Friday, April 18, 2014

Love Haters : Chapter 7.1


=__= SEDUCING SHIWAL =__= [PART 1]

Shiwal's Point of View:
     Bigla akong nagising dahil sa lintik na alarm clock. Pucha lang. Kakagulat. Letse. Naalala ko na naman yung nangyari kahapon +___+ Bwiset lang.

     Tumayo na ako at naghanda na sa pagpasok ko sa school. Hay . . . Nakakatamad.

     Pero mas lalo akong tinamad na pumasok ng makita ko ang lintik na mga pagmumukha ng "The 4 UGLY Men" sa mansion ni Oba-chan.

     "Good morning." sabay-sabay nilang bati sa akin matapos nila akong makita. Nakita ko ang isang baseball bat sa lalagyanan ng mga golf club at kinuha ito. Napalunok silang lahat ng makita nilang tinitignan ko si Jack, tila alam na nila ang gagawin ko. Tumingin ako ng matalim dito at ipinosisyon ko ang sarili ko. Iniisip ko na isang bola lamang si Jack at kailangan ko itong hampasin. Hana, dul, set, bulong ko at . . .

     "HUWAAAAAAAAAAAGGGG!!!" narinig kong sigaw nilang lahat except kay Eung.na kalmadong kumakain. As expected =___=

     "Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko at tumingin kay Jeom na kasalukuyang hinahagod ang likod ng nanginginig na si Jack +__+ I'm bad and I love it.

    "Inimbita kami ni Kyo." narinig kong sabi ni Eung. Mas mabilis pa sa kidlat akong tumingin ng masama kay Kyo. Sa isip ko ay nilulublob ko na ang guwapong pagmumukha ni --- what the! Did I just said na guwapo siya? =___= Eeeew. Back to my imagination, sa isip ko ay nilulublob ko ang PANGET niyang pagmumukha sa isang kumukulong tubig at tinututok ko ang isang kutsilyo sa banda niyang lalamunan at inihahagis ang kaniyang bangkay sa the red sea =__= Me and my murderous mind.

     "Who are you to invite them?" I asked. Yumuko lang ito.

     "Ikaw kasi Kyo eh."

     "ANONG AKO?! PINILIT MO KAYA AKO JACK! ULUL!"

     "H-hey . . . chill ka lang Kyo!"

     Napaikot na lamang ako ng mata at umalis sa harapan nila dahil baka tuluyan ko na silang lahat at imbes na sa the red sea ko sila ihagis, ihahagis ko na lang sila sa kanal para mas masaya =___= Dumiretso ako sa porsche ko.

     Nang nasa Kiwal University na ako ay tumingin ako sa salamin para tignan kung panget pa rin ba ako =___= at nagulat ako sa nakita ko. Tangina! Bakit ko suot ang punyemas na gangster suit na ito! Aruuu!!! Jusmeyo Marimar! Tapos nakalimutan ko rin! Bakit gamit ko yung sasakyan kong porsche?! Alam lang nila ay isa akong mahirap na scholar sa university na ito.

     Hindi na ako nagpalit ng damit dahil male-late na ako. Buti na lang ay hindi ko pa rin inaalis ang malapit ng mag expired na make-up kit ko sa bag ko. Just in case lang ito dahil bigla-bigla rin si Auntie na nag-iinvite ng mga party kahit alam ko naman na hindi ako pupunta. Minakeupan ko ang sarili ko ng tama lang na hindi nila ako makikilala agad at nakita ko ang isang gunting kaya't napangisi ako at tinignan ang mahaba ko ang buhok. Lumabas ako at dumiretso sa back door ng school. Nang makita ako ng guard ay dali-dali niya akong pinapasok dahil alam niyang ako ang may ari ng school na ito. 

     Dumiretso ako sa isang cr at ginupit ko ang buhok ko at napangisi. 

     Nag cut na rin lang ako sa klase ko at pumunta ulit sa bahay. Wala na duon sila Kyo, Jeom, Jack at Eung. Malamang, pumasok na sila.

     Pumunta ako sa isang kuwarto na matagal ko ng hindi ginagamit. Ang make-over room. Kinuha ko ang isang pangkulay na buhok. Wala na akong pakialam kung anong kulay yun. Ang mahalaga ay hindi na nila ako makilala sa itsura ko. Siguro fate na lang ata na ibalik ko ang dati kong itsura. Kailangan ko ng mag move-on sa past ko =___= Ok, too much drama here.
..
---

"UWAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!! SI IDOL FELICE! NAMISS KA NAMIN! BAKIT MAIKLI NA ANG HAIRLALU MO?! NGAYON KA LANG ULI NAGPAKITA ATE FELICE!!!" nanlalaki ang matang sabi ni Seika sa akin. Kumunot ang noo ko. Seriously, hindi niya ba ako nakilala? Malamang =___=

"H-hey! Seika! Ako ito! Si Shiwal!" hingal na hingal kong sabi ko sa kaniya. Nakipagtaguan pa ako sa ibang students na sabi daw nila ay fan na fan ko daw nung sikat  pa akong model.  Talagang hinabol pa nila ako. Pumasok na lang pala ako sa hapon. Ayaw kong may ma-miss akong class. Ayaw kong mag-absent. Isa kaya ako sa honor students ng classroom ko. 

Nanlaki muli ang mata niya, "UWAAAHHH!!! ANG GANDA MO SHIWAL! PERO WAIT, BAKIT KAMUKHA MO SI IDOL FELICE NAKI..." sandali siyang napatigil. "RARA... OMG! IKAW SI IDOL FELICE?! UWAAAHH!" napaikot na lamang ako ng mata at tumango. "Tara na." pumasok na ako sa classroom kasama si Seika at maraming hindi makapaniwala dahil sa nakikita nila =______= 

Tanong sila ng tanong sa akin. Umamin na rin ako sa kanila na ako ang may-ari ng school na ito. Umamin akong ako si Felice Nakirara at iisa lang kami ni Shiwal Nakirara.

Isa lang ang masasabi ko.

BWISET.

---

 Kasama ko ngayon si Seika at papunta na sana kami sa canteen nang bigla akong napatigil ng mapansin kong maraming mga tao especially ang mga babae, sa isang secret door na pinagawa ko dati. 


   Teka, anong ginagawa nila duon? Paano nila nalaman ang lugar na iyan eh tagong -tago nga iyan eh.


    
  "Kyaaaaahhhhh!!! Tama ang hinala natin!!! nandito nga nakatago sa Secret Room ang 'THE 4 HOT MEN!!! WAAAHH!!" biglang napantig ang tenga ko pagkarinig sa sinabi nila. Secret Room? The 4 Hot Men? Seriously?


   
  "Shiwal, what's happening? Parang may kakainin ka ata ngayong buhay ah?" tanong ni Seika sa akin. Tumingin ako sa kaniya gamit ang walang kabuhay-buhay kong mata at nag-salita, "Mauna ka na muna. May kailangan muna akong asikasuhin." sabi ko at agad na akong tumakbo. Hindi ko na rin pinansin ang pag-tawag sa akin ni Seika. This is so unbelievable.





Jack's Point of View:



      Teka, anong nangyayari? Bakit parang ang ingay sa labas ng secret room namin? Sinilip ko ang bintana ng secret room, at laking gulat ko ng nakita ko ang maraming mga babae sa labas. Ok sana kung mga pasado sila sa taste ko pero hindi eh =_______=
    


     "KYAAAH!! SI PRINCE JACK!! TUMINGIN SA AKIN!!!"


  
     "Anong sabi mo? Tumingin siya sa iyo? Sa akin siya tumingin! Ilusiyonada!"



     "SHUT UP!! KAYONG LAHAT, MGA ILUSIYONADA! PUNYETA! ANONG GINAGAWA NIYO DITO SA SECRET ROOM KO! KAYO, JACK! EUNG! KYO! JEOM! LUMABAS KAYONG LAHAT DIYAN!" mas lalo akong nagulat ng narinig ko ang boses ni Shiwal kasabay ng pag suntok niya sa isang babae na akmang sasampalin siya.



    "Pssstt... Kyo, Eung, Jeom, labas daw." bulong ko sa kanila.


   
    "Magbu-bulungan pa kayo diyaan o hihilahin ko kayo isa-isa diyan palabas?!" sigaw niya. Seriously, hindi ba nauubusan ng boses itong babaeng ito?  -3- Just asking.



    "Hey! Who are you to make sigaw-sigaw of our Princes?! You're so irritating, you ugly bitch!" naku! patay itong babaeng ito. >O> Baka ma balian ito ng buto mamaya. :|



    
     "Yeah! That's true!" 



    "Tu-true-hin ko mukha niyo! Mga kabayo!" napatawa ako ng marinig ko ang salitang kabayo. :D Wahahaha! I love women pero sa case ngayon, natatawa akong napapahiya sila XD



     "H-how dare you?!" sabi ng isang matabang babae na lumalaki na ang butas ng ilong sa galit. Eeeeewww. (►▲ ◄   )
   


     Pero hindi lang siya pinansin ni Shiwal (wait! si Shiwal ba yun! Kamukha niya eh! Maikli rin ang buhok niya at naging iba ang kulay! Kasing kulay nito ang pulang buhok ni Jack!) at sinuntok niya lang ang babaeng iyon sa mukha at bigla siyang may parang hinawakan sa pintuan ng secret room. Nagulat kaming lahat ng biglang bumukas ang hinawakan niyang parte ng pintuan at may nakalagay duon na parang...M16?!



     Napaurong yung babae nang kinuha ito ni Shiwal at itinutok ito sa kaniya. 



     "Ano? Papasabugin ko ito sa bunganga mo o Lalabas kayong lahat? Get out of this room! Talagang ginagalit niyo ako huh?!" ayan na. Naku, naku... Natatakot na rin ako. Grabe naman kasi. Sino ba namang hindi matatakot kapag itinutok sa'yo ang isang M16? 


     
     Nag-sitakbuhan ang mga babae palabas. Takot na takot. "Uwaaaahhh!!! Mommy!!!" rinig ko pang sigaw ng iba. "Shiwal's a murderer! Shiwal's a murderer! UWAAAHHH!!!"



     Ok, weird. Ano kaya kung maging woman-hater na lang ako kung lahat ng babae ay katulad nila? =___=



---



1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^