CHAPTER 13
Umuwi si Richelle na mag-isa at malungkot. Matapos ang nangyari sa NEU Museum, ni hindi siya nakatanggap ng text mula kay Zenn. Kahit nauna pa siyang mag-message rito ay hindi rin naman nag-reply ang binata.
Habang nasa hagdanan paakyat sa floor ng apartment niya, hindi na rin mabilang ang dami ng pagbuntong-hininga niya. Bawat hakbang niya, ang laman lang ng isip niya ay si Zenn. At pagdating niya sa loob ng kanyang apartment niya, mas lalo lang siyang nakaramdam ng kalungkutan. Ang nakakabinging katahimikan sa loob ang mas nagpapalala sa nararamdaman niya.
Nagpasya siyang magpalit na ng mas kumportableng damit. Pagtapos nito ay nagpunta siya sa balcony para magpahangin at pagtyagaan ang hindi kagandahan na view sa labas. Hawak pa rin niya ang cellphone niya at patuloy na umaasa kahit isang text man lang mula sa binata.
Maya-maya pa ay may napansin na kakaiba si Richelle. Dahil dito kaya't panandaliang nabago ang laman ng isipan niya. Nagkaroon kasi ng malaking biyak sa isang paso ng halaman niya na nakadisplay lang sa gilid. Hindi naman yun magkakabiyak kung hindi ito masasagi ng kung sino.
Muling niyang naalala ang posibilidad na may magnanakaw nga na umakyat sa balcony na siyang kumuha sa jacket ni Zenn. ‘Pero paano naman yun makakaakyat dito? Saan siya dumaan?’ Tanong niya sa sarili.
Sa paghahanap niya ng kahit na anong bakas na maaring naiwan ng magnanakaw, napatanaw siya sa kabilang balcony. Yung balcony ng kapit-bahay nilang chismosa. May nakita siyang nagkalat na lupa sa may sahig nito samantalang wala namang inaalagaang halaman ang kapit-bahay nilang iyon. Mas lalo lang tumindi ang hinala ni Richelle.
Sinusukat niya sa tingin ang layo ng railings ng balcony niya sa balcony ng kapit-bahay. Nalaman niya na kung gugustuhin ay madali lang pala tumawid papunta sa kabilang balcony. Ngunit nagdalawang-isip siya kung susubukan ba itong gawin. Kahit kasi madaling gawin, delikado pa rin at pinangungunahan na siya ng kaba.
Napatingin siya sa nag-iisang mabukadkad na bulaklak sa halamanan niya. Kahit ang weirdo ng naisip niya, isa-isa niyang pinitas ang petals nito para gumawa ng desisyon, “Tatawid, hindi tatawid. Tatawid, hindi tatawid. Tatawid, hindi tatawid. Tatawid, hindi tatawid. Tatawid, hindi tatawid. Tatawid, hindi tatawid…” Patuloy niya itong ginawa hanggang sa makalbo na niya ng tuluyan ang bulaklak, “Tatawid.”
Lalong kinabahan si Richelle sa kinalabasan. Parang bang nagsisisi siya na iniasa niya sa isang walang kamuwang-muwang na bulaklak ang desisyon niya. Pero huminga siya ng malalim at nagpasya na, “Sisilipin ko lang naman eh.” Pagkukumbinsi niya sa sarili.
Buong tapang nang tumawid si Richelle papunta sa balcony ng kapit-bahay niyang chismosa. Naging maingat siya dahil isang maling galaw niya lang, maari niyang ikapahamak.
Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makatapak na siya ng ligtas sa sahig. At hindi na rin siya nagpaliguy-ligoy pa, sinimulan na niya agad nang mag-imbestiga. Sinubukan niya kung naka-lock ba yung pintuan na yari sa salamin at laking tuwa naman niya dahil naiwan pala itong nakabukas.
Sinigurado niya muna na walang tao, saka siya dahan-dahang pumasok. Ngunit pagdating niya sa loob, nandiri siya sa naabutang ayos ng apartment. Parang hindi naglilinis ang may-ari. Bukod pa roon, nagkalat ang mga upos ng sigarilyo at tila ba mga gamit nang condom. Bumaliktad ang sikmura ni Richelle ngunit pinigilan niya ang sarili na isuka ang kakatiting na kinain niya kaninang tanghalian.
Alam na niya ang direksyon papunta sa kwarto dahil magkakapareho lang naman ang floor plans ng apartment sa building na kinalalagyan nila. Dumirecho siya rito at pinakinggan muna kung natutulog ang may-ari sa loob. Nang wala naman siyang marinig na kahit na anong ingay, saka siya pumasok.
Kung gaano kagulo ang dinaanan kanina ni Richelle, parang mas binagyo ang kwarto lalo na ang kama na naabutan niya. Ayaw na niyang isipin kung anong klaseng milagro ang posibleng nagaganap doon.
Nagsimula nang halughugin ni Richelle ang mga cabinet sa pag-asang makikita niya ang jacket ni Zenn. Halos buo na ang paniniwala niya na ang kapit-bahay nga nilang ito ang magnanakaw. Ngunit sa paghahanap niya, narinig niyang may nagbukas ng pinto. Nakabalik na ang may-ari!
Nagpanic si Richelle. Hindi niya alam ang gagawin lalo pa at wala siyang lalabasan kundi yung pintuan lang na dinaanan niya. Kung doon siya dadaan, siguradong mahuhuli siya agad. Kung sa bintana naman siya susubok, disgrasya lang ang aabutin niya.
Narinig na niya ang mga yabag ng mga paa na papalapit na sa kwartong kinaroroonan niya. She’s completely cornered. “Syet... ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko 'to.” Nagpaikot-ikot sa loob ng kwarto si Richelle hanggang sa ang tanging paraan na lamang na naiisip niya ay ang pumasok sa loob ng malaking cabinet at doon magtago.
Hindi lubusang madilim sa loob dahil sa mga maliliit na butas na disenyo nito at doon pwedeng masilip ni Richelle kung ano ang nangyayari sa labas.
Nang makapasok na ang mga may-ari, muling nakita ni Richelle ang chismosang kinaiinisan niya ng lubos, kasama ang kalive-in nitong lalaki na bihira lang niya makita.
Masyadong intimate ang ginagawa ng dalawang iyon. Naghahalikan. Naghihipuan sa mga maseselang parte ng katawan. hinuhubaran ng damit ang isa't isa. Isang napakalaswang eksena para kay Richelle.
Napa-ungol ang lalaki. “Ahh… fuck you, Darcie. I missed doing this.”
“Then fuck me, Carlo. Fuck me more! More!”
Napatakip ng mga tenga niya si Richelle at siniguradong nakapikit lang ang mga mata niya. Ayaw niyang makita ang ginagawa ng dalawang iyon. Masyadong sekswal, bastos, madumi. Pero kahit anong gawin niya, naririnig pa rin niya ang kahalayang ginagawa ng dalawa.
Napapatili si Darcie na para bang nababaliw sa mga pinaggagawa sa kanya ni Carlo. Nakakarindi rin ang tunog na ginagawa nila sa kama na sunud-sunod ang pag-uga.
At hindi man gustuhin ni Richelle, unti-unti nang nadadala ang imahinasyon niya sa mga nagaganap. Ngunit nagtiis siya. Nagtiis siya na hindi tignan ang ginagawa nina Darcie at Carlo. Nagtiis siya para hintayin na matapos na ito at makatakas siya.
= = = = =
Matapos ang higit isang oras, humupa na mainit na eksenang kinailangan pagtiisan ni Richelle. Nang marinig niyang kaswal na lang na nag-uusap sina Darcie at Carlo, saka lang muling naglakas-loob na tumingin.
“May bago akong ipapatrabaho sayo.” Sabi ni Darcie saka nagsindi ng isang sigarilyo at hinithit ito. May inilabas din siyang envelop na naglalaman naman ng litrato. “Magkaibigan sila.” Saka niya ituro ang taong nasa kanang parte ng litrato. “Naiinis ako sa babaeng yan.”
“Taena! Ang ganda nito ah!”
“Mas maganda ako sa kanya!”
“Oo, syempre naman! Pero bakit ka naiinis sa kanya?”
“Mang-aagaw siya.”
“Inagawan ka ng lalaki? Ilang lalaki ba ang gusto mo? Hindi ka pa kuntento saakin?” Pabiro ngunit parang nagseselos na tanong ni Carlo.
“Ang dami mong tanong.” Naiiritang sabi naman ni Darcie. “Gagawin mo ba o hindi?”
“Gagawin ko syempre! Para sayo.” Paglalambing ni Carlo, saka nito hinalikan sa gilid ng leeg si Darcie. “Bigyan mo lang ako ng oras. Pagpaplanuhan ko ‘to.”
“That's my boy!” Nakangising sabi ni Darcie, saka muling niyakap si Carlo. Nakahubo’t hubad pa rin ito at sadya pang idinidiin ang dibdib sa braso ng binata. Dahil dito kaya tila ba napupukaw na naman ang kalibugan ni Carlo.
Ipinalusot ni Carlo ang kamay sa ilalim ng kumot at mahahalata sa kilos ng braso nito na hinihimas niya si Darcie. “Still fvcking wet, huh? Isa pang round, Darcie?”
Muling napaiwas ng tingin si Richelle. ‘Kadiri naman ‘tong dalawang ‘to. Kailan ba sila matatapos?’ Nagdadasal na siya na sana lumindol o magkadelubyo na para matigil sila at makaalis na siya.
“Maybe later, Carlo. Nagugutom na ako eh. Bumili ka nang makakain. ”
“Pero—”
“Kapag nagawa mo na yung pinagagawa ko sayo, pinapangako kong isang buong araw mo akong magagamit.” Sabi ni Darcie na may mapang-akit pang boses. “Magagawa mo ang kahit na anong gusto mong gawin saakin… sa kahit na anong paraan.”
Napangiti si Carlo at mababakas sa mukha nito ang kung anu-ano na namang malalaswang bagay sa isip. “Sa kahit na anong paraan, Darcie?”
“Oo. Pero ang gusto ko ngayon, ibili mo muna ako ng pagkain. Dalian mo at nagugutom na ako.” Saka na tumayo si Darcie paalis ng kama at dumirecho sa banyo. Maririnig ang pag-bukas niya ng shower para maligo at sinabayan pa niya ito ng pagkanta.
Samantala, dali-dali nang nagbihis si Carlo at umalis para sundin ang ipinagutos sa kanya ni Darcie. Halatang patay na patay siya sa girlfriend niya kaya sunud-sunuran ito sa utos niya.
Nang mawala na ang mga may-ari, ito na ang pagkakataon ni Richelle na tumakas. Lumabas na siya sa cabinet at kahit pa nangangalay ang mga paa ay patakbo na siyang dumirecho sa balcony para umuwi na sa sarili niyang apartment.
Matapos ang tila ba action-slash-erotic scenes na naranasan niya, nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib ngayon nakabalik na siya sa sarili niyang apartment. Agad siyang humandusay sa sofa niya, hingal na hingal at basang-basa sa sarili niyang pawis. Nangangatog pa ang mga tuhod niya ngunit unti-unti nang kumakalma ang kabog ng puso niya.
“Hinding-hindi ko na uli gagawin yun.” Pangako niya sa sarili.
Matapos ang tila ba action-slash-erotic scenes na naranasan niya, nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib ngayon nakabalik na siya sa sarili niyang apartment. Agad siyang humandusay sa sofa niya, hingal na hingal at basang-basa sa sarili niyang pawis. Nangangatog pa ang mga tuhod niya ngunit unti-unti nang kumakalma ang kabog ng puso niya.
“Hinding-hindi ko na uli gagawin yun.” Pangako niya sa sarili.
Nasagot na ang isang tanong niya nang pasukin ang apartment ng kapit-bahay. ‘Wala doon ang jacket ni Zenn.’ Ngunit napalitan naman ito ng panibagong mga tanong. ‘Sino yung magkaibigan na tinutukoy ni Darcie? At anong gagawin sa kanila ni Carlo?’
End of Chapter 13
rated spg ang chapter na itu pero i like!! kudos, ate aegyow!
ReplyDelete