Thursday, July 24, 2014

Psycho's Love Interest : Chapter 17

CHAPTER 17


“Bigtime pala ‘tong na-preso natin.”



“Hindi ko alam na magkakilala pala sila.”



“Siya pala ang bagong girlfriend niya.”



“Hindi niya ako girlfriend, noh!” Pagtatatama ni Richelle sa mga student police na nag-uusap tungkol sa taong dumating para pagpyansahan siya. Kung ma-chismisan, akala mo ay wala yung taong pinagchi-chismisan nila. “Mag-bestfriend lang kami ni Shane.”



Nagulantang kasi ang lahat ng organizers ng jail booth dahil sa pagdating ni Shane Venavidez.



“Ano bang kaso nitong kaibigan ko?” Tanong ni Shane sa nagsisilbing chief ng jail booth. Hindi mawari sa itsura at sa boses ng binata kung nababadtrip o natatawa ba ito sa pagkakahuli ni Richelle.



“May nagreklamo sa kanya dahil sa pagtambay niya ng mag-isa.”



“At sino yung nagreklamo sa kanya?”



“Shane, alam mo naman na ang patakaran ng jail booth tuwing foundation week, di ba? Isa sa pinaka-mabilis na paraan para makakuha kami ng funds ay yung mga estudyanteng nagbabayad saamin para manghuli ng ibang estudyante kaya confidential ang identity nila. Isa pa, this is just a friendly prank! Yung funds naman namin ay napupunta for a good cause."



Nagulat si Richelle sa narinig niya. Kung ganun pala ay hindi talaga yung simpleng pagtambay niya sa lilim ng puno ang dahilan kung bakit siya hinuli. May taong nagbayad para ipahuli siya! At kahit pa for a good cause ang pagbabayad para ipahuli siya, palaisipan kung sino yun at kung bakit siya pa ang pinahuli.



“Tsk! Magkano yung binayad sainyo para huliin si Iche?”



“2,500.”



“Ano! Ibig sabihin, limang libo ang pyansa niya!”



“Ganun na nga! Kailangan mong doblehin yung binayad nung nagpahuli para palayain ang kaibigan mo.”



“And you still call this a friendly prank? May nagbayad talaga ng ganun kalaki para magpahuli ng iba.”



“It’s for a good cause, Shane. Three years ka na rito sa NEU. And you know this is our tradition! Wala naman sanang pikunan.”



Matinding self-control na lang ang nagpipigil kay Shane para hindi magwala. Napatingin ito kay Richelle at saka nagtanong, “May matinding atraso ka ba sa isa sa mga kaklase mo o kakilala rito sa university? Ang tindi ng galit niya sayo ah. Nagbayad talaga ng ganun kalaki para ipahuli ka.”



Napakibit-balikat naman si Richelle, “Malay ko kung sino yun, Shane.” Nakasimangot na sagot niya.



“Ano na, Shane? Pagpapyansahan mo ba ang kaibigan mo? Kapag hindi mo siya tinulungan, mamayang gabi pa siya palalabasin.”



“Wala akong pera.” Direchong sagot ni Shane. “Yung challenges na lang yung gagawin ko.”



Inilabas na ng isa sa mga student police ang list of challenges na mapagpipiliang gawin ni Shane. Binabasa pa lang ito ng binata, pakunot na ng pakunot ang noo nito.



Ilang sandali pa, nakakita na ito ng isang challenge na tingin niya ay kayang-kaya—at mag-eenjoy pa siyang gawin. “Maglaro ng basketball at mag-shoot hanggang sa makagawa ng 300 points.”



= = = = =



Isang malaking event talaga kapag nagpapagawa ng mga challenges ang mga taga-jail booth sa mga estudyante ng NEU. Pero mas lumaki pa ito dahil sa unang pagkakataon, si Shane Venavidez ang gagawa ng challenge.



Nagtipon ang lahat sa school gym. Mabilis na kumalat ang balita lalo na sa mga kababaihang fans ni Shane ang tungkol sa challenge niyang makagawa ng 300 points sa basketball para lang tulungang makalaya ang isang nabilanggo sa jail booth nila.



Kasama ring manonood si Richelle—hindi niya lang matanggap ang ayos niya. Pinasuot kasi siya ng orange na t-shirt na may letrang P sa likod. Gayang-gaya talaga sa mga totoong preso at with matching posas pa sa mga kamay niya habang binabantayan siya ng dalawang student police.



“Wala na bang mas io-OA ‘to?” Side-comment niya na siya lang rin ang nakarinig dahil mas nangingibabaw ang sabik na tilian ng mga kababaihan sa buong paligid.



Nahihiya siya at nagugulat sa matinding komosyon na nagaganap. Alam niyang sikat si Shane, hindi niya lang inexpect na ganun pala ito kasikat.



“Swerte naman niya! Gagawin ni Shane yun para sa kanya!”



“Mag-bestfriend lang naman daw sila, diba? Pero daig pa ang girlfriend kung ituring siya ni Shane.”



“Nakakainggit siya na nakakainis.”



Ilan lamang yun sa mga parinig ng mga babaeng fans. May mangilan-ngilan na kinikilig sa handang gawin ni Shane. Ngunit karamihan ay naiingit dahil gagawin yun ni Shane para sa kanya.



Lumabas na si Shane mula sa shower room ng mga lalaki. Dahil walang dalang jersey uniform kaya simpleng itim na sando lang ang suot nito. Ngunit dahil din doon, parang mas lumalakas pa ang dating ng binata. Mas lalong nagtilian ang mga kababaihan ngunit sanay na si Shane ganung atensyon. Hindi niya pinansin ang mga ito at nagwarm-up na.



Matapos ang warm-up, lumapit pa muna ito kay Richelle, “Wow! You look good in orange.”



“Sige! Mang-asar ka pa, Shane!” Asar na umirap si Richelle. “Sigurado ka ba sa gagawin mo?”



“Alangan namang pabayaan kita sa jail booth, diba? Ako nang bahala, Iche. Sisiw lang ‘to. Isang daang beses lang na 3 point-shots ang kailangan kong gawin!”



“Sabi mo eh. Galingan mo ah. Good luck!”



Nagsimula na ngang mag-shoot ng bola si Shane. At nagsimula na ring mabingi ang mga tenga ng taong nasa loob ng gym. Tahimik namang nanood lang si Richelle. Hindi siya sanay na makitang halos sambahin na ng lahat ang bestfriend niya.



Habang nagaganap ito, bigla namang kinalabit ng isa sa mga nagbabantay student police si Richelle. “Talaga bang hindi ka girlfriend ni Shane?” Tanong nito.



“Hindi… bakit?”



“Hindi ka niya niligawan?”



“Bakit niya ako liligawan? Parang kuya ko na siya.”



“Pffft—” Natawa yung student police pero pinigilan niya lang. “Sorry.”



“Bakit? Ano bang nakakatawa?”



“Wala… wala naman. Hindi lang ako makapaniwala kay Shane.” Saka ito umiling-iling habang pinipigilan pa rin ang sarili sa pagtawa.



Napailing na lang din si Richelle. Tinignan niya yung score board ni Shane at nakaka-thirty-three points na agad ito.



“Maiba pala ako…” Muli siyang kinausap ng student police . “Kung hindi kayo ni Shane, may ibang boyfriend ka ba? O manliligaw?”



“At bakit mo tinatanong?”



“Curious lang! Siguro naman hindi ka binabawalan ni Shane na—”



Hindi na nito natuloy pa ang sinasabi dahil tinamaan siya ng bola ng basketball sa mukha, dahilan para bumagsak siya sa kinauupuan niya.



“Oh my God! Okay ka lang?”



“Okay… okay lang—”



“Dumudugo ilong mo!”



Patakbo namang lumapit sa kanila ang may sala. “Oops! Sorry, dumulas sa kamay ko.” Palusot ni Shane pero parang hindi talaga siya sorry sa nangyari.



“Ayos lang nga ako… konting dugo lang ‘to.”



“Dude, you need to go to the clinic.”



Dinala na nga yung kawawang student police para mapatignan sa clinic. Bago naman ituloy ni Shane ang challenge na kailangan niyang tapusin, “Iche, pwede bang imbes na makipag-close ka sa mga taong humuli sayo kanina, ipag-cheer mo na lang ako. Para sayo ‘tong ginagawa ko diba? Para ganahan naman ako.”



Saka ito patakbong bumalik na sa gitna ng court. At parang bang walang nangyari, ipinagpatuloy nito ang pagshu-shoot ng bola.



= = = = =



“Congrats! Malaya ka na!” Pagbati ng mga taga-jail booth kay Richelle. Natapos ni Shane ang challenge at ngayon ay malaya na nga siya. Pinahubad na sa kanya yung orange t-shirt at ibinalik ang mga gamit na kinumpiska sa kanya.



Wala namang pagsidlan ang saya ng mga fans ni Shane na halatang pagod na pagod at hingal-aso na dahil sa sakripisyong ginawa. Nagsilapitan ang mga babaeng estudyante bitbit ang iba’t ibang inumin at umaasa na isa sa mga dala nila ang tatanggapin ng binata.



Ngunit gaya lang kanina, parang ‘di pansin ni Shane ang presensya nila. Agad itong lumapit kay Richelle at umakbay pa rito.



“Eww Shane! Basang-basa ka pa sa pawis!” Nandidiring reklamo ni Richelle dahil sa pag-akbay sa kanya ng pawisan na kaibigan.



“Ganyan ka ba magpasalamat sa taong tumulong sayo para makalaya ka?”



Gamit ang sariling panyo ni Richelle ay pinunasan niya ang tumutulong pawis sa mukha ni Shane. “Salamat.”



“Siguro naman, makakauwi na tayo.”



“Oo naman. Mauna ka na sa sasakyan mo, bibili lang ako ng maiinom mo.”



Patakbong umalis si Richelle papunta sa mga booths na nagbibenta ng inumin. Bumili siya ng dalawang flavor ng fruit shake at isang bote ng mineral water para may mapagpilian si Shane. Iniisip niya na kahit sa ganitong paraan man lang siya makabawi sa ginawa ng bestfriend niya.



Matapos bumili ay madali na rin siyang nagpunta sa carpark. Ngunit natigil siya sa kalagitnaan ng pagtakbo nang masalubong niya si Zenn.



“You totally forgot about me.” Sabi nito na may blankong expression sa mukha. May hawak itong inumin na halatang hindi na malamig.



“Zenn… Zenn, I’m sorry. Nahuli kasi ako ng taga-jail booth—”



“I know. At sa ikalawang pagkakataon, siya pa rin ang tinawag mo.”



“Magpapaliwanag ako.”



“Hindi na kailangan. Naiintindihan ko naman. Shane is so important to you, just as how you’re so important for him.” Sambit ni Zenn at hindi pa rin inaalis ang tingin niya. Mas nahahalata na ngayon ang lungkot sa mga mata niya, bagay na para bang nagpabigat din sa pakiramdam ni Richelle.



Nang magsimula itong maglakad palayo, saka pa lang gumawa ng paraan si Richelle na pigilan siya. “I know people always get this wrong idea about me and Shane. But believe me, Zenn. Magkaibigan lang kami.”



“But you two love each other.”



“As a friend. Only as a friend!”



“For you, maybe. But what about him?” Mahinang tanong ni Zenn. “You love Shane because he’s your bestfriend. But he loves you not just a friend. He’s in love with you.”



“Hindi—”



“You already knew about it. But you choose to ignore it—forget it.” And just like that, umalis na si Zenn. Ni hindi man lang nito nakuhang lumingon pa.



End of Chapter 17






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^