Sunday, July 20, 2014

The King's Will: 01. Good News and Bad News

The King's Will
Chapter One:
Good News and Bad News

--------------------
Kai's P.O.V
Humming Town
At Ali's Restaurant
--------------------
LAHAT napatingin ng mabitawan ko ang hawak kong tray ng mga baso't plato na pinag-kainan ng customers. Nabitawan ko sya may humawak sa hita ko!
Ma, ma, Prinsesa Kai. Anong nangyari?”alalang singit ni Loui with his “ma, ma” expression. Hindi ako sumagot, dahil sa mga sandali na iyon pinipigilan ko ang sarili kong wag magalit. Pero nag-pintig ang tenga ko ng marinig kong tumawa ang lalaking humawak sa hita ko.
Mukhang nagustuhan nya pare!”sabi nya sa kasama nyang mukhang manyakis din gaya nya. Tumayo ang lalaki habang tumatawa. All eyes on us. Inakbayan nya ko na talaga namang lalong kina-kulo ng dugo ko. “Miss, pwede ka ba mamaya?”
And boom! Dun na sumabog pasenya ko!
Sinipa ko sya sa ilalim ng baba nya at tumalsik sya palabas ng Restaurant. Effective palang panipa 'tong red high heels ko. Narinig kong nag-sigawan na yung mga tao. Well, I don't care! Sinira ng manyakis na lalaking 'to ang mood ko, so dapat lang sirain ko rin mukha nya. Para fair, diba? *sabay hawi sa buhok.
Ma, ma, Prinsesa Kai. Huminahon po kayo.”here comes Loui with his “ma, ma” expression again. Tiningnan ko sya ng masama. Feel na feel kong nani-ningkit na mga mata ko dahil sa inis.
Kung ayaw mong ikaw ang pag-balingan ko, wag mo ko pigilan, Loui!!!”sabi ko sa kanya in a commanding way.
Pero Prinsesa Kai...”
Bago pa matapos ni Loui ang sasabihin nya nag-cast na ako ng spell, “Feuer Faust!”nagulat lahat including Loui ng mag-apoy ang kamay ko.
Napa-ngisi ako nang makita ko kung gano na katakot ang mukha ng manyakis na lalaki. Poor thing! Tinakbuhan na rin sya ng isa pa nyang kasamahang manyakis.
Ma---Mahotsukai...”nangi-nginig nyang sabi.
Bingo!”sagot ko naman with matching pa-cute.
Ma---maawa ka! Hi---hindi ko naman sinasadya... parang awa mo na! Wag mo ko patayin!”he pleaded.
Aww... ang sweet mo naman mag-makaawa. But sorry folk, you've messed with a wrong person!”sabi ko in a sweet voice, “Kaya naman... humanda ka! Dahil susunugin ko yang mukha mo!”
Tumalon ako papunta sa kanya, handa na kong sugurin ang pangit nyang mukha. Everyone is shouting including Loui. Pero natigilan ako nang may bigla na lang yumakap sa bewang ko.
Saka ko na lang nalaman kung sino sya nung dahan dahan nya kong binaba mula sa pag-kaka-buhat nya. Sabay sabay namang napa-buntong hininga ang mga tao dahil napigilan ang pag-atake ko.
Sky!”galit kong sabi at napatingin ako sa new hair style nya. Kahapon lang kasi black yan. Ngayon, white na may high lights na sky blue.
What do you think you're doing? My dear Princess?”magalang pero nakakalokong tanong ng Eagle pet kong nagiging tao na si Sky.
Ikaw!!!! Gusto mo bang yang mukha mo ang sunugin ko hu! Sky!”pasalamat 'tong agila na 'to at nawala na yung apoy sa kamay ko kundi mali-litson 'to sakin! At nakuha pa kong tawanan.
Ilang beses ko ba dapat ipaalala sayo Princess Kai na dapat matuto kang mag-kontrol ng galit mo.” aba! Aba! Talaga naman! Pangaralan pa daw ako?!
Gusto mo palampasin ko yung ginawa nyang pag-hawak sa hita ko! Hu!?!”nang-lalaking mata kong sigaw kay Sky.
Ma, ma, Prinsesa ang bibig nyo po.”isa pa 'tong si Loui!
Nilingon ko lang saglit si Loui pag tingin ko kay Sky walang awa na nyang pinag-susuntok yung manyak. Sino kaya samin ngayon ang hindi marunong mag-control ng galit?
Kai! Loui!”
Naku! Heto na si Mr. Ali na walang ginawa kundi isipin kung mag-kano na ba ang kita ng bulok nyang Restaurant.
Tanggal na kayo sa trabaho! Sinira nyo ang Restaurant ko! At tinakot nyo pa ang mga suki ko!”
Sasagutin ko sana sya kaso pinigilan ako ni Loui. “Pag-pasensyahan mo na Mr. Ali. Hindi na mau---” hindi ko na pinatapos dahil alam kong mag-mamakaawa lang ulit si Loui na wag kami tanggalin. Yes, ”ulit” dahil ilang beses na kaming pinalayas ng walang hiyang Ali na yan.
Aaminin ko dahil sakin, pero hindi naman ako mang-aano kung hindi ako inaano. Diba?!
That's enough Loui. Hindi nya deserved ang pag-mamakaawa mo. You know? Wala akong pake kung tanggalin mo kami! Hindi lang ikaw ang may Restaurant dito!”humalukipkip ako bago nag-patuloy. “Fine! Tanggalin mo kami! Matagal ko na rin namang gustong umalis sa bulok na Restaurant mo!”kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, sinunog ko na 'tong iniipis nyang Restolok! *A/N: pinagsamang Restaurant at Bulok.
Ulitin mo nga yung sinabi mo!!”sigaw nya.
I make face, “Hindi ka Hari para utusan akong ulitin yung mga sinabi ko! I'm Princess Kairelle Ron du Vaux and you're simply an ordinary scum who owns this cheap Restaurant!”tinaasan ko pa sya ng kilay.
Ma, ma, Prinsesa Kai. Huminahon po kayo.”lumapit sakin si Loui para pakalmahin ako. Pero hindi ko na kaya pang kumalma dahil sirang sira na araw ko!
Ma, ma, Princess Kai. Tama si Loui, huminahon ka. Kanina pa mainit ulo mo eh.”ginaya pa ni Sky yung expression ni Loui.
Tiningnan ko sila ng masama. “Kasalanan mo 'to Sky eh! Kung hindi mo ko pinigilan kanina okay sana lahat!”may masisi lang...
Iling sabay tawa lang sinagot ni Sky. Hindi ba nya nare-realized na nagagalit na ko? Manhid ba 'tong tao... hindi, isa pala syang hayop. Manhid ba sya para hindi makaramdam na galit ako?
Lumayas kayo dito! Mga baliw na Mahotsukai! Sinong maniniwala na isa kang Prinsesa ng Grand Terrain? Kaya ka nga nagta-trabaho sakin dahil wala kang pang-kain diba? May Prinsesa bang mahirap pa sa daga?!” uupakan ko na sana 'tong si Mr. Patty kaso pinigilan lang ako ni Loui. Galit na lang akong umiling tsaka iniwan ko silang lahat!
Baliw? Mahirap pa sa daga? How dare he said that in front of my face? That crazy old man! Isa akong Prinsesa! Prinsesa ng pinaka-malaking kaharian sa buong mundo! Ang Grand Terrain! Hinding hindi ko bibitawan ang titulo kong yun! Kahit ilang beses pa kong pag-tawanan o husgahan ng mga tao wala akong paki-alam! Kahit ilang beses pa nila ako sabihang baliw, I don't care!
Me, being a Princess of Grand Terrain is not a fiction! It's a fact! Pinapangako ko! Dadating din ang araw na patutunayan ko sa buong mundo na ako ang nag-mamay-ari ng Grand Terrain! Babawiin ko lahat ng pinag-hirapan ng magulang ko! Pagsisisihan nilang lahat ang mga pangla-lait na ginawa nila sakin! Mark my word!
Your Highnest, san naman kayo pupunta?”tawag ni Sky sabay tawa. Nakakainis!
Get lost! Sky!”tumawa ulit sya.
Grr!! Kung hindi ko lang talaga sya pet at inalagaan ng twelve years li-litsunin ko talaga yang agila na yan eh! Ang hirap kapag yung pet mo isang Magical Creature na nakakapag-salita gaya ni Sky, ang malala pa dyan eh nagiging tao sya!
Pero kahit na mapang-asar si Sky mahalaga sya sakin. Mahalaga silang dalawa ni Loui sakin. Dahil all those years of suffering from my past life, wala akong ibang nakasama kundi silang dalawa lang. Wala akong naiyakan kundi sila lang.
Sila na ang tumayong pangalawang pamilya ko ng mamatay ang mga magulang ko three years ago. Sila ang tagapag-tanggol ko kapag may mga taong nang-lalait dahil sa pagiging Mahotsukai at sa pagiging Prinsesa ko.
Mahotsukai, yan ang tawag sa mga katulad kong may Magical Powers. Hindi ko na alam kung ano pang history kung pano natanggap ng mga ordinaryong tao ang mamuhay sa mundo kahati ang mga gaya kong Mahotsukai.
Kung tatanungin mo ko kung isa rin bang Mahotsukai si Loui. No, he's not. Ordinaryong tao lang sya na tinulungan ng aking Amang Hari. Para maka-bawi, nag-offer syang pag-silbihan ang pamilya namin.
Sya ang nag-alaga sakin since I was a child. For me, si Loui na ang pangalawang ama ko, kahit na minsan nakaka-inis sya because of his “ma, ma” expression. At si Sky, sya na ang nag-silbing Night and Shinning Armor ko.
Dahil lagi syang nandyan sa mag oras na gumagawa ako ng trouble na hindi ko matakasan. Nandyan sya sa mga oras na nasa delikadong sitwasyon ako. He's always been there for me since I was five. Espesyal sya sakin dahil sya na lang ang kaisa isang remembrance galing kay papa.
Di gaya ni Loui, may magical power din si Sky. Gumagamit sya ng spada. Dahil dun naka-depende ang powers nya. Without his sword, he can't cast a spell. Mag-kaiba kami, ako kasi kaya kong mag-cast ng spell na walang kahit na anong weapons or wand.
Pero kung lakas ang pag-uusapan. Mas malakas si Sky sakin. Hindi dahil sa lalaki sya, kundi dahil ang papa ko ang nag-trained sa kanya. Sinadya ni papa na i-train sya para protektahan ako. Si Sky naman ang nag-train sakin kaya medyo master ko na ang pag-gamit ng spells. But compaired me to Sky, mas malakas sya.
.
.
.
.
.
.
.
Prinsesa!”
Napatalon ako sa gulat ng may bigla na lang bumulong sa tenga ko habang nag-lalakad ako pauwi ng bahay. Pag-lingon ko sa kanan ko, mukha ni Sky ang bumulaga sakin.
Sky!”sigaw ko sa kanya. Hindi ko naramdaman na lumapit sya sakin. Hinanap ko si Loui pero wala akong makita kundi yung spada nyang nakasabit sa likuran nya at kapansin pansin nyang buhok. “Asan si Loui?”tanong ko.
Ipinatong nya yung mga kamay nya sa likuran ng ulo nya bago sya nag-salita. “May pupuntahan lang daw sya saglit kaya pinauna na nya ko. Hintayin na lang daw natin sya sa bahay.”paliwanag ni Sky habang ang atensyon nya ay nandun sa nag-uumpukang apple sa fruit stand.
Napa-buntong hininga ako, Oo nga pala, alaga ko si Sky. Obligasyon kong ibigay sa kanya yung mga bagay na alam kong mag-papasaya sa kanya.
Lumapit ako sa fruit stand, walang clue lang nya kong sinundan ng tingin.Kumuha ako ng limang pirasong apple, pag-katapos kong mag-bayad bumalik ako kay Sky at inabot ko sakanya yung plastic na may lamang apples.
Here, alam kong favorite ko yan.”ngumiti ako, dahil nakita ko kung gano kasaya yung mukha ni Sky.
Thank you Princess!”nag-mamadali syang kumuha ng isang apple sa plastic para kumain. Inalok nya ko pero umiling lang ako, hindi naman kasi ako mahilig sa apple.
Habang nag-lalakad kami napadaan kami sa grupo ng mga babae sa park. Napa-kunot nuo ko kasi kilig na kilig sila ng makita nila si Sky. Hindi ko rin sila masisi, dahil pag nagta-transform si Sky, mukha talaga syang tao the fact na hayop talaga ang lahi nya.
Mahahaba na makapal yung pilik mata nya, singkit mata. Red, thin lips. At napaka-puti nya. Maputi pa nga sya sakin eh. Hindi nga lang sya katangkaran, pero cute naman sya. And most of all, one of the reason kung bakit kilig na kilig ang mga Atrimididang babaeng 'to! Ay dahil sa pagiging fashionista nya. paiba-iba sya ng style. the only thing na hindi na pinapalitan ay ang kwintas na may spinning ring na silver and gold at dun sa gold may design na ancient word.
Hi Sky!”namumungay pa mata ng isang babae nang batiin nya si Sky.
Uy!”bati naman ni Sky.
Who are these scary faces?” I hate them.
Mga kaibigan ko sila Princess.”hindi ko alam pero parang nainis ako sa sinabi ni Sky.
Look at them? Ang kakapal ng make up tanghaling tapat! Ang mga buhok dry na dry. 'Di tulad sakin, long, black and silky. Ang iitim na nga nila naka-babad pa sila sa araw. Kung didikit ako sa kanila mag-mumukha kaming kape at gatas! Mas maganda ako sa kanila!”hindi ako nang-lalait, I'm just telling the truth.
Napalingon ako kay Sky nang marinig ko syang natawa. “What?”tanong ko.
Wala naman po akong sinabi na pangit kayo eh.”umiling si Sky, nakuha pa nyang kumagat ng apple at iwan akong mag-isa matapos nya akong ipahiya sa harapan nya at sa sarili ko.
This Eagle! Really! “Hoy! Ibalik mo nga yang mga apples ko!”hinabol ko sya pero bigla syang huminto. Naumpog tuloy yung dulo ng ilong ko sa likuran nya. “Aw!”napapikit ako sa sakit.
Ah! Naalala ko! Princess! May good news and bad news pala ako sayo!”parang baliwala lang sa kanya na nakasakit ng ilong yung likuran nya.
Good news first.”sabi ko habang hinihimas himas ko yung ilong ko.
Okay na ang dream ship nyo!”excited nyang announced na talaga namang ikinatuwa ko.
Talaga?!! Good news talaga yan! Sky!”biglang nawala yung sakit ng ilong ko dahil sa balita na yun.
And the bad news... about Rank.”maingat nyang binanggit sa harapan ko ang pangalan na yun. Dahil alam nyang marinig ko lang yun ay talagang masisira na buong araw ko.


Rank.”buong pait kong ulit.




Sa sandaling yung, muling nag-balikan ang pangit na nakaraan ko sa kanya. Bigla ko uling naramdaman yung sakit. Yung ala-ala kung pano ako nag-suffer ng husto after what he have done. Kung pano ko tinawid ang sarili ko sa maitim kong nakaraan, bigla syang naging sariwa ulit sa isip ko na para bang kahapon lang nang-yari lahat.




Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na... kuhain nya sa akin ang lahat at pinatay nya ang mga magulang ko sa harapan ko.







--------------------









-----
End of Chapter One: The Good news and Bad news
A/N: Hello guys! Salamat sa mga nag-basa ng chapter na 'to ... sana naman nagustuhan nyo ... at sundan nyo pa ang mga susunod pang chapters ..


Thanks alot!
- EunSeungRi-





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^