Chapter
2
PAIN
I want to draw out each minute, each second
But the empty road rushes me on
But the empty road rushes me on
After going round and round
I arrive at your house that’s so familiar and tears fall
I arrive at your house that’s so familiar and tears fall
After spending a long day finding this place
I feel like I am lost
Please
don’t, please don’t leave
Don’t know why Don’t know why
Don’t know why Don’t know why
Richmond’s POV
Akala
ko ang araw na ‘yon na ang pinakamasakit na araw sa buhay ko. Pero hindi parin
pala. Padating palang para ang araw na ‘yon.
“Oh, anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dito?” bungad ko sa kanila. Hindi naman kasi Sabado at Linggo. Kaya
unusual na pumunta sila dito.
“Grabe ka naman, bawal ka
bang mamiss ngayon??”
“Oo, lalo na kung ikaw, Ache lang ang makakamiss sa akin.” Hindi man siya nag-react sa sinabi ko,
dere-deretso lang siyang pumasok sa may sala ng bahay ko
.
“Pasensya ka kay Rachelle.” Bulong
sa akin ni Renzel ng sundan namin si Rachelle na prenteng nakaupo sa may sofa.
Tinabihan naman siya ni Renzel ako naman
ay umupo sa nakahiwalay na upuan.
“Bakit nga kayo napadalaw?” tanong
ko.
Nagkatinginan silang dalawa. Nagsensyasan pa.
“Ikaw na magsabi sa kanya.”
“Ikaw na”
“Sabihan niyo nalang ako kapag ready na kayo ha? Kukuha lang ako
ng maiinom niyo. Nakakahiya naman sainyo eh.’’ sarkastikong sabi ko. Bakit kasi
kailangan pa nilang maging sweet sa harapan ko.
“Wag na! Sasabihin na namin!” sigaw
ni Rachelle tapos hinarap niya sa akin ang mga kamay niya. Sumisikip ang dibdib
ko. Napalunok pa ako.
“Tsaraaan!”
“Oh ano ‘yan? Hindi naman ako sanglaan! Wala
akong pera para dyan sa singsing na yan!”
biro ko.
“Che! Tingnan mo kasing mabuti.” This time pati si Renzel pinakita na ang singsing sa
kamay niya.
“We’re enganged.” Sabay pa nilang sabi.
“Wahhehe! Congrats!” yun lang ang tanging nasabi ko.
Unti-unti akong
pinapatay sa sakit.
Unti –unti nadudurog
ang puso ko.
Pero kailangan kong
maging masaya para sa kanila.
“Ikaw ang bestman namin ha!” Ngumiti
lang ako sa sinabi ni Rachelle sa akin. Tumango nalang ako sa kanya. Hindi na
ako makapagsalita.
Hanggang bestman
nalang ako.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^