Sunday, November 10, 2013

G.R.8.U: Chapter Two

 




G.R.8.U [Great You]
Chapter Two


----------00----------

NAKU naman! Late na ko! Siguradong tatalakan nanaman ako ni Ren. Ayaw pa naman nun nang late. Ito kasing si Kris, kung hindi ko pa pinilit wala pa syang balak na bumalik sa dorm nila.


Tumawid ako sa kabilang kanto kung saan nag-hihintay si Ren sa isang coffee shop. Pag pasok ko sa loob medyo nag-kakagulo ang mga tao, hindi ko alam kung bakit at wala na kong panahon pa para alamin.


Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, hinahanap ko si Ren. Finally, nakita ko sya sa kaliwang bahagi ng coffee shop. Mukhang abala sya sa pag-re-revise ng script nya kaya hindi na nya napansin ang pag-lapit ko.


Ren, sorry late ako.”pag-hingin ko ng sorry sa kanya. Nag-angat sya ng ulo, akala ko tatalakan na nya ako pero tumango lang sya at nag-patuloy ulit sa ginagawa nya. Kaya naman naupo na lang ako sa bakanteng upuan sa harapan nya.


Sobrang busy mo naman! Akala ko tatalakan mo pa ako eh.”natatawa kong biro sa kanya. Bumuntong hininga sya bago sya sumagot.


Si direk naman kasi! Gusto nya i-revise ko lahat ng natapos kong script at kailangan na nya 'to bukas! Kaloka! Kaya zombie peg ako ngayon. Wala pa kong masyadong tulog.”


Reklamo nya, mukha ngang wala pa syang gaanong tulog dahil halata sa mukha nyang stressed na stressed sya. Bigla naman tuloy akong naawa. Katatapos lang kasi ng drama ni Kris, heto nanaman sya, may panibagong project. Magaling kasi talaga syang writer. Walang wala ako kung iku-kumpara.


Teka, bakit mo nga ba ako gustong makita?”pag-iiba ko ng usapan ng maalala ko kung bakit ako nag-punta dito.


Mag-order ka na muna ng coffee .”suggest nya na sinangayunan ko naman.


Sige, wait lang hu?”tumayo ako para pumuntang counter.


Hmm... ano bang masarap inumin ngayon? Iced Americano, Black Coffee, Fraffy, ah! Alam ko na...


Miss Strawberry Milk please.”napalingon ako sa gilid ko ng may makasabay ako sa pag-order. At pareho pa kami ng request. Nag-katinginan pa kaming dalawa, tapos nginitian nya ko.







Si Lay! Kung nan dito sya ibig sabihin nan dito rin si...


Ikaw na mauna.”sabi nya.


Hu? Ah—thanks.”medyo nautal ako kasi nabigla ako. Kinakabahan ako, dahil sigurado akong nan dito din si Kris.


Pasimple kong nilingon yung kabilang gilid ko para malaman kung kasama nya nga si Kris. At hindi nga ko nag-kamali! Nan dun sya nakaupo katabi ng iba pa nyang ka-grupo. Naka-halukipkip sya, naka-de quatro. Hindi maipinta yung mukha nya. Naka-tingin sya sa gawi namin ni Lay.






Pilit akong ngumiti sabay mabilis na iniwas yung tingin sa kanya.


Hindi ba sya dumiretso sa dorm? Yan parin suot nya ng umalis sya sa bahay eh.


Miss yung Strawberry Milk mo mo.”nabigla ako nang tawagin ako ni Lay. This time hawak na nya yung Strawberry Milk ko. Nag-aalangan ko naman yung inabot.


Lagot na! Pinagse-selosan pa naman ni Kris si Lay dahil sa nasabi ko kahapon. Sigurado ako badtrip nanaman yun ngayon!


Tha—thanks.”pilit uli akong ngumiti, mag-babayad pa sana ako kaso pinigilan ako ni Lay.


Libre na kita.”kumuha ng pera si Lay sa wallet nya at binayaran yung Strawberry Milk ko. Nag-thank you ulit ako, ngiti lang ang sinagot nya. Akala nya siguro fan nila ako kaya nang-libre sya. Ang alam ko kasi wala pang nakaka-alam sa grupo ni Kris na kami.



Bumalik ako sa pwesto ko na walang lingon lingon kay Kris, dahil ayaw ko makita ang naka-simangot nyang mukha.


Teh! Bakit di mo agad sinabi na nan dito pala sina Kris!”agad kong bulong kay Ren ng maka-upo ako.


Napalingon sa gawi nila Kris si Ren bago sumagot. “Yun ba? Sorry hindi ko na nasabi, nakalimutan ko kasi dahil naka-focus ako sa ginawa ko.”napa-buntong hininga na lang ako.


Kaya pala ang daming tao at nag-kakagulo sila dahil nan dito yung grupo ni Kris.


Sabay kaming napatingin ni Ren ng marinig naming tinawag ni Chen si Kris.


Kris hyung! San ka pupunta?”


Nakita kong tuloy tuloy lang sa pag-labas si Kris, hindi na talaga maipinta mukha nya. Nag-katinginan kami ni Ren. Parehong nag-tatanong ang mga mukha namin. Ilang saglit lang tumunog ang cellphone ko.


Si Kris!


Napailing si Ren at nag-patuloy na lang sa ginagawa nya habang ako sinagot ko yung tawag ni Kris.


Hello, cuppy.”maingat kong sabi. Ilang segundong tahimik sa kabilang linya. Walang sumasagot. “Wag mo na isipin yung kanina. Nilibre lang ako ni Lay kasi siguro akala nya fan nyo ko.”paliwanag ko pero hindi parin sya nag-sasalita. “Kris---”


Sorry, hindi ko lang talaga mapigilang mag-selos.”putol ni Kris sa sinasabi ko. Natigilan ako, hindi ko kasi alam kung ano sasabihin ko. Pinag-halong kilig at awa ang nararamdaman ko ngayon.


Sinabi ko naman sayo diba? Wala kang dapat ika-selos, dahil ikaw lang talaga ang mahal ko.”nang sabihin ko yun hindi naiwasang mapatingin sakin ni Ren. Judging me from head to foot ang dating. Natawa na lang ako, kasi kinilig ako.


Promise? Ako lang hu? Sakin ka lang titingin. Ako lang ang una at huling hahalik sayo.”


Napapakagat ako sa labi ko dahil sa kilig. Kahit parang ang babaw lang ng mga sinabi ni Kris sobrang kinikilig ako.


In-Love eh...


Oo, ikaw lang.”halata na sa boses ko yung kilig. Di ko na kasi kaya itago. Naputol lang ang usapan namin ng tawagin na si Kris ng mga kasamahan nya.


I'll go ahead Muggy. I Love You.”


I Love you more, cuppy.”


Matapos ng usapan na yun parang gusto kong sumigaw! Apaw apaw yung emotions ko! Nag-kalat sila sa kabuuhan ng coffee shop! Spaz! Spaz!


Hala! Landi! Haba lang ng hair~!”singit ni Ren. Pero di ko sya pinansin dahil nga nasa peak pa ko ng masayang feelings ko.


By the way. Kaya nga pala kita pinatawag kasi kailangan pa namin ng isa pang screen writer. In-endorse kita, kilala ka naman nya kaya pumayag sya. Ang tanong okay lang ba sayo? Si direk Joel yun. Alam mo naman yun, masyadong demanding. Kaya tingnan mo ko, revise to the max!”


Oo naman! Kahit sino pang director yan hindi ako tatanggi basta ikaw ang ka-co-author ko!”kasi mas nabubuhay pagiging creative ko pag si Ren ang kasama ko.


O.A! Sige, pumunta ka bukas na first meeting natin together with the confirmed actors and actresses na gaganap sa story.”


Okay!”masaya kong sabi.









----------00----------

First meeting namin ngayon for new drama. Sabi sakin ni Ren ang kwento daw ay pang teen oriented.


Yung babae daw mai-in-love sa isang sikat na lalaki, mag-kakaroon sila ng secret relationship. Relate na relate ako dahil parehong pareho lang ng situation namin ni Kris ang kwento na 'to. Bukod dun ako pa ang writer para sa character ng bidang babae! Kaloka!


Let’s start the meeting.”yun agad ang bungad ni direk Joel pag-pasok nya ng meeting room.


Pero direk, wala pa yung lead actor.”paalala ng isa sa mga staff.


Nag-sabi na syang hindi sya makakarating.”umupo sa upuan ang direktor bago muling nag-patuloy sa sinasabi nya. “Next week start na ang shoot natin kaya naman ang hiling ko lang ay gawin nyong lahat ang makakaya nyo. Lalong lalo na kayong mga script writer.”nilingon pa nya ako na para bang sakin nya sinasabi yung bagay na yun. Tumango na lang ako.


Matapos ng meeting na yun, naisipan ko munang dumaan sa bookstore dahil naalala kong paubos na pala yung ink ng printer ko. Matapos nun ay napadaan din ako sa isang cd/dvd store at naisipan kong tumingin kung meron na bang dvd version yung movie na favorite ko.


Pero napahinto ako ng marinig ko yung dalawang student na tumitingin ng cd’s. “Ang gwapo talaga ni Kris oppa no? Sya talaga ang bias ko sa EXO!”


Oo nga, sana naman wag muna mag-girlfriend si oppa!”


Naku! Pag nang-yari yun! Sasabunutan ko talaga yung babaeng yun dahil mang-aagaw sya!”


Di ko naiwasang mapalunok. Nakakatakot pala talaga ‘tong mga faney ng EXO lalo na ni Kris! Feeling ko simula ng maging kami ni Kris bilang na ang maliligayang araw ko. Parang feeling ko biglang nag-kataning ang buhay ko sa hindi malamang sakit.


Kris naman kasi... bakit nung nag-sabog ng charisma at ka-pogian ang Diyos eh mulat na mulat yang mga mata mo! Ayan tuloy! Nasalo mo lahat!


Napadukot ako sa bulsa ko ng mag-vibrate yung phone ko.


Speaking... heto na... tumatawag na ang mahal ko...


Hello, cuppy?”sagot ko, mukhang napalakas yata kasi napatingin sakin yung dalawang babae. Narinig kong nag-tawanan sila sabay sabing...


Ewww! Anong klaseng tawagan yan? Pag naging kami ni Kris oppa hinding hindi ko sya tatawaging ganyan! Baduy!”


Speechless ako, parang hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Gusto kong matawa na ewan. Kung alam lang nila... kung alam lang nila na ang oppa nilang si Kris ang kausap ko at si Kris ko mismo ang nakaisip ng tawagan naming yun.


I dare them to tell it in front of Kris ewan ko lang kung hindi sila simangutan nun. Ayaw pa naman nyang naririnig na baduy ang tawagang Muggy at Cuppy. Dahil para sa kanya, isang master piece yun.


Teka, kung tatanungin mo ko kung bakit Muggy at Cuppy ang naisip ni Kris na tawagan namin. Kasi mahilig sya sa coffee habang ako naman mahilig sa gatas. Ang coffee daw kasi inilalagay sa cup, while yung gatas naman sa mug. Kaya naging Muggy and Cuppy.


Ewan ko ba dyan kay Kris, kung ano anong pumapasok sa isip...


Where are you?”tanong ni Kris sa kabilang linya.


Nan dito ako sa cd shop. Napadaan lang, bumili kasi ako ng ink para sa printer ko.”sagot ko naman. “Bakit ka napatawag? Wala ka bang schedule or practice ngayon?”


Mero, sumaglit lang ako to say I Miss You.”


Maka-miss naman ‘tong cuppy ko wagas. Parang kahapon lang nag-kita kami. Ito naman si ako, bonggang kilig to the bone ang drama.


I Miss You more, cuppy. I Love You.”kinikilig kong sabi.


I Love You more, more and more.”


Lord... bakit ba sobrang sweet ng lalaking ‘to??? Bakit ba kahit anong sabihin nya, nonsense man o patawa lang, parang ang sweet sweet ng dating sakin. Ang sarap talaga ng ganitong feelings....


Muggy, gotta go now. Mag-uumpisa na yung pratice namin. I’ll see you soon. Love you.”


Okay. Love you too.”yun lang at naputol na ang line.


After nang usapan na yun, parang gusto kong sumigaw sa store na yun dahil nag-uumapaw to the max ang kilig ko. Ang swerte ko talaga dahil si Kris ang naging una kong boyfriend.


Hindi dahil sa member sya ng isang sikat na grupo. Dahil sobrang sweet nya at alam kong mapag-kakatiwalaan. Sobrang happy ko...








----------000----------
End of Chapter Two




 

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^