Thursday, June 26, 2014

Psycho's Love Interest : Chapter 12

CHAPTER 12


NEU Museum.



Hindi ito ang unang pagkakataon na napasyal si Richelle sa museum ng university nila. Noong unang beses na nakapasok siya rito ay noong ipinasyal siya ni Shane bago siya mag-entrance exam.



Ang dahilan kung bakit siy amuling napadpad sa lugar na ito ay dahil inaya siya ni Zenn na mag-bonding doon. ‘Parang date lang.’ Paga-assume niya.



Ngunit dahil hindi pa rin niya masyadong kabisado ang pasikot-sikot ng school museum nila, hindi niya malaman kung nasaan si Zenn. Tinitext niya ito ngunit hindi pa nagre-reply.



Nasa bungad pa lang siya ay napapahanga na siya sa mga nadadaanang paintings na nakasabit sa dingding. Puro artworks ng mga NEU students ang naroroon at napagkwentuhan nga nila noon na pangarap ni Zenn na mai-display rin balang-araw ang isa sa kahit na anong painting o wire sculpture niya.



Tila ba masyadong nawili si Richelle sa mga nakikita niya na hindi na niya napansin ang dalawang babaeng makakasalubong na niya. Nabunggo niya ang mga ito, ngunit isa sa mga yun ang umaktong para bang sobra itong nasaktan.



“Bulag ka ba!” Sigaw nito.



Masyadong OA ang naging dating nito kay Richelle ngunit dahil alam niyang siya naman ang may kasalanan, “So—sorry… ‘di ko sinasadya.”



“Talaga lang? Ang laki-laki ng daan, tapos hindi mo sinasadya?”



Hindi na nakaimik pa si Richelle. Para bang nanliit siya sa mga matatalas na titig ng babaeng kaharap niya lalo pa at namumukhaan na niya ang mga ito.



Si Sherrie Chen, captain ng cheerleading squad ng NEU. Ex-girlfriend ng bestfriend niyang si Shane. Yung isa namang babae na kasama ni Sherrie ay si Eunice Zamora. Sa pangalan lang ito kilala ni Richelle. Ngunit sa pagkakaalam niya, ang dalawang babaeng kaharap niya ay ang magkaibigang hindi mo dapat binabangga sa NEU—at hindi lang literal ang ibig sabihin nun.



Naikwento na sa kanya ni Shane ang ugali ng dalawang magkaibigan na yun. Parehong maimpluwensya kaya nga nagagamit nila ito para masunod lahat ng kamalditahan nila. Iyon mismo ang dahilan ni Shane kung bakit siya nakipag-break kay Sherrie. At batid ni Richelle na kapag pumatol siya sa kanila, hindi lang away ang magaganap kundi gulo. Malaking gulo.



“Sorry ulit.” Nakayukong sabi na lang ni Richelle at may halong pagtitimpi. Hindi naman din kasi siya ang tipong magpapa-api o magpapabully lalo na kung wala naman siyang ginagawang mali. Pero sa pagkakataon ito, nilunok niya ang pride niya at nauna nang umalis.



Ngunit ‘di pa man siya lubusang nakakalayo, narinig niya ang boses ni Sherrie na nagbabanta.



“I know a bitch when I see one. So you better watch your back, girl!”



Huminga ng malalim si Richelle upang pigilan ang sarili na lingunin pa sina Sherrie at Eunice. Ikinalma niya ang sarili at kunwaring wala na lang narinig.



= = = = =



Nag-text na si Zenn kay Richelle na malapit na raw itong dumating. Nakasandal na lamang siya sa pader na malapit sa mga CR at hinintay ang pagdating ng binata.



“Hay…” Pabulong na saad ni Richelle na may kasunod pang buntong-hininga. Hanggang ngayon ay gumugulo pa rin sa isip niya ang nangyari kanina. “Isumbong ko kaya kay Shane yung ginawa ng ex-girlfriend niya. Kainis! Sarap sabunutan.”



Pero sa inis niya, yung sarili niya ang sinabunutan niya. “Kapag pinatulan ko naman yun, lugi ako. Sikat yun eh. Pero kapag nanahimik naman ako, lugi pa rin ako. Ano yun? Papayag na lang akong magpa-api? Tsk!”



Dinukot ni Richelle ang cellphone niya sa bag. Balak na niyang magsumbong kay Shane sa nangyari. “Hoy Shane! Yung ex-girlfriend mo, inaaway…”



Hindi niya lang natapos ang tinitext niya dahil biglang may sumulpot na ulo malapit sa balikat niya. Binabasa nito kung ano ang text niya, saka tumingin sa kanya. “Inaaway ka, Iche?”



“Zenn! Ano ba yan, bigla ka na lang sumusulpot!”



“Sino yung ex-girlfriend ng kaibigan mo na nang-aaway sayo?”



“Ha?” Ayaw naman ni Richelle na idamay si Zenn sa personal niyang problema kaya naman nag-isip ito agad ng palusot. “Yung ex-girlfriend ni Shane, may inaaway na iba! Hindi ako. Taga-sumbong lang ako dun sa bestfriend ko para ‘di na niya talaga balikan yung ex niya na yun!”



“Close talaga kayo ng Shane na yun, noh?”



“Oo! Sobra!”



“Buti hindi kayo nagkakagusto sa isa’t isa. Di ba madalas nangyayari yun sa magbestfriend na babae at lalaki?”



“Si Shane at ako? No way! Impossible! Parang kuya—actually, kuya ko na talaga siya! And believe me, hindi ako ang tipong babae niya.”



“Good.”



“Good?”



Isang ngiti na lang ang itinugon ni Zenn sa nagtatakang si Richelle. Ang ngiting iyon ay tumalab rin naman agad sa dalaga. Hindi na rin naman niya kailangang alamin kung ano ang ibig sabihin ni Zenn. Good dahil hindi naman talaga nito karibal si Shane.



Nagsimula nang mag-tour ang dalawa sa museum. Nagsasalitan sila ng mga saloobin nila sa mga nakikitang artworks na nakadisplay. Pero bukod sa usapang art, kung anu-ano pang bagay ang napag-uusapan nila.



Magkasundo sila sa halos lahat ng bagay. At hindi pa nawawala yung ilang inosenteng banat ni Zenn na talaga namang nagpapakilig ng husto kay Richelle. Kulang na lang na magholding-hands sila para masabing mag-syota sila na namamasyal lang.



Yung tensyong naramdaman ni Richelle ay tuluyan nang naglaho dahil kay Zenn.



“Alam mo, dito pa lang sa singsing na ibinigay mo saakin, alam kong talented ka. Pupusta talaga ako na sooner or later, maididisplay rin yung mga gawa mo hindi lang dito sa NEU museum kundi sa mga pinaka-sosyal na museums na meron tayo!”



“Sana nga.” Napangiti ng matamis si Zenn. “This past few days, masyado akong inspired na tapusin na yung sculpture na ginagawa ko.”



“Speaking of that, di ba nangako ka saakin na papayagan mo akong panoorin kita minsan habang gumagawa ka ng obra mo.”



“Medyo madug—madumi pa kasi yung studio ko. Kapag nalinis at naayos ko na, makakapunta ka na roon. Kung gusto mo, mag-overnight ka pa.”



Napahalakhak ng malakas si Richelle. “Ay naku! As if na payagan ako ni Shane! Palabiro ka talaga!” Sabay napahampas ito ng mahina sa braso ni Zenn.



Natawa din si Zenn ngunit sabay sabing, “But I’m not joking.”



Para bang nalunok ni Richelle yung dila niya. Hindi makapaniwala na inaaya siya ni Zenn na mag-overnight sa studio niya! Ganoon na ba kalalim ang relasyon nila? O ano nga ba ang relasyon nila?



Medyo napapagod nang mag-assume si Richelle. Sa ipinapakita at ipinaparamdam sa kanya ni Zenn, alam niyang may gusto ito sa kanya. At ganun din naman siya.



“Zenn…” Huminga ng malalim si Richelle para mag-ipon ng lakas ng loob. Gusto niyang makasigurado. Gusto niyang kumpirmahin ang pagpaparamdam na ginagawa sa kanya ni Zenn.



Ngunit ibubuka pa lamang niya ang bibig niya para mag-tanong, biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Zenn. Ang mga mata nito’y nakatingin sa gilid, nakakunot ang noo at nakasimangot.



“May kanina pa sumusunod saatin.” Sabi ni Zenn na alam na ang direksyon ng taong tinutukoy niya. “That guy over there. Kanina pa siya nakasunod saatin—sayo.”



Nilingon ni Richelle ang taong tinutukoy ni Zenn. Nang titigan niya itong maigi, tinignan na rin siya pabalik nung lalaki. “Teka… si Trent yun ah.”



“You know him?”



“Kaibigan ni Shane.  Student assistant siya.”



“Close kayo?”



“Hindi naman. Once pa lang kaming nagkakausap. Nung ipinakilala kami ni Shane sa isa’t isa.”



“Siya yung lalaking sumusunod sayo noong nakaraan.” Saka nagpatunog ng mga daliri si Zenn na para bang may balak nang manuntok. “Yung tinakbuhan tayo. Yung nanakot sayo.”



“Si—sigurado ka?”



“Oo. Dala-dala pa rin niya kasi hanggang ngayon yung camera niya. He’s taking pictures of you… clearly without your permission.” Seryoso ang mukha ni Zenn at balak na sana nitong lapitan si Trent ngunit napigilan siya ni Richelle. “What a pervert! Maghintay ka lang dito, Iche. Ilalagay ko lang siya sa dapat niyang kalagyan.”



“Teka lang, Zenn!” Medyo nagpa-panic nang saad ni Richelle. Pakiramdam niya kasi na kung hahayaan niyang si Zenn ang lumapit kay Trent, parang gulo ang kalalabasan. “Ako na ang kakausap kay Trent. Kalma ka lang dyan.”



“Pero—”



“Ako nang bahala!”



Mag-isa nang nilapitan ni Richelle si Trent. Nang makita ng binata na papalapit siya, ibinaba nito ang pagkakahawak sa camera at casual lang na bumati. “Uy Richelle!” Ngunit halata sa boses na alam nitong may hindi siya akmang ginawa. “Ka—kamusta na?”



“Ayos lang.” Sagot ni Richelle habang inaalis ang titig kay Trent. Hindi siya nagtanong o nasalita pa ng kaht na ano. Gusto niya na si Trent ang maunang magsabi ng totoo.



Mukhang epektibo naman ang paraan ni Richelle dahil ilang sandali, “Um—nahuli mo na ako, noh?” Isang tango naman ang sinagot ni Richelle. “Sorry.”



“Bakit mo ako kinukuhanan ng pictures?”



“Project para sa photography class ko. Photo collage.”



“Eh bakit ako?”



“Kasi…” Napakamot ito sa batok at parang nahihiya pa, “Kasi photogenic ka. Yung mga kuha kong pictures mo, kahit saang anggulo, ang ganda eh.”



Nanlaki ang mga mata ni Richelle sa sinabi ni Trent. Ngunit nakaka-flatter man na dahilan ito, “Bakit hindi mo man lang sinabi saakin? Nung nakaraang araw talaga, laking takot ko sa ginawa mo. Akala ko kung sino na.”



“Nahihiya kasi ako sayo. At isa pa, parang ang ganda rin kasi ng dating ng mga stolen shots mo. Mas nagiging natural yung ganda.”



“Weh?”



“Sorry talaga, Richelle. ‘Di ko sinasadyang magmukhang stalker mo.” Litaw sa boses ni Trent ang katapatan niya sa paghingi ng tawad. “At sana wag mo nang isumbong kay Shane ah. Yari ako dun pagnagkataon.”



Naintindihan naman ni Richelle ang paliwanag ni Trent. Alam din naman niyang malaking misunderstanding lang ang naganap kaya pinatawad na niya ito. Pabalik na sana siya kay Zenn ngunit…



“Ah Richelle…” Pigil ni Trent sa kanya. “Can I take one more picture of you? Just one more. Last na talaga. Please?”



Hindi na natanggihan pa ni Richelle ang pakiusap sa kanya ng binata. Nag-pose siya ng normal at sinubukang ngumiti kahit pa medyo pilit yun dahil sa pagkahiya.



Matapos siyang picturan ni Trent, chineck ng binata ang file at matagal nitong tinitigan ang picture ni Richelle. “Beautiful.” Pabulong ito ngunit rinig pa rin ang pagkakasabi niya. “This is good! Thanks, Richelle!”



“Okay.”



Umalis na si Trent na nakatitig pa rin sa screen ng camera niya.



Nagsimula na ring maglakad si Richelle para balikan na si Zenn. Ngunit nang matitigan niya ang mukha nito, hindi pa rin nababago ang seryosong ekspresyon nito. Kung kutsilyo lang ang tingin niya, siguradong patay na si Trent.



“Zenn! Ayos na!”



“Pinatawad mo siya?”



“Oo…”



“Ng ganun-ganun na lang?”



“Para naman daw sa project—”



“At naniwala ka?”



“Zenn…”



“Hindi ka dapat nagtitiwala agad sa mga ganun. Hindi mo alam kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo o may ibang motibo pa.”



“Aren't you overreacting? Kaibigan din yun ni Shane so alam niya na kapag nagbalak siya ng masama saakin, mayayari siya.”



Naging ubod ng seryoso ang mukha ni Zenn. Lumamig ang tingin nito kay Richelle, parang nawalan ng emosyon. “May klase ka pa diba? Mabuti pa siguro, pumunta ka na doon para ‘di ka ma-late.” Saka ito nag-walkout at iniwan siyang mag-isa.



Yun ang unang pagkakataon na nakita ni Richelle ang ganoong side ni Zenn. Parang galit. Parang nagseselos. Pero kanino? Kay Trent o kay Shane?


End of Chapter 12


1 comment:

  1. San na nga ba akong part? Anlayo na ng na update mo ms.author. Magba backread muna ako ..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^