawa ang Black Sea. Kung pano kayo
lumabas sa White Sea, ganun din kayo papasok sa Black Sea. And once
you enter Black Sea... Grand Terrain is waiting for you.”
Sa
wakas natapos din ang explaination nya. Hindi ko akalain na
masalimuot na daan pala ang tatahakin namin considering na
napakalawak ng dagat.
Pero
sa lahat ng sinabi nya ang pinaka-tumatak sa isip ko ay yung sinabi
nyang pwede kaming maka-salubong ng mga malalakas na Mahotsukai. Sa
totoo lang hindi ko ma-explain ang feelings ko ngayon. Nae-excite ako
dahil isang malaking adventure ang kahaharapin namin. Makaka-tulong
din yun para mas lalo kong mapalakas ang sarili ko.
Para
sa oras na mag-harap kami ni Rank. Sisiguraduhin kong, sisipain ko
sya papuntang Pluto. Sa dulo ng Solar System!
“Pwede
bang ibigay mo na lang samin yang mapa? Mukhang kailangan namin
yan.”napalingon ako kay Sky.
Tama sya, kailangan namin ng mapa para hindi kami mawala sa kawalan.
“Sure.
Sa inyo naman talaga 'to. At ito pa.”inabutan nya rin kami ng
compas.
“Johnny,
maraming salamat talaga sayo!”
Sa
ngayon, ang pag-papasalamat lang ang pwede ko maibigay kay Johnny.
Pero pag naayos ko na ang lahat. Babalik talaga ako dito sa Humming
Town kahit na may pangit na nakaraan kami ni Mr. Ali.
Sa
ngayon kailangan ko muna pag-handaan ang nalalapit na paghaharap ulit
namin ni Rank.
--------------
End
of Chapter Three:
The
South and North End
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^