Tuesday, March 4, 2014

Please Don't - Chapter 1


Chapter One

SMILE

Richmond’s POINT OF VIEW

Nakaugalian ko ng umupo sa may hagdan tuwing umaga para makapag-isip tungkol sa mga bagay- bagay. Pero nararamdaman kong may kakaiba sa umagang ito. At tama nga ako. Naramdaman ko kasi na may tao sa likuran ko.

Good morning. Mon-Mon! Rise and Shine!!!” Hindi ko siya sinagot. Hindi ko siya tinapunan man lang ng tingin. Ayoko siyang tingan.

“Kainis naman ‘to! Wala man lang good morning?” Lihim na napabuntung-hininga ako at humarap sa kanya.

“Morning.” Walang ganang sabi ko nalang para magtigil na siya. Matagal na tinitigan niya lang ako. Unti-unti rin niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko nalang ang mga kamay sa may mukha ko. Nagulat ako ng bigla niya nalang kurutin ang pisngi ko.



“PMS SI Mon-Mon!” tuwang-tuwa pa siya habang nilalapirot ang mga pisngi ko kahit pilit ko ng iniiwas.


“Ano ba!” sigaw ko pa sa kanya, pero wala man lang sa kanya ‘yon.

“Aysus! Ang cute cute ni Mon-mon!!”

“Isa!”

Dalawa!”

Aba’t!


Inis na inis na tinulak ko siya.


“Pikon si Mon-mon! Binasted ka siguro ng nililigawan mo noh??!” Akamang susugurin ko na siya ng patakbong bumaba siya ng hagdan. Hahabulin sana siya ng may marinig kaming isa pang boses. Dali-dali nagtago sa likuran niya ang makulit na babae.


“Oh, kay aga-aga nag-aasaran naman kayong dalawa.” Nakangiti pa niyang sabi, samantalang ang babaing buwisit tatawa-tawa habang nakayakap sa kanya.



“Hindi ah, pinapangiti ko lang si Mon-mon kaso pikon eh!” Napakasinungaling talaga nitong si babaeng ‘to.

“Eh bakit naririnig ko kanina, sumisigaw tong si Richmond?”

“Hindi kaya! Kumakanta kaya siya! Di ba, Mon-mon?” Nakangiti at naghihintay ng sagot mula sa akin si Renzel.



“Wahehehe, oo. Kumakanta lang ako.” Sabi ko habang nakangiti ng pilit. Paminsan-minsan sinasamaan ko ng tingin si Rachelle. 

“Kayo talagang dalawa, walang araw na hindi kayo nag-aaway. Kung iba tao ang makakakita niyan iisipin kayong dalawa ang magkasintahan.”

“EEW LANG HA!” sabay pa naming sabi.

“Hindi ko type si Ache [read as A – che..]” seryosong sabi ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

Ache ka dyan?! Ganda-ganda ng pangalan ko tapos tatawagin mo akong ganun?! Batukan kita eh!” Time ko naman para mang-inis.

“Ayoko nga, tatawagin kitang Ache hanggang gusto ko.”

“Honey o! Nang-aasar naman si Mon-Mon.” nagsumbong na naman.

“Tama na nga ‘yan, kumain na tayo. Kanina ko pa hinanda ang almusal natin.” Saway sa amin ni Renzel.

“Yes! Kakain na! Kanina pa ako nagugutom.”

“Tss. Takaw.” Inirapan at dinilaan lang ako ng loka-loka.

Isa ‘to sa mga araw na pangyayari na ayaw ko. Kaya nga ako humiwalay ng bahay sa kanilang dalawa. Dati kasi magkakasama kami. Kaso hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang masaktan. Kaya humiwalay ako. Yun nga lang every Saturday at Sunday nandito parin sila. Nahihirapan man ako, wala akong magagawa.

Iba parin kasi ‘yung pakiramdam na nakikita ko siyang ngumiti-ngiti. Ang gaan sa pakiramdam. Pero kaakibat din n’non ang kahilingan na sana, ako ang nagbibigay sa aknya ng mga ngiting ‘yon.
= = =

“Mon-mon! Labas ka dyan dali! Punta tayong park!” narinig kong sigaw ni Rachelle. Hindi ko siya pinansin. Nagtalukbong lang ako ng kumot. Pero palakas ng palakas ang katok sa may pintuan.

“Oo na! Mag-aayos lang ako sandali!” sigaw ko. Pamaya-maya lang ‘non ay wala na akong narinig na pagkatok. Mukhang bumaba na siya. Ayoko man bumangon sa higaan ko ay tumayo na ako at nag-ayos.

“Ano ----



Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko Rachelle at Renzel na magkayakap. Parang dinudurog ang puso ko sa nakita ko. Dahan-dahan akong bumalik paakyat sa kwarto ko.


Hanggang kailan ko makakayanan na  makita siyang masaya sa piling ng iba?



Hanggang kailan ako ngi-ngiti sa kanila parang hindi ako nasasaktan?



Kakayanin ko pa ba?

1 comment:

  1. Aside from the story, ang funny ng GIFs ni Mon-mon. This is from an MV, di ba?

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^