PROLOGUE:
Paano
kapag nalaman mong may taning na ang buhay mo at isang taon na lang ang
itatagal mo sa mundong ito? Ano ang kauna-unahan mong gagawin?
Dadampot ka ba ng notebook at ballpen tapos gagawa ka ng wish list mo?
Tutuparin mo ba o bahala na ang tadhana?
Sabi ng doctor sayo, may isang taon ka pa naman para mabuhay, pero diba
ang bilis-bilis ng taon? Parang kahapon lang January, ngayon December na agad.
Pero wala eh, kung ganitong buhay naman ang
nakatakda sayo, why stop it?
Ako, kung tatanungin ako kung ano ang una kong gagawin kapag isang taon
na lang ang natitira kong araw, magpapabili ako ng pagka-dami-daming journals
tapos isang tickler notebook at pagka-dami-daming ballpen tapos isang lapis at
eraser lang. Duon ko isusulat lahat ng nangyari sakin sa isang araw, para kapag
isang araw na lang ang natitira sa life span ko, babasahin ko yun para may
memories ako bago ako mamatay.
Kung tatanungin ako kung bakit ko ‘to sinasabi, may taning na kasi ang
buhay ko at isang taon na lang ang itatagal ko sa mundong ito.
Simula pagkapanganak sa akin ng mama ko, may Leukemia na ako. Tanggap ko
na yun. Parati nga akong pinapagamot ng mga magulang ko eh. Hanggang sa isang
araw, sinabi ng doctor ko na hindi na tatalab yung mga surgery and chemo
therapy sa akin. Okay lang, yun na lang naman ang inaantay ko eh. Yung bawiin
na ako.
Akala naming lahat simula nung itgil yung panggagamot sakin, naging
maayos na ako, pero hindi. Bigla na lang akog hinimatay at paggising ko nasa
ospital na ako. Ang sabi ng doctor, isang taon na lang ang itatagal ko at sa
isang taon na yun, araw-araw na hihina ang katawan ko hanggang sa bumigay na
lang ako isang araw. Threat yun para sa kanila, pero para sa akin hindi. I will
leave this world peacefully.
365 days… And those 365 days left in my life starts now. I will make a
wish list in a tickler notebook and I will start to write my memoirs in my
journals.
I am Crystaline Jill Pag-asa and the very first wish of me is to be
noticed by my crush. What is destiny without a little effort?
But this is not a love story. Maybe. I just want to be noticed by him
before I die. Is that too much to ask for? I just want to be happy and live my
last day like a fangirl and that isn’t too much to ask for, right?
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^