Friday, November 8, 2013

When I Get Hurt : Chapter Fourteen

When I Get Hurt : Chapter Fourteen
Chapter Fourteen : Brent is back

(Clarissa Reyes' POV)


Malapit nang magdilim nung makalabas ako ng campus. Pagdating ko sa may Carpark, biglang nahulog yung susi ko. Tsk. Pati yung maliit kong bola na madalas kong paglaruan nahulog din.


Yung mga gamit ko inilapag ko muna sa may taas ng kotse ko. Tsk!


Yumuko ako para hanapin yung susi ko. Nakita ko ito sa ilalim ng kotse ko kaya binuksan ko muna ang kotse ko para ilagay sa loob ang mga gamit ko bago ko hanapin yung stress ball ko.


Nung simulan ko nang hanapin yung stress ball ko, may narinig akong umubo. Sheez! Medyo madilim na talaga!


*COUGH*


*COUGH*


Waaaaaaaaah~ Please! Somebody please help me~


Tsk! Nasaan na ba kasi yung stress ball ko?


May bigla na lang kumaluskos kaya nagulat ako. Tsk!


*BOINK*


"Aww!" Aray ko.


May biglang bumato sa ulo ko nang... yung stress ball koo~ Tatakbo na sana ako pabalik sa kotse ko nung may biglang bumulong sa pangalan ko.


"Ka...Cla...Clarissa." O.O Huuwaaaa~


Nanigas yung buo kong katawan. Sheez. Anong klaseng boses yun? Bakit...bakit ga... ganun?


May kumaluskos na naman kaya biglang nanigas na naman yung likod ko.


"Cla...rissa..." Tawag niyang muli sa pangalan ko.


Natatakot man ako pero unti-unti ko pa ring inilingon ang mukha ko.


"BRENT!!" Sigaw ko.


Dali-dali akong tumakbo papunta kay Brent.


"Anong nangyari sayo?" Tanong ko.


Nakatakip na ang dilim pero nakita ko pa rin ang mga pasang nasa mukha ni Brent. Hilaw pa ang mga ito at tila may naka-away siya o may gumulpi sa kanya.


"Clarissa...S-si Nicca?...Ka.. Kamusta siya?" Tanong ni Brent na nauutal.


"Maayos ang lagay ng Best Friend ko, pero ang mabuti pa sa ngayon, dadalhin muna kita sa ospital." Sagot ko saka ko siya tinulungang tumayo. Kinuha ko yung stress ball ko saka ko na siya inakay papunta sa kotse ko.


Bago ko pinaandar yung kotse ko, tinawagan ko muna si Nicca.


*RIIIINGG! RIIINGG!*


[Bhes, bakit?]


"Bhes... kasama mo ba si Ace?"


[Ahm... Actually, kahahatid niya lang sakin dito sa bahay. Bakit bhes?]


"Buti naman... eh kasi..."


Inistart ko na yung engine ko saka ko na pinaandar sa Smith's Hospital.


[Kasi ano?]


Ayt. Onga pala, kausap ko pa pala si Nicca.


Tumingin muna ko sa natutulog na si brent.


"Si Brent kasi..."


[Wait... What? Si Brent?]


"Oo, si brent. Kasama ko siya ngayon..."


[Paano? Clarissa wag mong sabihin sakin na...]


"Hindi ko pa alam kung anong nangyari pero may duda ako kay Ace... Kaya layuan mo na siya." Sagot ko agad.


[Bakit? Nasaan ba kayo ni Brent? Pupuntahan ko kayo.]


"Papunta kami sa Smith's ngayon, dumiretso ka na dun. May mga pasa si Brent sa mukha at mukha siyang ginulpi ng tatlog beses."


[Sige sige. Hiramin ko muna yung kotse ni Ate.]


~End Call~


Tsk!


*RIIINGG! RIIINGG!*


(Calling: Ate Euline)


"Oh, ate bakit po?"


[Is it true, kasama mo daw si Brent?]


"Opo, ate. Actually, malapit na po kami sa Smith's."


[Make sure walang nakasunod sayo Clarissa.]


"Oo naman po, ate."


[Sige, bye na. Susundan ko na si Nicca.]


~End Call~


Tinitigan ko si Brent pagkarating namin sa ospital. Puro pasa ang mukha niya at ang dami niyang galos sa katawan. Puro dugo rin ang naka-patsi sa puti niyang V-neck na t-shirt.


Lumabas ako ng kots at nanghingi ng tulong sa dalawang lalaking nurse. Agad nilang dinala sa ER si Brent at isinara ang kurtina.


Nakarinig ako ng yabag ng paa na parang tumatakbo kaya napalingon ako sa pintuan at napatayo agad ako.


"Anong nangyari, Clarissa?" Tanong agad ni Nicca.


"Hindi ko alam. Hindi pa lumalabas ang Doctor." Sagot ko.


Mukhang nanlulumong napaupo na lang si Nicca sa upuan.


"Sana maayos lang ang lagay niya..." Iyak ni Nicca.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^