Friday, November 8, 2013

The Love of Aiesha - Story






Collegio de San Luis, School Cafeteria 

“Anoooo?? Break na naman kayo ni Jonas?” sabay- sabay na sabi nila Aiesha sa kaibigang si Johana.


“So kailangan niyo talagang sumigaw?” nakataas ang kilay na tanong ni Johana sa kanila. Marahan niya pang itinulak palayo sa kanya si Akira na siyang katabi niya at may pinakamalakas na boses.


“Ano na naman bang pinag-awayan niyo this time?” tanong ni Phoebe Ann.


“Well...pinagpalit niya ako sa ibang babae” kibit- balikat na sagot ni Johana.


“At okay lang sayo yun?” hindi makapaniwalang tanong ni Aiesha.


“Bakit naman hindi? Inunahan niya lang ako. Gusto ko na talaga siyang hiwalayan. Kaso alam niyo naman ako... hindi ako nakikipagbreak sa lalaki.” Anito na parang walang issue kung hiniwalayan man siya ng boyfriend at ipinalit sa ibang babae.


“Yeah.. kasi ayaw mong magkaroon ng guilty conscience.  Pero hindi mo ba naisip na ikaw din ang kawawa?” tanong ni Allison.


“Anong kawawa ang sinasabi mo dyan Ally? Mas kawawa pa kamo yung mga pobreng lalaking nagkakagusto dyan kay Johana dahil hindi naman talaga sila minamahal ng babaeng iyan eh. User!!!” pang-aasar ni Razel.


“Ingitera!”


“Panget!”


“Mas panget ka. Walang nanliligaw sayo eh”


Bilang sagot sa pang-aasar ni Johana ay hinila ni Razel ang mahabang buhok nito. Ganyan sila magbiruang magkakaibigan. Iisipin ng ibang makakakita sa kanila na nag-aaway sila pero asaran at biruan lang naman nila iyon. Lalo na sina Johana at Razel.


“Seriously Jo, hindi ka pa talaga nainlove sa mga naging boyfriend mo?” seryosong tanong ni Demi.


“Nakakatakot ka naman magtanong Dems, bigla bigla nalang”


“Oo nga. Hindi mo pa talaga naranasang mainlove?” tanong naman ni Bea.


“Wow ah. Ang lalakas ng loob niyong tanungin ako kung nainlove na ba ako..eh meron na bang isa sa inyo na nainlove na ha?”


Sabay sabay na nag-ilingan ang mga kaibigan niya maliban sa kanila ni Akira. Dahilan para mapatingin silang lahat sa dalawa.


“Oh? Bakit sakin kayo nakatingin? Wag niyo akong idamay sa kalokohan niyo ah. Busy ako sa pagkain” tanong ni Akira.


“Aki, nainlove ka na ba?. Dont tell a lie”


“Hindi noh! Tsk! Nakakain ba yun?” iling ni Akira pero hindi makatingin sa kanila.


“Denial”


“Malandi ka!”


“Eh ikaw Aiesha? Nainlove ka na ba?” Siya naman ang binalingan nila.


“Siguro oo... hindi ko kasi alam kung love ba yun eh.” Aniya.


Mukha namang naging interesado ang mga kaibigan niya sa sinabi niya.


“So who’s the guy?” tanong ni Phoebe


“Gwapo ba? Macho? Yummy? Mayaman?” tanong din ni Demi.


“Hoy Demi yung laway mo baka tumulo” pang-aasar ni Bea.


“Tao ba yan?” tanong din ni Allison.


“Oo naman noh. Tao yun. Pagkagwapo gwapong tao” parang nangangarap na sabi ni Aiesha.


“Kadiri!!!! Nagpapantasya si Aiesha sa harapan natin”


“Ang sasama ng ugali niyo. Hindi ko lang kasi maiwasan na sa tuwing maaalala ko siya ay napapangiti ako”


“Clown siguro yun?”


“O baka naman stand up comedian”


“Baka kamukha ni Pooh”


Pinaghahampas ni Aiesha ng hawak na notebook ang mga kaibigan niyang nang-aasar.


“Hoy! Gwapo kaya si Marrion”


“Ang tanong. Totoo nga kayang nag-eexist si Marion?” kunot-noong sabi ni Razel.


“Kontrabida ka talaga” sita ni Johana kay Razel.


“Naglalabas lang ako ng opinyon”


“Dun ka sa baranggay magreklamo”


“Tama na nga yan. Kayo talagang dalawa lagi nalang nag-aasaran.” Sita ni Phoebe.


“Yes Lola Phoebe” sabay na sabi nila Johana at Razel.


“Nag-eexist si Marrion noh! Kapatid siya ng bestfriend ko. Madalas kaming maglaro nung mga bata pa kami. Lagi akong nakatambay sa bahay nila”


“Eh nasaan na siya ngayon?”


“Nagpunta sa ibang bansa. Dinala silang magkapatid dun ng parents nila para mag-aral. Nagmigrate na kasi ang buong family niya. Lola nalang ang kasama nila noon sa bahay. Then after graduation nga nung highschool. Kinuha na din sila”


“Ang sad naman. So inlove ka na sa kanya nun?” tanong ni Bea.


“Hindi ko alam. Basta ang alam ko crush ko siya noon. Ang dami ngang may crush sa kanya kasi sobrang gwapo at tangkad. Lamang lang ako sa kanila kasi close kami.”


“Crush mo siya noon. Pwedeng di mo na siya crush ngayon”sabi ni Allison.


“Hindi pa rin talaga ako naniniwalang nageexist si Marrion” sabi ni Razel.


“Ayan pa rin ang issue mo?”


“Oo.”


“Ang kulit mo. Nag-eexist nga siya. At sa susunod na magkita kaming dalawa. Magtatapat na ako ng pag-ibig sa kanya at yayayain ko na siya magpakasal” determinadong sabi ni Aiesha.


“Weeee????”


“Hindi mo kaya yun”


“Joke lang yan”


“Niloloko mo lang kami”


“Hindi noh! Totoo yun. Kahit itaga niyo pa sa bato ni Rizal”


“Okay Deal!” naglabas ng isang daan si Razel. “ipupusta ko na hindi nag-eexist si Marrion”


“Hoy Razel! Bente pesos lang. Yun nalang natira sa allowance ko eh. Friday na kasi ngayon” sabi ni Bea.


“Okay Bente bente lang daw. Ayun pa din pusta ko” ani Razel.


“Syempre kung nasaan si Razel dun ako sa kabila. I’ll go for Aiesha. Nag-eexist si Marrion” ani Johana at naglabas din ng bente pesos.


“Bet ko hindi kayang magtapat ni Aiesha kapag nagkita sila ni Marrion” sagot naman ni Demi sabay lapag din ng bente pesos sa mesa.


“Bet ko yung bet ni Razel” sabi ni Bea.


“Demi, pautang bente. Bet ko makakapagtapat si Aiesha kay Marrion” ani Phoebe.


“Bet ko din makakapagtapat si Aiesha” sagot naman ni Allison


Bukod tanging silang dalawa nalang ni Akira ang tanging natitira.


“Oh? Anong ipupusta ko?” tanong ni Akira.


“Ewan namin sayo”


“Sige. Pusta ko nagsisinungaling si Aiesha” ani Akira sabay lapag din ng bente.


“Hindi ako nagsisinungaling. Ipupusta ko kakainin niyo lahat ng sinasabi niyo.” Mataray na sabi ni Aiesha.


Sa lahat ng ayaw niya yung sasabihan siyang sinungaling. Papatunayan niya sa mga kaibigan niyang ito na totoo si Marrion.


***


Biglang nagising si Aiesha dahil sa pagtalon ng alaga niyang pusa sa hita niya. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sofa. Hindi niya pa nga nakuhang magpalit ng damit mula sa trabaho. Graveyard shift siya kasi sa hotel na pinagtatrabahuhan bilang receptionist. Kaya naman pagdating palang sa bahay ay plakda na ang buong katawan niya. Minabuti niya ng tumayo at magpalit ng damit.


Pagdating sa kusina ay naabutan niyang may nakatakip na pagkain sa mesa. Syempre courtesy of her napakabait na kaibigan na si Razel na walang ibang ginawa kundi ang magluto. Malapit lang kasi dito sa bahay niya ang restaurant na pag-aari ng kaibigan kaya lagi siyang pinapadalhan nito ng pagkain. Alam kasi ng mga kaibigan niya na madalas ay nalilipasan siya ng gutom dahil sa trabaho. At dahil hobby na yata ni Razel na patabain silang lahat para ito nalang daw ang sexy, lagi silang pinapadalhan nito ng mga pagkain. May iniwan siyang susi ng bahay kay Johana na siyang katabi niya ng bahay sa village na iyon. Madalas kasi ay naiiwan niya sa loob ng bahay ang susi niya kaya para siguradong makakapasok siya ay iniiwan niya din ang duplicate key kay Johana. Although alam niyang nasa opisina ito ay alam naman niya kung saan nito itinatago ang susi ng bahay niya na siya ding ginagamit ni Razel kapag papasok ito sa bahay niya upang magdala ng pagkain.


Habang kumakain ay hindi maiwasan ni Aiesha na alalahanin ang napanaginipan niya. Isa iyong parte ng nakaraan nilang magkakaibigan sa college kung saan nagpustahan sila tungkol kay Marrion. Na sa kasamaang palad ay hindi niya pa rin nakikita hanggang ngayon. Hindi niya alam kung natatandaan pa ba ng mga kaibigan niya ang pustahan nilang iyon o nakalimutan na sa tagal ng panahon. Pero siya hanggang ngayon ay natatandaan niya pa rin.


“At sa susunod na magkita kaming dalawa. Magtatapat na ako ng pag-ibig sa kanya”


Iyon ang sinabi niya sa mga kaibigan. Pero dahil hindi pa rin niya nakikita si Marrion ay hindi pa rin siya makapagtapat dito. Hindi maintindihan ni Aiesha kung dala lang ba ng pride kaya gusto niyang makita ang binata ulit para magawa ang pustahan nila ng mga kaibigan niya o deep inside, she just miss that little boy in her past.


Ipinilig nalang ni Aiesha ang ulo upang alisin ang mga bagay sa isipan niya. Minabuti nalang niyang maglinis ng bahay upang kahit papano ay malibang siya.


***


“Psst! Ang aga aga tulala ka. Mamaya makita ka ng boss mo dyan”


“Johana!” nagulat si Aiesha nang makita sa harapan niya ang kaibigan. “Anong ginagawa mo dito?”


“May seminar akong inatendan dito sa hotel niyo ang venue eh. Since di pa naman nagstart dahil wala pa yung speaker kaya minabuti ko munang daanan ka. At huling huli kitang natutulog sa oras ng trabaho”


Isang government employee si Johana na may kinalaman sa Oil and Energy.


“Hindi ako natutulog noh. May iniisip lang ako”


“Ang lalim naman ng iniisip mo.”


“Ganun talaga. Bumalik ka na nga don sa loob at baka hinahanap ka na ng mga kasamahan mong kurakot sa gobyerno” pagtataboy niya.


“Sira ulo ka! Government employee ako pero hindi ako pulitiko kaya wag mo akong isali sa kanila. Saktan kita dyan eh” nakatawang sabi ni Johana.


Natawa nalang din si Aiesha sa kaibigan. Pero agad nawala ang ngiti niya ng may dumaan sa harapan nilang isang matangkad na lalaki.


“Nagtext na yung speaker ko. On the way na daw siya. Babush na at baka maunahan pa ako nun” paalam ni Johana pero agad siyang pinigilan ni Aiesha. “Oh? Ano yun?”


“Anong pangalan ng speaker niyo?”


“Teka ano nga ba? Ahhh... a certain... Marrion Salvatorre yata... bakit?”


“Ahhh wala naman. Sige balik ka na”


Naguguluhan man sa kanya ay hindi nalang siya pinansin nito at dirediretso ng pumasok sa loob. Naiwan namang nag-iisip si Aiesha.


“Marrion”


***

Isang tawag ang hindi inaasahan ni Aiesha pag-uwe niya sa bahay.


“Hello? Sino to?” unregistered kasi ang number sa cellphone niya.


“Can I Speak to Aiesha Lee please?” anang baritonong boses mula sa kabilang linya.


Napakunot naman ang noo ni Aiesha.


“Speaking. Who’s this?”


“Ryan”


“Ryan??? Ryan who?”


“Grabe kinalimutan mo na yung bestfriend mo” kunway nagtatampong sabi nito.


“Ryan? Ryan Salvatorre?”


“Ako nga”


Napatili naman si Aiesha sa telepono. Sobrang nagulat siya sa natanggap na tawag.


“Ang sakit naman nun”


“Sorry. Nagulat lang ako. Kumusta ka na?”


“Eto okay naman.Dumaan ako sa inyo, wala ka nga daw dun sabi ng nanay mo kasi nagsarili ka na daw. Asensado ka ah. Feeling independent. Kaya binigay nalang niya yung cellphone number mo”


“Malapit kasi ito sa work ko. Kumusta ka na? Ikaw nga dyan ang balikbayan eh. Pasalubong ko”


“Okay naman. Punta ka naman dito. Namiss kita eh. Saka madami akong pasalubong sayo.”


“Sure. Tamang tama. Wala akong pasok bukas. Eh sina Tita kasama mo bang umuwe?”


“Oo. Gusto din daw nilang magbakasyon dito eh.”


“Eh si.... M-Marrion kasama niyo?”


“Oo”


Napabuntong hininga si Aiesha pagkakumpirma ng kaibigan.


“Aiesha? Andyan ka pa ba?”


“Yeah. Nandito pa ako. Sige punta ako dyan sa inyo bukas. Ayusin ko lang gamit ko”


“Sure. I miss you Ai”


“I miss you too”


Matapos ang mahaba-habang kwentuhan ay natapos din silang mag-usap magkaibigan. Para namang nanghina bigla si Aiesha na napaupo sa sofa.


He’s back.


Muling nanariwa sa alaala ni Aiesha kung paano niya nakilala ang magkapatid na Ryan at Marrion.


***


Abala ang batang si Aiesha sa pakikipaglaro sa mga kapitbahay at pinsan niya. Elementary lang siya noon at madalas talaga siyang makipaglaro lalo na sa mga lalaki. Wala siyang pakialam kung mukha na siyang gusgusin. Basta para sa kanya, masaya ang maglaro. Nang minsang naglalaro sila ng pinsan niya ng taguan ay napadpad siya sa tapat ng bahay nila. Sa pagkakaalam ni Aiesha ay matandang babae lamang ang nakatira doon. Kaya naman nagulat siya ng may biglang tumawag sa kanya.


“Bata”


Napatingin si Aiesha sa pinanggalingan ng boses. Dalawang batang lalaki na sa tantya niya ay hindi nalalayo sa edad niya ang nakatayo sa loob ng bakod ng bahay.


“Bakit?”


“Gusto mong sumali samin maglaro?” yaya nung mas matangkad sa dalawa.


“Ano bang nilalaro niyo?”


“Billiards”


“Ano yan?”


Dahil mas madalas na sa kalye naglalaro ay hindi pamilyar si Aiesha sa mga board games.


“Basta sali ka ituturo namin sayo”


Pumasok si Aiesha sa loob ng bahay upang makipaglaro dun sa dalawang batang lalaki. Nawala na sa isip niya na naglalaro nga pala sila ng taguan ng pinsan niya.


Nakilala niya ang mga ito na sina Ryan at Marrion. Magkasing edad lamang sila ni Marrion samantalang mas matanda si Ryan sa kanila ng isang taon. Magmula nga noon ay madalas na niyang maging kalaro ang mga ito. Nalaman niya na galing pala sa Maynila ang dalawa at iniwan lamang sa lola ng mga ito dahil nagpunta sa ibang bansa ang mga magulang ng mga ito. Ipinakilala din ni Aiesha sa ibang mga kaibigan sina Marrion at Ryan para may iba din silang kalaro pero mas madalas na silang tatlo ang magkakalaro dahil sadyang mapang-asar si Marrion kaya maraming nakakaaway. Mas naging malapit silang dalawa ni Ryan sa isat isa. Kaya ito ang naging bestfriend niya kahit pa si Marrion ang kasing edad niya.


Hanggang sa mag highschool na sila. Kasabay lang nila si Ryan dahil huminto ito ng isang taon.  At doon nga nalaman ni Aiesha na maraming babaeng nagkakagusto kay Marrion. Kunsabagay, lumaki kasing matangkad si Marrion at gwapo kaya hindi nakapagtatakang madaming magkagusto rito. Ang iba nga ay nagpapalakad pa sa kanya dahil alam na close sila ni Marrion.


Pero wala namang nababalitaan si Aiesha na nagkaroon ng girlfriend si Marrion. Sa pagkakaalam niya kasi ay sinabihan ito at si Ryan ng lola ng mga ito na huwag munang mag girlfriend habang nag-aaral pa. Sumunod naman ang mga ito. Kaya nga kahit na maraming nagkakagusto kay Marrion ay panatag si Aiesha na hindi ito maggigirlfriend.


Hindi rin matandaan ni Aiesha kung paano niya nagsimulang maging crush si Marrion. Basta ang alam lang niya noon, malakas ang ulan. Wala siyang dalang payong kaya nagpapatila muna siya. Hindi nakapasok si Ryan dahil may sakit ito kaya wala siyang kasabay na lumusong sa ulan. Hindi naman niya alam kung nasaan si Marrion. Marahil ay kasama nito ang mga bagong kaibigan nito. Unlike Ryan kasi, mas dumami ang circle of friends ni Marrion mula nung mag highschool. Palibhasa kasi ay tumakbo ito bilang student council kaya nakilala ng husto. Si Ryan naman ay sadyang mahiyain. Kuntento na ito na siya ang madalas kasama.


Nagulat si Aiesha nang may tumabi sa kanya sa sinisilungan niya. Masyado itong maliit para sa dalawang tao. Balak na sana niyang sungitan ito kung hindi niya lang nakilala.


“Marrion” tulad niya ay basang basa din ito.


“Wala kang payong? Kanina ka pa ba?” tanong nito.


“Wala eh. Naiwan ko sa bahay. Kanikanina pa”


“Magtuyo ka muna. Baka magkasakit ka. Si kuya may sakit na” mula sa bulsa nito ay inilabas nito ang isang panyo.


“Salamat” tinanggap naman iyon ni Aiesha. Nakakatuwa lang isipin na kababae niyang tao pero hindi siya nagdadala ng panyo. Samantalang si Marrion ay meron. At mabango pa ang panyo niya.


“Maya maya siguro titigil din yan” ani Marrion.


“Siguro nga” sagot ni Aiesha. Pero alam niya, she silently wish na sana lumakas pa ang ulan.


Pero mukhang tulog pa yata ang guardian angel niya dahil maya maya lang ay nakita niyang paparating ang tatay niya. Nakapedicab ito at sinusundo sila. Agad silang sumakay ni Marrion dito. Magkatabi sila sa pedicab. Kaya ramdam ni Aiesha ang balat ni Marrion.


“Hindi kasi kayo nagdadala ng payong mga bata kayo eh” sita sa kanila ng  tatay niya. Napangiti nalang silang dalawa ni Marrion.


Pagdating sa bahay ay agad siyang pinagbihis ng nanay niya. Ipinagluto din siya nito ng mainit na sopas. Sinabi niya sa nanay niya na dadalhan din niya sina Marrion at Ryan. Pumayag naman ang nanay niya.


Siya na ang nagpakain kay Ryan dahil may sakit pa ito. Nakatingin lang naman sa kanila si Marrion habang kinakain ang sopas na dala niya.


***


Matapos ang ilang araw ay gumaling din si Ryan at nakapasok na sa eskwela. Si Marrion naman ay sa mga kaibigan pa rin nito sumasama. Minsang naglalakad si Aiesha sa may corridor ng school ay may nahulog na litrato sa tapat niya. Pagtingin niya ay mukha ni Marrion ang naroon. Agad tinapakan ni Aiesha ang litrato. Sabay tingin sa kaliwa, kanan, harap at likod niya. Clear! Sabay pasimpleng umupo upang damputin ang litrato sabay takbo papuntang Girls CR. Agad siyang pumasok sa cubicle upang tignan ang litrato.


Nakangiti si Marrion sa picture. Marahil ay nakangiti ito sa kumukuha sa camera. Ang gwapo talaga nito. Itinago ni Aiesha sa bulsa ng palda niya ang litrato at parang walang nangyareng lumabas siya ng CR. Naulingan niya pa ang pag-uusap ng dalawang estudyante.


“Nasaan na kaya yung picture ni Marrion? Badtrip kasi yung hangin eh” reklamo nung isang babae.


“Oo nga. Hindi tuloy natin alam kung saan napunta” sagot naman nung isang babae.


Napangiti nalang si Aiesha habang nilalampasan ang mga ito.


Well... Finders, Keepers.


***


Subalit matapos ang graduation nila nung highschool ay sinabi ni Ryan na kukunin na daw sila ni Marrion ng parents ng mga ito upang sa ibang bansa pag-aralin. Ganun nalang ang lungkot na naramdaman ni Aiesha. Bukod sa mawawalan na siya ng kaibigan ay mawawalan pa siya ng minamahal kahit palihim lang. Subalit wala naman siyang magagawa dahil pasya ng mga magulang nito ang masusunod.


Ilang araw bago umalis sina Ryan at Marrion ay nag-isip si Aiesha ng maibibigay sa mga ito bilang rememberance. Picture frame na may litrato nilang tatlo ni Ryan ang naisipan niyang ibigay kay Marrion. Teddy bear naman ang kay Ryan.


“Mamimiss ko kayo” sabi niya habang sumisinghot singhot. Naiiyak kasi siya.


“Mamimiss ka din namin” sagot ni Ryan.


“Wag kang iiyak. Lalo kang papanget” pang-aasar ni Marrion.


“Tse! Aalis ka na nga lang inaasar mo pa ako” reklamo niya pero nakangiti naman siya. “Oh, remembrance ko sayo” aniya sabay abot ng paper bag dito na may lamang picture frame.


“Labag yata sa loob mo eh” sagot ni Marrion pero kinuha din sa kanya ang paper bag.


“Wag ka ng maarte dyan. Ingatan mo yan ah”


“Paano ba yan. Wala akong maibibigay sayong remembrance eh” ani Marrion.


“Okay lang yun”


“Pwede bang kiss nalang?”


“Kiss? Nang-aasar ka na naman eh” aniya at inambahan ito ng suntok.


“Ito talaga. Napakabayolenteng babae” tumatawang sabi ni Marrion.


“Ewan ko sayo”


Pero nagulat na lang din siya ng bigla siyang halikan ni Marrion sa pisngi.


“Ayan na remembrance ko” anito sabay nakangiting umalis.


Naiwan namang tulala si Aiesha habang hawak ang pisnging hinalikan ni Marrion.


***


“Hoy!!! Ano na teh? Tutunganga ka nalang dyan?” sita sa kanya ni Razel.


Matapos ang pakikipag-usap niya kay Ryan ay si Demi naman ang tumawag sa kanya. Pinapunta siya sa restaurant ni Razel dahil may problema daw si Johana. Kaya naman kumpleto silang magkakaibigan ngayon. Madalas nalang naman silang makumpleto kapag ganitong may problema ang isa sa kanila eh. Mga busy na kasi sa career ang mga ito.


“Ano bang problema mo?” tanong niya kay Johana. “Natanggal ka ba sa trabaho? Nabankrupt na ba ang gobyerno?”


“Imposible naman yatang mabankrupt ang gobyerno” ani Phoebe.


“Eh ano nga bang problema at nandito tayong lahat?” tanong din ni Allison.


“Inlove si Johana” si Razel na ang sumagot dahil mukhang balak gawing tubig ng kaibigan nila ang alak sa sunod sunod na pagtungga nito.


“Oh? Anong problema? Congratulations. Sa wakas nainlove ka din” aniya.


“Inlove siya sa tatlong lalaki” sagot ulit ni Razel.


“Anooo??? Tatlo talaga? Ano yan? Si Aida o si Lorna o si Fe?” gulat na sabi ni Demi.


“Problema ba yun? Eh di piliin mo kung sino yung mahal ka sa tatlong yun” simpleng sagot ni Bea.


“Mahal siya nung tatlong lalaki” sagot ulit ni Razel.


“Sabay sabay talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Akira.


“Ikaw na talaga ang may pinakamahabang buhok. Sarap mong gupitan.” Komento ni Demi. “Mas maganda naman ako sayo pero bakit sakin walang nagkakamali kahit isa”


“Mukha ka kasing bata. Akala nila elementary ka lang” sagot ni Bea.


“Tse! Baby face ang tawag dyan noh!”


“Maliit ka lang talaga”


“Girls quiet. Nandito tayo para sa problema ni Johana. Pero bakit mukhang si Aiesha ang may problema. Kanina pa tulala eh” komento ni Allison.


Napatingin naman ang lahat kay Aiesha.


“Ai, may problema ka din ba?” tanong ni Phoebe


“Wala naman”


“Eh bakit ka tulala?”


“Tulala naman lagi yan eh. Kahit oras ng trabaho” sagot ni Johana. At nanghingi pa ulit ng alak sa waiter. Pero pinigilan na ito ni Razel.


Pinag-isipan ni Aiesha kung sasabihin sa mga kaibigan ang tungkol sa natanggap na tawag. Sabagay, kaibigan naman niya ang mga ito.


“Tumawag kasi sakin si Ryan kanina lang.”


“Ryan who?”


“Ryan Bang?”


“Ryan Salvatorre. Kapatid ni Marrion. Bestfriend ko nung bata ako.”


“Oh eh anong problema dun?”


“Pinapunta niya ako sa kanila”


“Oh? Eh di mabuti”


“Nandun din si Marrion” sagot niya.


“Eh di mas mabuti. Para makapagtapat ka na sa kanya. Aba Aiesha. Ang tagal na ng pustahan natin ah” sagot ni Razel.


“Natatandaan niyo pa yun?” gulat na tanong niya.


“Oo naman. Bakit ko naman kakalimutan yun eh nakasalalay dun ang bente pesos na huling allowance ko nung college.” Sagot ni Bea.


“Ako nga inutang ko pa kay Demi yung bente eh. Hanggang ngayon di ko pa din nababayaran” sagot naman ni Phoebe.


“Kaya nga dapat magkita na kayo ni Marrion para malaman na natin kung sinong nanalo sa atin” ani naman ni Allison.


Napailing nalang si Aiesha sa takbo ng isip ng mga kaibigan niya. Hindi niya akalaing hanggang ngayon ay natatandaan pa rin ng mga ito ang simpleng pustahan nila nung college.


“Waiter. Alak pa”sigaw ni Johana.


“’Ako nga din. Nahawa na ako dito kay Johana eh”


Nagsunuran nadin ang iba pa nilang mga kaibigan. Napangiti nalang si Aiesha. Sadyang mga sira ulo ang mga ito pero alam niyang mga totoong kaibigan.


***


Wala pa ring pinagbago ang bayan nila mula nung huli siyang lumuwas three years ago. Mas madalas kasing mga magulang nalang niya ang pumupunta sa kanya sa Maynila. Masyado kasi siyang abala sa trabaho. Naabutan niyang nagwawalis sa bakuran ang nanay niya.


“Mano po Nay”


“Kaawaan ka ng Diyos anak”


“Si tatay po?”


“Abay nandun sa sabungan”


Magmula ng magretiro ang tatay niya ay naging hobby na nito ang pagsabong.


“Kumain ka na muna at nagluto ako ng sinigang”


“Sige po Nay”


Pumasok na siya sa loob ng bahay nila. Hindi na muna siya nagpalit ng damit. Kumakain na siya ng biglang may kumalabit sa kanya.


“Ryan” gulat na sabi niya nang nakilala ito.


“Aiesha. Kumusta?”


Nagyakap silang dalawang magkaibigan. She’s so glad to see him again.


“Okay lang. Ikaw? Lalo kang gumuwapo ah” bati niya.


“Sus! Ikaw nga itong ang ganda ganda na eh. Siguro may boyfriend ka na noh?”biro nito.


“Wala noh. Wala akong panahon sa ganyan”


“Sa ganda mong yan? Bulag siguro ang mga lalaki sa Maynila”


“Baka ikaw ang may girlfriend na” biro niya.


Sinimangutan lang siya nito kaya natawa lalo si Aiesha. Highschool sila nang magtapat si Ryan na pusong babae ito. Inshort, Bading ang kaibigan niya kaya ang isiping may girlfriend ito ay isang krimen. Hindi nga lang nito ipinapaalam sa iba ang tunay na kasarian nito. Silang dalawa lang ang nakakaalam.


“Lokang ito. Yung mga pasalubong ko sayo nasa bahay. Tara”


“Teka kumakain pa ako eh. Kumain ka na din. Hindi naman siguro mawawala yung mga pasalubong mo diba?”


“Sabagay. Namiss ko ang luto ni Nanay eh”


Hinainan niya ng plato ang kaibigan at sabay nilang pinagsaluhan ang pagkaing handa ng nanay niya. Maraming naikwento sa kanya si Ryan. Nagkaroon daw ito ng boyfriend sa America pero lihim ang relasyon ng dalawa dahil ayaw pa ni Ryan na ipaalam sa family niya ang tunay na kasarian niya. May maayos naman daw itong trabaho.


“Eh si Marrion kumusta na?” kunwari’y kaswal na sabi niya.


“Ayun. Successful na masyado ang lolo mo. Busy sa pagpapayaman. May sarili ng business yun. Kapartner niya yung kaibigan niya”


“Buti hindi pa siya nag-aasawa”


“Parang wala nga yatang balak eh. Pero wag ka. Iba iba ang babae nun.iba ibang lahi pa”


“Ganun? Buti hindi siya nagkakasakit”


“Syempre maingat. Practice safe sex”


Napailing nalang si Aiesha. At her age, hindi pa rin siya kumportable sa pre-marital sex.


Tumayo na si Ryan.


“Halika, at hinihintay ka na ni Lola sa bahay”


Sumunod na din si Aiesha rito. Nagpaalam siya sa nanay nila na pupunta lang siya sa kabilang bahay.


***



Malaki na ang ipinagbago ng bahay ng Lola nila Ryan. Sementado na ito at may second floor na din. Kahit may edad na ang lola nito ay nakilala pa rin siya. Ipinakilala din siya ni Ryan sa mga magulang nito.


“Ikaw pala si Aiesha. Madalas ka ngang ikwento sa akin nitong si Ryan.”


“Talaga po? Hindi naman po siguro ako sinisiraan ni Ryan sa inyo” biro niya. Si Ryan lang ang nagkukwento? Eh paano naman si Marrion?


“Aba, puring puri ka nga niyan sa amin ng daddy niya eh. Akala nga namin girlfriend ka niya”


Biglang naubo naman si Ryan. Tawa naman ng tawa si Aiesha.


“Masakit ba ang lalamunan mo anak?” tanong ng ina nito.


“Hindi po Ma”


“Magkaibigan lang po talaga kami ni Ryan, Tita. Bestfriends kami niyan eh”


“Ahhh ganun ba? Hindi ka man lang niligawan nitong anak ko? Napakaganda mong bata eh binalewala lang niya?” komento ng daddy nito.


“Mas mahalaga kasi samin yung friendship eh” sagot nalang ni Ryan. Sabay tingin sa kanya.


Gusto namang matawa ni Aiesha.


“Oh, andyan na pala si Marrion eh” sabi ng lola ng mga ito.


Agad na nagmano si Marrion sa lola nito at magulang.


“Hi Marrion kumusta na?” nakangiting bati niya. Halos wala pa ring ipinagbago si Marrion. Mas lalo lamang itong gumuwapo at tumangkad.


Napakunot ang noo ni Marrion nang mapatingin sa kanya.


“Sino ka?"


Napalis bigla ang ngiti ni Aiesha.


“Ito talaga masyadong palabiro. Hanggang ngayon mapang-asar ka pa din.”


“Sorry but I cant remember you”


“Marrion, hindi mo na natatandaan si Aiesha?” tanong ng lola ni marrion dito. “Madalas mo siyang kalaro noon” paalala pa nito.


Napailing naman si Marrion. Maging si Ryan ay nagtataka din.


“Okay lang po yun Lola kung hindi na ako natatandaan ni Marrion. I’m sure sa dami ng babaeng nakilala niya sa America makakalimutan talaga niya ako.” Kunway balewalang sabi niya. Pero  deep inside nasasaktan siya sa kadahilanang hindi siya natatandaan ni Marrion.


Hindi siya mahalaga rito.


Pakiramdam ni Aiesha para siyang robot habang nakikipagkwentuhan sa pamilya ni Marrion. Hindi man lang talaga siya nito pinag-ukulan ulit ng pansin. Mabuti na nga lang at mukhang nakahalata si Ryan dahil nagyaya itong umalis na sila.


“Pasensya ka na dun kay Marrion ah. Menopause na kasi” hinging dispensa ni Ryan habang naglalakad lakad sila.


“Ano ka ba? Okay lang yun. Saka anong menopause ka dyan eh mas matanda ka pa dun”


“Excuse me ah. Wag mo akong icompare dun sa robot na yun. Dahil mas fresh ang beauty ko”


“Oo na. Baklang ito”


“Pero alam mo Sis, hindi ako naniniwalang nakalimutan ka na nga ni Marrion”


“Sus! Obvious na ngang hindi ako nakilala eh.”


“Baka arte niya lang yun. Deffense mechanism lang”


“At bakit naman?”


“Baka hindi lang siya ready na nagkita kayo ulit”


“Hindi kita maintindihan”


“Alam mo bang crush ka niyan ni Marrion dati?”


“Weee??? Alam mo ikaw bakla ka ang lakas mong mangtrip ah”


“Seryoso ako”


“Hay naku ewan ko sayo. Baka naman nagdadrugs ka na ah.”


“Hoy! Malinis ang dugo ko noh”


“Berde  ang dugo mo eh”


“Tse!”


“Seriously Sis, crush ka nga ni Marrion”


“Ewan ko sayo”


***


Hangang bahay ay dala dala ni Aiesha ang eksena sa bahay nila Marrion, hanggang sa pagsasabi ni Ryan na crush nga daw siya ni Marrion noon. Sira ulo talaga yung kaibigan niya, kung ano ano ang pinagsasabi. Ayan tuloy mas lalong gumugulo ang isip niya.


“Ate, may bisita ka” tawag sa kanya ng kapatid niya.


“Sino daw?”


“Marrion daw.”


Agad napabangon mula sa kama si Aiesha. Bata pa ang kapatid niya nang umalis si Marrion kaya marahil ay hindi na nito natatandaan pa ang binata. Naabutan niya ngang nakaupo sa salas si Marrion.


“Hey! What brought you here?” tanong niya.


“I just want to say sorry kanina. I was rude”


“Sus! Wala yun. Okay lang”


“Yeah. But Ryan insisted that I should say Sorry to you.”


So si Ryan lang pala ang namilit na magsorry siya.


“Wala na yun.”


“Am I forgiven?”


“Yeah”


“Thanks. Ayoko kasi na nag-aaway kaming magkapatid eh”


“Ahhh ganun ba?”


Natahimik silang dalawa ni marrion. Kapwa hindi alam ang sasabihin.


“I think I should go. Gabi na masyado. Naaabala kita”


“Okay ingat ka” inihatid niya hanggang pintuan si Marrion.


“Anyways....” bigla nalang siyang hinalikan nito sa pisngi. “....remembrance” sabay ngiti.


Naiwan namang natulala si Aiesha hanggang sa makaalis si Marrion. One thing is clear. Hinalikan siya ni Marrion. Natatandaan pa rin siya nito. Katulad ng remembrance na iniwan nito sa kanya bago tumungo ang mga ito sa ibang bansa.


Napangiti nalang si Aiesha sa kawalan.


***


Kinabukasan ay nakatanggap si Aiesha ng tawag mula kay Ryan. Nagyayaya ito na magpicnic daw sila kasama ang buong pamilya nito. Kaya naman masayang masaya na bumangon at naligo si Aiesha. Big sabihin kasi nun eh makakasama din niya si Marrion.


Isang simpleng bulaklaking bestida ang suot niya na lalong nagpatingkad sa kaputian ng kutis niya. Inilugay din niya ang hanggang balikat niyang buhok at nilagyan lang ng maliit na clip. Mas nagmukha siyang bata kesa sa tunay na edad.


Naabutan niya sa labas ng bahay nila si Marrion.


“Hey!” bati niya rito.


“Hi, ako na ang inutusan ni Kuya na sumundo sayo”


“Ahh ganun ba? Okay”


Napakagwapo ni Marrion sa suot na walking shorts at polo shirt. Bakat ang matipunong katawan nito.


“So? Kumusta ka na?” si Aiesha na ang nagsimulang magopen ng usapan. Mukhang balak manahimik lang ni Marrion eh.


“Okay naman” tipid na sagot nito.


“Balita ko busy ka daw sa pagpapayaman ah”


“Si kuya Ryan din naman”


“Wala ka bang girlfriend?”


“Wala. Si kuya Ryan din wala pang girlfriend”


Kanina pa napapansin ni Aiesha na laging napapasok sa usapan si Ryan. At hindi niya maintindihan kung bakit lagi itong isinisingit ni Marrion.


“Ikaw? Bakit wala ka pang boyfriend?”


“Wala akong time eh. Busy sa trabaho”


“Baka naman masyado kang mapili”


“Hindi naman”


“Tamang tama nandito na sa bansa ulit si Kuya Ryan...pwede na kayong dalawa”


“Ha? Hindi kita maintindihan?”


Naguguluhan siya kung ano ang itinatakbo ng usapan nilang dalawa ni Marrion. Masaya siya na nakasama niya ang binata pero hindi niya maintindihan kung bakit lagi nalang nitong isinisingit ang pangalan ng kapatid.


“Wala”


“So you think na may gusto ako sa kapatid mo?”


“Gusto niyo naman ni Kuya ang isat isa noon pa diba? Kayo nga ang super close eh”


Sa wakas naintindihan na din niya dahilan para tumawa siya ng malakas. Kung pwede niya lang sanang sabihin kay Marrion na imposibleng magkagustuhan silang dalawa ni Ryan ay sinabi niya na. Pero nangako siya sa kaibigang walang makakaalam ng sekreto nito.


“Imposible ang sinasabi mo. Magkaibigan lang kami”


“Pero hindi ganun ang nakikita ko”


“Nagseselos ka ba kay Ryan?”


Okay! Assuming ka Aiesha!


Bigla namang tumawa si Marrion.


“Bakit naman ako magseselos? Wala sa bokabularyo ko yun no. Saka dahil sayo?”


“Hindi. Dahil kay Ryan! Ewan ko sayo!” inis na tinalikuran ni Aiesha si Marrion para lapitan ang kaibigan. Badtrip siya dahil tinawanan at napahiya siya.


Ang yabang!


“Oh? Bakit nakasimangot ka? Sayang ang ganda sis” pansin sa kanya ni Ryan.


“Yang kapatid mo kasi siraulo eh. Masyadong mayabang.” Inis na sabi niya.


“LQ agad?”


“Tse! Isa ka pa eh” aniya at marahang hinampas ito sa braso. Napansin niyang nakatingin sa kanilang dalawa si Marrion. Inirapan naman niya ito.


“Wag ka na malungkot. Magenjoy nalang tayo”


***


Hangang sa makabalik na si Aiesha sa Manila ay hindi na niya muli pang nakausap si Marrion.


“Oh? Tulala ka na naman” pansin sa kanya ni Akira.


Naisipan niya kasing puntahan ito sa pinagtatrabahuhan nito. At ngayon nga ay dinala siya nito sa malapit na coffee shop sa tapat ng opisina nito.


“Aki...panget ba ako?” tanong niya.


Marahang inayos muna ni Akira ang salamin na suot at tinignan siya.


“Hindi naman. Mas maganda lang ako sayo” sagot nito at muling ibinaling ang pansin sa laptop nito.


“Ano bang ginagawa mo?”


“Nagsusulat ng kwento. Sige lang magsalita ka lang”


“Gawin mong kontrabida si Marrion sa kwento mo ah”


“Marrion mo?”


“Hindi ko Marrion yung mayabang na yun.”


“Kumusta ang bakasyon mo? Hindi ka man lang nagdala ng pasalubong”


“Wala akong pera. Wala pang sweldo”


“Kuripot”


“Aki...nakakainis kasi si Marrion eh. Pinahiya niya ako”


“Paanong pinahiya?”


“Tinawanan niya ako nung tinanong ko siya kung nagseselos ba siya samin ni Ryan.”


“Oh? Eh paano ka napahiya kung tumawa lang naman siya? Malay mo happy siya”


“Ang sabi niya kasi...wala daw sa bokabularyo niya ang selos at saka dahil daw  ba sakin tapos bigla siyang tumawa”


“Oh? Eh ano naman?”


“Aki nakakainis ka na. Hindi mo sineseryoso ang sinasabi ko”


“Eh kasi naman ang babaw ng problema mo. Assuming ka! Iniisip mo na may gusto sayo si Marrion kaya nagseselos siya sa inyo ng kapatid niya which is hindi naman pala kaya feeling mo napahiya ka”


“Nakakainis ka talaga. Sana pala si Johana nalang ang pinuntahan ko baka may makuha pa akong matinong sagot.”


“Hindi mo maiistorbo si Johana. Busy yun. Nakapili na siya sa tatlong lalaki niya”


“Talaga?! Sino daw?”


“Aba malay ko. Hindi ko nga kilala kung sino yung pinili niya. Secret daw eh”


“Swerte nun ah. Eh ako kaya?”


“Ayusin mo muna ang problema niyo ni Marrion bago ka maghanap ng iba”


“Wala kaming problema noh!”


“Nagtapat ka na ba sa kanya?”


“Ha?”


“Di ba iyon ang usapan natin? Kapag nagkita kayo ni Marrion magtatapat ka? Nagawa mo na ba?”


“Hindi pa”


“So hindi pa tapos ang problema niyo”


“Nakakainis naman oh”


“Ihanda mo na din ang sarili mo na mapahiya ulit Aiesha”


***


“Hi Ma’am, Sir, Goodmorning” nakangiting bati ni Aiesha sa dumaang guest ng hotel sa harapan niya. Naghahanda na siya sa paguwe dahil malapit ng matapos ang shift niya.


“Ai, ang gwapo oh” tawag pansin sa kanya ng kasamahan niya.


“Saan?”


Ganun nalang ang gulat ni Aiesha ng makitang si Marrion ang lalaking papalapit sa kanya.


“Hi, pauwe ka na ba?” tanong nito sa kanya


Napatingin naman sa kanya ang mga kasamahan niya. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagtataka.


“Ten minutes pa. Anong ginagawa mo dito?”


“Sinusundo ka”


Rinig ni Aiesha ang tilian ng mga kasama niya.


“Sige. Hintayin mo nalang ako sa waiting area okay lang?”


“Sure” anito at lumakad na palayo sa kanila.


“Sino yun Girl! Ikaw ha may itinatago ka palang Papa”


“Kapatid ng bestfriend ko yun. Kaibigan ko lang yun”


“Weee???”


“Oo nga.”


Nagtataka man kung bakit siya sinusundo ni Marrion eh hindi napigilan ni Aiesha ang magadali saktong sumapit ang oras ng out niya.


“Uy!!! Excited” biro pa sa kanya ng mga kasamahan. Tinawanan lang niya ng mga ito.


“Hey!” bati niya kay Marrion ng makalapit.


“Ready?”


“Yup”


Inalalayan siya ni Marrion hanggang sa makasakay siya sa kotse nito.


“Paano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?”


“Nagpunta ako sa bahay mo wala namang sumasagot. Then sabi nung nakausap ko night shift ka nga daw. Tinanong ko kung saan ka nagtatrabaho. Nung una ayaw niyang sabihin pero nung nagpakilala ako sa kanya sinabi na din niya.”


“Ahhh ganun ba? So bakit mo ako sinusundo?”


“Manliligaw ako”


“Annnooo???”


“You herad me right Aiesha. I want to court you. Even if it means makalaban ko ang kapatid ko”


“Si Ryan na naman. Bakit ba laging napapasok sa usapan si Ryan?”


“Because I know that you like him and he likes you. Mas malapit kayo sa isat isa ever since mga bata palang tayo kahit na sabay mo kaming nakilala”


“Magkaibigan lang kami”


“Iba ang closeness niyo sa closeness natin noon”


“Ikaw ang lumalayo”


“Because I cant help it. Nagseselos ako sa kapatid ko”


“Akala ko ba wala sa bokabularyo mo ang salitang selos at lalong hindi sakin?”


“I was caught off guard that time. Ayaw kong umamin. But when i saw you and my stupid brother again na magkasama. Gusto ko siyang suntukin. Gusto kitang hilahin palayo sa kanya. Pero alam kon wala akong karapatang gawin yun. That’s why i want to do the right thing first. And that is courting you.”


“Bakit mo ako gustong ligawan?”


“Simply because I like you”


“Like? Hindi Love?”


“It’s too early to say that I love you right?”


Medyo dissapointed man ay hindi nalang ipinahalata ni Aiesha. What she know is Marrion wants to court her.


***


Pagdating nila sa bahay ay naabutan niyang nagdidilig ng halaman si Johana sa labas ng bakuran nito.


“Oh... nakauwe ka na pala? May food na dyan dala ni Razel”


“Thanks”


Napansin niyang nakatingin si Johana sa kasama niya kaya ipinakilala niya ang mga ito ng pormal sa isat isa.


“Jo, this is Marrion,  Marrion this is Johana. Kaibigan ko”


Marrion offered his hands. Tinanggap naman ito ni Johana.


“Ikaw yung speaker namin dati diba?”


“Yeah. Natatandaan nga kita.”


“Ikaw din yung sinasabi ni Razel na naghahanap kay Aiesha kanina. Yung friend daw niya”


“Yeah.”


“So bakit mo hinahanap si Aiesha?”


“Johana!” saway ni Aiesha sa kaibigan.


“Sinundo ko kasi siya sa hotel.”


“Bakit kailangan mo pa siyang sunduin. Wala pang tulog yan.”


“Manliligaw kasi ako”


“Ang aga mo namang manligaw. May lahi ka bang Intsik? Ang alam ko si Aiesha ang may lahing Intsik eh”


Minabuti nang pumagitna ni Aiesha sa dalawa bago pa may masabing kung ano ang kaibigan niya.


“Sige na Marrion diba uuwe ka na?” aniya sa binata.


“Yeah. Pero puntahan kita dito mamayang gabi. Hatid kita sa work mo”


“Wala akong pasok mamaya eh. Rest day ko”


“Ganun ba? Eh di pwede pala kitang yayaing magdinner mamaya?”


“Hindi siya pwede. May girls night out kami” singit ni Johana


“Johana” saway niya. “Sige Marrion text nalang kita kung what time. Dinner right?”


“Okay. Ingat ka”


“Thanks. Ikaw din”


Hindi muna siya umalis hanggat hindi nakakaalis ang sasakyan ni Marrion. Nakangiti pa siyang kumaway dito.


“Aray naman!” bigla kasing hinila ni Johana ang buhok niya.


“Magpakipot ka naman kahit konti”


“Ikaw ang rude mo dun sa tao”


“Tsk! Siya yung kinukwento mo samin diba? Ano? Nakapagtapat ka na ba?”


“Bakit ba puro ganyan ang tanong niyo sakin?”


“Dahil iyon ang sinabi mo samin. First thing na gagawin mo kapag nakita mo siya.”


“Hindi pa. Hahanap pa ako ng tyempo. Sa ngayon masaya ako”


“Ingat lang girl. Ang puso mo”


“I know. Sige kailangan ko pa magbeauty rest”


***


Masaya si Aiesha sa muling pagkakasama nila ni Marrion. After one month ay ipinasya niya ding sagutin ito. Mahal niya ang binata kaya hindi na niya pinatagal pa ang panliligaw nito sa kanya. Although hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nagagawa ang usapan nila ng mga kaibigan. Nawala na din iyon sa isip niya.


“Tignan mo itong babaeng ito naging boyfriend lang si Marrion nawalan na ng time samin” sita sa kanya ni Demi.


“Sorry naman Girls, alam niyo namang love ko kayo diba? Peo syempre love ko din si Marrion. So be happy nalang for me ah”


“Happy naman talaga kami para sayo eh. Basta wag ka lang sasaktan ni Marrion” sabi ni Phoebe.


“Oo nga dahil bubugbugin namin siya” sagot naman ni Bea.


“Ang sweet niyo talaga. Pakiss nga”


***


Akala ni Aiesha ay tuloy tuloy na ang kasiyahang mararamdaman niya. Napakasweet na boyfriend ni Marrion at ramdam niyang mahal na mahal siya nito. Masay din ang kaibigan niyang si Ryan para sa kanilang dalawa.


Pero isang araw nagulat nalang si Aiesha ng may naghanap sa kanyang isang magandang babae. Base sa ayos at hitsura nito, halatang anak mayaman ito.


“Are you Aiesha Lee?”


“Yes Ma’am, May I know your name please?”


“I’m Katherine. Marrion’s fiance. So you better stay away from him. Umuwe lang siya rito sa Pilipinas may pinagkaabalahan na siya agad na iba.” Mataray na sabi nito.


“Excuse Me Miss. Hindi kita maintindihan.”


“Ang sabi ko. Fiance ako ni Marrion. Actually naglilive in na nga kami sa America. Nagpaalam lang siya sakin na magbabakasyon lang sila ng family niya rito sa Pilipinas. Hindi ako nakasama dahil may prior commitment ako pero napilitan akong sumugod dito when i found out na may lumalandi sa fiance ko.”


“Hindi ko nilalandi ang fiance mo. At walang sinabi sakin si Marrion na may fiance siya. Baka naman nagiimbento ka lang?” mataray ding sagot niya.


“I wont stoop down to that kind of level.Heto ang ebidensya kung ayaw mong maniwala” isang brown envelop ang ibinigay nito sa kanya.


Mga larawan nga nito at ni Marrion ang mga iyon. Halatang masaya ang kuha ng mga ito sa larawan. Pinigilan ni Aiesha ang mapaiyak sa harapan ng kaharap.


“So siguro naman naniniwala ka na? Kung ayaw mong lalo pang masaktan mabuti pang layuan mo na si Marrion”


“Hindi mo na kailangang sabihin sakin iyan. Sige, makakaalis ka na at dalhin mo na itong basura mo” ani Aiesha at inihagis ang envelop sa kaharap.


Pinigilan ni Aiesha ang umiyak hanggang sa matapos ang duty niya. Eksaktong nagtext naman si Marrion na hindi siya masusundo nito dahil may pupuntahan daw ito. Sigurado si aiesha na si katherine ang pupuntahan ni Marrion kaya mas lalong sumama ang loob niya. Pagdating sa bahay ay agad siyang nagiiyak. Hindi na rin siya kumain. Wala siyang gana. Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag at text sa kanya ni Marrion. Nagtext nalang siya sa supervisor niya na masama ang pakiramdam niya kaya hindi siya makakapasok. Minabuti niyang magkulong sa bahay maghapon.


Pero kinagabihan ay nagulat nalang siya sa biglang pagsulpot nii Marrion sa kwarto niya.


“Paano ka nakapasok dito?” asik niya rito.


“May problema ka ba? Binigay ni Johana sakin yung duplicate key. Nag-aalala na kasi siya sayo dahil hindi ka nga daw lumalabas ng bahay. Bakit ba?”


“Wala ka na dun. Umalis ka na. Hindi kita kailangan”


“Hey! Ano bang problema? Kahapon naman hindi ka ganyan ah”


“Walang problema”


“Babe...bakit ba?”


“Wag mo nga akong tawaging Babe! Umalis ka na. Puntahan mo nalang yung Katherine mo!”


“Katherine? Paano napasok sa usapan si Katherine? At paano mo siya nakilala?”


“Hindi na mahalaga yun. Ang alam ko lang manloloko ka. Kaya bago pa ako tuluyang magalit sayo umalis ka. Dun ka na sa malanding babaeng yun”


“Hey! Dont talk to Katherine like that. Hindi mo siya kilala.”


“So? Talagang mas mahalaga siya sayo? Mas kinakampihan mo siya? Fine! Magsama kayong dalawa”


“Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Pero hindi ko hahayaang insultuhin mo si Katherine sa harapan ko. Saka na tayo mag-usap kapag malamig na yang ulo mo.” Ani Marrion at iniwanan na siya.


Mas lalo tuloy sumama ang pakiramdam ni Aiesha dahil batid niyang mahal nga ni Marrion si Katherine.


***


Mistula siyang zombie. Pumapasok sa trabaho pero tulala. Hindi rin nagparamdama sa kanya si Marrion. Batid niyang nagalit ito sa kanya. Pero siya ang mas higit na nasaktan. Pinipilit na lang siyang libangin ng mga kaibigan niya. Sinabi niya sa mga ito ang problema nila ni Marrion. Almost two weeks na din ang nakalipas mula ng huli silang magkitang dalawa. At miss na miss na niya ang binata.


“Hey! Magbihis ka” sabi sa kanya nila Johana at Razel.


“Ayoko. Tinatamad ako. Saan tayo pupunta?”


“Sa club house”


“Anong gagawin natin dun?”


“Yayayain mong magpakasal si Marrion.” Sagot ni Razel.


“What? Ano bang kalokohan iyan? Tigilan niyo nga ako. Kung akala niyo magkakaayos pa kami pwes nagkakamali kayo. Baka masaya na yun sa piling ni Katherine.”


“Wala akong pakialam sa problema niyong dalawa. Pero sa kinabukasan ng bente pesos ko meron.”


“Ha?”


“Diba nagpustahan tayo nung college sabi mo magtatapat ka kay Marrion at yayayain mo siyang magpakasal? Eto na yung time. Bago pa mawala ulit si Marrion eh gawin mo na yung pustahan natin”


“Yun pa rin ba ang issue? Hindi ba pwedeng wag nalang. I dont want to see him again. Saka gaano kayo nakakasiguro na magpapakita sakin si Marrion”


“Kinausap na siya ng iba nating kaibigan. At ngayon nga ay nandun na sila sa club house at naghihintay kaya umayos ka na”


“Okay fine. Matapos na lang”


Wala na ring nagawa si Aiesha kundi sumunod sa mga kaibigan.


***


Kumpleto ang mga kaibigan niya sa club house ng dumating sila. May mga ibang tao rin na nandun.


“Nag-ipon na ako ng tao para may witness tayo” sabi ni Allison.


Buhat sa dami ng tao ay nakita niyang nakatayo si Marrion sa gitna. Nandun din si Ryan sa tabi nito.


“Lapitan mo na” tulak sa kanya ni Phoebe.


Napilitang lumapit ni Aiesha. Habang papalapit siya ay nakatitig sa kanya si Marrion.


“So you came” sabi niya.


“Pinapunta ako ng mga kaibigan mo”


“Okay”


So dahil lang talaga sa mga kaibigan niya.


“Marrion, sa harap nga mga taong ito. Mahal kita. Will you marry me?”


Natahimik ang buong tao sa clubhouse. Naghihintay ng sagot ni Marrion.


“Yes” sagot ni Marrion. “Aiesha Will you marry me?”


“No”


“Okay. Alam kong iyan ang isasagot mo. Pero hayaan mo akong ipaliwanag ang lahat”


“Hindi na kailangan Marrion. Tapusin na natin itong kalokohang ito. Kaya lang kita niyaya ay dahil sa pustahan namin ng mga kaibigan ko nung college na kapag nakita ulit kita ay magtatapat ako sayo at yayayain kitang magpakasal. Pero mula nung makita kita ay nawala na yun sa isipan ko. Ipinaalala lang sakin ng mga kaibigan ko. So hindi natin kailangang totohanin iyon”


“I know. Nasabi na din iyon sakin ng mga kaibigan mo. Hayaan mo naman sana ngayon na ako ang magpaliwanag sayo” pagmamakaawa nito.


“Marrion—“


“Tumigil ka nga Aiesha. Ang arte mo ah. Hayaan mong magpaliwanag si Marrion at ng matauhan ka!” sigaw sa kanya ni Razel.


“Oo nga. Sarap mong batukan eh” ani naman ni Demi.


Wala na siyang magawa. Pinagtutulungan na siya ng mga kaibigan niya.


“Okay. Start” sabi niya kay Marrion.


“Hindi ako dito magsisimulang magpaliwanag. Una sa lahat ipapakilala muna kita kay Katherine” anito at hinawakan na ang kamay niya upang hilahin palabas.


“Whaat?! Gusto mo ba talaga akong saktan Marrion?” pigil niya pero itinulak na siya ng mga kaibigan pasunod kay Marrion.


Sumakay sila sa sasakyan nito. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Marrion.


“Bakit mo ako ipapakilala kay Katherine ah!”


“Hindi ba sa kanya naman nagsimula ang lahat?”


Naiinis man at ipinasya nalang ni Aiesha na manahimik. Nagtaka siya kung bakit doon sila papunta ni Marrion.


“Marrion bakit dito?”


“Dahil nandito si Katherine”


Tahimik na sumunod nalang si Aiesha kay Marrion. Parang gusto niyang kilabutan bigla. Huminto sila sa harap ng isang puntod.


“Aiesha, this is Katherine. Kat, si Aiesha girlfriend ko”


“Marrion....”


“Mag hi ka kay Katherine” sabi sa kanya ng binata.


“Hi Katherine... Paano nangyare?” napansin niya ang nakasulat sa lapida.


“Five years ago...Katherine and I met at New York. We instantly clicked. We really love each other so much.. We lived together. I asked her to marry me and she agreed. Then sabi niya uuwe daw siya sa Pilipinas para sabihin sa family niya ang balak namin. Hindi ko siya nasamahan dahil that time striving ako sa work ko. Gusto kong mabigyan siya ng magandang buhay. Isang araw matapos niyang umuwe ng Pilipinas nabalitaan ko na nagcrash yung eroplanong sinasakyan niya. She died. Galit na galit ako sa sarili ko. Mahal na mahal ko si Katherine. She’s a perfect girl. Bakit kinuha siya agad. Nagalit din ako sa Diyos noon. Napakaunfair niya. Binaon ko ang sarili ko sa pagtatrabaho. Hindi ako pumasok ulit sa isang relasyon because i know no one can replace Katherine in my heart. Then my family decided na umuwe ng Pilipinas. And that’s where i saw you again. Naramdaman ko na muling tumibok ang puso ko. I really like you nung mga bata palang tayo. I have a big crush on you then pero hindi mo ako pinapansin. Si kuya Ryan ang lagi mong kakulitan at kasama. Ayokong sirain ang kung anong meron kayo ng kapatid ko. I love my brother so I had to stay away from you. Pero after many years... sabi ko pwede na siguro. Wala naman yatang balak si Ryan na maging kayo eh. That’s when i courted you...at nung araw na hindi kita nasundo....death anniversary ni Kat noon...Pinuntahan ko si Katherine..sinabi ko sa kanya na nagmamahal na ako ulit. I know she’s happy for me naramdaman ko yun because finally i set her free.”


Umiiyak na si Aiesha habang pinapakinggan ang paliwanag ni Marrion.


“The day na hindi mo ako nasundo pinuntahan ako ni Katherine”


“Iyon nga din ang sinabi ng mga kaibigan mo. Nagulat ako syempre. Paano ka pupuntahan ni Katherine eh matagal na siyang patay. That’s when i found out na about Katrina. She’s Katherine’s twin sister. Magkamukha silang dalawa. Siya ang pumunta sayo. Matagal ng may gusto si Katrina sakin. Kahit noong kami pa ni Katherine. Akala niya when Katherine died mababaling na ang pagtingin ko sa kanya but she’s wrong. Kaya naman nung nabalitaan niya ang tungkol sayo dahil sinabi ko iyon sa parents ni Katherine ay agad ka niyang pinuntahan at binalak niyang siraiin tayo.”


“I’m so sorry Marrion. Hindi ko alam. Sorry Katherine...hindi ko alam. Nagalit ako sayo. Sorry”


“Hush...I know naiintindihan ka ni Katherine. Biktima ka lang ni Katrina” ani Marrion at niyakap siya.


“I love you so much Marrion. Mga bata pa lang tayo minahal na kita”


“Really? That’s good to know. I love you too”


“At wala kang dapat ipagselos samin ni Ryan”


“Yeah. Umamin na samin si Kuya about his sexuality. Naintindihan naman namin siya”


“Talaga? I’m so happy for him”


“Yeah. At alam ko na masaya din siya para satin”


“You’re right”


“Aiesha...” hinawakan siya nito sa balikat at tinitigan sa mga mata. “Sa harap ni Katherine...will you marry me?”


“Yes Marrion. I will marry you with or without a ring” nakangiting sbai niya. Siya na ang naunanag humalik kay Marrion.


Ramdam nilang dalawa ang biglang pag-ihip ng hangin. Napangiti nalang sila. They know, Katherine give them their blessing. Creepy man ang lugar kung saan nagpropose si Marrion sa kanya okay lang. Ang mahalaga, mahal nila ang isa’t isa.


Thank you Katherine.


=Wakas=


3 comments:

  1. Waaaaaaaaaa! OMG! Kinikilig ako! Wahhaa! tapos natawa ako doon sa part ko..Wahahaha! Pagkain talaga?! Hhahaha.. Tsk.tskk

    ReplyDelete
  2. Hindi ko talaga makakalimutan ang scene na 'yon! Yung may nakita akong picture ni Marrion at para akong atngang kinuha 'yon habang nakatingin sa mga naglalaro kong kabigan! BAWAL MAHULI!! Bwahahaha!

    Thanks for this wonderful story sis. Atleast, kahit dito sa story mo, nagkaro'n kami ng happy ending ni Marrion. Masaya na ko do'n. ^_____________^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^