G.R.8.U
Chapter One
----------00---------
NAPA-LINGON ako sa likuran ko
nang may bigla na lang yumakap sa bewang ko habang nag-luluto ako. At
sino pa bang gagawa nun? Syempre walang iba kundi si Kris ko.
Nginitian ko sya at mas lalo pa nyang hinigpitan ang pag-kakayakap
nya.
Isiniksik nya yung mukha nya sa
leeg ko, kinilabutan ako ng maramdaman ko yung mga labi nya sa leeg
ko. Feeling ko namula ako sa kilig.
“Nagugutom ka na ba
Cuppy? Wait na lang maluluto na rin 'tong ramen mo.”sabi
ko, pero di sya sumagot. Tahimik lang syang nakasiksik sakin,
nakayakap, hindi sya umalis hanggang sa matapos ko yung preparation
ng ramen. “Umupo ka
na, luto na yung ramen.”
Lupaypay syang bumitaw sakin,
napa-nguso sya at parang batang walang gana na bumalik sa upuan nya.
Napangiti ako, I can't help it. I keep falling in-love when Kris acts
like that. Sobrang cute nya to the point na nakaka-in love talaga.
“Here, kainin mo na
habang mainit pa.”inilapag
ko sa harapan nya yung ramen pero tinitigan nya lang yun. “Why?
Don't you like it? Diba favorite mo yan?”napakunot
nuo ko. May topak nanaman Kris ko. Pag ganyan isa lang ang
solution...
Tumayo ako sa upuan ko at
inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya. Kung dati naiilang pa kong
maunang humalik sa kanya ngayon keribels ko na. Sa two months ba
naman na kami mahihiya pa ba ako? Diba? At yes, two months na kaming
nagdi-date ni Kris. So far, masaya naman kami sa mga nang-yayari. At
tumutupad naman si Kris sa promise nya.
Halata ang kilig sa mukha ni Kris
ng mapangiti sya matapos ko syang halikan sa labi. Napakagat pa nga
sya tapos excited na nyang hinawakan yung chopstick na nasa gilid ng
vowl nyang may ramen at nag-umpisa na syang kumain.
“Ang sarap naman nito
Muggy.”masaya
nyang sabi na ikinatuwa ko naman ng bongga.
“I Love you too,
Cuppy.”yan ang
isinagot ko kasi parang sinabi nya na rin na I Love You nang
masarapan sya sa luto ko.
----------00---------
MATAPOS naming kumain naupo kami
sa sofa para manood ng T.V. Pinapanood namin yung replay ng second
guesting ng EXO sa Weekly Idol. Sobrang dami kong tawa sa episodes na
'to. Lalo na yung part ni Tao, Luhan at ng apat na disaster.
Habang nanonood kami, naka-hilig
sa balikat ko ang ulo ni Kris at yung mga kamay nya nakayakap sa
kaliwang braso ko. Gaya ko nanunood din sya at panay din ang tawa
nya.
Pero di ko talaga maiwasang
mag-comment nung sumayaw si Lay. Hindi naman sa hindi ako loyal para
kay Kris. Charismatic lang kasi talaga yung dating ni Lay nung part
na yun kaya napa-comment ako.
“Ang galing sumayaw ni
Lay! Kahit sinong babae mai-in love pag sinayawan nya ng ganyan.”
Nagulat ako ng biglang mamatay
yung T.V. Napatingin ako sa ilaw, hinihintay ko syang mamatay kasi
akala ko brown out. Tapos napalingon ako nang ihagis ni Kris yung
remote sa mini table. Pinatay nya pala yung T.V. Kala ko naman brown
out. Nakapag-isip pa tuloy ako kung nakapag-bayad ba ko ng kuryente.
“Bakit mo
pinatay?”kunot nuo
kong tanong sa kanya.
“Nan dun ako sa show
pero kay Lay ka nakatingin.”pag-tatampo
nya pero hindi sya bumibitaw sa pag-kakayakap sa braso ko.
Natawa ako at napatingin sya
sakin na parang batang inagawan ng candy. “Malamang
mapapansin ko si Lay kasi sa kanya naka-focus yung camera.”
“Kahit na, kita naman
ako sa likod ni Lay eh. Bakit di mo man lang sabihin na 'Cuppy ang
cute mo dun sa likod oh' si Lay agad nakita mo.”
Aigoo! Aigoo! Hindi ko
kinakaya... hindi ko kinakaya ang ka-cute-an ng taong 'to. Ganito ba
talaga ang mga lalaki pag in-love? Sorry hu? Si Kris kasi ang first
boyfriend ko kaya wala akong idea.
Si Kris ang first sa lahat, kiss,
hug, as my boyfriend. Except sa isa. Bawal, dahil may rule ako na
dapat ko lang syang ibigay sa lalaking pakakasalan ko. At
sana si Kris na yun...
“Tsaka bakit kilala mo
si Lay? Nag-search ka ba tungkol sa kanya?”dugtong
pa nya.
Alam nya kasing hindi naman ako
interesado sa mga idol groups at wala akong kilala ni sino sa EXO
except sa kanya. Pero sabi nga nila, pag mahal mo ang tao
magse-search ka ng tungkol sa kanya. Aalamin mo yung mundong
ginagalawan nya at yung mga taong naka-paligid sa kanya.
Kaya yun yung ginawa ko.
Nag-search ako tungkol sa EXO kaya dun ko nalaman mga pangalan nila.
Bukod dun nalaman ko rin na hindi lang pala si Ren ang karibal ko kay
Kris ko... ang dami pala nila. At sa oras na malaman nilang kami ni
Kris, makakalbo ako ng wala sa oras.
Medyo na-insecure din ako, kasi
karamihan sa kanila ang gaganda. Hindi ko naman sinabing pangit ako.
Tama lang. Mahaba buhok, may kaputian din, matangos ilong at sabi nga
nila, almond eyes. Mata ko lang at ang pangalan kong Narita Naleen
Jung short for Nana Jung ang talagang maipag-mamalaki ko dahil namana
ko pa sila sa nasira kong ama't ina.
High school pa lang ako ng
mamatay sila sa isang aksidente. Kaya nga yun din ang dahilan kung
bakit mag-isa na lang ako ngayon. Dahil sa tyaga, sipag at ambisyon
sa buhay kaya nakaya kong mapatapos ang sarili ko.
Hindi ako matangkad, hanggang
baba nga lang ako ni Kris eh.May korte naman ako kahit pano at may
sinabi rin naman ang hinaharap ko. Ang kaso lang, hindi ko naman
kayang mag-suot ng mga lantarang damit gaya ng sinusuot ng mga faney
ni Kris. Tamang high heels lang ako, sexy outfit din naman pero hindi
revealing.
Minsan pag naiisip ko sila, hindi
ko maiwasang makipag-kompetensya kahit na alam kong hindi naman tama
yun dahil kawalang faith yun kay Kris. Dahil iniisip ko na ano mang
oras kaya akong ipag-palit ni Kris sa mga yun. Nakakatakot din. Mahal
ko kasi si Kris... mahal na mahal.
---------00---------
INALIS ko yung mga kamay ni Kris
sa pag-kakayakap sa braso ko tapos hinarap ko sya. Parang batang
malungkot parin yung mukha nya. Inilagay ko sa mag-kabilaang pisngi
nya ang mga palad ko at ngumiti bago nag-salita.
“Ikaw lang ang mahal
ko. Wala ng iba.”sabi
ko. Tinitigan nya ko sa mga mata. Ilang saglit lang mabilis nya kong
hinawakan sa batok at hinila palapit sa kanya para halikan.
Nothing beats Kris sweetest kiss.
Para sakin, ang dumapi ang mga labi nya sa mga labi ko ang pinaka the
best moment sa buhay ko.
Matapos ng halik na yun ay
inilapit nya ang mga labi nya sa tenga ko para bumulong. “I
Love you more.”nag-tayuan
ang balahibo ko sa bulong na yun. Sobrang kinikilig ako... hinalikan
nya ulit ako.
But this time matagal na,
naramdaman kong dahan dahan nya kong inihihiga sa sofa. Kinakabahan
na ko, baka maisuko ko ang bataan ng wala sa oras! Hindi pwede! Buti
na lang na-out of balance si Kris at bumagsak kaming dalawa sa sahig.
Pumaibabaw ako sa kanya habang naisapo nya naman sa mga mata ang
isang kamay nya at ang isa ay nakaalalay sakin.
Halatang nadismaya sya sa
nang-yari. Ako naman parang nabunutan ng tinik. Pilit akong napangiti
sa kanya bago nag-salita. “Maybe
next time.”pero
palihim ding napa-dasal. Diyos
ko sana wala nang next time! Hindi ko kakayanin! Nakaka-akit talaga
'tong Kris ko!
----------000----------
MATAPOS ang nakakapangilabot na
pangyayaring yun ay pareho nanaman kaming na sa sofa. Kung kanina ay
nakayakap sa mga braso ko si Kris ngayon ay nakaunan na lang sya sa
mga hita ko habang nakatakip ang isa nyang kamay sa mga mata nya.
Matagal kaming nanahimik, binasag
ko rin ang katahimikan ng may maalala ako.
“Cuppy! May sasabihin
pala ako sayo.”excited
kong sabi.
“Okay.”sagot
nya naman pero hindi sya gumagalaw sa posisyon nya. May inabot akong
papel sa ilalim ng mini table at ipinakita ko kay Kris.
“Ito! Dating Rules
natin.”dun lang
inalis ni Kris ang mga kamay nyang nakatakip sa mata. Kunot nuo syang
napatingin sakin.
“Dating Rules?”ulit
nya. Tumango ako. “For
what?”sunod nyang
tanong. Sumagot naman ako.
“Kasi naman Cuppy,
hindi rin naman tama na lagi ka na lang nan dito sa bahay.”
Sa bahay lang naman kasi kami
nagdi-date. Hindi kami pwedeng lumabas dahil maraming pwedeng
makakita samin. Ang kaso naman, halos araw araw nan dito si Kris.
Hindi naman sa ayaw ko pero kasi masyado na nyang nafo-focus yung
sarili nya sakin.
Happy naman ako dun but the thing
is, may ibang mundo din syang dapat galawan. May mga member din syang
dapat pag-tuunan ng pansin. Leader pa naman sya ng grupo nya. Higit
sa lahat, posibleng mag-kasawaan kami kung araw araw kaming
mag-kasama. Ayaw ko namang mang-yari yun. Kaya naisipan kong gumawa
ng Dating Rules.
“You don't want me
here?”bumangon sya
sa pag-kakahiga sa hita ko.
“Hindi naman sa ganun.
Gusto ko lang na mag-focus ka rin sa ibang bagay. Leader ka ng grupo
mo kaya dapat pag-tuunan mo rin sila ng pansin.”nanahimik
sya.
Isa sa bagay na talaga namang
nagustuhan ko kay Kris. Hindi sya mahirap paintindihin. Madali nyang
naiintidihan yung mga gusto kong sabihin. Oo, isip bata sya minsan
pero merong part parin ni Kris na matured at isa yung sa charm nya.
Bumalik sya sa pag-kakahiga sa
lap ko at humalukipkip. “Ano
ano bang rules yan? Ayaw ko ng mga bagay na mahirap sundin hu!”di
pa man ako nag-sisimula nag-warn na sya.
“Madadali lang naman
'to. Tatlo lang naman eh.”hinalikan
ko muna yung nuo nya bago ko binasa yung rules. “One,
once a week na lang tayo pwede mag-kita.”unang
rules pa lang umalma na agad sya.
“Once a week? That's
too long! Four times a week!”request
nya pero di ako pumayag.
“Twice ako week.”dagdag
ko, hindi pa sana sya papayag kaso hinalikan ko na lang sya sa labi
para hindi na sya maka-complain pa.
“Two, twice a day lang
pwedeng tumawag sa phone.”pag
hindi kasi kami mag-kasama, oras oras tumatawag sya. Minsan nga
nakakahalata na yung mga katrabaho ko at nag-tatanong kung sino ba
yung tawag ng tawag sakin kahit oras ng trabaho.
“Muggy---.”tinakpan
ko ng mga kamay ko yung labi nya at nag-patuloy sa pag-babasa.
“Three, hindi ka na
pwede mag-overnight dito sa bahay.”pag
off kasi nila dito sya natutulog sa bahay. Pag may script kasi ako na
tinatapos hindi ko nagagawa dahil nangu-ngulit sya buong mag-damag,
tulad ngayon.
Sa huling rules ko na yun
talagang umalma na si Kris, bumangon ulit sya sa pagkaka-higa at
hinarap ako.
“No! Yan ang isa sa
bagay na hindi mo pwedeng alisin o ilagay sa rules!”he
said in a bossy way. Natulala ako. Hindi ko kasi alam kung ano
sasabihin ko. “Susundin
ko yung one and two. Pero yung three. No!”yun
lang at tumayo na sya sa sofa.
“San ka pupunta?”kunot
nuo kong tanong.
“Matutulog na!”
Napailing na lang ako. Mag-karoon
ka nga naman ng boyfriend na matigas ang ulo gaya ni Kris. Pero kahit
na ganun, mahal na mahal ko talaga yang lalaki na yan. At alam kong
ganun din sya sakin.
----------00----------
End of Chapter One
>>> CHAPTER 2 HERE
lagi pong tandaan, paki-JUSTIFIED po ang body text sa mga posts. ^___^
ReplyDelete