Thursday, June 5, 2014

Psycho's Love Interest : Chapter 9

CHAPTER 9



Hindi rin naman agad bumalik sa NEU sina Richelle at Zenn. Napagpasyahan kasi nilang sabay na rin mag-lunch. Inabot ng 15 minutes ang naging byahe nila bago makarating sa isang kainan na ngayon lamang napuntahan ni Richelle.



“Malapit lang ba ‘to, Zenn?”



“Masyado bang malayo para sayo?”



“May klase pa kasi ako mamayang alas-dos.”



“Ako rin. Kaya babalik tayo agad ng NEU bago mag-two.”



“Eh hindi ba mahal ang mga pagkain dito?”



“My treat.”



Umorder na sila pero nagtaka si Richelle dahil kaunti lang ang inorder ni Zenn para sa sarili niya. “Nag-aya kang kumain tapos ganun lang kakonti ang order mo?”



“Busog na kasi ako. Pero ikaw, alam kong yung Jelly Belly pa lang yung nakakain mo.”



“Paano mo nalaman?”



“Hindi ka kumain kanina sa cafeteria.”



“Teka, alam mo medyo weird na ah. Paano mo nalalaman ang mga bagay-bagay tungkol saakin? Ini-stalk mo ako noh?” Pabirong tinanong ni Richelle ngunit seryoso namang sinagot ni Zenn sa pamamagitan din ng isang tanong.



“Is it a bad thing?”



Natigilan bigla si Richelle at hindi halos makapaniwala. “Ini-stalk mo nga ako!”



“Not that. Is it a bad thing that I know a lot about you?”



Richelle was out of words. Bakit naman ang daming alam ni Zenn tungkol sa kanya? Gusto na niyang itanong kung may kinalaman ba si Zenn noong mga pagkakataong feeling niya ay may nakasunod sa kanya. Hindi niya lang natuloy dahil dumating na agad ang inorder nilang pagkain.



“Sorry.” Sabi bigla ni Zenn na may hindi maipintang expression sa mukha. Malungkot na nahihiya ito.



“Bakit ka nagso-sorry?”



“Siguro hindi na lang weird ang tingin mo saakin. Creepy pa.”



“You’re weird but not creepy.” Sabi ni Richelle na para bang sinisigurado niyang walang dapat ikahiya o ikatakot si Zenn. “Pero bakit nga ba ang dami mong alam tungkol saakin?”



“You’re not like the others. You’re nice. I like you. And if I like someone, I want to know everything about her.”



Hindi maipagkakaila ang kilig na naramdaman ni Richelle lalo pa nung marinig niya ang mga salitang ‘I like you’ ni Zenn. Para bang hindi totoo. Para bang iniimagine niya lang. At para hindi na lang masyadong halata ay sinimulan nang kumain ni Richelle.



Natutuwa siya na maganda at may pagka-sosyal ang lugar na kinakainan nila. Natutuwa siya dahil mabilis ang naging serbisyo, masarap ang pagkain at mura pa. Pero mas natutuwa siya dahil si Zenn ang kasama niya ngayon.



“Sa susunod, isama na rin natin ang bestfriend kong si Shane.”



“Shane?”



“Shane Venavidez. Narinig mo na siguro ang name ng ugok na yun, noh? Member ng basketball team natin. Nakakahiya mang sabihin pero sikat yun!”



“Ah, oo. Kilala ko siya. Walang sino man sa NEU ang hindi nakakakilala kay Shane.”



At bigla na lamang tumahimik si Zenn nang mapag-usapan nila si Shane. Nang mapansin ni Richelle iyon, nag-isip pa uli ito ng ibang sasabihin para hindi maputol ang kanilang usapan.



“Um… thank you nga pala.”



“For what?”



“For everything. Sa pinahiram mong jacket, sa libreng sakay, sa Jelly Belly, itong lunch at… itong singsing.” Saka ipinakita ni Richelle ang rose ring na natanggap niya. “Actually, hindi ko pa sigurado kung ikaw ba ang nagbigay nito. Ikaw nga ba?”



Nakangiting tumango si Zenn bilang sagot.



“I knew it.” Saka ito excited na isinuot uli ni Richelle sa daliri niya. “Ikaw mismo ang gumawa nito?”



“Yes. I’m into wire sculptures.”



“Cool!” Na-amaze na sabi ni Richelle at saka nakahanap ng tyempo na sabihin ang kanina pa niyang gustong sabihin. “Alam mo noong unang linggo, lagi ko itong suot. Kaso sabi ni Shane, madali siyang masisira sa ginagawa ko kaya bihira ko na lang itong sinuot. Pero palagi ko naman ‘tong dala para kung sakaling magkita tayo, mapasalamatan kita ng personal.”



“But that’s my thank you gift for you for helping me that day.”



“Ibinalik mo rin ang registration card ko noong araw na yun kaya quits lang tayo.”



Napatitig na lamang si Zenn kay Richelle, “I’m really glad I met you, Richelle.”



= = = = =



Matapos ang masaya nilang pag-uusap ay kinailangan na rin nilang bumalik sa university para pasukan ang kani-kanyang klase.



“Kung okay lang, pwede bang hingiin ko na rin ang number mo?” Tanong ni Zenn.
Agad naman itong ibinigay ni Richelle. “Tawagan mo na lang ako para ma-save ko rin ang number mo.”



Nakarating na sila sa harap ng sasakyan. Pinagbuksan ni Zenn ng pinto si Richelle at nauna na itong pumasok.



Saka pa lamang na-check ni Richelle ang cellphone niyang naka-silent mode.



May 37 missed calls at 53 text messages.



Yung isang missed call ay galing kay Zenn. But the rest, galing nang lahat kay Shane.



= = = = =



Magkasama na pauwi sina Shane at Richelle. Ngunit ‘di tulad ng nakasanayan nilang daldalan, tahimik lang ang dalawa sa loob ng sasakyan.



“Galit ka?” Tanong ni Richelle kahit pa alam naman na niya ang sagot sa tanong na yun. “Sorry na, Shane. Nawala kasi sa isip ko na itext ka. Ikaw naman kasi, ang tagal mong nagreply nung una.”



“So kasalanan ko pa ngayon?” Naningkit ang mga mata ni Shane pero direcho lang sa kalsada ang tingin niya. “Hindi na ako nakakain kanina dahil hinalughog kita sa buong school.”



“OA naman.”



“Seryoso ako! Saan ka ba nagpunta?”



“Kumain nga sa labas kasama ang kaibigan ko.” Pero hindi mabanggit ni Richelle na si Zenn ang tinutukoy niya.



“Sinong kaibigan ba? Kaklase sa anong subject? At saan kayo kumain? Bakit hindi mo man lang ako naalalang itext o tawagan?”



“Napasarap kasi ang usapan namin.” At muli, sinadya ni Richelle na hindi sagutin ang unang tanong ni Shane. Kung sino ang kaibigan niyang iyon.



Habang tahimik na sa byahe, panay na rin ang pagtingin ni Richelle sa cellphone niya. Magka-text na sila ni Zenn.



“Sino yan?”



“Yung kaibigan ko.”



“Sino nga kasi?”



Napatingin na si Richelle kay Shane. “Kulit mo talaga, Shane.” At alam niya na hindi siya titigilan nito kung hindi niya babaguhin ang usapan. “Ano yang mga nasa plastic na yan?”



“Vitamins at gamot mo.” Saka inabot ni Shane ang plastic kay Richelle.



Nang silipin ito ni Richelle, may binili na ring bagong bote ng anti-thymocythe globulin si Shane. Hindi na lang niya sinabi na nakabili na rin siya ng bago.



“Eh yung isa pang plastic? Anong laman nun?”



“Gamot ko.” At yun naman ay sinadyang hablutin ni Shane sa tabi niya para hindi na magalaw pa ni Richelle. “I know what you’re doing, Iche. Iniiba mo yung usapan.”



“Napunta pala ako sa clinic kanina.”



“WHAT?” Biglaang napa-break ng sasakyan si Shane.



“Natagusan lang ako.”



“Iche—” Halata ang pagkainis sa boses at sa tingin ni Shane pero dahil iyon sa pag-aalala. Naituloy na niya ang pagda-drive at naka-kalma na ng kaunti, “Kaya ba may suot kang jacket na ‘di sayo?”



“Hmm… oo. Pinahiram saakin ng kaibigan ko.”



“Yung kaibigan mo na kasama mo ring kumain sa labas at dahilan kung bakit mo ako nakalimutan i-text.”



“Seriously? Shane naman!” Napabuntong-hininga si Richelle. Alam niya na kahit ano pang pagpapalusot o pagbabago ang usapan, aalamin at aalamin ni Shane ang lahat ng gusto niyang malaman. At hindi ito titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto. “Talaga bang hindi ka titigil na alamin kung sino yung kaibigan ko?”



“Oo. Gusto kong malaman. Si Zenn ba yun?”



Natigilan bigla si Richelle. May hinala na pala si Shane pero gusto lang nitong siguraduhin kung tama nga ba ang iniisip niya.



“Fine. Si Zenn nga.”



“So nagkita na pala ulit kayo.” Muling tumigil ang sasakyan nila sa red traffic light. Yun pa lang ang pagkakataon na magtama uli ang mga mata nila.



At nakita ni Richelle na parang hindi masaya ang bestfriend niya. May ideya na siya kung bakit. “Palagi ka na lang bang ganyan sa mga lalaking nakikilala at nakakasama ko? Masyado kang over-protective, Shane. Nakakasakal na minsan. Kaya hindi pa ako magka-boyfriend dahil sayo eh.”



“Baka nakakalimutan mo, kaya ka nga pinayagan ka ng parents mo na humiwalay sa kanila at sumama saakin para dito ka na mag-aral ay dahil pinangakuan ko sila na babantayan kita.”



“Alam ko naman yun…”  Napaisip si Richelle dahil tama naman ang sinabi ng bestfriend niya. “Pero hindi mo kailangang palaging mag-alala saakin. Kaya ko na ang sarili ko, Shane. Okay na ako. Matagal na akong hindi nao-ospital.”



“Tss! Bahala ka nga.” Nakasimangot na lang na sagot ni Shane na tila ba napagod na rin sa pakikipagsagutan kay Richelle. “Yung jacket pala…”



“Ano na naman?”



“Parang nakita ko na rin yan noon.”



“Baka nakita o nasalubong mo na si Zenn noon pero hindi mo lang alam na siya.”



“Hindi eh…” Napatitig si Shane sa jacket habang may malalim na iniisip. “Parang may kakilala ako na nakita kong may suot din na ganyan. Hindi ko lang maalala kung sino yun.”



End of Chapter 9





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^