Thursday, May 29, 2014

Psycho's Love Interest : Chapter 8

CHAPTER 8




Hindi pa man nagsisimula ang mga klase sa NEU ay naka-abang na sina Detective Dante at Rey sa loob ng campus. Naibalita na nila sa admins ng university na isang panibagong krimen na naman ang naganap na may kinalaman naman sa isa sa mga propesor nila na si Mr. Teofisto Cariaso.



Yung mga maagang co-faculty teachers ang unang nainterview nina Dante. Nalaman nila na isa sa mga tinitingalang propesor ang biktima. Ngunit ‘di rin maipagkakaila ang mga sexual harassment issues na kaakibat sa pangalan niya. Wala pa mang patunay sa mga isyu na yun, itinuring na agad itong posibleng anggulo sa motibo ng pagpatay sa matandang guro.



Sumunod ay humingi ng pahintulot si Dante na mainterview ang ilan sa mga estudyante ni Mr. Cariaso. Ang partikular na mga estudyanteng tinutukoy niya ay yung mula sa klase na nagkaroon ng test noong araw rin na naganap ang krimen.



Karamihan sa mga na-interview nila ay mga babaeng estudyante. At nagulat ang detective dahil karamihan din sa mga ito ay nabiktima na ng kamanyakan ng propesor. Ngayon na lamang nila nailalabas ang mapapait nilang naranasan dahil wala na ang takot nila na ibagsak sila.



Ngunit lagpas tanghalian na at ‘di pa rin natatapos ang pagkalap nila ng impormasyon. Nasa loob sila ng isang vacant room na ipinagamit sa kanila ng mga admin para makapag-interview ng mga estudyante.



“Detective Dante, hindi pa ba kayo manananghalian?”



“Ilan pa ba ang pwede nating kausapin?”



Ipinakita ni Rey ang mahabang lists ng mga pangalan ng estudyante. “Marami pa sila, Sir. Pero ano po ba talagang hinahanap natin dito?”



Napabuntong-hininga si Dante. “Hinahanap natin yung taong posibleng kunektado rin sa kaso ni Miggs. Isipin mong mabuti, sa tinagal-tagal na natin sa lugar na ‘to, ngayon lang may nagpakita na isang mamatay-tao at naka-maskara pa ng ganun.”



Biglang naalala ni Dante yung unang beses na nakita niya ang CCTV footage sa krimeng may kinalaman sa kaso ni Miggs. Ipinakita doon sa video ang aktong pagtatapon ng suspect sa bangkay sa isang talahiban. Naisip niyang demonyo lang ang gagawa ng ganung klaseng gawain na kinakailangan pang magtago sa kakaibang maskarang may tatlong mukha.



Ang Triple-face mask na suot nito ay para bang representasyon sa iba’t ibang mukha ng killer. Kung hindi mo tatanggalin ang maskara ay hindi mo makikita ang tunay nitong anyo. At magpasa-hanggang ngayon ay nakakalaya pa rin ang killer na ito.



“Yung mga pinapatay ng Triple-face Killer ay mga taong posibleng nakagawa ng kasalanan sa kanya.” Palagay ni Dante. “Dapat mahuli siya agad bago pa man siya makahugot uli ng dahilan para muling pumatay.”



Tahimik na sinang-ayunan ni Rey ang sinabi ng detective.



Naputol lamang ang kanilang usapan nang may kumatok sa pinto. Isa yun sa mga empleyadong tumutulong sa kanilang magtawag ng mga estudyanteng nasa hawak nilang list. May kasama siyang freshman student at agad siyang pinapasok nina Dante para makausap.



Bago simulan ang interview ay in-on ng detective ang voice recorder para irecord ang salaysay ng estudyante.



“Good afternoon. Ako nga pala si Detective Dante Zamora.” Pakilala ni Dante sa sarili niya, saka nakipag-kamay sa estudyanteng kaharap niya. “Nasabi na ba sayo ng nagdala sayo rito ang dahilan kung bakit ka namin kakausapin.”



“O—opo.” Medyo kinakabahan na sagot nito. “Nag-iimbestiga po kayo tungkol sa… sa pagkamatay ni Sir Cariaso.”



“Oo. Ano nga palang pangalan mo?”



“Richelle Ariano po.”



“Richelle Ariano...” Tinignan ni Dante ang list na iniabot sa kanya ni Rey. Pero ilang sandali lang rin ay naalala niyang nabanggit ang pangalan niya kanina ng mga naunang nainterview niya. “Nabanggit ka ng isa sa mga kaklase mo kanina. Noong huling araw na nakasama niyo si Mr. Teofisto Cariaso ay nagkaroon pa kayo ng exam, tama ba?”



“Opo.”



“Pero hindi ka pinatapos sa exam niyo dahil…?”



“Tumunog po yung cellphone ko. Tapos nagalit siya. Saka niya ako inutusan na tumigil na sa pagsasagot ng exam namin at ipasa na ang papel ko.” Marahan ngunit halata ang kaba sa boses ni Richelle habang sinasabi ito.



“Hindi ka naman ba nagalit sa ginawa ng professor mo?”



“Sa bagay na yun, hindi po.” Sagot ni Richelle habang nakatingin ng direcho kay Detective Dante. “Since first day naman, nasabihan na niya kami na ayaw niya yung mga tumutunog na cellphone especially yung mga nakakaistorbo sa klase niya. Kasalanan ko kung bakit nagalit siya saakin nung time na yun.”



Matagal na natahimik si Detective Dante para intindihing maigi ang sagot sa kanya ni Richelle. Sa tagal na niya sa trabahong ito, hindi pwedeng basta na lang magbitaw ng mga tanong na hindi pinag-iisipan.



“Sabi mo, sa bagay na yun ay hindi ka nagalit.” Paglilinaw ni Dante. “Kung ganun may ibang bagay pa ba na ginawa siya na maari mo namang ikagalit?”



Nahalata ang malalim na paghinga ni Richelle sa tanong na iyon. Napakagat-labi ito, yumuko, at nakayukom ang parehong mga palad. Namumuo ang mga luha sa mga mata ngunit ikinukurap ito para hindi tuluyang tumulo.



Sa mga ikinilos ni Richelle, alam na agad ni Dante na maaring nabiktima rin ito ng kamanyakan ng guro. “Okay lang kahit hindi mo na sagutin. Nakuha ko na ang impormasyong dapat kong malaman.” Naaawang sabi ni Dante kay Richelle. Ayaw na niyang ipaalala pa sa dalaga ang nakaka-traumang sinapit. “Salamat sa partisipasyon mo, Ms. Ariano.”



Tumango si Richelle at tumayo na. Nagkamay muna uli sila ng detective bago siya pinayagang makaalis.



Nang maiwan naman na muli sina Detective Dante at Rey, “Grabe pala talaga yung Teofisto Cariaso na yun. 90% sa mga babaeng na-interview natin, nabiktima niya.” Hindi makapaniwalang sabi ni Rey.



“Kung naging tatay ako ng isa sa mga nabiktima niya, baka nabugbog ko muna yung matandang yun.” Saad naman ni Dante.



“Sir, ang labo eh! Sa dami ng nabiktima niya, ni wala man lang napatunayan! Ni hindi man lang naparusahan!”



“Naparusahan na siya. Brutal na kamatayan.”



“Ay oo nga noh! Naputulan pa siya ng ano—tsk!” Nagpasyang maglakad si Rey palapit sa pintuan nang mapansin niyang hindi ito naisarado ng maayos ni Richelle. Ngunit paglapit naman niya roon ay nasilip niyang may iba pa palang kasama ang dalaga. “Teka, yung kasamang kaibigan nung Richelle Ariano. Yung estudyanteng yun… saan ko ba siya nakita?”



“Ano na namang binubulong mo, Rey?”



“Sir, yung lalaking kasama ni Richelle.” Sa nabanggit ni Rey ay naisipan na rin itong silipin ni Dante. “Ah! Naalala ko na! Kaklase ni Miggs yun! Nainterview rin natin yun, di ba Sir?”



“Si Shane Venavidez.”



“Mag-syota siguro yang dalawa.”



Napakunot bigla ang noo ni Dante sa sinabi ni Rey. “Kalalaki mong tao, chismoso ka.”



Bumalik na sa upuan niya si Detective Dante para i-off yung voice recorded. Napasapo siya sa kanyang noo at pilit pa ring pinagdudugtong ang mga putul-putol na impormasyon hawak nila sa ngayon.



Ngunit ano pa man ang mangyari, hindi siya titigil na alamin ang tunay na pagkakakakilanlan ng killer nina Miggs at Mr. Cariaso. Kikilalanin niya ang mukhang nasa likod ng triple-face mask na iyon.



“Rey…”



“Ano po yun, Sir?”



“Mag-text ka nga sa office. Sabihin mong ihanda nila yung mga recorded interviews ng lahat ng mga kaklase ni Miggs. Pag-aaralan ko lang uli.”



Nagtaka si Rey ngunit hindi na niya tinanong kung bakit. “Yes, Sir.”



= = = = =



Lagpas isang linggo na ang lumipas simula nung LRT incident na naranasan ni Richelle. Lagpas isang linggo nang mabalitaan ng lahat na patay na ang tinaguriang Propesor Manyak ng NEU. Lagpas isang linggo at medyo nakakamove-on na sa mga nangyari si Richelle. Iniisip na lang niya na karma ang nangyari kay Mr. Cariaso. Sa dami ng mga nabiktima at binaboy niya, nararapat sa kanya ang leksyong sinapit.



Isinantabi na ni Richelle ang pag-iisip tungkol dito. Nasa stage na siya ng paglimot at nagagawa naman niya ito ng maayos.



Nasa harap siya ngayon ng locker niya para iwan doon ang badminton racquet niya. Katatapos lang ng PE class niya at mamaya pang alas-dos ng hapon ang sunod niyang klase. Hinihintay niyang mag-text si Shane kung kailan matatapos ang klase nito para sabay na silang mag-lunch.



Napatigil sandali si Richelle sa pagkilos at napakapit sa pintuan ng locker niya. Nakaramdam siya ng kaunting pagkahilo at panandaliang nagdilim ang paningin niya. “Not again…” Sinilip niya ang bag niya at dinukot ang lalagyanan ng gamot na lagi niyang iniinom kaso, “Ubos na nga pala ‘to.”



Nakalimutan niyang sabihan si Shane na ubos na ang gamot niya at three days nang hindi nakakainom nito. “Paniguradong magagalit yun kapag nalaman niya.”



Naghintay pa ng ilang sandali si Richelle para mahimasmasan ngunit napansin niyang may malaking anino na sa likod niya. May taong nakatayo sa likuran niya.



Dahil nagka-phobia na yata siya sa mga di-kilalang taong pumupwesto sa bandang likuran niya, napamura ito, “Syet!” At agad na lumingon para alamin kung sino yun. “Ikaw? Gi—ginulat mo ako…”



“Sorry.” Sabi nito. “Kamusta na?”



“O—okay lang… Zenn?” Si Zenn nga. Hindi makapaniwala si Richelle na magkikita sila ngayon. Sa ganitong paraan. “Ikaw ang kamusta? Bakit ngayon ka lang nagpakita?”
“Hinahanap mo ako?”



“Ah… hi—hindi naman pero…” Medyo na-concious si Richelle dahil habang magkausap sila ay sobrang lapit din nila sa isa’t isa. Hindi man lang umatras si Zenn para dumistansya ng kaunti.



Ang lapit. Sobrang lapit.



Pasimple na lang na humakbang pagilid si Richelle pero iniharang lang ni Zenn ang kamay nito sa daraanan niya. Napakurap ang mga mata niya. Hindi niya alam ang gagawin niya.
“Um… Zenn…”



“You don’t look good.” Sabi ni Zenn at iniangat ang kamay para idampi sa pisngi ni Richelle. “Ang putla mo.”



Para bang umakyat ang dugo sa buong mukha ni Richelle. Tumalikod siya sandali para hindi makita ni Zenn ang pamumula ng mukha. Nag-isip siya ng pwedeng gawin o sabihin, pero nagkunwari na lang siya na isinara ang pintuan ng locker niya.



Ngunit sa pagharap niya, hindi man lang natinag sa pwestong kinatatayuan si Zenn. At sa posisyon nila ngayon, nalalanghap na rin ni Richelle ang mabangong pabango ni Zenn, lalo pa nang maghubad ito ng jacket sa harap niya.



“A—anong ginagawa mo, Zenn?”



“You got um…” Medyo nahihiya pa ngunit itinali ni Zenn sa bandang bewang ni Richelle ang jacket niya. “You got blood stain.”



“What!” Lalong hindi na malaman ni Richelle kung ano ang dapat na maging reaksyon. Tinignan niya ang suot niyang jogging pants at natagusan na nga siya. Doble ang hiya niya dahil si Zenn pa talaga ang nakakita nun.



“Samahan kita sa clinic. May pantagal sila ng dugo doon.”



“Ha?”



“Hydrogen Peroxide.” Nauna na agad na maglakad si Zenn pero nang lingunin niya si Richelle na nakapako pa rin sa kinatatayuan niya, hinawakan niya ang kamay nito at sabay silang nagpunta sa clinic.



= = = = =



Sa loob ng clinic, tinulungan si Richelle ng school nurse para magtanggal ng mancha sa suot niyang jogging pants.



“May kasama ka?” Tanong sa kanya nung school nurse. “Bakit ‘di mo pinapasok?”



“Eh Ate, lalaki po yun. Nakakahiya.” Nakakunot ang noo na sagot ni Richelle. “Sigurado po bang matatanggal ‘tong tagos ko, Ate?”



“Oo naman. Oh ayan, tanggal na nga.” Nagpakita ng salamin yung nurse at sinilip ni Richelle ang jogging pants niya. Wala na nga ang bakas ng dugo. “Maghintay ka lang sandali para matuyo yan.”



“Okay po. Salamat.” Aalis na sana yung school nurse pero may naalalang itanong si Richelle sa kanya. “Ay Ate, may ganitong gamot po ba kayo?” Hinalungkat uli niya ang bag niya para ipakita ang lagayan ng gamot niya na wala nang laman. “Pwede po bang manghingi? O bibilhin ko na lang po.”



Kinuha ng school nurse yung lagayan ng gamot at binasa ito, “Anti-thymocyte globulin. Para sa anemia ‘to di ba?” Saka napatingin ang nurse kay Richelle.



“Mild aplastic anemia po.”



“Kaya pala ang putla mo. Ilang araw ka nang hindi nakakainom ng gamot mo?”



“Three days na po.”



“Naku, tapos meron ka pa ngayon.” Agad na kumuha ng gamot ang school nurse at ibinigay ito kay Richelle para ipainom sa kanya. “Ito Iron at Vitamin C. Effective na pinagsasabay yan para sa mga anemic na gaya mo. But I suggest na bumili ka na agad ng gamot na inireseta sayo mismo ng doktor mo. May pharmacy sa labas ng NEU. Sa lagay mo ngayon, hindi siya walking distance ah. Mag-tricycle ka na lang kung wala kang sasakyan.”



Napangiti si Richelle, “Ang bait niyo po. Salamat, Ate.” Pakiramdam niya ay bumuti na nga kahit papaano ang pakiramdam niya.



Natuyo na ang jogging pants niya at saka pa lamang siya nagpasyang umalis na ng clinic. Habang naglalakad palabas ay binibilang niya ang natitirang pera niya sa wallet. Susundin niya ang sinabi ng school nurse at bibili na siya agad ng gamot niya.



Ngunit pagdating niya sa labas, naabutan niya si Zenn na naghihintay. Ni hindi na inakala ni Richelle na makikita pa niya ito. “Zenn? Nandito ka pa pala?”



“Gusto kong siguruhin na okay ka na.”



“Okay na ako… pero hiramin ko muna ‘tong jacket mo ah.”



“No problem. Sa susunod mo na lang ibalik.”



“Thank you talaga, Zenn. Lalabhan ko ‘to bago ko ibalik sayo.”



Nginitian lang siya ni Zenn. At sa isip ni Richelle, napaka-gwapo niya lalo na kapag naka-ngiti. Ilang babae na kaya sa NEU ang nakapansin sa tunay na kagwapuhan ni Zenn?



“May gagawin ka pa ba?” Tanong sa kanya ni Zenn, at mahahalata sa boses nito ang hiya at pag-aalangan.



“Um, may kailangan lang akong bilhin na gamot doon sa malapit lang na pharmacy.”



“Gusto mo, samahan na kita?”



Ayaw tanggihan ni Richelle ang offer ni Zenn pero, “Hindi ko siya lalakarin eh. Baka mapagastos ka.”



“May sasakyan ako. Ihahatid na kita.”



Sabay na silang nagpunta sa lugar kung saan naka-park ang sasakyan ni Zenn. Ang ipinagtataka lang ni Richelle, “Hwaw! Ang ganda ng sasakyan mo, Zenn! Hindi ka ba natatakot na ma-carnap yan?”



“Subukan lang nila.” Natatawang sagot ni Zenn.



“Pero bakit dito ka naka-park sa labas ng NEU?”



“Kumplikado kapag ipinasok ko sa loob.”



Hindi na nakapag-usisa pa si Richelle dahil pinagbuksan na siya ng sasakyan ni Zenn, at nag-drive na ito agad papunta sa pharmacy.



= = = = =



Ang pharmacy na pinuntahan nila ay yung nasa loob ng isang grocery store. Kinausap ni Richelle si Zenn na maghintay na lang ito sa sasakyan dahil sandali lang naman niyang bibilhin ang gamot na kailangan. Wala namang naging angal si Zenn.



Pagpasok ni Richelle sa loob, “Kuya, may ganitong gamot po ba kayo? Anti-thymocyte globulin?” Saka niya ipinakita yung lagayan ng gamot sa lalaking pharmacist na kaharap.



“Sandali lang, Miss.”



Habang hinahanap pa ng pharmacist ang gamot, nilibot naman ni Richelle ang paningin sa mga panindang nasa likuran niya. Nakakita siya ng Jelly Belly na may ice cream parlor mix flavor na paborito niya. Napalunok siya sa pagkatakam at gusto na niya sana itong bilhin, kaso naisip niyang baka kulangin naman ang perang dala niya.



Nang makabalik na ang pharmacist dala ang gamot niya, binayaran na ito ni Richelle at saka na lumabas para balikan na si Zenn.



Ngunit pagdating naman niya roon ay sasakyan na lang ang naabutan niya. “Zenn?” Hinanap niya sa paligid si Zenn ngunit hindi niya ito makita. “Nasaan na yun?”



“Richelle!” Napalingon si Richelle nang marinig niya ang boses ni Zenn na nanggaling din sa loob ng grocery store na pinasukan niya.



“Pumasok ka rin sa loob? Hindi kita napansin.”



“May kailangan lang bilhin.” Nakangiting sabi ni Zenn. “Tara na.”



Muli silang pumasok sa loob ng sasakyan. Pinaandar na ni Zenn ang sasakyan niya at nagsimula nang mag-drive.



“Ano nga palang binili mo?” Tanong ni Richelle kay Zenn.



Imbis naman na sagutin, dinukot ni Zenn sa loob ng bulsa niya ang binili niya. “Para sayo.”



“Jelly Belly!” Nanlaki ang mga mata ni Richelle dahil sa magkahalong gulat at tuwa. “Paborito ko ‘to!”



“Alam ko.”



“Alam mo?”



“Nakita kong tinititigan mo yan kanina kaya tingin ko, gustung-gusto mo nga yan.”



Napangiti ng malaki si Richelle. Agad niyang binuksan yung Jelly Belly at sinimulan na itong papakin. “Ang sweet!”



“Nung candy?”



“Oo! At tsaka ikaw, Zenn.”




Nagkatinginan ang dalawa na may parehong ngiti sa mga labi nila. Wala naman na silang sinasabi pero parehong ang mga mata nila’y nangungusap.




End of Chapter 9





1 comment:

  1. puputok utak q nito kkaisip kung sino ang killer. pero kinikilig aq kay zenn..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^