Tuesday, July 22, 2014

The King's Will: 04. Off to the Sea







Chapter Four: Off to the Sea

-----------------
Author's P.O.V
At Lavender Town
South East White Sea
-----------------




IYAK ng iyak si Jane habang tumatakbo sya papuntang pampang bit bit ang mga damit nyang naka-balot sa isang malaking kumot. Kahit gabi ay nag-liliwanag ang langit dahil sa napakalaking sunog na nang-yayari sa bayan.




Mama! Papa!”sigaw nya hanggang sa madapa sya dahil halos wala na syang makita sa dilim ng daan.



Takot na takot sya at hindi nya alam kung saan sya pupunta. Hindi na rin nya alam kung anong gagawin nya. Humihikbi nyang pinunasan ang luha nya pero hindi na nya nagawa pang makatayo dahil nangi-nginig na ang buo nyang katawan.




Nakita nyo na ba yung bata?! Hanapin nyo! Sigurado akong nan dito lang yun! Wag nyo sya hayaang makatakas! Kundi malalagot tayo kay boss!”



Mas lalong kinabahan at natakot si Jane nang marinig nya ang sumisigaw na lalaki. Sumunod pala ang mga ito sa kanya ng patakbuhin sya ng kanyang ina papuntang pang pang. Pinilit nyang tumayo, pero hinang hina talaga ang mga binti nya.





Hanggang sa magulat na lang sya ng may biglang bumuhat sa kanya, patakbo sya nitong dila papuntang pang pang at isinakay sa maliit na bangka. Doon lang nya nalaman na isang lalaki pala ang bumuhat sa kanya.




Kinuha nito ang pana na naka-sabit sa likuran nito saka itinutok paibaba sa dagat. Bago nito binitawan ang pana ay may narinig si Jane na binulong ng lalaki.



Fluctus sagitta”umilaw ang dulo ng arrow saka ito binitawan ng lalaki. Napakapit na lang sa mag-kabilang gilid si Jane ng biglang bumilis ang andar ng bangka. “Hay~ kala ko di na ko makakatakas sa mga sira-ulong yun!”pag-kuway sabi nang lalaki at naupo ito paharap kay Jane.





Hindi alam ni Jane kung ilang taon na ito pero alam nyang matanda pa ito sa kanya. Naka-suot ito ng white sleeveless shirt at maong short. Kwintas kwintas nito ang compass, bukod pa dun meron pa syang mga kung anong burloloy sa leeg at mga kamay. At meron syang gold bangle sa kaliwang braso nya.



Si---sino ka?”nauutal na tanong ni Jane. Napalingon sa kanya ang lalaki.




Ako si Leigh. Eh ikaw? Ikaw ba yung hinahabol ng mga lalaki kanina?”kalmanteng sabi ni Leigh.




Oo. Ako nga.”mahina at halata parin ang takot sa boses ni Jane.




Bakit ka naman nila hinahabol?”kinuha ni Leigh ang bag nya sa gilid nya saka may inilabas syang isang maliit na termost. Binuksan nya ito at sinalinan ang takip pag kuway iniabot nya ito kay Jane. “Lemon Juice, gusto mo? Favorite ko yan.”nakangiting yaya nya dito.




Saglit na napa-ngiti si Jane. Tinanggap nya ang Lemon Juice pero nag-aalangan syang inumin ito dahil hindi nya namang lubusang kilala ang lalaki. Napalingon sya dito ng marinig nyang natawa ito.




Wag ka mag-alala, wala namang lason yan.”ipinakita pa ni Leigh na uminom sya para makumbinsi si Jane. Sa huli ay ininum din yun ni Jane. Dahil nakaramdam na rin sya ng uhaw.




Salamat.”nahihiya pa nyang sabi. Ngumiti naman si Leigh. “Mahotsukai ka rin ba gaya nang mga taong sumunog sa Lavender Town?”pag-iiba ni Jane sa usapan.




Umiling si Leigh. “Mahotsukai ang tawag sa mga taong ipinanganak nang may Magical Power. Nananalantay na talaga sa dugo nila ang pagiging Mahotsukai. Pero ako, wala akong dugong Mahotsukai. Simpleng tao lang ako.”ngumiti ulit si Leigh.





Pero... pano mo nagawa yung kanina?”naguguluhang tanong ni Jane.




Pinag-aralan ko.”sagot ni Leigh. Pero nang mahalata nyang naguguluhan parin si Jane ay napilitan syang i-explain dito ang lahat. “Spell Learner ang tawag sa mga tulad kong wala namang Mahotsukai Blood pero nagagawang mag-cast ng mga indirect spells. Lahat kasi ng indirect spells ay pwedeng pag-aralan ng kung sino. Kung matatyaga lang sila.”



Magtatanong pa sana si Jane kaso biglang iniba ni Leigh ang usapan.




Teka, hindi mo pa sinasabi kung bakit ka hinahabol ng mga Mahotsukai kanina.”tanong ni Leigh nang maalala nyang hindi pa pala ni Jane naiku-kwento ang tungkol doon.




Napayuko si Jane, kung kanina ay nawala na ang takot sa mukha nito ngayon ay unti unti nanaman itong lumalabas. Hindi ito nag-salita, nahalata naman ni Leigh na mukhang ayaw sabihin ni Jane ang tunay na dahilan kaya naman mas minabuti nya na lang na wag na pilitin pa si Jane.



Ayos lang kahit di mo na sabihin. Naiintindihan kita.”saka ngumiti si Leigh. Natuwa naman si Jane kaya napangiti na rin sya.




Ahh... Kuya Leigh? San tayo pupunta ngayon?”




Sa Mmart'Veli, ang pinaka-malaking bansa dito sa White Sea. May kakilala akong kaibigan dun na pwede mong matirahan, since wala ka na rin namang babalikan pa sa Lavender Town. Tsaka delikado kung babalik ka pa dun. Wag ka mag-alala, mabait naman yung kaibigan ko na yun. Kailangan ko rin ng bagong barko, kasama kasing sinunod ng mga Mahotsukai na yun yung barko ko.”




Bakit kailangan mo nang barko? Isa ka bang pirata?”tanong ni Jane.




Ngumiti si Leigh at iniangat nya ang panginin sa mga nagni-ning ning na bituin. “Gusto ko kasing bumalik sa home town ko.”










-------------

Kai's P.O.V
At Humming Town
South White Sea

------------

FINALLY, naikarga na namin lahat ng pwede naming ikarga sa barko. Nasabi na rin ni Johnny samin ang Do's and Don'ts sa dagat. At ngayon nga, ready na kami para harapin ang kung ano mang adventure na naghihintay samin papuntang Grand Terrain.




Okay na ba lahat? Baka may nakalimutan pa kayo.”paninigurado ni Johnny.




Ngumiti ako, “Okay na lahat. Salamat talaga sayo. Kung hindi dahil sa tulong mo hindi ko na alam kung pano pa kami makakarating sa Grand Terrain.”




Wag mo na isipin yun. Ang mahalaga ngayon ay makarating ka sa Grand Terrain at mabawi ang Kingdom na ninakaw sayo.”tumango ako sa sinabi nya.




Prinsesa! Okay na lahat! Pwede na tayong umalis anytime!”tawag naman ni Sky na ngayon ay kasama na ni Loui sa itaas ng barko.




Nilingon ko sila bago ako sumagot. “Sige!” tapos tiningnan ko ulit si Johnny. Nginitian ko sya for the last time saka ko tuluyang umakyat ng barko.




Rank Lorditch... humanda ka sa susunod nating pagkikita. Dahil... nasisigurado kong tatalunin kita at babawiin ko sayo ang Grand Terrain!




Ma,ma Prinsesa, hinihintay lang namin ang utos mo.”sabi ni Loui. Tiningnan ko sila, ilang segudo muna akong hindi nag-salita. Ninamnam ko muna yung feeling na finally ito na ang moment na matagal kong hinintay. Tapos nun saka ako nag-bigay ng command.



Spread the sail!”utos ko.



Okay!”excited namang sigaw ni Sky at tinanggal na nga nya yung pagkakatali sa sail.




Set sail!”utos ko ulit. And this time mas naging excited kami kahit na tatalo lang kaming nasa barko. Ilang saglit lang unti unti nang umandar ang barko.




Sa ngayon hindi ko ma-explain yung excitement na nararamdaman ko. Excited ako sa mga makakaharap namin habang nag-lalayag kami papuntang Grand Terrain. Ano ano kaya ang pwedeng mabago samin? Hindi ko alam, pero ang nakaka-sigirado akong makakatulong ang adventure na 'to para mas mapalakas ko ang sarili ko at matalo si Rank.





Princess! Nag-handa ako ng sake! Uminom tayo! I-celebrate natin ang moment na 'to!”inabutan ako ni Sky ng isang mug ng sake at ganun din naman kay Loui. “Wala ka bang sasabihin, Princess Kai?”nakangiting tanong ni Sky.





Sa totoo lang wala na akong masabi pa. Pero dahil magche-cheers kaming tatlo napilitan na lang ako mag-speach.





Para sa ilang taong tiniis natin para lang sa moment na 'to. Cheers!”nag-kabungguan na ang mga mug namin sabay inom ng sake na para bang wala nang bukas. Kumain din kami ng napakarami. Ramdam ko yung saya kahit na ba kaming tatlo lang ang nan doon ngayon.




Teka! Prinsesa! Ano naman ang ipapangalan natin sa barko?”




Hmmm... tama si Sky. Ano nga naman ang ipapangalan namin sa barko namin?




May naisip ako! Pinky?”sabi nya. Umiling ako.




Johnny?” Mas lalo ako napailing. Alam kong si Johnny ang gumawa ng barko pero hindi bagay ipangalan sa kanya ang barko!





Oceana? Dagat? Shark? Dugong?”




Sky!”putol ko sa pag-bibigay nya ng pangalan. Hindi ako natutuwa dahil hindi naman maganda ang mga naiisip nya.





Bakit Prinsesa? Wala ka bang nagustuhan sa mga naiisip kong pangalan?”inosente nyang tanong




Wala! Dahil wala kang naming sense!”




Mukha namang maganda yung mga naiisip ko eh.”



Para sayo Sky... para sayo. “Conqueror.”bigla kong sabi.




Hu?”sagot naman ni Sky.




Conqueror, yun ang ipapangalan natin sa barko na 'to. Because he will gonna conquer the world.”




Mukhang nagustuhan naman ni Sky ang ipinangalan ko sa barko dahil abot hanggang tenga ang ngiti nya ng marinig nya ang pangalang Conqueror.




Princess! The best ka talaga mag-pangalan! Kaya gustong gusto ko ang pangalan ko eh!”




Natuwa naman ako sa sinabi ni Sky. First time ko kasing marinig sa kanya yun sa loob ng thirteen years kong pag-aalaga sa kanya. Nginitian ko na lang sya.




Pero sabay kaming nagulat nang biglang umalog ng malakas yung barko na para bang may malaking kung anong bumangga samin. Sa lakas ay napaupo ako sa lapag at napakapit naman si Sky sa gilid ng barko.




Prinsesa! Okay lang ba kayo?!”alalang tanong ni Sky. Napahawak ako sa pwet ko habang inaalalayan ako ni Sky makatayo. “Loui! Anong problema?”tawag nya kay Loui, dahil si Loui ang incharge na maging navigator ngayon.





Ma, ma, Sky. Hindi ko alam pero parang may bumangga sa atin!”sagot naman ni Loui. Sabay ulit kaming nagulat ni Sky.




Bumangga?”patanong na ulit ko sa sarili. Habang si Sky naman ay patakbong lumapit sa gilid para tingnan kung may bumangga nga ba talaga samin.




Wala naman---”




Hindi na ko nakagalaw ng may bigla na lang malaking octopus na lumitaw sa harapan namin. Walang wala yung barko namin sa laki nung octopus. Mukhang galit na galit sya sa hindi ko malamang dahilan.





Loui! Iliko mo ang barko! Kailangan nating makaalis dito kung hindi sisirain nya barko natin!”utos ko kay Loui nang matauhan ako.




Hindi pwede 'to! Sa oras na hampasin nya kami ng malalaking tentacles nya siguradong katapusan na namin! Kailangan ko lang ipalayo ang barko bago namin sugurin ang higanteng octopus na 'to!




Nag-uumpisa nang lumiko ang barko. Pero bago pa kami maka-layo iniangat na nya yung isang tentacles nya para hampasin kami. Hindi ako agad naka-react. Akala ko katapusan na namin, buti na lang nan dyan si Sky.




Abscissu!”hinati ni Sky gamit yung spada nya yung tentacles ng octopus at bumagsak sa barko namin ang kalahati nun. “Ayos! May pag-kain na tayo mamaya!”




Tingnan mo 'tong si Sky! Nasa gitna kami ng panganib, nakuha pang mag-isip ng kakainin nya para mamaya!




Napalingon ulit ako sa higanteng octopus, mukhang mas lalo pa ata syang nagalit dahil sa ginawa ni Sky. Iniangat nya ulit yung tentacles nya. This time dalawa na. Hindi na kakayanin ni Sky ang dalawang magka-sabay na sugod ng octopus kaya naman naka-isip na kong spell.




Glacies CrystalLUm!”sa isang wave ng kamay ko ay nag-yelo yung higanteng octopus.




Wew! Kala ko katapusan na natin.”narinig kong napabuntong hininga si Sky. Kinamusta ko rin si Loui, baka kasi inatake na nang high blood yun pero okay pa naman sya habang minamaneho nya yung barko.




Sa mga oras na yun, lalong nag-sink in sa isip ko na hindi talaga biro ang plano naming mag-layag sa gitna nang dagat. Hindi pa nga kami nakakalayo sa teretoryo ng Humming Island at hindi pa kami nakakalabas ng White Sea higanteng octopus na agad ang sumalubong samin. Pano pa kaya pag nakarating na kaming Brown, Red at Black Sea?




Tama si Johnny, hindi dapat kami mag-pabaya kung gusto naming makarating sa pupuntahan namin.





----------



----------
End of Chapter Four: Off to the Sea
----------
... to be continued
----------






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^