Wednesday, June 11, 2014

Psycho's Love Interest : Chapter 10

CHAPTER 10



Mag-isa na si Richelle sa apartment niya. Humilata muna siya sa sofa habang nakayakap sa jacket ni Zenn. “Ang bango!” Natatawa na kinikilig na parang ewan na sabi ni Richelle habang inaamoy ang jacket. “Susulitin ko muna ang amoy nito. Mamaya ko na lalabhan.”



Habang humahagikhik mag-isa si Richelle sa ginagawa niya, muli naman niyang naalala na icheck ang cellphone niya kung may text na mula kay Zenn.



5:30pm
Ingat ka sa pag-uwi.



7:00pm
Nag-dinner ka na ba? Wag papagutom ah.



8:00pm
Are you busy? Can I call you?



Tumingin sa orasan si Richelle at nagulat siya na 9:30 na pala! Isang oras at kalahati na ang lumipas noong nareceive niya ang huling text na yun ni Zenn. Agad naman niya itong nireplyan.



Zenn, sorry ngayon ko lang nabasa ang mga messages mo. Tapos na rin ako mag-dinner. And yes you can call me if you're still up.



Pinindot na ni Richelle ang send button, at hindi rin naman siya nag-eexpect ng agarang reply o tawag mula kay Zenn. After all, ang tagal na niya itong pinaghintay.



Habang naghihintay, nagpasya na munang mag-hot bath si Richelle para makapag-relax na rin. Dinala niya ang cellphone niya hanggang sa loob ng banyo kung sakaling tawagan na siya ni Zenn.



Habang masarap na nagbababad sa medyo mainit na tubig, nag-play rin ng music si Richelle. Pinatugtog niya ang kantang ‘Born to Die’ ni Lana Del Rey dahil hilig niya ang mga pang-senti mode na background music.



Nagsisimula nang marelax ni Richelle ang katawan at isip niya. Napapasabay na nga rin siya sa pinapatugtog na kanta, dahan-dahang napapapikit na tila ba ilang sandali ay tuluyan na siyang makakatulog.



Nagising lamang ang diwa niya nang mapalitan ng pag-ring ng phone niya ang kantang pinapatugtog. Si Zenn na ang tumatawag kaya dali-dali niyang pinindot ang accept button.



“Zenn!”



“Hello Richelle...”



“Hi!” Sobrang excited si Richelle na makausap si Zenn at nakalimutan agad nito ang pagka-antok.



“Umm Richelle... bakit nakatutok sa tenga mo ang video mo?”



“Video?” Napatingin si Richelle sa screen ng phone niya. Video call pala ang inaccept niya! At kitang-kita niya ang gulat na mukha ng kausap niya.



“You’re.... at the... bathtub?”



“Syet!”



Napapatay agad ng phone niya si Richelle at nagsimula nang mag-panic.



“Oh no! Oh my God! Syet! Syet! Ang tanga ko! Naka-video call ko si Zenn habang nasa banyo ako… SYET!” At dahil sa kahihiyan, inilubog na lamang niya ang sarili sa tubig.



= = = = =



Nang mahimasmasan ay saka lang ulit in-on ni Richelle ang phone niya. Doon pa lang pumasok ang sunud-sunod na text messages mula kay Zenn. He was apologizing, at hindi niya sinasadya na mangyari yun.



Inisip ni Richelle na wala naman talagang kasalanan si Zenn. Kaya naman nang makaipon na rin siya ng sapat na lakas ng loob ay tinawagan na niya ito. Nag-ring lang ito ng isang beses at agad na may sumagot sa kabilang linya.



“Zenn…”



“Richelle!” Mataas ang tono ng boses nito. Halatang naghihintay talaga na magkausap sila ulit. “I’m so sorry, Richelle. Hindi ko talaga sinasadya na—”



“Wala kang kasalanan.” Pinangunahan na siya ni Richelle. “Hindi ko kasi napansin na video call pala yung in-accept ko. Ang dapat sisihin ay yung katangahan ko.”



“But I’m still sorry dahil video call ang ginawa ko when I could have just simply called you.”



Panandaliang natahamik sa magkabilang linya. Tuluyan na silang nagkahiyaan. Pero ayaw naman ni Richelle na masayang ang pag-uusap nila kaya una nitong binasag ang katahimikan. “Pero Zenn, may nakita ka ba?”



Medyo natagalan pa sa pagsagot si Zenn. Alam ni Richelle na nag-iisip ito ng tamang sasabihin niya. “What do you want to hear from me?”



“Na wala kang nakita?”



“Wala akong nakita, Richelle. At kung may nakita man ako, iisipin ko na lang na hindi nangyari yun.”



Napangiti na si Richelle. Ang gentleman lang talaga ni Zenn. Hiyang-hiya pa siya kanina sa nangyari pero ngayon, parang hindi naman talaga dapat masyadong damdamin yun.



Para magkasaysay at humaba pa ang kwentuhan ay minabuti nang ibahin ni Richelle ang kanilang usapan. “Bakit mo nga pala ako gustong makausap kanina?”



“Wala kasi akong magawa rito...”



“Ganun? Ibig sabihin, pampalipas-oras mo lang ako?”



“No. It's nothing like that. Kasi gusto rin kitang kausap. Gusto kong marinig ang boses mo.”



Pinipigilan lang ni Richelle pero hindi na niya maikubli ang kilig na nararamdaman. Ramdam niya sa seryoso at malumanay na boses ni Zenn ang sinseridad sa mga sinasabi nito.



“Masarap ka ring kakwentuhan, Zenn.”



“Talaga?”



“Oo.”



“Ikaw palang yata ang unang tao na nag-enjoy na kausap ako!”



Medyo nagugulat si Richelle sa mga sinasabi ng binata. Iniisip niya na kahit sino namang babae, kikiligin kapag nakausap na siya. Maaring hindi lang alam ni Zenn pero bukod sa gwapo siya, marunong at magaling naman siyang magpakilig ng babae.



“Zenn...”



“Hmm?”



“Nagka-girlfriend ka na ba?”



Inabot uli ng ilang sandali bago nakasagot sa tanong si Zenn, “Hindi pa.”



“Bakit naman?”



“Hindi ko pa lang kasi noon nahahanap ang babaeng gusto kong ligawan.”



Napansin ni Richelle ang salitang ‘NOON’ na ginamit ni Zenn. ‘Ibig bang sabihin, nahanap na niya ang babaeng gusto niyang ligawan NGAYON?’ Natanong naman niya sa sarili. At gusto niya rin sana itong itanong talaga kay Zenn pero hindi niya ginawa.



“Bakit ikaw, Richelle? Bakit hindi ka pa nagkaka-boyfriend?”



“Paano mo nalaman na hindi pa ako nagkaka-boyfriend?”



“Hinulaan ko lang…” Saad ni Zenn ngunit halata sa boses nito na hindi siya nagsasabi ng totoo. Ngunit sa huli naman ay pinili niyang sabihin kung ano ang katotohanan. “No. Actually, inalam ko talaga. Hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Bakit?”



“Okay, nalaman mo nang NBSB ako. Bakit hindi mo pa inalam kung bakit?”



“May mga bagay na gusto kong malaman na sayo mismo manggaling.”



Napakagat ng labi niya si Richelle. Kung pakikipag-flirt ang tawag rito ay natutuwa siya sa ganitong klaseng pakiramdam. “Well, maraming dahilan. Strict parents, yung bestfriend kong si Shane at siguro tulad mo… hindi ko pa noon nahahanap ang lalaking gusto kong maging boyfriend.”



“Noon? Kung ganun, may nahanap ka na ngayon?”



“What the… Zenn?” Natigilan si Richelle at hindi makapaniwala.



“What?” Nagtatakang tanong naman ni Zenn.



“Yang tanong mong yan, naisip ko ring itanong kanina.” Natatawang sabi ni Richelle. “At para sagutin ang tanong mo, oo. Ngayon parang nahanap ko na yung lalaking gusto kong maging boyfriend.”



“Really?”



“Yes. Really.”



“Eh ano yung gusto mong itanong saakin kanina?”



“Hindi mo pa noon nahahanap ang babaeng gusto mong ligawan. Eh ngayon?”



“Ngayon parang nahanap ko na rin yung babaeng gusto kong ligawan. Ang tanong, papayag ba siyang ligawan ko siya?”



“Siguro, dapat itanong mo yan sa kanya.”



“I will, Richelle. Soon.”



Hindi na maexplain ni Richelle yung kakaibang saya at kilig sa pakikipag-usap niya kay Zenn. Kung tutuusin, hindi pa naman niya ganoong kakilala si Zenn ngunit ang gaan na ng loob niya rito. Coincidence lang ba o meant-to-be talaga na mag-krus ang landas nila.



“Zenn, may favor pala ako?”



“Ano yun?”



“Tawagin mo na akong Iche from now on.”



“Iche?” Parang narinig ni Richelle ang mahinang tawa ni Zenn nang marinig nito ng nickname niya. Mas lalo tuloy niyang naimagine ang gwapo at nakangiting mukha ng binata. “Oh sige, Iche.”



Napangiti na rin si Richelle. Tanging mga malalapit lang na tao ang tumatawag sa kanya sa pangalang iyon. Ngayon, feeling niya ay ka-close na niya talaga si Zenn.



= = = = =



Halos magdamag na nagkausap sina Richelle at Zenn. Nalaman ni Richelle na Fine Arts pala ang course ni Zenn at inaaya pa siya nito na panoorin siya minsan kapag gumagawa siya ng art works niya. Excited naman na pumayag ito para magkakilala pa sila ng lubusan.



Ngunit dahil nga kakarampot na lang na oras ng pagtulog, inaasahan na ni Richelle na pahirapan ang paggising sa umaaga. Hindi na lamang niya masyadong pinahalata na napuyat siya lalo pa at si Shane ang taga-gising niya. Alas-singko pa lang ng madaling araw ay kinakatok na siya nito.



“Bakit ang tagal mong gisingin?” Bungad ni Shane na bagong ligo na at bitbit ang pang-almusal nila na binili nito sa malapit na carinderia na maagang nagbubukas.



“Ang sarap pa matulog eh.” Sagot sa kanya ni Richelle na nakapikit pa rin ang mga mata. At imbes na maghanda na siya para maligo, napahiga siya sa sofa. “Ayoko na munang pumasok, Shane.”



“Bakit? Masama ba pakiramdam mo?”



“Hindi. Gusto ko lang matulog.”



“Sows! Katamaran lang pala! Bumangon ka dyan, Iche!” Hinila ni Shane si Richelle paalis ng sofa at itinulak siya palapit sa banyo. “Maligo ka na para mawala antok mo.”



“Inaantok pa talaga—” Hindi na natuloy pa ni Richelle ang sasabihin niya dahil binato siya ng towel sa muka ni Shane, saka siya pinagtulakan papasok ng banyo. “Hay naku, Shane! Wrong move! Matutulog na lang ako rito sa bathtub!” Sigaw niya, sabay lock sa pintuan.



“Wag mong antayin na pumasok ako dyan sa banyo para paliguan ka, Iche!” Banta ni Shane sa kanya.



“Mukha mo, Shane!”



“I’m not joking! Pag ‘di ko pa narinig na nakabukas yang shower, papasukin kita dyan!”



Richelle rolled her eyes. As if naman na gagawin talaga ni Shane yun kaya naman nagmatigas lang siya na ipagpatuloy ang pagtulog sa loob ng banyo.



Naipikit niya na uli ang mga mata niya, ngunit hindi rin naituloy ang pagtulog dahil sa ‘di inaasahang ginawa ni Shane. Ginamit nito ang hawak na spare keys para pwesahang makapasok sa loob ng banyo.



Nakayuko itong nakatingin kay Richelle at nakapamewang pa. Seryosong-seryoso ang utsura nito.



“Anong gusto mong unahin kong hubarin sayo? Yang t-shirt mo o yang pambaba mo? O pwede ring paliguan kita ng nakadamit ka. Mas exciting yun.”



Napakurap ang mga mata ni Richelle dahil sa pinagsasabi ni Shane. Hindi niya inaasahan na masasabi iyon ng bestfriend niya. Isang kakaiba na nakakatakot na banta.



Hindi niya napigilan na mapaisip. Dati naman noong mga bata pa sila ay nakakapagsabay pa sila na maligo. Kung gagawin nila ngayon, sobrang weird na! Ayaw mang isipin ni Richelle pero hindi na maiiwasang mahaluan ito ng malisya.



“Bi—biniro lang kita, Shane. Maliligo na nga ako.”



Ilang segundo pa ang inabot bago nagbago ang reaksyon ni Shane. Sa pagiging seryoso ay lumambot ito. Nginitian pa siya nito na parang wala lang. “Bilisan mo ah.” Saka na ito lumabas ng banyo. “At paki-lock na uli yung pinto.”



Dali-dali itong ginawa ni Richelle. Ni-lock niya ang pinto pero ano nga bang silbi nito kung may hawak namang spare keys si Shane. Ano mang oras ay maari niya itong buksan kung gugustuhin niya talaga.



‘Hindi naman na siguro bubuksan ‘to ni Shane habang naliligo na ako.’ Pagkukumbinsi niya sa sarili.



“Iche, hindi ko pa naririnig yung shower!”



“Ito na nga, maliligo na.” Naghubad na siya ng damit at binukas ang shower. Sinadya niyang malamig na tubig ang gamiting panligo para malamigan ang nag-init niyang mga pisngi at pakalmahin ang abnormal na kabog ng puso niya.



= = = = =



Nakapaghanda na si Richelle. Hindi niya na masyadong pinahirapan ang sarili sa pag-iisip.
Tulad ng dati at nakasanayan, sabay silang nag-almusal ni Shane at nag-usap lang ng kung anu-ano at mga plano nila para sa araw na ito.



Ilang sandali pa ay handa na silang pumasok sa NEU. Yun nga lang...



“Ay teka lang pala, Shane! May nakalimutan lang ako! Kukunin ko sandali!” Tumakbo siya papunta sa balcony kung saan niya sinampay ang damit na nilabhan kagabi pagkatapos niyang maligo. Pero ang naabutan niya, yung hanger na lang. “Nasaan na yung jacket?”



“Iche, ano pa ba yang kailangan mo—”



“Bakit nawawala yung jacket ni Zenn!”


End of Chapter 10






1 comment:

  1. I want to comment on this!!! Hindi ako kinikilig kay Zenn !! >_< feeling ko kasi siya ang killer but to SHANE!!!! OMG! hahah wag lang talga siya kundi papatayin kita ate Aegyo! HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAAHAHAH

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^