Tama nga ang desisyon ni Richelle na bumili ng tatlong klase ng inumin para kay Shane. Bukod sa naubos ang mga ito, kinulang pa nga ang binata.
Ngunit sa kabila ng pagsi-celebrate ni Shane dahil nagawa niyang ang challenge na 300 points sa basketball, hindi naman maikubli ni Richelle ang pagkabagabag. “Shane, bakit sa tingin mo lagi nila tayong napagkakamalan?”
Panandaliang nalipat ang atensyon ni Shane kay Richelle ngunit ‘di nito inaalis ang paningin sa kalsada habang nagda-drive. “Napagkakamalan na ano?”
“Na couple. Na girlfriend mo tapos ikaw naman boyfriend ko. Bakit yun ang tingin nila saatin? Sadyang mapagbigay-malisya ba lahat ng mga tao?”
Napakibit-balikat ang binata, “Malay ko rin.”
“May mga ginagawa ba tayo na gawain ng mga couple kaya yun na rin yung tingin nila saatin? ”
“Hatid-sundo kita palagi, sabay tayo kung mag-lunch at palagi nila tayong nakikita na magkasama—na sweet?”
“Natural lang naman yun sa mag-bestfriend, diba?”
“Pero gawain rin kasi yun ng mag-syota.” Paliwanag ni Shane. “Ewan ko na lang kapag nalaman pa nila na nagsasama tayo sa iisang apartment.”
Napatanaw na lamang sa labas ng bintana si Richelle habang patuloy pa rin sa pag-andar ang sasakyan. Isinandal niya ang ulo sa inuupuan at saka napabuntong-hininga. “Paano kaya natin ipapaliwanag sa kanila?”
“Ipapaliwanag? Bakit pa? They are not worth our time, Iche. Pabayaan mo na lang sila.”
Tinignan ni Richelle si Shane ngunit sa repleksyon lang ng salamin. Kahit ‘di niya sinasadya, hindi niya rin mapigilan na makaramdam ng pagkailang sa kaibigan. Hindi niya ito matignan ng direcho sa mga mata, lalo pa sa tuwing naaalala niya ang sinabi ni Zenn.
“You love Shane because he’s your bestfriend. But he loves you not just a friend. He’s in love with you.”
Hanggang ngayon ay hirap pa rin iyong paniwalaan ni Richelle. Tulad ng palagi niyang sinasabi, parang kuya na niya talaga si Shane. Sabay sila halos pinalaki ng mga magulang nila at bukod sa pagiging mag-best friend, protector pa niya ito. Inosente at totoo ang kanilang pagkakaibigan kaya hindi niya matanggap yung mga taong nagbibigay ng ibang kulay sa relasyon nila.
Nakarating na sila sa tapat ng Pleynas building nila. Tulad ng nakagawian, naunang bumaba si Richelle sa sasakyan at hinihintay na makababa si Shane upang sabay silang umakyat papunta sa apartment nila.
Ngunit kapapatay pa nga lang ni Shane sa makina ng sasakyan at hindi pa nga nakakababa, biglang nag-ring ang phone nito. “Hello? Who’s this?” Narinig ng binata ang boses ng nasa kabilang linya at nagbago bigla ang timpla ng mukha nito. “You…? How did you know my number?”
“Uy Shane! Sino ba yan?” Tanong ni Richelle.
Isang senyas naman na nagpapahintay lang ang itinugon ni Shane sa kanya, at ipinagpatuloy nito ang pakikipag-usap sa cellphone. “I don’t owe you any explanation. Wala ka na dapat pakialam dun.”
Napairap na lamang si Richelle. Wala siyang ideya kung sino yung kausap ng kaibigan ngunit wala rin naman siyang interes na malaman kung sino iyon. Ang gusto niya lang ay ang makapasok na sa apartment nila at makapag-relax.
Tumingala si Richelle upang tignan ang apartment nila, ngunit isang ‘di kaaya-ayang tanawin ang nakita niya. Si Darcie na nakatingin sa direksyon nila.
Nakapatong sa railings ang siko nito habang nakapahinga ang baba sa kanyang palad. Partikular na nakatitig ang dalaga kay Shane na para bang nagdi-daydream ito. Ilang sandali pa ay napansin niyang nakatingin sa kanya si Richelle at sa isang iglap ay tumalim ang ekspresyon ng mukha nito.
Hindi naman nagpatinag si Richelle. Nakipagtitigan talaga siya kay Darcie. Parehong ayaw magpatalo. Parehong naghihintayan kung sino ang unang masisindak.
“Iche, sorry for the wait.” Lumabas na si Shane sa sasakyan at tapos nang makipag-usap sa cellphone.
At nalingat nga lang sandali si Richelle, sa muli niyang pagtingala ay nakatalikod na si Darcie papasok sa sarili nitong apartment.
“Sinong tinitignan mo?”
“Yung chismosang si Darcie.”
“Darcie?”
“Carlo’s bitch girlfriend.” Naiinis na sagot ni Richelle. “Eh ikaw? Sino pala yung kausap mo?”
“Nothing. She’s just nothing.” Simpleng sagot naman sa kanya ni Shane. Parang bang balisa ito ngunit hindi lang pinapahalata.
= = = = =
Kinabukasan sa NEU. Ikalawang araw sa foundation week nila.
Nagkaroon ng normal na klase si Richelle sa dalawang pinaka-maagang klase niya. Pero yung mga sumunod na klase niya ay apektado na sa ingay ng mga ginaganap na activities sa school.
Dahil wala nang klase, pinili na lamang niyang tumambay na mag-isa sa study area. Walang ibang tao bukod sa mga iilang nagdaraan na estudyante na agad din namang nawawala dahil busy sila sa mga kani-kanyang gawain.
Kinuha niya sa bulsa ang cellphone niya, ipinatong ito sa lamesa at saka tinitigan. Wala man lang nagti-text sa kanya. Si Shane kasi, may kinailangang salihan na activity dahil ka-tropa raw nito ang organizer. Si Zenn naman, matapos ang pag-uusap nila kahapon ay hindi uli nagparamdam.
Hindi rin naman sumubok na maunang mag-message si Richelle tulad noong unang beses na nagkatampuhan sila. Naniniwala siya na sa pagkakataong ito, pareho nilang kailangan ng oras para makapag-isip.
Nagpasya na lamang siyang ipahinga ang ulo sa mga braso. Ngunit wala pa nga sigurong sampung segundo na naipipikit niya ang mga mata, may isang kamay na humablot sa braso niya, dahilan kaya halos matumba siya sa kinauupuan niya.
“Si—sino ka?” Galit na sigaw ni Richelle dala na rin ng pagkagulat. Pero nangibabaw rin agad ang takot dahil yung taong may gawa nun sa kanya ay isang lalaking may hawak na paintball marker o paintball gun. Nakatutok ito sa pagmumukha niya. “Student police ka ba? Taga-jail booth na naman? Huhuliin nyo na naman ba ako dahil sa pagtambay ko mag-isa rito?”
“You wish!” Sagot bigla ng isang babae na namumukhaan niya. Si Eunice na kaibigan ni Sherrie—na ex-girlfriend ni Shane. “Kaladkarin mo na yan, Henry. Kanina pa siya hinihintay ni Sherrie.”
Sapilitan nang isinama si Richelle sa pinamataas na floor ng building na kinaroroonan. Yun yung floor kung saan wala na ring nagagawing estudyante. Kahit ano pang sigaw o paghingi ng saklolo ang gawin niya, abala ang lahat kaya wala ring makakarinig.
Natanaw na ni Richelle si Sherrie na may kasama pang dalawang kaibigan na nasa likod nito. Parang sinusubukan pa ng mga ito pakalmahin si Sherrie. Nang tuluyan na silang makalapit, itinulak ni Henry si Richelle para masubsob sa sahig.
“Didn’t I warned you before that you should watch your back?” Matapang agad na bungad ni Sherrie. “Hindi ka pa natuto kahapon noong hinuli ka ng mga student police.”
“Ikaw ang nagpahuli saakin?”
“Yup! That’s me…” Pagyayabang ni Sherrie, but in an instant ay nagbago ang mukha nito at naging mala-bruha. “Pero nagawa mo pa ring isingit yang kalandian mo! Si Shane talaga yung pinagpyansa mo! Wow! Sabik na sabik kang sumikat noh? Malandi ka!”
“Ano bang problema mo? Eh diba matagal na kayong hiwalay ni Shane!”
“Naghiwalay kami dahil sayo!” Nagngingitngit na sambit nito. “Yung two years naming pagsasama, nawala dahil dumating ka!”
“Para lang malaman mo, higit pa sa two years ang pinagsamahan namin! Pero kahit ganun, wala akong kinalaman sa paghihiwalay niyo!”
“The hell I care!” Sigaw nito saka malakas na sinampal si Richelle.
Ito ang ipinangangamba ng ibang kaibigan ni Sherrie kaya nga nagsikapit ang mga ito para pigilan siya. “Sherrie, walang pisikilan, di ba? Kapag nalaman ‘to ng iba, maapektuhan hindi lang ikaw kundi ang buong squad.” Paalala ng isa sa kanila.
Ngunit agad din naman sinalungat ni Eunice. “Oh shut your mouth up! Hindi ito ang time para maduwag ka. Ang kaibigan natin ang naapi rito. Go, Sherrie. We got your back! Teach that bitch a lesson!” Sulsol pa nito.
Dahan-dahan pang lumapit si Sherrie kay Richelle. “Alam mo kung ano ang sabi saakin ni Shane kaya niya ako hiniwalayan? Dahil hindi mo raw yun magugustuhan! Dahil ayaw mong may kaagaw ka! Selfish ka! Ang kapal ng mukha mo! Magbestfriend lang kayo pero kung angkinin mo siya, parang sayo siya!”
Napanganga si Richelle sa mga narinig niya, “Wala akong sinasabing ganun kay Shane!” Pagtatanggol niya sa sarili. “Ni wala nga akong pakialam sa kung sino ang mga nakakarelasyon niya. Alam mo bang naikwento ka lang niya saakin noong nag-break na kayo bago nagsimula itong school year na ‘to!”
“Sinungaling!”
Walang balak si Sherrie na makinig at maniwala sa paliwanag na iyon ni Richelle. Si Eunice naman na patuloy sa pagsusulsol ay may inabot pa sa kanya na brown envelop. Kinuha ni Sherrie ang laman nun at yun ang ibinato sa pagmumukha ni Richelle.
Mga litrato ito na magkasama sina Richelle at Shane. Mga bagong kuha noong nagsimula silang magsama na sa iisang apartment.
“Paano mo ipapaliwanag yan?” Halata nang mas nagiging mas emosyonal ang boses ni Sherrie. “You’re a total bitch! Umaarte ka lang na inosente kay Shane para kaawaan ka niya at masolo mo siya. Anong paglalandi ang ginagawa mo para mapanatili mong sayo siya! Nagsasabay kayong maligo? Nagtatabi sa kama? Nagsi-sex!”
“Hindi namin ginagawa yun!” Naiyak na bulalas ni Richelle. Lumuha siya nang may halong galit dahil gusto niyang itama lahat ng mga ibinibintang sa kanya, pero hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sarili. At kung maipaliwanag man niya, alam niyang ‘di rin naman siya pakikinggan.
Tuluyan na rin namang nag-breakdown si Sherrie at nag-iiyak na lamang. At maswerte siya dahil may mga kaibigan siya na nasa tabi niya at pinapatahan siya. “Let’s go get some fresh air, Sherrie. Nasabi mo na lahat ng dapat sabihin.” At bago sila tuluyang umalis, matatalim na tingin na lamang ang naibigay nila kay Richelle.
Napako naman ang mga paa ni Richelle sa kinatatayuan niya. Nakaramdam siya ng awa kay Sherrie dahil ramdam niyang tunay nga ang pagmamahal nito para kay Shane. Kaya nga nagugulumihanan siya kung bakit nakipaghiwalay pa rin si Shane sa babaeng ito. Higit sa lahat, bakit siya ang ginamit na dahilan ni Shane para makipaghiwalay?
Buong akala ni Richelle na tapos na comprontasyon, ngunit pag-alis nina Sherrie at mga kaibigan nito, muling nagbalik si Eunice na may mas malala pa palang plano.
“You think this is over?” Boses pa lang ay nakakasindak na ang dating ni Eunice. “Since nasabi mong bestfriend mo lang si Shane, siguro naman maiintindihan mo kung bakit gagawin ko rin ‘to para sa bestfriend kong si Sherrie.”
May ibinigay na signal si Eunice kay Henry. Maya-maya pa, tinira siya nito gamit ang paintball marker. Bukod sa medyo masakit ang pagkakatama nito sa balat niya, nagkalat ang pulang pintura sa balat at damit niya.
“Ikaw nang bahala sa mang-aagaw na yan, Henry. Wag mong patatakasin hanggang sa matuto siya ng leksyon niya.” Nakangising utos ni Eunice at bago siya umalis para sundan na sina Sherrie, nagbanta pa muna ito. “And just so you know, my uncle is a police. Si Sherrie naman, dad niya ang may-ari ng NEU. While the rest, came from well-known families. So kung nagbabalak kang magsumbong… well just don’t do it. Ciao!”
Naiwan nang mag-isa si Richelle sa kamay ni Henry. Tinitira siya ni Henry ng paintball sa kung saan-saang parte ng katawan niya. Yung pulang pintura ay nag-animo’y dugo na kumakalat na sa buong paligid.
“Tama na! Masakit!” Habang nagmamakaawa siya ay tinatawanan lang siya ni Henry.
Naupong nakayuko si Richelle para iwasan yung mga balang paintball na itinitira sa kanya. Ngunit habang tumatagal ang pagtama nito sa balat niya ay mas humahapdi—mas lalong nanunuot ang sakit.
“Tulong… tulungan niyo ako…” Ipinikit na lamang niya ang mga mata niya para tiisin yung sakit. Ngunit umaasa siya na may darating para tulungan siya, “Shane…” Lumuluhang sinambit niya.
Walang anu-ano’y natigil din sa pagpapaputok ng paintball marker si Henry. “The fuck—”
Sinagot ang dasal ni Richelle dahil may dumating nga para tulungan siya. Isang lalaki ang sumuntok ng napakalakas sa pagmumukha ni Henry, dahilan para bumulagta ito sa sahig.
Hindi pa niya agad namukhaan ito dahil sa pulang pinturang tumutulo sa mukha niya. Ngunit nang mapunasan niya ito, bumulaga sa kanya ang eksenang binubugbog na si Henry. Ginugulpi ito ni Zenn.
End of Chapter 18
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^