Wednesday, October 9, 2013

[ONE SHOT] Falling In-Love








FALLING IN-LOVE
[ONE SHOT]



=======



Bea! Stop! I said stop right there!”



Tama na Zanjoe! Tigilan na natin 'to! Hirap na hirap na ko! Masakit na oh! Masakit na dito! Bug bug na bug bug na ko! Ubos na ubos na!”





Bea... I'm sorry----”



Sorry? Lagi na lang yan ang bukang bibig mo! Pano naman ako Zanjoe? Pano naman ang nararamdaman ko? Hindi mo ba alam kung gano ako nasasaktan everytime na tinatanong ka kung may babae ka bang mahal at ang sagot mo wala! Zanjoe, isang taon na tayo! At isang taon na ring yan ang paulit ulit kong sinasabi sa kanila!”



Kaya nga gusto ko na aminin sa lahat na may mahal na ako. At ikaw yun Bea.”



Zanjoe...”



I don't care what people might say now. Ang importante kasama kita. Handa kong isuko ang lahat. Makasama lang kita, Bea.”



Zanjoe... hindi mo alam kung gano ako kasaya ngayon. Mahal na mahal kita Zanjoe.”



I Love You more Bea.”























































Okay! Cut!”



Wew! Buti na lang direk! Buti na lang! Akala ko mahahalikan na ng babaitang yan ang Kris ko! Walang pwedeng humalik sa mga labi nya kundi ako lang! Kaya nga hindi ako nag-lalagay ng mga kissing scene sa script na ginagawa ko eh. Hehe. And besides, Kris promise that I'll be his last kiss. So, dapat lang walang ume-epal!



Ang sama ko bang script writer? Sorry naman! Love na love ko lang talaga si Kris ko. Kahit na... alam mo yun, secret lang ang relasyon namin. Tama, me and Kris of EXO-M are secretly dating. Walang ibang nakaka-alam nun kundi ang malanding bakla na si Ren. Co-author ko sya sa drama na 'to at gaya ko, in-lababo din sya kay Kris ko. Ang baklang yun ang love triangle ko. Mas okay na yun kesa naman sa babae diba?



Pero pano nga ba nag-simula ang secret love namin ng Kris ko?








--------------
FLASH BACK
--------------
Finally, dumating din ang director. Ngayon ang hinihintay na lang namin ay yung bidang lalaki. Ang tagal nya, super bonggang late na. Gano ba ka-importante at ka-gwapo yun at talaga namang nag-pa-late pa?



Uy! Teh! Excited na ko dun sa bidang actor! Member sya ng EXO. Balita ko makalaglag panty daw yung ka-gwapuhan nun!”bulong sakin ni Ren, napailing na lang ako sa kabaklaan nya.



Ikaw talaga! Puro ka gwapo! Pero teh! Happy ako dahil ikaw ang ka-co-author ko sa drama na 'to! Na-miss ko tuloy bigla yung mga dramas na ginawa natin!”matagal din kasi kaming hindi nag-join force ni Ren para sa isang drama. Kaya sobrang saya ko dahil nag-kasama ulit kami ngayon. Best friend ko kasi si Ren since college kami. Pareho kasi kaming creative writing ang course at classmate ko pa sya.



Hello? Okay! I'll send Miss Nana there to fetch him up. Okay. Bye.”sabay kaming napalingon ni Ren kay direk ng marinig namin sya.



Ako ba tinutukoy ni direk?”bulong ko kay Ren.



Ikaw nga! Gaga! Sino pa ba Nana dito? Ikaw lang naman!”nagaga pa ko ng bakla!



Miss Nana, pwede mo ba sunduin si Kris sa lobby? Hindi na kasi sya maihahatid pa ng manager nya dahil may schedule pang pupuntahan ang grupo nila.”



Tama, ako nga. Tumayo ako para sundin utos ni direk. “Yes, direk.”nag-dire-diretso ako palabas, pababa, papuntang lobby pero natigilan ako at napaisip. “Ano itsura ni Kris?”ano bang malay ko sa idol group ngayon? Wala akong kilala kahit sino man sa EXO na sinasabi ni Ren, tanungin mo ko ng flavor ng X.O candy baka masagot pa kita. “Patay na! Pano ko hahanapin yun?”



Teka, ma-google nga pag-mumukha ng lalaki na yun. Sino nga yun? Kris ng EXO?



Pipindutin ko pa lang yung search nang biglang may bumangga saking higanteng lalaki... at dahil naka-high heels ang lola nyo, dumausdus ako paupo sa lapag. Bonggang kahihiyan! Dahil ang daming mga taong nag-kukumpulan sa entrance kung saan ko hinahanap kung sino man si Kris.



A---a---aray.”masakit talaga kasi bumagsak talaga ako sa sahig eh.



Miss! Okay ka lang?”narinig kong tanong ng nakabangga sakin. Gusto ko pa sana makipag-talo kaso this is not the right time for that. Baka mapagalitan pa ko ni direk at i-drop ako as one of his writer. No way!



Hindi ko na lang sya pinansin, inirapan ko sya at tumayo ako mag-isa kahit na inalok nya kong itayo. Hinanap ko yung cellphone ko na hindi ko alam kung san na napunta, nang makita ko padabog ko syang nilayasan.



Sino ba kasi yung Kris na yun eh! Kainis naman!”



Excuse me.”tinawag ulit ako ng lalaki.



What!?”galit kong sagot. Napaatras sya, pero napangiti rin.



Ako yata yung Kris na hinahanap mo. Ikaw ba yung writer na ipinadala ng director?”



Sandali akong hindi nakapag-salita. Pakiramdam ko namula ako, bonggang pahiya nanaman! Shetlungs! Natarayan ko pa sya! Baka tirahin ako nito sa pag-revise ng mga script nya! Ako pa naman ang writer ng character nya! Yari!



Mag-sorry ka Nana! Mag-sorry ka! Lumuhod ka sa harapan nya! O.A naman nun kung luluhod ako! Sorry na lang!



I—ikaw ba yun?”ngumiti ako ng pilit. “So---”



No! I should be the one to say sorry. Naabala ko na yung buong set. Tapos nabangga pa kita at natumba ka. Sorry talaga! Okay ka na ba? Baka may masakit sayo.”



Putol nya sa pag-saalita ko at na-speechless naman ako sa mga sinabi nya. Wow hu! Ang gentle dog... este gentle man nya naman! Hindi pa sana ako matatauhan kaso biglang nag-ring ang phone ko. Si direk!



Yes direk? We're on our way now. Yes direk!”pag-baba ko nakita kong nag-tatanong ang mga mata nya. “Pinapaakyat na tayo. Mag-sisimula na yung script reading.”sabi ko sa kanya. Ngumiti sya sakin. Pilit naman akong napangiti.








^_________________________________________________________^

Start na ng first day of shoot ng drama namin. At ang title nga pala ay Falling In-love. Ang malanding si Ren ang naka-isip ng pamagat na yan. Kasin nai-in-love daw sya kay Kris. Natawa tuloy ako at napatingin sa direksyon ni Kris.



Napa-kunot nuo ko nang mahuli ko syang nakatingin sakin pero binawi nya rin kasi napatingin ako sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng weird feelings. Napaisip... bakit sya nakatingin sakin? O baka naduling lang ako at sa katabi ko sya nakatingin?



Nilingon ko yung katabi ko. Wala namang ibang nandun kundi si Ren na nagre-revise ng script nya. Hindi kaya si Ren tinitingnan nya? Tinignan ko ulit si Kris at ganun nanaman ang naging scenario. WTF! Ano problema nya?



Can you give us ome coffee?”tawag ni direk sa kung sino man ang makarinig. Since nag-angat ako nang ulo sa kanya at napatingin sya sakin, wala na kong nagawa kundi ang sundin sya.



Bongga! Script writer ka na assistant ka pa. Fighting!”urat ni Ren. Natatawa ko na lang syang hinampas sa balikat.



Pag-katapos kong bumili ng kape, dinala ko kaagad kay direk. “Direk, ito na po kape nyo.”



No, give it to Kris.”utos ni direk.



Kris? Okay po.”shetlungs! Awkward! Hinanap ko si Kris, asan ba sya? Kanan? Kaliwa? Asan ka Kris? Ah! Sa likuran ko!



Pag-talikod ko nga nandun sya pero ang hindi ko alam inches na lang ang layo namin kaya naman bumangga yung kamay kong may hawak ng kape sa dib dib nya. Nataranata ko! Nabaliw! Napatalon sa kinatatayuan ko. Dahil bukod sa naramdaman ko kung gano katipuno ang dib dib nya eh mainit din yung kape! At natapon yun lahat sa damit nya.



Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung pupunasan ko ba o hindi, kinakabahan din akong napatingin sa kanya kasi baka biglang i-K.O nya ko dahil puti pa naman yung damit nya at sigurado akong napaso sya.



Pero... natulala ako nang mapakagat sya sa labi nya.



Miss Nana! Anong nang-yari? God! Kris! Are you okay?”alalang tanong ni direk.



Sorry direk! Hindi ko sinasadya.”sabi ko.



Mag-ingat ka sa susunod! Kris take off you tee! Let's see kung may paso ka.”



Dahil nga inches lang ang layo namin ni Kris, view na view ko ang abs nya. Napalunok ako at napaatras. Dahil huma-high heels peg ako, ayun, plakda nanaman ako. Napapikit ako, hinihintay kong makapa ng likod ko yung lupa... pero bakit parang nakalutang ata ako?



Dahan dahan kong minulat mata ko. Mukha ni Kris ang sumalubong sakin. Kung kanina inches ang layo namin. Ngayon centimeter na lang. Parang naka-high definition yung mga mata ko kasi kitang kita ko kung gano ka-kinis mukha nya. Gano ka-pula yung mga labi nya. Amoy na amoy ko hininga nya, shetlungs! Bakit parang ang bango ng hininga nya para sakin. Parang Afficionado F35 lang!



At yung mga kamay ko, naka-patong sa dibdib nya, habang yung mga kamay nya naka-alalay sa likuran ko para hindi ako bumagsa. Feeling ko huminto yung oras ng mga sandali na yun. Feeling ko nasa isang fairytale kami. Sya si Prince Charming, ako naman si Ugly Duckling.



You okay?”bakit parang ang landi ng boses nya nang tanungin nya ko? Parang nang-aakit pa sya. Oh! Kris! I'm falling in-love with you.



Okay! Cut! Tama na yang drama nyo. Wala yan sa script.”natauhan ako nang bigla sumingit si Ren sa scene. Dun ko lang na-realized na nakaka-hiya pala yung nangyari!



Mabilis akong tumayo sa pagkaka-alalay sakin ni Kris. Tiningnan ko yung palikid ko, lahat sila nakatingin sakin. Hiyang hiya ako at wala akong ibang nagawa kundi humingin ng sorry. Nakakahiya!!











^__________________________________________________^

BIGLANG umulan kaya tinapos na lang ng maaga ni direk yung shoot. Nakaka-inis nga eh! Kasi wala akong dalang payong! Ito naman si Ren nauna nang umalis sakin. May mga tinapos pa kasi akong scripts ko eh.



Tsk! Pano kaya ako nito makakauwi?



Lumabas ako ng convinient store na pinag-shooting-an namin. Sobrang lakas talag ng ulan, may kasama pang hangin. Feeling ko liliparin ako sa lakas. Wala din tindang payong yung convinient store. Wala akong choice but to wait na tumila ang ulan.



Lamig! Shetlungs!



Biglang may lumabas sa store, hindi ko na sya pinansin. Dahil sa malaking payong nya ako naka-tingin.



Buti pa 'to ang laki ng payong. Ako, ang laki ng sweldo. Walang payong. Badtrip!



Bumuntong hininga ako at napatingala na lang sa langit. Pero napalingon ulit ako sa katabi kong may malaking payong nang mag-salita sya.



Gusto mo maki-silong?”



Kris? Anong ginagawa nya dito? Diba nauna na syang umuwi?



Nilingon nya ko tapos ngumiti sya. “Hatid na kita.”alok nya. Wow~ hu! Haba nang hair ko! Aarte pa ba ako kung tulad ni Kris ang nag-alok nun? Landiin na yan! Este, tanggapin ko na lang. Kesa naman abutan pa ko ng hating gabi dito. Parang wala nang balak pang huminto yung ulan eh.










Tahimik lang kaming nag-lalakad ni Kris pauwi sa bahay. Hawak hawak nya yung payong habang ako naman pa-demure lang. Feel na feel kong pinapayungan nya ko. Kilig to the bone ang peg ko ngayon. Nang makarating kami sa Park, nagulat ako nang biglang bitawan ni Kris yung payong. Sa lakas ng ulan, dalawa kaming nabasa.




Ay! ano 'to? Love Rain lang ang drama. Sige! Go ako dyan!



Uy! Bakit mo binitawan yung payong?”malandi kong tanong. Feel ko nasa isang drama kami at ako ang ka-theme up nya.



Matagal ko na kasing gustong gawin 'to. Yung maligo sa ulan. Ni minsan di ko pa kasi nagawa.”sabi nya naman. Nginitian ko sya, tapos hinatak nya ko papuntang swing. Sumakay kami dun. Pinapanood ko lang sya.



Para syang batang nakawala sa kulungan. Kitang kita yung excitement sa mukha nya. Para kaming mga batang nag-lalaro sa ilalim ng ulan. Nag-tatakbuhan kami, mata-mataya. Langit lupa, tagu-taguan , piko, tumbang preso, sipa. Lahat na ng klase ng laro nilaro namin sa gitna ng ulan hangganga sa mapagod kami.



Dahil para kaming mga basang sisiw. At hindi naman sya pwedeng umuwi ng ganun. Niyaya ko na lang sya sa bahay. Sabi ko ida-dryer ko damit nya pero ang totoo gusto ko lang sya makasama. Landi ko! Palay na lumalapit, sunggaban mo na! Diba? Lalo na kung kasing hot ni Kris!



Kris akin na yung damit mo, para mapatuyo ko na. Para makita ko na rin ulit yang mga abs mo.



Ah, okay. Thanks!”hinubad nga nya sa harapan ko yung damit nya.



Homaygad! Ang hawt! Patawarin nyo po ako Lord! Nag-kakasala ako!



Nung iabot nya sakin yun pasimple kong inamoy kahit na yung tubig ulan pumapasok sa ilong ko. Wapakels, malanghap ko lang amoy ni Kris.



Ang bango kahit nabasa na ng ulan!



Pag-balik ko kay Kris naabutan ko syang nakatayo sa mga pictures na naka-sabit sa pader. Nakakahiya! Mga graduation pics ko yun since Kinder ako hanggang college ako.



Kris?”tawag ko.



Nana...”tawag din nya. Kilig naman ako kasi tinawag nya ko sa pangalan ko. Gasss!!



Lumapit sya sakin at tinitigan nya ko sa mga mata. Para akong nahi-hypnotize sa ginagawa nya. Naninikip dibdib ko... sa kilig. Feeling ko nagba-blaz na ko! *Blush



Iniakap nya yung kaliwang kamay nya sa bewang ko, dahan dahan nyang ibinaba yung mukha nya sa mukha ko. Inilagay nya yung kanang kamay nya sa batok ko para iangat yung ulo ko. Napa-pikit ako.



Shetlungs! Shetlungs! Ito na ba ang pinakahihintay kong first kiss?! 



Lalong napadiin yung pag-pikit ko ng maramdaman kong dumampi na yung labi nya sa labi ko. Sobrang lambot! Napa-isip tuloy ako, baka kasi yung akin puro kalyo eh.




Homaygad! Ito na nga ang first kiss ko! At kay Kris galing yun! Kay Kris!



Pero teka lang... parang ang bilis naman ata! Bakit nya ko hinalikan? Bakit? Naitulak ko palayo si Kris at napatalikod ako sa kanya.



I---I'm sorry. I just want to confirm kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko. Was---was that your first kiss?”



Hindi ako sumagot, hindi ako galit nakakahiya lang.



Nana... let's date. And I promise you'll be my last kiss.”

---------------
End of Flash Back
---------------











^_____________________________________^

 -----------
PRESENT
------------


GANUN lang kabilis ang mga pangyayari samin ni Kris. Para kaming na-love at first sight sa isa't isa. Happy to the max naman ako kahit na secret lang relasyon namin. Okay na ko dun kasi nakakatakot baka kuyugin ako ng mga faney ng EXO pag naging public ang relationship namin.



Tsaka, tahimik ang buhay pag ganito. Ang worry ko lang naman eh kung matutupad ba ni Kris ang pangako nya? O may dadating na someone na sisira sa pangako nyang yun? I don't know...



Oh~ oh~ teka! Tama na drama! Nag-text na si Kris ko tapos na kasi ang eksena nya.



Muggy... wish I can hug you right now.. love you..”



Ayeeee!! kilig kilig si inday!



Love you more, Cuppy..”



Oh~ wag nyo na ko tanungin kung bakit Muggy at Cuppy ang tawagan naming dalawa.. dahil samin na lang yun ng Kris ko ... :DDDDDDDD






---0---
The End
---0---

=======

A/N: sorry .. hindi na ko gumawa ng cover .. nitatamad na kasi ako .. nasira po kasi yung letter S ko sa keyboard kaya on-screen keyboard gamit ko ngayon .. anyways .. gumawa ako ng random one shot story .. nain-love kasi ako kay Kris .. inuulit ko po .. random lamang po ang story na ito .. hindi napag-isipan ng maayos ..   hihi .. sana magustuhan nyo ...



1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^