Chapter Five: The King Pirates
-----------
Author's P.O.V
South East White Sea
At King Pirates Ship
----------------
ABOT hanggang tenga ang ngiti ni Juvan King habang may ini-imagine itong isang bagay na hawak hawak sa kanyang mga kamay.
“Mga ginto! Maraming ginto!”sabi nya saka sya tumawa ng malakas. “Ilang saglit na lang at mahahawakan na kita!”
Hinawi nya ng tingin ang batang nasa edad anin na nakatali ang mga kamay at paa, habang ang labi namang nito ay may naka-salpang na makapal na tela kaya naman hindi ito maka-pagsalita kahit gustuhin nito.
“Nang dahil sayo! Nang dahil sayo! Matatamasa ko rin ang yaman na tanging ang may mga walang hiyang Royal Blood lang ang meron! Ginto! Yaman! Mapapasaakin yun lahat sa isang iglap!”at sinundan nya ulit ito ng napakalutong na tawa.
Tinititigan lang sya ng masama ng bata. Sa halip na takot, galit ang makikita sa mukha nito. Na kung pakakawalan ito mula sa pagkaka-tali ay siguradong susugurin nito si Juvan.
“Captain! Captain! May barko! Nasa three o'clock ang direksyon!”napalingon si Juvan sa lalaking nag-sisigaw sa tapat ng pinto. “Mukhang hindi pirata dahil wala naman syang Jolly Roger!”pahabol pa ng crew nya.
Sumilay ang devil smile sa mukha ni Juvan. Lumabas sya ng cabin para alamin ang ni-report ng crew nya. Lumapit sya sa isang piratang may hawak ng telescope at inagaw nya itong bigla para sya naman ang sumilip doon.
“Hmm... muhang hindi pipityugin ang barko nila.”natawa sya. “Lapitan nyo! Baka may naka-sakay dun na pwede rin nating i-swap! Bilis!”utos ng kapitan na madali namang sinunod ng lahat.
“Aye! Captain!”
----------------
Kai's P.O.V
At South East White Sea
---------
TATLONG araw na kaming nagpapalutang lutang sa dagat pero ni isang isla wala parin kaming makita. Sabi ni Sky napasok na namin ang teritoryo ng South East White Sea. Yun kasi ang pinili namin kasi sabi ni Johnny mas marami daw island na pwedeng madaanan.
Pero parang ayaw ko na maniwala dahil ni katiting wala akong makita. Hindi ko alam kung tama ba ko nang narinig nun o nabingi lang ako at sa South West White Sea pala ang maraming islands.
“Princess! Niluto ko na yung huling galamay ng octopus! Gumawa ako ng takuyaki!”
Octopus nanaman! Simula nung araw na makalaban namin yung higanteng octopus hanggang ngayon, yung galamay nyang pinutol ni Sky ang kinakain namin. Pero ang ipinagtataka ko, pano natuto mag-luto si Sky?
Hindi ko naman sya tinuruan, dahil hindi naman ako marunong. Hello?! Prinsesa kaya ako! Kaya meron akong mga taong mag-luluto ng pag-kain ko. Kaya nga nag-tataka talaga ko bakit marunong si Sky.
“Hoy! Sky! Sigurado ka bang hindi ka gumagamit ng Magic para mag-luto? Pano ka natuto?”pag-hihinala ko sa kanya.
“Prinsesa, ang taong may tiwala sa kakayanan nyang magluto di na kinakailangan pa ng kahit anong spell o magic.”inilapag nya sa harapan ko yung takuyaki na ginawa nya bago sya nag-patuloy sa drama nya. “Ang taong marunong, nagtatanong, nag-babasa, nago-obserba.”parang nainis ako sa sinabi nya.
“Parang gusto mong sabihing engot ako dahil hindi ako matanong, hindi mahilig mag-basa, at hindi mapag-obserba!”
Natawa si Sky, “Hindi naman sa ganun Prinsesa, pero... parang... ganun na rin.”talaga naman! Nakuha pa kong tawanan!
“Baliw kang Agila ka!”hahampasin ko sana sya kaso bigla syang nag-transform into eagle at lumipad sya paitaas. “Hoy! Bumalik ka nga dito! Kakatayin na talaga kita eh!”
“Ma, ma, Prinsesa! Merong paparating na barko!”napalingon ako kay Loui nang marinig ko yun. Mabilis akong tumakbo sa direksyon nya habang si Sky naman ay bumaba sa pag-kakalipad at nag-transform ulit sa pagiging tao.
Kinuha ko ang telescope sa tabi ni Loui para alamin kung anong klaseng barko ang papalapit samin. Kinabahan ako nang may makita akong Jolly roger ng isang pirata.
“Pirata!”sabi ko sa kanila.
“Wow! Talaga! First time kong makakita ng Pirata~!”parang gusto kong batukan si Sky dahil sa pagiging excited nya. Napaka-inoseteng agila talaga! Hindi nya alam na lahat ng pirata kalaban ng mundo! Lalo na ng mga tulad kong may Royal Blood!
“Loui! Iliko mo ang barko! Kailangan nating makaalis dito sa lalong madaling panahon!”halata sa boses ko ang urgency.
Pero di pa man kami nakakaliko, ay nag-paulan na agad sila ng kanyon! Mabuti na lang at sa dagat tumama hindi sa barko namin, kundi lasug lasug kami ngayon. Nag-paulan pa ulit sila ng isa, at sasakto na talaga yun sa amin.
Tumalon ako sa gutter ng barko, at patalon ko ring sinipa palayo sa amin ang bala ng kanyon. Tumalsik ito sa tubig at doon ito sumabog.
“Loui! Bilisan mo!”sigaw ko sa kanya. Nag-pakawala pa ulit sila ng isa pang bala ng kanyon at this time si Sky naman ang sumalo.
“Ridurre Fortemente!”sabi nya bago nya hatiin sa apat ang bala ng kanyon at isa isa itong bumagsak sa tubig.
“Mga sira ulo! Ano bang problema nila!”galit kong sigaw. Hindi na kami makatakas dahil sa sunod sunod nilang pag-atake. Hangganga sa makalapit na nga sila sa amin. Sinadya siguro nilang paulanan kami ng bala ng kanyon para hindi kami maka-takas at makalapit sila.
Sa pag-lapit ng barko may narinig akong malakas na tawa. Yung tawa na pang kontrabida, na nakakainis, nakakarindi sa tenga!
“Hindi ko inaasahan na Mahotsukai pala ang sakay ng napakagandang barko na ito.”
Bumungad samin ang isang lalaking mga nasa edad twenty six pataas. Naka-suot sya ng puting pants na parang kay Aladdin, naka-sandals lang sya at wala syang ibang suot sa katawan nya kundi yung kapa nyang pang pirata. Maninipis na wet look ang wavey nyang buhok. Hindi ko maiwasang maalala si Joker sa Dark Knight nang makita ko sya.
“Hindi na ko mag-tataka na pangit ang nakasakay sa napakapangit na barko na 'to.”balik sagot ko sa kanya.
Nakita kong namula agad sya sa galit at nag-kuyom ang mga palad nya. “Anong sabi mo!? Napakalakas ng loob mong sabihin sa harapan ng future Hari ng mga Pirata! Ako si Juvan King! Ang kapitan ng King Pirates!”
Hindi ko pinansin ang sinabi nya, wala akong pake kung sino pa sya. Iniba ko yung usapan para matapos na 'tong kalokohan na 'to. “Ano ba kailangan nyo?! Kung mga gold lang at pera, wala kami nun!”deretsahang sabi ko.
“Wag mong binabaliwa ang sinasabi ko! Babae ka!”nahinto ang usapan namin ng may lumapit sa kanyang isa sa mga tauhan nya at bumulong. Pagkatapos ng bulong na yun, biglang nag-bago yung expression ng mukha nya. Nakaka-inis! Para syang abnormal na nagpapakalat kalat sa gitna ng dagat! “Hmm... totoo ba yang sinasabi mo?”
“Kung wala ka nang kailangan, mauna na kami! Nag-mamadali kasi kami!”sabi ko pero parang walang narinig ang baliw. Tumawa lang sya, tapos nag-salita sya ulit.
“Yan ay kung hahayaan kitang makaalis Princess of Grand Terrain.”tumawa sya ng malakas, habang ako, si Loui at Sky ay nagulat sa sinabi nya. Pano nya naman nalaman ang pag-katao ko? Chismosong mga crewmates! “Sugurin sila! At wag nyo kalilimutang kuhain ang Prinsesa!”utos nya sa mga tauhan nya.
“Ma, ma, Prinsesa! May balak silang kuhain ka! Anong gagawin natin?”natatarantang tanong ni Loui. Napa-ngisi ako. This is the first time na nakaramdam ako ng confindence na kaya naming talunin ni Sky ang mga baliw na 'to na kami lang dalawa.
“Subukan lang nila. Sisiguraduhin kong hinding hindi nila maididikit kahit dulo ng mga daliri nila sa porselana kong katawan! Sky!”automatic namang naintindihan ni Sky ang ibig kong sabihin nang tawagin ko ang pangalan nya.
“Roger! Princess!”nag-transform si Sky into eagle again at lumipad sya sa mga papasugod na pirata. Nang malapit na sya ay nag-transform syang tao at excited nyang sinugod ang mga ito. “Magnum Icirumflex!”may isang malaking ilaw na lumabas ng i-wave ni Sky yung spada nya sa mga pirata at nag-talsikan ang mga ito na para bang mga dummy.
“Ayos! Good job! Sky!”puri ko kay Sky. Nangi-ngiti namang napahawak si Sky sa ulo nya nang mag-landing sya sa gutter ng barko namin.
Napatalon naman ako sa kanan nang may isang pirata na lumapit sakin para tagain ako ng spada nya. Inulit nya pa yung pag-atake, pero mabilis ko rin naiwasan. Pasipa kong pinatid ang mga paa nya kaya naman natumba sya at nabitawan nya ang spada nya. Napangiti ako nang biglang lumapit si Loui na may dalag dos por dos at hinampas nya sa ulo ang pirata.
“Thanks Loui!”sabi ko.
“Ma, Walang ano man Prinsesa, gusto ko rin namang makatulong kahit na paano.”
“Hindi mo na kailangan. Kaya na namin 'to ni Sky.”at isa pa matanda na rin sya para dito.
“Waaaaahhh!”napalingon ako sa likuran ko nang may isang pirata na sumisigaw pasugod samin. Tumayo ako at inihanda ko ang sarili ko sa pag-sugod. “Loui! Pumunta ka sa ligtas na lugar.”sumunod naman agad sya sa utos ko.
Patakbo ko ring sinugod ang pirata, inihanda ko ang kamao ko dahil yun lang naman ang weapon ko. Kaya nga inaral ko rin yung mga spells na aakma sa pagiging non-weapon user ko.
“Glothia Mettalou!”tumigas na parang bakal ang kamay ko at sinalubong ko ng kamao ko ang mukha ng pirata. Sa lakas ng pwersang tumama sa kanya ay napatalsik sya papalayo. Papunta sa pangit nilang barko hangganga tamaan nya ang pag-mumukha ng pangit nyang captain.
“Woohoo!! Bulls eye! Witwiw~!”parang faney na nagchi-cheer sakin si Sky.
“Captain!!!”halos sabay sabay na sigaw ng mga crewmates nya.
“Sira ulo kang babae ka! Humanda ka sakin!”nang-gagalaiti naman akong sinugod nang lalaking may malaking axe. Masyado syang mabilis kaya hindi agad ako maka-bwelo ng spell. Iniilagan ko lang lahat ng hampas nya. Tumbling, back flip, cartwheel lahat na ng klase ng tumbling ginawa ko maiwasan lang yung mabilis na pag-atake ng lalaki.
Hanggang sa finally! Naka-bwelo din ako. “Feuer Faust!”banggit ko sa paborito kong the moves! Dahil nag-aapoy ang fist ko. Feeling ko pag gamit ko yung spell na yun wala nang makakatalo pa sakin.
Sinalubong ko ng kamao ko yung axe ng lalaki. Pero imbes na ako ang maapektuhan, ang axe nya ang unti unting nag-kalamat hanggang sa bigla na lang itong nabasag at nagka-pira piraso na parang salamin. Nag-dire-diretso ang kamao ko sa tyan ng lalaki at napatalsik ko sya sa malayo.
“Wooo! Grabe! Princess! Di ko inaasahan na lumakas ka na! Mas malakas pa sa dati! Congratulations!!!”heto nanaman si Sky, puma-fan boy nanaman. Nilingon ko sya at kinindatan.
“Tapusin na natin 'to ng makaalis na tayo!”utos ko sa kanya.
“Aye! Captain!”
“Prinsesa ako Sky! Hindi captain ng barko!”sira ulo talaga!
“Aye! Princess!”yan.. buti naman inulit mo.
Isa isa naming tinalo ang mga pirata, pero akala namin tapos na. Nagulat na lang kami ng may mabilis na lumipad sa gawi ko. Saka ko lang naaninag kung sino sya ng inches na lang ang pagkaka-lapit ng mukha naming dalawa.
Yung abnormal na captain!
Sigaw ko sa isip ko. Nang-laki ang mga mata ko ng may bigla syang nag-cast ng spell sa harapan ko. “Fluctus Ictum!”
Isa syang Mahotsukai! Sigaw ko ulit sa isip ko. Hindi na ko nakagalaw sa atake nya dahil nabigla ako.
Tinamaan ako sa simura ng spell dahil dun nakatutok ang mga kamay nya. Sa lakas ng pwersa halos mailuwa ko na yung laman loob ko. Tumalsik ako at bumangga sa ding ding ng barko. Nagiba ito at naitulak ako paibaba sa dagat. Naramdaman kong may tumulong dugo sa labi ko.
Nang-lalabo yung paningin ko. Nangi-nginig yung kalamnan ko sa atakeng yun. Ramdam ko parin yung sakit sa sikmura ko kahit na dahan dahan na kong lumulubog sa ilalim ng dagat. Unti unti na ring nawawala yung vision ko.
This is not the end... yun na lang ang huling nasabi ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
-------------------
End of Chapter Five: The King Pirates
... to be continued
------------
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^