Saturday, September 28, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 40



CHAPTER 40

[ DRENZ’s POV ]


Continuation of flashback...


“Don’t be too harsh on her.”


Nilingon ako ni Maricar. Pasakay siya ng kotse niya. Nandito kami sa parking lot ng NPC.


“Her? Si Ellaine ba ang tinutukoy mo, Drenz? Tama lang naman sa kaniya ‘yon. Masyado siyang atribida.” Sinampal niya kanina sa cafeteria si Ellaine. Yun ang naabutang eksena ni Jaylord.


Tiningnan ko muna ang paligid ko bago nagsalita. Wala kasing nakakaalam na magkakilala kaming dalawa. “Hindi mo siya kailangang sampalin.”


Humalukipkip siya. “Masyado ka nang napapalapit kay Ellaine, Drenz. Baka nakakalimutan mo ang misyon mo dito. Yun ay dahil sa kuya mo. Matagal mong hinintay ang pagkakataon na ‘to kaya gawin mo ang dapat mong gawin. Wag mong pakialaman ang mga ginagawa ko.”


“Hindi ko nakakalimutan ‘yon.” madiing sabi ko.


“Buti naman. Saka sinadya ko talagang sampalin siya. Mag-re-resign na ko dito, Drenz. Kami ng boyfriend ko. Magma-migrate na kami sa States. Kaya kung ako sa’yo, gawin mo na agad ang dapat mong gawin bago ka pa mabisto.”


Naiwan akong kuyom ang kamao ko.


“Drenz!”


Napalingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Ellaine. “Kanina ka pa dyan?” tanong ko.


“I just saw you talking with Miss Nelasco. Don’t worry, hindi ko naman narinig ang mga pinag-usapan ninyo.”


“Masakit pa ‘yang pisngi mo?” sa halip ay tanong ko.


Hinawakan niya ang pisngi niya. “Hindi naman. Pero sana nakaganti man lang ako.” natatawang sabi niya. “Wala, eh. I can’t please everyone who’s working here. Basta ako, magta-trabaho na lang ng mabuti.”


Dahil boyfriend siya ng apo ng president ng NPC, may mga naiinggit sa kaniya at nagsasabing kaya lang siya nakapasok ay dahil kay Jaylord.


“Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba ihahatid ng mga bodyguard mo?” Ang tatlong kaibigan ni Jaylord ang tinutukoy ko. Mga kasamahan niya sa gang na ‘yon! Nanggigigil na kinuyom ko ang kamao ko. Ganito ako tuwing naaalala ko ang walang kwentang gang na ‘yon.


“Sabay kami ni Jaylord. Siya ang maghahatid sakin ngayon.” Hatid sundo nila si Ellaine hanggang ngayon. Huh! Natatakot siguro silang mag-backfire kay Ellaine ang mga masasamang ginawa nila.


“Ga’no mo ba siya kamahal, Ellaine?”


“Hah?”


“Ga’no mo siya kamahal?”


“No words could explain how much I love him. Mga bata pa lang kami, siya na ang kasama ko, ang tagapagtanggol ko. Maliban kay mama, siya ang taong pinakamahalaga sa buhay ko. Lagi niya kong pino-protektahan. Kaya gagawin ko din ang lahat para protektahan siya. Isipin ko pa lang na mawawala siya sakin, para na kong sinasaksak. Parang mamatay ang kalahati ng pagkatao ko.”


You don’t deserve him, Ellaine. Hindi mo alam ang kaya niyang gawin. Kinuha niya ang taong pinakamahalaga sakin.


“Si Jaylord ang dahilan ng bawat pag-ngiti ko.” And then she smiled.


That smile na nagpapahinahon sakin. That smile na nakapagpapalimot sa dahilan ko kung bakit ako nandito. That smile na nagpapawala ng mga paghihirap ko. That smile na nakakapagpahupa ng galit na nararamdaman ko sa puso ko. That smile…


Na maaaring mawala kapag pinaghigantihan ko si Jaylord. Naglalaban ang nararamdaman ko at ang plano ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ko na alam.


“Elle.”


Hindi ko na nilingon ang taong nagmamay-ari ng boses na ‘yon. Ayokong makita ang pagmumukha niya. “Bye, Ellaine. Mag-iingat ka.” Tumalikod na ko at umalis.


“Bye, Drenz!”


Ang hina mo talaga, Drenz. Napakahina mo!






Lumipas ang mga araw at mga linggo.


Hanggang sa naging buwan ang mga linggo.


Hanggang sa mabilis na lumipas ang dalawang taon na walang nangyayari.


Hanggang sa sumapit ang isang araw.





Bubuksan ko na sana ang pintuan ng townhouse na tinutuluyan ko gamit ang susi na hawak ko nang mabuksan ko agad ‘yon. Gabi na kaya kadiliman ang agad na sumalubong sakin. Hanggang sa madinig ko ang kantang ‘yon.


“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!”


Lumiwanag ang paligid.


“Happy birthday, Drenz!” sabay-sabay na bati ng mga taong nakita ko. Mga kasamahan ko sila sa trabaho. Lumapit sakin ang isang babae. May hawak siyang cake.


“Happy birthday, Drenz!” nakangiti niyang bati. “Make a wish and blow the candle.”


“How did you get in?” sa halip ay tanong ko.


“Make a wish and blow the candle muna.”


I closed my eyes.


Gusto kong makita ang ngiti niya. Gusto kong protektahan ang ngiti niya. Ayokong mawala ang ngiti niya.


I opened my eyes and blowed the candle. As I saw Ellaine’s smile.


“Party-party na!” sigaw ng kung sino.


“How did you get in?” tanong ko kay Charie habang kumukuha kami ng makakain.


“Si Ellaine. Kinuha niya yung susi mo sa bag mo kanina bago siya umuwi. This is her idea by the way. Nag-halfday kaming dalawa para lutuin ang lahat ng ‘to kaya wag na wag ka nang magde-demand ng birthday gift, okay.”


“Kaya pala hindi masarap kasi kayo ang nagluto—aray!” Nakatanggap ako ng kotong sa kaniya. Napaka-sadista talaga ng babaeng ‘to. “It’s my birthday, okay. Maka-kotong ka dyan, Charie.”


Binelatan niya lang ako.


“Hindi ninyo naman kailangang gawin ‘to. Ang dami ninyo tuloy lilinisin mamaya.”


“Anong kami?”


“It’s my birthday, Charie.” Todo ang ngiti ko.


“Oo na. Ngayon lang ‘to.”


“Kaya nga lulubus-lubusin ko na. Magiging alalay ko kayo.”


Biglang sumingit sa gitna namin si Ellaine. “Oy! Penge naman niyan!”


“Kumuha ka ng sa’yo.” sabi ko.


Kumuha siya ng plato at nagsandok. “Na-surprise ka ba, Drenz?”


“Hindi.” Pero ang totoo. Na-surprise talaga ako.


Tinabig niya ko ng bahagya. “Wari pa ‘to. You’re welcome, ah.” Nagsandok siya ng kanin. “Sorry kung kinuha ko yung susi ng bahay mo ng walang paalam. Gusto lang namin ni Charie na maging masaya ka ngayong birthday mo. Kahit hindi mo sabihin, alam kong malungkot ang mag-isa.”


Alam nila na namatay ang parents ko nung elementary ako. Pero hindi nila alam na may kuya akong namatay. Napahigpit ang pagkahawak ko sa sandok na hawak ko nang maalala ko ang kuya ko.


“But you’re not alone, Drenz. Nandito kami ni Charie bilang kaibigan mo. Basta ba pagtiyagaan mo ang mga kagandahan namin. Right, Charie?”


“Oo naman, Ellaine. Swerte nga ni Drenz satin, eh. BFF siya ng dalawang dyosa ng HR Department.” Pabulong lang ‘yun ng sinabi ni Charie. Pero ang lakas ng tawa nilang dalawa.


Napailing ako. Nilingon ko sila. Kay Ellaine. Ang tawa niya. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak ko sa sandok na hawak ko. I sighed. Itinuon ko ang atensyon ko sa sunod-sunod na pagsandok ng kanin at ulam na nakikita ko.


“Drenz, ang dami naman niyan? Tatalunin mo ata ang katakawan ko, eh.”


“Mind your food, miss takaw.”


“What did you just call me?” tanong ni Ellaine.


“Miss takaw. And it’s my birthday. Walang kokontra sakin. Julalay ko kayong dalawa ngayon.”


“Drenz!” reklamo nila.


Binelatan ko silang dalawa. Habang naglalakbay naman ang isip ko.


I’m sorry, kuya…


Nang gabi ding ‘yon.


Pagkatapos maglinis ng dalawa ng mga kalat sa bahay dahil prente lang akong nakaupo at kumakain habang naglilinis sila. Umalis ako. Pinuntahan ko ang kuya ko. Lumuhod ako sa harap ng puntod niya.


“Kuya.” Kinuyom ko ang kamao ko. “I’m really sorry. Hindi ko kaya.” I sighed. “Pag sinaktan ko ang lalaking may gawa nito sa’yo, masasaktan siya. Hindi ko kayang saktan ang babaeng naging dahilan para magpatuloy ako sa buhay ko.”


“Four years ago nang una ko siyang makita. Hindi ko sinasadya, kuya. Pero habang minamanmanan ko silang dalawa, hindi ko napigilan ang sarili kong maramdaman ang hindi ko dapat maramdaman. Akala ko mawawala rin ‘yon sa paglipas ng taon. Pero hindi. Napatunayan ko ‘yon nang magkita uli kami. Mas lalong lumala nang makilala ko siya at mapalapit ako sa kaniya. I fell in love with your killer’s girlfriend, kuya.”


Nag-init ang sulok ng mga mata ko.


“Siya ang taong pinakamahalaga sa buhay ko ngayon. I wanted to protect her. Her smile. I wanted to protect her smile, the reason why I continued living. Ang dahilan kung bakit nabuhay akong hindi puro galit ang nasa puso ko. Ang dahilan kung bakit nagkaro’n ng meaning ang buhay ko simula nang mawala ka sakin. Siya ang taong nagbigay sakin ng bagong pangarap. Pangarap ko na panatilihin ang mga ngiting nakikita ko sa kaniya.”


“Ang hirap-hirap, kuya...” Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. “I’m sorry.. Duwag ako.. Mahina ako.. Hanggang ngayon, mahina pa rin ako... Dahil mas pinili kong wag saktan si Ellaine kesa ang ipaghiganti ang kamatayan mo.”





That day. I’ve decided to stop.


Because of her.


Kinalimutan ko ang paghihiganti ko.


Kinalimutan ko ang lahat ng dahil kay Ellaine.


Dahil sa kaduwagan ko.


Dahil sa kahinaan ko.


Dahil hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa taong hindi ko naman pag-aari.





Lumipas ang mga araw at mga linggo.


Hanggang sa naging buwan ang mga linggo.


Hanggang sa mabilis na lumipas ang isang taon.





“What?” kunot-noong tanong ko kay Charie. Natutulog na ko nang bigla niya kong tawagan.


“Nag-propose na si Sir Jaylord kay Ellaine kanina! Kakatawag lang ni Ellaine sakin! And I’m sure, tatawagan ka rin niya! Excited lang talaga kong sabihin sa’yo!” Impit pa siyang tumili.


Tama ba ang narinig ko? Nag-propose ang lalaking ‘yon kay Ellaine?


“Basta, hah. Pag tumawag siya sa’yo, wag kang magpapahalatang sinabi ko na sa’yo. Kinikilig talaga ko! Sayang lang, hindi ako makaka-attend ng kasal niya. Aalis na ko next month.”


Tama nga ang sinabi niya. May incoming call ako. Si Ellaine.


“Charie, tumatawag na siya.”


“Okay! Hayyy... I’m so happy for her talaga!” She ended the call.


Tinitigan ko lang ang pangalan ni Ellaine sa screen ng phone ko. Hanggang sa magpasya akong sagutin ‘yon kahit alam ko naman kung anong maririnig ko mula sa kaniya.


“Drenz!”


“What?”


“Nag-propose sakin si Jaylord kanina!” tuwang-tuwang sabi niya. “Ang saya-saya ko, Drenz!”


“Ang saya-saya ko, Drenz!”


“Ang saya-saya ko, Drenz!”


“Ang saya-saya ko, Drenz!”


Paulit-ulit yung nag-replay sa tenga ko. Mahigpit na hinawakan ko ang phone ko.


“Drenz, nandyan ka pa ba?”


Magpapakasal siya sa lalaking ‘yon?


“Hello, Drenz? He—” Inis na binato ko ang phone ko sa pader.


Magpapakasal siya sa lalaking ‘yon! Magpapakasal siya sa kriminal na ‘yon! Binalot ng inis at galit ang dibdib ko. “Aaahhh!” sigaw ko. Tumayo ako at galit na sinuntok ang pader. Ilang beses kong sinuntok ‘yon. Ni hindi ko maramdaman ang sakit ng kamao.


Mas masakit ang nararamdaman ng puso ko.


Nasasaktan ako.


“Ang saya-saya ko, Drenz!”


“Ellaine...” Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko.


Hanggang sa pumatak ang luha ko.


Masaya siya.


Yun naman talaga ang gusto ko diba?


Ang makita ang ngiti niya.


Pero bakit ganito?


Ang sakit-sakit...





Lumipas ang tatlong buwan.


Hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay ni Ellaine.





Nandito ako ngayon sa tapat ng village na tinitirhan ni Jaylord.


Nitong nakaraang buwan, nagtatalo ang isip at puso ko. Para na kong mababaliw. Gusto kong maging masaya si Ellaine. Pero kailangan niyang malaman kung anong klaseng tao ang lalaking pakakasalan niya.


Sinundan ko si Jaylord. Hindi niya kasama ang tatlong kaibigan niya. Sa sementeryo siya dumeretso. Ilang minuto siyang nagtagal do’n nang humakbang siya palapit ng kotse niya. Napahinto siya at napalingon sa gawi ko. Saka lang ako lumabas ng kotse ko at lumapit sa kaniya.


“You.” Humalukipkip siya at sumandal sa kotse niya. “Anong ginagawa mo dito?”


“Mag-usap tayo.”


“Then talk.”


“Wag dito. Sumunod ka sakin.”


“Sinasabi ko na nga ba.”


May alam ba siya? “Don’t worry. Malapit lang dito ang pupuntahan natin. Hindi ka male-late sa kasal mo.” may diing sabi ko bago tumalikod.


“How are you sure na susunod ako sa’yo?”


Nilingon ko siya. “Si Ellaine.”


“Wag mo siyang isali dito.”


“Talagang gagawin mo ang lahat para sa kaniya.” I grinned when I saw his reaction when it comes with Ellaine.


Sumakay na ko ng kotse ko. Dinala ko siya sa isang lumang warehouse na nasa gitna ng bukid.


“Walang ibang tao dito. Wag kang mag-alala.”  


Pumasok ako sa loob. Sumunod naman siya.


“You have five minutes to talk. Anong kailangan mo?”


Anong tingin niya sa sarili niya? Hari? Huh! Ugali na talaga niya ang mag-utos.


“Okay. Three minutes.”


Impatient, huh? May hinagis ako sa paanan niya. Kinuha niya ‘yon at tiningnan.


“Sino ‘to?”


Ang kapal ng mukha niyang magtanong kung sino ang nasa picture! Bumangon ang galit sa puso ko. Naramdaman ko uli ang galit na naramdaman ko no’n na pilit kong ibinaon. “Sino ‘yan? Pinatay mo siya pero hindi mo siya kilala! Hayop ka!” nanggigigil na sabi ko.


Kinuha ko ang baril sa bulsa ko. Hindi ako sanay humawak ng baril. Ipinangako ko sa sarili kong hindi ako hahawak ng baril. Na hindi ako magiging katulad nilang mga mamamatay-tao! Pero baliw nga talaga ako dahil nagdala ako ng baril ngayon.


“Hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala pa kong napapatay na tao. Napadala sa ospital, marami na. Gusto mo bang sumunod?”


“Hayop ka!” sigaw ko. “Kung alam kaya ni Ellaine ang baho mo, sa tingin mo tatanggapin ka pa rin niya?!”


“Oo. Dahil wala kong alam sa baho na sinasabi mo.”


“She doesn’t deserve you! Idiot!”


“Wala ka ng paki do’n. Time’s up. Male-late na ko sa kasal ko. Wag kang mag-alala, magtutuos pa tayo pagkatapos ng kasal ko.” Tumalikod na siya.


Itinutok ko ang baril sa kisame at pinaputok. “Isang hakbang mo pa, sa ulo mo na ‘to tatama!” Gusto ko siyang patayin! Pero bakit hindi ko magawa?! Napakaduwag ko talaga!


“Kung may balak ka talagang patayin ako, sa ulo mo na pinatama ang unang balang pinaputok mo.”


“Tama siya! Kung ako sa’yo sa ulo ko na pinatama ang balang ‘yon. Sinayang mo lang ang bala.”


Nagulat ako nang makita ko kung kanino nanggaling ang boses na ‘yon. Si Kairo. Five years ang nagdaan at ngayon ko lang uli siya nakita. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.


 “Ito.” May itinaas na granada si Kairo. “Alam ninyo ba ang kayang pasabugin nitong hawak ko? Itong buong warehouse lang naman.” Nanlaki ang mga mata ko. “Sino kaya ang mapupunta satin sa langit at impyerno, Jaylord? Teka lang. Bakit ko pa kailangang magtanong kung pwede ko namang alamin?” Binitiwan niya ang granadang hawak niya.


“No!” sigaw ko.


Napapikit ako. Hinintay kong may sumabog pero wala akong narinig. Sa halip ay halakhak ang narinig ko. Idinilat ko ang mga mata ko. Hindi sumabog ang grandang binitiwan ni Kairo. Nagsasagutan na sila ni Jaylord ngayon. Kinuyom ko ang kamao ko.


Nilingon ako ni Kairo. “Bakit hindi mo pa siya tinapos kanina, Drenz?”


“Hayop ka! Paano kung totoong granada ‘yon?!”


“Mag-ingat ka sa pananalita mo kung ayaw mong ihagis ko sa’yo ang totoong granadang nasa’kin.”


Natigilan ako.


Kinuha ni Kairo ang litrato ni kuya. “Sayang ang kuya mong si Jhonny, Drenz. Kung hindi lang sana siya pinatay ni Jaylord, magkasama pa sana kayo ngayon ng mahal mong kuya. Bakit ba kasi tumagal pa ng ganito bago ka kumilos, hah? Naduduwag ka ba?”


“Hindi!” Pero tama siya. Naduwag ako. Naduwag ako dahil sa isang babae. Kinalimutan ko ang paghihiganti ko dahil kay Ellaine. Kinalimutan ko ang paghihirap ng kuya ko para buhayin ako at pag-aralin ako. Kami ang magkasama sa hirap no’n pero kinalimutan ko ang paghihiganti ko. Wala kong kwentang kapatid!


“Hindi pala, eh. Hawak mo na ngayon ang buhay niya. Ano pang hinihintay mo? Isang bala lang sa utak niya, mapapadala mo na siya sa impyerno. Matatahimik na din ang kaluluwa ng kuya mong walang awa niyang pinatay.”


Nilingon ko si Jaylord. Ang lalaking ito ang pumatay sa kuya ko. Bakit ko ba kinalimutan ‘yon?! Bakit ko ba kinalimutan ang pangako ko sa harap ng puntod niya?! Itinutok ko ang baril sa kaniya. “Pinatay mo ang kuya ko.” madiing sabi ko.


I’m sorry, Ellaine. Pero sapat na siguro ang limang taong pananahimik ko. Sapat na siguro ang limang taong pagiging bulag ko ng dahil sa’yo. Kung papatayin ko si Jaylord, sasaktan din kita. Pero paano naman ang kuya ko? Wala siyang ginagawang masama sa kanila, pero anong ginawa nila? Kinuha nila ang buhay ng kuya ko!


“Iputok mo. Siguraduhin mo lang na tatama sakin ‘yan.” Humakbang siya palapit sakin.


“Dyan ka lang, Jaylord! Ipuputok ko talaga ‘to!”


“I’m waiting.” Humakbang uli siya palapit sakin. “Ano kayang mararamdaman ni Ellaine kapag nalaman niyang napatay mo ko?”


Natigilan ako. Si Ellaine. Ang ngiti niya. Hindi ko na mapo-protektahan ang ngiti niya. Hindi na.


Ang kuya ko naman. Ang kuya ko naman ang dapat kong isipin ngayon.


“Wala akong pakialam!”


“Sinungaling. Pinoprotektahan mo din ang nararamdaman niya diba? Kaya nga tumagal ng ganito bago ka kumilos? Do you like my Elle, Drenz?”


Paanong— “No!” sigaw ko. Paano niyang nalaman ‘yon? “Nagkakamali ka dyan! Gusto ko lang makuha ang loob niya para saktan ka! Wala akong pakialam sa kaniya! Ang gusto ko lang, maipaghiganiti ang kamatayan ng kuya ko! Buhay ang kinuha mo, Jaylord! Kaya buhay mo din ang kukunin ko!”


It’s now or never. Patayin mo na siya, Drenz! Patayin mo na siya! Ang kuya mo naman ang isipin mo! Kill him! Wag kang duwag! Kung papatay ka man ngayon, ito ang una’t huli mo! Para sa kuya mo! Kill him!


“Hindi ka lang duwag, Drenz. Bulag ka pa para maniwala agad sa sinabi ng lalaking ‘yan. Anong patunay niya na ako nga ang pumatay sa kuya mo?”


Anong patunay? Ano nga ba? Sinabi lang ni Kairo sakin ‘yon at naniwala ako. Naniwala ako dahil...


“Wala kang maisagot ‘no? Nag-aksaya ka lang ng tatlong taong pagta-trabaho sa NPC sa maling impormasyong nakuha mo.”


“Hindi totoo ‘yan!”


“Ang dami ninyong satsat na dalawa! Para kayong babae! Tapusin mo na ‘yan, Drenz!” singit ni Kairo.


“Alam mo ba kung sino ang taong walang awang pumatay sa kuya mo?” tanong ni Jaylord. “Si Kairo. Siya ang pumatay sa kuya mo.”


“No...”


“Ang taong pinaniwalaan mo ang taong pumatay sa kuya mo.”


“Kung ayaw mong gawin, Drenz, ako na lang ang tatapos sa kaniya!”


“Dyan ka lang!” Itinutok ko ang baril kay Kairo.


“Put—na! Hindi ako ang kalaban mo dito! Si Jaylord ang pumatay! Kaibigan ko ang kuya mo! Hindi ko kayang—”


“Tama na!” sigaw ko. “Parehas lang kayong dalawa!” Palipat-lipat ang pagtutok ko ng baril sa kanilang dalawa. “Mga gangster na walang magawa sa buhay kundi ang mangbugbog at makipag-away! Parehas lang kayong naninira ng buhay! Sinira ninyo ang buhay ng kuya ko! Sinira ninyo!”


Itinutok ko ang baril kay Kairo. Ang mabilis ng mga pangyayari. May binunot na baril si Kairo. Nakuha ni Jaylord ang baril na hawak ko at pinaputukan si Kairo.


“Pasalamat ka at sa daliri lang kita pinatamaan.”


“Mabilis ka pa rin, Jaylord.”


“At ikaw, Drenz.” baling ni Jaylord habang nakatutok ang baril na hawak niya kay Kairo.


“Bakit? Papatayin mo rin ba ko?”


“Umalis ka na sa warehouse na ‘to.”


Nagulat ako sa sinabi niya. “Ano?”


“You heard me. Bago pa magbago ang isip ko, umalis ka na dito.”


“Pero bakit?” nagtatakang tanong ko.


“Isa pang tanong, ikaw na ang sunod kong patatamaan nitong baril na hawak ko.”


Hindi ako kumilos. Hindi ko siya maintindihan. Wala kong maintindihan.


“Umalis ka na sabi!”


Dahan-dahan akong humakbang paatras. Bakit niya ba ko pinapaalis? Bakit?!


“Sabihin mo kay Ellaine na darating ako sa kasal namin. Hintayin niya lang ako. Sabihin mo ‘yan, Drenz.” madiing utos niya.


Si Ellaine. Ikakasal sila ni Ellaine ngayon. Kinausap ko si Jaylord dahil... Dahil ayokong makasal siya kay Ellaine? Gusto ko siyang patayin? Gusto kong maghiganti? Dahil...


Napaigtad ako ng makarinig ako ng putok. Nakatutok na ang baril ni Jaylord sakin. Pero sa likuran niya ‘yon pinatama.


“Ano, hindi ka pa ba aalis?”


Matalim ang tinging ibinigay ko sa kaniya bago umalis palabas ng warehouse.


“Sige, takbo lang! Katulad ka lang kuya mo! Duwag! Gago!”


Tama si Kairo. Duwag ako. I had my chance to kill Jaylord at ipaghiganti si kuya. Pero pinairal ko ang konsensya ko. Pinairal ko ang kaduwagan ko. Pinairal ko ang nararamdaman ko kay Ellaine.


Just like what happened for the past five years.


Hindi ko na nga naipaghiganti si kuya, hindi ko pa maipaglaban ang babaeng gusto ko.


Napakaduwag ko!

= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^