Chapter
3
GOODBYE
Richmond’s POV
I hope ito na ang
huling araw na masasaktan ako ng ganito.
Binalak kong wag pumunta.
Masasaktan lang ako pero anong magagawa ko. Kaibigan ko sila. Gusto nilang
nandito ako sa raw na pinakamahalaga sa kanila.
Ang araw naman na
pagkadurog ng tuluyan ng puso ko.
Yes, it’ their wedding
day.
“Bro.” Bumalik
ako mula sa paglalakbay ng isip ko ng makita ko Renzel na papalapit sa akin.
Seryoso. Mukha siyang tanga.
“Kinakabahan ka?” tanong
ko.
Ngumiti siya ng pilit
sa akin. “Medyo.”
Sagot niya pa. Tinapik ko lang siya sa balikat. Na para bang sinasabi, “Ayos
lang yan.” Pero ako, hindi ko alam kung magiging ayos pa ako. Ang sakit lang
kasi.
“Sige, bro. Asikasuhin ko lang muna ang mga bisita.” Tumango
lang ako sa kanya. Nang makaalis siya, ilang saglit lang bumaba na si
Rachelle.
Walang duda. Ang ganda
niya. Maiingit ang lahat ng makakakita sa
kanya.
“Mon- mon!”
“Di ka naman excited niyan?”
Ngumiti siya sa akin. “Slight lang,
uhmm. Kumusta? Okay lang ba ang itsura ko?” umikot pa siya sa
harapan ko.
“Pangit!” biro
ko.
“Grabe ka
naman! Ang bad bad mo! Ikakasal na ako’t lahat!” nakanguso pa
siya habang sinasabi yan. Napatawa ako ng malakas.
Kailangan ko na
sigurong tanggapin na hindi siya magiging akin.
“Nagbibiro lang ako. Ang ganda ganda mo ngayon, Rachelle.” Nag
thumbs pa ako sa kanya para ipakita ang punto ko.
Napansin ko namang
nagluluha ang mga mata niya.
“Oh napano ka?! Mamaya
sabihin ni Renzel pinapa iyak kita!” Pinalo niya ako sa may braso.
“Eh kasi! Perstaym na tinawag mo ako sa pangalan ko!!” Para talaga siyang bata. Pero kahit
ganon. Kahit ganon …..
“Oh nag-aaway na naman ba kayo?”
“Honey! Tinawag ako ni Mon-Mon sa pangalan ko!” tuwang-tuwang yumakap siya kay Renzel,
ngumiti naman siya sa akin. Tumango lang ako.
= = =
Nakatingin lang ako
kay Rachelle habang naglalakad siya papalapit kay Renzel.
Masaya na sila,
Richmond.
Dapat masaya ka na din
para sa kanila.
Masokista na ata
talaga ako habang pinapanuod ang buong durasyon ng kasal.
Nang magtanong ang
pari kung may tututol ba, gustong-gusto kong sumigaw. Pero hindi pwede.
Hindi ko kayang makitang
masira ang pagkakaibigan namin tatlo. Kaya pagkatapos na pagkatapos ng
kasal tumalikod na ako.
Masakit na eh.
= = =
“Richmond.”
“Renzel.”
“Bakit andito ka? Hinahanap ka ni Rachelle sa loob.”
“Ah eh ---“nagulat ako ng hawakan niya ang
kamay ko at wala na akong nagawa kung hindi magpatianod sa kanya.
“Richmond!!” nagulat
ako ng tawagin niya ako sa pangalan na ‘yun. Madalang na tawagin niya ako sa
pangalan ko.
“Napano ka?”
Hindi ko pinahalata ang reaksyon ko sa pagtawag niya.
“Bakit ka lumabas? Inggit ka no? Hanap hanap na din kasi ng girlfriend!!” Inirapan ko lang siya.
Oo,
naiinggit ako. Kung pwede lang sanang ako nalang. Ako nalang sana.
“O siya tama na yan. Magpakuha na tayo ng picture.”
>>>FINALE HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^