Friday, November 8, 2013

Tula Ng Mga Baliw [POEM]

Tula ng Mga Baliw
by: Hannah Jewel

Baliw ako.
Baliw tayo.
Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang topak,
Kahit hindi natin gustong lahat.


Kung minsan ay dinadaan natin sa tawa,
Kung minsan ay dinadaan sa saya.
Lahat tayo ay baliw,
Kaya huwag maging malungkot at idaan nalang ito sa giliw.


Kung baliw ka, 
Huwag kang mag-aalala,
Dahil nandito ako,
Baliw din na katulad mo.


Huwag kang mag-aalala sa mga taong seryoso, 
Baliw din ang mga iyon.
Hindi man ito halata,
Itinatago nila ito sa iyong mga mata.


Huwag mong kakalimutan na nandito ako.
Dadamay at dadamay sa'yo.
Huwag kang mag-aalala sa mga bagay-bagay,
Upang hindi maging matamlay.


Basta, Baliw sila,
Baliw ka,
Baliw ako,
Baliw tayo!


---

Author's Note: Waaaahhh!!! Ang tagal tagal na din simula ng hindi ako mag post sa blog! Namiss ko kayong lahat! Ang tula nga pala na ginawa ko nagyon ay puro kalokohan lang. Wala akong magawa nung Wednesday sa classroom kaya nag-sulat-sulat na lang ako ng kung ano-ano; Hindi ko nga alam kung bakit bigla nalang itong lumabas sa isipan ko eh. Hahaha. Tawa nga ng tawa yung mga kaklase ko dito ng mabasa nila ito XD Hehe...

Try kong i-update ang Love Haters. 

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^