Sunday, October 27, 2013

G.R.8.U : Chapter One



G.R.8.U
Chapter One





----------00---------

NAPA-LINGON ako sa likuran ko nang may bigla na lang yumakap sa bewang ko habang nag-luluto ako. At sino pa bang gagawa nun? Syempre walang iba kundi si Kris ko. Nginitian ko sya at mas lalo pa nyang hinigpitan ang pag-kakayakap nya.


Isiniksik nya yung mukha nya sa leeg ko, kinilabutan ako ng maramdaman ko yung mga labi nya sa leeg ko. Feeling ko namula ako sa kilig.


Nagugutom ka na ba Cuppy? Wait na lang maluluto na rin 'tong ramen mo.”sabi ko, pero di sya sumagot. Tahimik lang syang nakasiksik sakin, nakayakap, hindi sya umalis hanggang sa matapos ko yung preparation ng ramen. “Umupo ka na, luto na yung ramen.”


Lupaypay syang bumitaw sakin, napa-nguso sya at parang batang walang gana na bumalik sa upuan nya. Napangiti ako, I can't help it. I keep falling in-love when Kris acts like that. Sobrang cute nya to the point na nakaka-in love talaga.


Here, kainin mo na habang mainit pa.”inilapag ko sa harapan nya yung ramen pero tinitigan nya lang yun. “Why? Don't you like it? Diba favorite mo yan?”napakunot nuo ko. May topak nanaman Kris ko. Pag ganyan isa lang ang solution...


Tumayo ako sa upuan ko at inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya. Kung dati naiilang pa kong maunang humalik sa kanya ngayon keribels ko na. Sa two months ba naman na kami mahihiya pa ba ako? Diba? At yes, two months na kaming nagdi-date ni Kris. So far, masaya naman kami sa mga nang-yayari. At tumutupad naman si Kris sa promise nya.


Halata ang kilig sa mukha ni Kris ng mapangiti sya matapos ko syang halikan sa labi. Napakagat pa nga sya tapos excited na nyang hinawakan yung chopstick na nasa gilid ng vowl nyang may ramen at nag-umpisa na syang kumain.


Ang sarap naman nito Muggy.”masaya nyang sabi na ikinatuwa ko naman ng bongga.


I Love you too, Cuppy.”yan ang isinagot ko kasi parang sinabi nya na rin na I Love You nang masarapan sya sa luto ko.











----------00---------

MATAPOS naming kumain naupo kami sa sofa para manood ng T.V. Pinapanood namin yung replay ng second guesting ng EXO sa Weekly Idol. Sobrang dami kong tawa sa episodes na 'to. Lalo na yung part ni Tao, Luhan at ng apat na disaster.


Habang nanonood kami, naka-hilig sa balikat ko ang ulo ni Kris at yung mga kamay nya nakayakap sa kaliwang braso ko. Gaya ko nanunood din sya at panay din ang tawa nya.


Pero di ko talaga maiwasang mag-comment nung sumayaw si Lay. Hindi naman sa hindi ako loyal para kay Kris. Charismatic lang kasi talaga yung dating ni Lay nung part na yun kaya napa-comment ako.


Ang galing sumayaw ni Lay! Kahit sinong babae mai-in love pag sinayawan nya ng ganyan.”


Nagulat ako ng biglang mamatay yung T.V. Napatingin ako sa ilaw, hinihintay ko syang mamatay kasi akala ko brown out. Tapos napalingon ako nang ihagis ni Kris yung remote sa mini table. Pinatay nya pala yung T.V. Kala ko naman brown out. Nakapag-isip pa tuloy ako kung nakapag-bayad ba ko ng kuryente.


Bakit mo pinatay?”kunot nuo kong tanong sa kanya.


Nan dun ako sa show pero kay Lay ka nakatingin.”pag-tatampo nya pero hindi sya bumibitaw sa pag-kakayakap sa braso ko.


Natawa ako at napatingin sya sakin na parang batang inagawan ng candy. “Malamang mapapansin ko si Lay kasi sa kanya naka-focus yung camera.”


Kahit na, kita naman ako sa likod ni Lay eh. Bakit di mo man lang sabihin na 'Cuppy ang cute mo dun sa likod oh' si Lay agad nakita mo.”


Aigoo! Aigoo! Hindi ko kinakaya... hindi ko kinakaya ang ka-cute-an ng taong 'to. Ganito ba talaga ang mga lalaki pag in-love? Sorry hu? Si Kris kasi ang first boyfriend ko kaya wala akong idea.


Si Kris ang first sa lahat, kiss, hug, as my boyfriend. Except sa isa. Bawal, dahil may rule ako na dapat ko lang syang ibigay sa lalaking pakakasalan ko. At sana si Kris na yun...


Tsaka bakit kilala mo si Lay? Nag-search ka ba tungkol sa kanya?”dugtong pa nya.


Alam nya kasing hindi naman ako interesado sa mga idol groups at wala akong kilala ni sino sa EXO except sa kanya. Pero sabi nga nila, pag mahal mo ang tao magse-search ka ng tungkol sa kanya. Aalamin mo yung mundong ginagalawan nya at yung mga taong naka-paligid sa kanya.


Kaya yun yung ginawa ko. Nag-search ako tungkol sa EXO kaya dun ko nalaman mga pangalan nila. Bukod dun nalaman ko rin na hindi lang pala si Ren ang karibal ko kay Kris ko... ang dami pala nila. At sa oras na malaman nilang kami ni Kris, makakalbo ako ng wala sa oras.


Medyo na-insecure din ako, kasi karamihan sa kanila ang gaganda. Hindi ko naman sinabing pangit ako. Tama lang. Mahaba buhok, may kaputian din, matangos ilong at sabi nga nila, almond eyes. Mata ko lang at ang pangalan kong Narita Naleen Jung short for Nana Jung ang talagang maipag-mamalaki ko dahil namana ko pa sila sa nasira kong ama't ina.


High school pa lang ako ng mamatay sila sa isang aksidente. Kaya nga yun din ang dahilan kung bakit mag-isa na lang ako ngayon. Dahil sa tyaga, sipag at ambisyon sa buhay kaya nakaya kong mapatapos ang sarili ko.


Hindi ako matangkad, hanggang baba nga lang ako ni Kris eh.May korte naman ako kahit pano at may sinabi rin naman ang hinaharap ko. Ang kaso lang, hindi ko naman kayang mag-suot ng mga lantarang damit gaya ng sinusuot ng mga faney ni Kris. Tamang high heels lang ako, sexy outfit din naman pero hindi revealing.


Minsan pag naiisip ko sila, hindi ko maiwasang makipag-kompetensya kahit na alam kong hindi naman tama yun dahil kawalang faith yun kay Kris. Dahil iniisip ko na ano mang oras kaya akong ipag-palit ni Kris sa mga yun. Nakakatakot din. Mahal ko kasi si Kris... mahal na mahal.











---------00---------

INALIS ko yung mga kamay ni Kris sa pag-kakayakap sa braso ko tapos hinarap ko sya. Parang batang malungkot parin yung mukha nya. Inilagay ko sa mag-kabilaang pisngi nya ang mga palad ko at ngumiti bago nag-salita.


Ikaw lang ang mahal ko. Wala ng iba.”sabi ko. Tinitigan nya ko sa mga mata. Ilang saglit lang mabilis nya kong hinawakan sa batok at hinila palapit sa kanya para halikan.


Nothing beats Kris sweetest kiss. Para sakin, ang dumapi ang mga labi nya sa mga labi ko ang pinaka the best moment sa buhay ko.


Matapos ng halik na yun ay inilapit nya ang mga labi nya sa tenga ko para bumulong. “I Love you more.”nag-tayuan ang balahibo ko sa bulong na yun. Sobrang kinikilig ako... hinalikan nya ulit ako.


But this time matagal na, naramdaman kong dahan dahan nya kong inihihiga sa sofa. Kinakabahan na ko, baka maisuko ko ang bataan ng wala sa oras! Hindi pwede! Buti na lang na-out of balance si Kris at bumagsak kaming dalawa sa sahig. Pumaibabaw ako sa kanya habang naisapo nya naman sa mga mata ang isang kamay nya at ang isa ay nakaalalay sakin.


Halatang nadismaya sya sa nang-yari. Ako naman parang nabunutan ng tinik. Pilit akong napangiti sa kanya bago nag-salita. “Maybe next time.”pero palihim ding napa-dasal. Diyos ko sana wala nang next time! Hindi ko kakayanin! Nakaka-akit talaga 'tong Kris ko!















----------000----------

MATAPOS ang nakakapangilabot na pangyayaring yun ay pareho nanaman kaming na sa sofa. Kung kanina ay nakayakap sa mga braso ko si Kris ngayon ay nakaunan na lang sya sa mga hita ko habang nakatakip ang isa nyang kamay sa mga mata nya.


Matagal kaming nanahimik, binasag ko rin ang katahimikan ng may maalala ako.


Cuppy! May sasabihin pala ako sayo.”excited kong sabi.


Okay.”sagot nya naman pero hindi sya gumagalaw sa posisyon nya. May inabot akong papel sa ilalim ng mini table at ipinakita ko kay Kris.


Ito! Dating Rules natin.”dun lang inalis ni Kris ang mga kamay nyang nakatakip sa mata. Kunot nuo syang napatingin sakin.


Dating Rules?”ulit nya. Tumango ako. “For what?”sunod nyang tanong. Sumagot naman ako.


Kasi naman Cuppy, hindi rin naman tama na lagi ka na lang nan dito sa bahay.”


Sa bahay lang naman kasi kami nagdi-date. Hindi kami pwedeng lumabas dahil maraming pwedeng makakita samin. Ang kaso naman, halos araw araw nan dito si Kris. Hindi naman sa ayaw ko pero kasi masyado na nyang nafo-focus yung sarili nya sakin.


Happy naman ako dun but the thing is, may ibang mundo din syang dapat galawan. May mga member din syang dapat pag-tuunan ng pansin. Leader pa naman sya ng grupo nya. Higit sa lahat, posibleng mag-kasawaan kami kung araw araw kaming mag-kasama. Ayaw ko namang mang-yari yun. Kaya naisipan kong gumawa ng Dating Rules.


You don't want me here?”bumangon sya sa pag-kakahiga sa hita ko.


Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang na mag-focus ka rin sa ibang bagay. Leader ka ng grupo mo kaya dapat pag-tuunan mo rin sila ng pansin.”nanahimik sya.


Isa sa bagay na talaga namang nagustuhan ko kay Kris. Hindi sya mahirap paintindihin. Madali nyang naiintidihan yung mga gusto kong sabihin. Oo, isip bata sya minsan pero merong part parin ni Kris na matured at isa yung sa charm nya.


Bumalik sya sa pag-kakahiga sa lap ko at humalukipkip. “Ano ano bang rules yan? Ayaw ko ng mga bagay na mahirap sundin hu!”di pa man ako nag-sisimula nag-warn na sya.


Madadali lang naman 'to. Tatlo lang naman eh.”hinalikan ko muna yung nuo nya bago ko binasa yung rules. “One, once a week na lang tayo pwede mag-kita.”unang rules pa lang umalma na agad sya.


Once a week? That's too long! Four times a week!”request nya pero di ako pumayag.


Twice ako week.”dagdag ko, hindi pa sana sya papayag kaso hinalikan ko na lang sya sa labi para hindi na sya maka-complain pa.


Two, twice a day lang pwedeng tumawag sa phone.”pag hindi kasi kami mag-kasama, oras oras tumatawag sya. Minsan nga nakakahalata na yung mga katrabaho ko at nag-tatanong kung sino ba yung tawag ng tawag sakin kahit oras ng trabaho.


Muggy---.”tinakpan ko ng mga kamay ko yung labi nya at nag-patuloy sa pag-babasa.


Three, hindi ka na pwede mag-overnight dito sa bahay.”pag off kasi nila dito sya natutulog sa bahay. Pag may script kasi ako na tinatapos hindi ko nagagawa dahil nangu-ngulit sya buong mag-damag, tulad ngayon.


Sa huling rules ko na yun talagang umalma na si Kris, bumangon ulit sya sa pagkaka-higa at hinarap ako.


No! Yan ang isa sa bagay na hindi mo pwedeng alisin o ilagay sa rules!”he said in a bossy way. Natulala ako. Hindi ko kasi alam kung ano sasabihin ko. “Susundin ko yung one and two. Pero yung three. No!”yun lang at tumayo na sya sa sofa.


San ka pupunta?”kunot nuo kong tanong.


Matutulog na!”


Napailing na lang ako. Mag-karoon ka nga naman ng boyfriend na matigas ang ulo gaya ni Kris. Pero kahit na ganun, mahal na mahal ko talaga yang lalaki na yan. At alam kong ganun din sya sakin.















----------00----------
End of Chapter One








1 comment:

  1. lagi pong tandaan, paki-JUSTIFIED po ang body text sa mga posts. ^___^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^