CHAPTER
41
[ DRENZ’s POV ]
Continuation
of flashback...
Ilang
minuto akong nakatingin sa warehouse simula nang lumabas ako. Gusto kong umalis
pero nanatiling hawak ko lang ang pintuan ng kotse ko.
Bakit
ako pinaalis si Jaylord? Bakit hindi pa niya tinapos ang buhay ko?
Bumalik
sa alaala ko ang sinabi niya kanina.
“Sabihin mo kay
Ellaine na darating ako sa kasal namin. Hintayin niya lang ako. Sabihin mo
‘yan, Drenz.”
Shit!
Anong gagawin ko? Nagpalakad-lakad ako nang mapatingin ako sa kotse ni Jaylord.
Lumapit ako do’n. May nakita akong phone sa passenger seat. Hahawakan ko na
sana ang pintuan ng kotse nang mapatingin ako sa kamay ko. Kinuha ko ang panyo
ko at ibinalot sa kamay ko bago buksan ang kotse na hindi naka-lock.
Iyon
ang natutunan ko nitong nakalipas na taon. Ang maging maingat sa mga ikikilos
ko para hindi ako mabuko. Pero sadyang hindi ako nakalusot sa paningin ni
Jaylord. Hindi ko alam kung paano.
Kinuha
ko ang phone. When I browse the contacts, number ni Khalil ang napansin ko.
Tinawagan ko siya. Bago pa niya masagot ay nakarinig na ko putok ng baril mula
sa loob ng warehouse.
“Nasa’n ka na ba?
Kanina—”
“Kung gusto ninyo
pang makita ng buhay si Jaylord, puntahan ninyo siya sa lumang warehouse na
malapit sa sementeryo.”
I
said and ended the call. Ibinalik ko ang phone sa passenger seat. Sumakay na ko
ng kotse ko at pinaharurot ‘yon palayo sa warehouse.
Tuluyan
na kong nakalayo at nasa highway na nang marinig ko ang isang malakas na
pagsabog. Hininto ko ang kotse sa gilid ng kalsada. Nilingon ko ang pinagmulan
ng pagsabog. Mula ‘yon sa direksyon na pinanggalingan ko.
Napadiin
ang pagkakahawak ko sa manibela. Hindi ko alam kung ilang minuto na ako sa
pwesto ko nang bulabugin ako ng tunog ng sirena ng truck ng bumbero. Ilang
minuto pa ang lumipas bago ako nagpasyang mag-U-turn at bumalik sa warehouse.
Mga
uzi. Mga police car mobile. Ilang truck ng bumbero. Yun ang sumalubong sakin.
Hindi ako umalis sa loob ng kotse ko habang nakatingin sa nasusunog na
warehouse. Minuto. Oras. Hindi ko alam kung gaano katagal nang tuluyang maapula
ang sunog. Saka lang ako lumabas ng kotse ko. Sumingit ako sa mga taong
nakiki-usyoso.
Then
I saw her. I saw Ellaine. She’s wearing her wedding gown. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niya. Pero kabaligtaran ng mga bride na ikakasal, parang
pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha niya habang nakatingin sa warehouse.
For
the first time, ngayon ko lang siya nakitang ganyan. At parang pinipiga ang
puso ko.
Maya-maya,
nakita kong lumapit si Khalil sa kaniya at may kung anong ibinigay. I saw
Khalil’s reaction. Hindi lang siya, pati sina Chad at Clay. They looked so...
“Ellaine!”
Bumalik
ang tingin ko kay Ellaine. She’s now lying. She passed out. At hindi ako tanga
para hindi ma-gets kung bakit.
Bumalik
na ko ng kotse ko at lumayo sa lugar na ‘yon.
I
got my revenge.
And
I should be happy, right?
Pero
bakit ganito ang pakiramdam ko?
Bakit
parang hindi ako masaya?
Dahil
ba sa nakita ko kay Ellaine?
At
dahil ba hindi ko na makikita ang mga ngiti niya?
Hindi
na.
Hinding-hindi
na...
Nag-resign
ako kinabukasan sa NPC. Nagpakalayo-layo ako. Hindi ko dapat sisihin ang sarili
ko sa nangyari, pero bakit nakokonsenya ako? Pilit kong ginigiit sa isip ko na
wala akong kasalanan. Hindi ako may gawa ng pagsabog. Ang Itaas na ang gumawa
ng paraan para makuha ni kuya ang hustisya na nararapat para sa kaniya. Wala
akong kasalanan.
Lumipas
ang isang buwan.
At
sa isang buwan na ‘yon, wala na kong inisip sa araw-araw kundi ang mukha ni
Ellaine ng huli ko siyang makita. Napapanaginipan ko pa siya. Umiiyak siya sa
panaginip ko. Humihingi siya ng tulong.
Ako
lang ang tanging nakakaalam kung sino ang pumatay kay Jaylord. Iyon ba ang
gusto niya? Ang sabihin ko kung sino ang maya gawa no’n kay Jaylord? Pero kapag
ginawa ko ‘yon, madadamay ako.
Pero
hindi no’n napigil ang sarili ko. Namalayan ko na lang na nasa bahay na ako
nila Ellaine. Pinapasok ako ni Emjhay. And I saw Ellaine. I saw how miserable
she is. Buhay siya pero parang wala naman sa katawan niya ang kaluluwa niya.
“Ellaine.”
Lumingon
siya sa gawi ko. Pero dahan-dahan din niyang ibinalik ang tingin sa kawalan.
Kinuyom ko ang kamao ko. Naging ganyan siya dahil sa walang kwentang lalaki na
‘yon!
“Patay na si
Jaylord, Ellaine.”
Hinawakan
ko ang magkabilang balikat niya. “Listen to me, Ellaine. He’s now dead. Bumalik ka na sa
katinuan mo. Bumalik ka na sa dati.” madiing sabi ko.
Still.
No reaction from her.
Mas
lalo akong nainis sa sarili ko. Pero mas naiinis ako kay Jaylord. Wala na nga
siya pero bakit ganito? Bakit ganito ang nangyari kay Ellaine?
Hinawakan
ko ang magkabilang balikat niya. “Ellaine, patay na siya!” Pinigilan ako nina
Pearl at Emjhay. Hindi ko sila pinansin. “Patay na siya, Ellaine! Patay na si Jaylord!”
“Anong nangyayari
dito?”
Napalingon
ako sa likuran ko. Si Khalil.
“Drenz. Anong ginawa
mo kay Ellaine?” tanong niya.
“Lumapit siya kay
Ellaine. Sinabi niyang patay na si Jaylord ng paulit-ulit.”
paliwanag ni Pearl.
“Patay naman talaga
si Jaylord! Patay na siya! Hindi dapat ganyan si Ellaine!”
sigaw ko.
Mabilis
na lumapit si Khalil sakin at kinuwelyuhan ako. “Ulitin mo pa ‘yang sinabi mo.”
madiing sabi niya.
“Patay na si
Jaylord! Ellaine should move on now! Hindi dapat siya ganyan! Patay—”
Sumadsad ako sa sahig dahil sa malakas na suntok na ibinigay niya.
“Sa susunod na
lampastanganin mo pa ang pangalan ng kaibigan ko, hindi lang ‘yan ang aabutin
mo.”
nanggigigil na sabi niya.
“Pare, tama na
‘yan.” pigil sa kaniya ni Emjhay.
Tumayo
ako at pinunasan ang gilid ng labi kong dumugo. “Totoo naman, ah. Patay na siya.”
“Putan—na! Hindi ka
ba talaga titigil?” Susugudin sana niya ako nang humarang
sa gitna namin si Pearl.
“Tumigil na nga
kayo!” sigaw ni Pearl. “Wag ninyo namang gawin ‘to sa harap ni
Ellaine, o. Please lang...” Napaiyak na siya ng tuluyan. “Tigilan ninyo
na ‘to... Nahihirapan na ang kaibigan ko...”
“Pearl.”
Lumapit si Emjhay kay Pearl. “Shh... Okay na. Titigil na sila. Wag ka ng umiyak.”
Tiningnan
ako ni Khalil. “Umalis
ka na.”
I
gave Ellaine just one last look bago walang salitang umalis.
Bumalik
ako sa townhouse na tinutuluyan ko. Hindi ako dito tumuloy sa nakalipas na
isang buwan. May lumapit sakin na matandang babae. Kapitbahay ko siya.
“Magandang araw, hijo.”
Tumango
lang ako. Walang maganda sa araw ko ngayon.
“Anong nangyari sa labi mo?”
“Minor incident lang
ho. Sige ho, Pasok na ho ako.” Tumalikod na ko nang
tawagin niya ko.
“May naghahanap pala sa’yong
lalaki nitong nakaraang buwan.”
Kumunot
ang noo ko. “Lalaki
po?” Kinutuban ako. “Ano pong itsura?”
“Gwapo. Matangkad. Maputi. Medyo
singkit. Parang singkit nga.”
“Mukhang kaibigan ko
po ‘yon. Salamat po.”
Pumasok
na ko ng townhouse. Dumeretso ako ng kitchen at kumuha ng ice pack sa ref at
inilagay sa gilid ng labi ko.
Gwapo.
Matangkad. Maputi. Singkit.
Maaaring
si Khalil ‘yon.
Huh.
Mukhang minamanmanan nila ako. May alam na kaya sila? Pero bakit walang sinabi
si Khalil kanina?
It’s
better to be safe than sorry. Hindi muna ako tutuloy dito. Maghahanap ako nang
matutuluyan. Pero bago ‘yon...
Kinuha
ko ang phone ko at tinawagan ang isa kong kakilala nung mga panahong hindi pa
ko pumapasok ng NPC.
“Hello, pare. May
hihilingin sana ko sa’yo.”
“Oo naman, pare. Basta ikaw.”
“Pwede mo bang gawan
ng paraan na isama ang pangalan ko sa list ng records ninyo na pumunta ng ibang
bansa? Kahit sa Europe. Pwede na do’n. May kailangan lang akong iwasan.”
Si
Clay. He’s a hacker. Siguradong papasukin niya ang computer system ng mga
airlines kung talagang hinahanap at minamatyagan nila ako. Kailangan ko lang
silang iligaw.
Lumipas
ang ilang linggo.
Lihim
kong minamanmanan si Ellaine. Nalaman kong bumalik na siya sa sarili niya. Nakaramdam
ako ng saya. Pero hindi nabawasan ang guilt na nararamdaman ko. May alam ako
pero nanatili akong tahimik.
Hanggang
sa nalaman kong aalis si Ellaine papunta ng Korea. Nalaman ko ‘yon mula kay
Charie. Nag-email ako sa kaniya na nasa Europe rin ako kung nasa’n siya. I
didn’t want to use her but I needed to. Alam kong may communication sila ni
Ellaine.
And
then again. Nandito uli ako sa tapat ng bahay ni Ellaine.
I
wanted to talk to her. Just for the last time. I wanted to see her. Just for
the last time. Kahit alam kong magugulat siya kapag nalaman niyang nandito ako
sa Pilipinas at wala sa Europe. Bahala na.
Siniguro
kong wala dito ang tatlong bantay ni Ellaine na sina Khalil. Pinindot ko ang
doorbell pero walang lumalabas na tao. I sighed.
“Hey.”
Dahan-dahan
akong lumingon sa likuran ko. Si Khalil.
“Drenz.”
“Ikaw pala.”
Nilingon ko ang bahay. “Mukhang walang tao sa loob. Sige.” Humakbang
na ko palapit ng kotse ko.
“Sandali.”
Nilingon
ko siya. “Bakit?”
“Alam mo bang ang
hirap mong hanapin?”
Kumunot
ang noo ko. Tama nga ako sa hinala kong sila ang naghahanap sakin.
“Nakatakas ka nung
pumunta ka dito. Pero hindi na ngayon. Now tell me, bakit bigla kang nawala sa
NPC?”
I
grinned. “Namiss
mo ba ko?” Hinimas ko ang baba ko. “Sa pagkakatanda ko, hindi naman tayo
close, right? Pinagseselosan ninyo pa nga ko ni Chad dahil lagi kong kasama si
Charie. Kamusta na nga pala kayo ni Charie? Sinong nanalo sa inyo ni Chad? Oh!
May boyfriend na nga pala siya.”
“Bakit bigla ka na
lang nag-resign the day after Jaylord died?”
Ni
hindi niya pinansin ang mga sinabi ko. Seryoso siya, hah. Sumeryoso na rin ako.
“Ano namang
kinalaman sa’yo ng pagre-resign ko?”
“Hindi sakin kundi
kay Jaylord.”
Umilap
ang mata ko. May alam ba sila sa totoong nangyari sa warehouse? Pero hindi.
Walang tao do’n maliban saming tatlo nila Jaylord at Kairo. “Hindi ko alam
ang patutungahan ng pag-uusap na ‘to o kung may patutunguhan nga ba ‘to. I’d
better get going.” Humakbang na
ko.
“Stop right there.”
Hindi
ko siya pinansin.
“Stop right there!”
sigaw niya.
Huminto
ako. “Iniisip
mo bang may kinalaman ako sa pagkamatay niya?” hindi lumilingong
tanong ko.
“Are you guilty?”
balik-tanong niya.
“Ganyan na ba kayo
kadesperado ng mga kaibigan mo na pati akong walang kamuwang-muwang sa pagkamatay
niya, pinag-iisipan ninyo ng hindi maganda?” Hindi pa rin
ako lumilingon sa kaniya. Wala naman talaga akong kasalanan. Hindi ako ang
pumatay sa kaibigan nila.
“Don’t worry, hindi
lang naman ikaw ang pinagsu-suspetsahan namin.”
So
wala silang alam. “Dapat ko bang ikatuwa ‘yon?” Natawa ako ng pagak. “Then thank
you.” Wala akong sasabihin sa kanila. Wala. Binuksan ko na ang
pintuan ng kotse ko. Pero bago pa ko makapasok ay isinara agad ‘yon ni Khalil.
“Hey! Ano ba
talagang problema mo?” kunot-noong tanong ko.
“May kinalaman ka ba
sa pagkamatay ng kaibigan ko?”
“Kung sabihin kong
mero’n, anong gagawin mo?”
Kinuwelyuhan
niya ko. “Anong
gagawin ko? Baka mas masahol pa sa nangyari kay Jaylord ang gawin ko sa’yo.” madiing
sabi niya. Galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Ganyan na ganyan din ang
naramdaman ko ng mawala si kuya sakin. Ngayon, alam na nila ang pakiramdam ng
mawalan ng taong mahalaga sa kanila. Patas na kami.
I
grinned. “Sorry
to disappoint you, pero wala akong kinalaman sa pagkamatay ng kaibigan mo.”
“Hindi ka ba talaga
magsasabi ng totoo?” nanggigigil
niyang tanong.
“Ano namang
sasabihin ko? At bakit ba ako ang pinag-iinitan mo?”
“Walang tiwala sa’yo
si Jaylord.”
Alam
ko ‘yon. Nararamdaman ko ‘yon. Hindi ko nga alam kung bakit hinayaan niya kong
mapalapit kay Ellaine. “Tamang dahilan na ba ‘yon para pagbintangan mo ko?”
“Because I know who
you are, Drenz Sanchez. Pina-back ground check ka namin. Gusto mo bang
isa-isahin ko ang mga nalaman ko tungkol sa’yo?”
Umiwas
ako ng tingin. Tinawag niya kong Sanchez. Hindi Sanchez ang ginamit ko nang
pumasok ako ng NPC. Alam na nila kung sino ako at kung paano ako nakapasok ng
NPC.
“Magsasalita ka ba o
hindi?”
Siguradong
alam na din nila na kaya ako pumasok ng NPC ay para ipaghiganti ang kuya kong
pinatay nila. Ang kuya kong kinuha nila sakin.
Tiningnan
ko siya. “Wala
kong kinalaman sa pagkamatay niya. Wala.” madiing sabi ko. Tinanggal
ko ang kamay niya sa kwelyo ko. Hindi ako aamin. Hindi nila ko mapapaamin.
Mabaliw sila sa kakaisip kung sino ang may gawa no’n kay Jaylord.
“Mero’n man o wala.
Alam kong may alam ka.”
“Kung mero’n man,
bakit ko naman sasabihin sa’yo?”
“Just for Ellaine,
Drenz. Magsabi ka ng nalalaman mo. Maawa ka naman sa kaniya.”
Si
Ellaine. Just hearing her name. Just hearing na nahihirapan siya. Parang nawala
na naman ako sa sarili ko. Kinuyom ko ang kamao ko. Ang hina ko talaga
pagdating sa kaniya...
“Nando’n ako sa
warehouse ng araw na ‘yon.”
“Ikaw nga ang
pumatay sa kaniya?”
“No. May ibang tao
maliban saming dalawa.”
“Sino?”
Hindi
ako sumagot.
“Sino?”
sigaw niya. Kwinelyuhan niya ko. “Sino, Drenz? Sino ang pumatay sa kaniya?”
“Kilala ninyo siya.
Kilalang-kilala ninyo siya.”
“Sino sabi?”
nanggigigil niyang tanong.
Lumipad
ang tingin ko sa likuran niya. Nagulat ako sa nakita ko. Si Ellaine. Kung
nagulat ako, mas nagulat siya. Kanina pa ba siya dyan? Narinig niya ba ang
lahat?
Hawak
ni Ellaine ang bibig niya habang umiiling siya. “N-nando’n ka sa w-warehouse? P-pero
b-bakit? K-kasabwat ka ng...” Sunod-sunod siyang umiling. “W-wala kong
maintindihan.” Sunod-sunod na
pumatak ang mga luha niya.
“Ellaine,
magpapaliwanag ako.” Akmang lalapit ako sa kaniya nang
pigilan ako ni Khalil.
“Don’t. Wag kang
lalapit sa kaniya.”
“Ellaine...”
Nakatingin lang siya sakin habang umiiyak. And then she passed out. Nanatili
lang ako sa kinatatayuan ko at walang ginawa nang buhatin siya ni Khalil at
ipasok ng bahay.
I
gritted my teeth. Sumakay ako ng kotse at pinaharurot ‘yon palayo.
=
= =
Nakatanaw
ako mula sa kotse kong nakaparada di kalayuan sa bahay ni Ellaine. Nakita kong
nagpaalam siya sa mama niya. Ngayon na ang alis niya papunta ng Korea.
Sumunod
ako sa taxi na sinakyan niya. Huminto ‘yon sa tapat ng isang lote. Alam ko ang
lote na ‘yon. Yun ang madalas niyang i-kwento na hide-out nila ni Jaylord nung
mga bata pa sila hanggang sa paglaki nila.
Nakasunod
lang ako sa kaniya hanggang sa makarating siya ng airport. Bumaba siya ng taxi.
Hindi pa siya pumasok ng departure area. Nakatingin lang siya sa kawalan.
Habang lumalapit ang kotse ko sa kaniya, hindi ko inaalis ang tingin sa kaniya.
Wala kong mabasang emosyon sa mukha niya maliban sa lungkot na nakikita ko.
Maybe
this is the last time that I would see her. At ang lungkot na nakikita ko ang
magiging baon ko sa huling sulyap ko sa kaniya. Hindi ang mga ngiti niya.
Siguro
kung hindi ko kinausap si Jaylord ng araw ng kasal nila. Siguro kung nanahimik
na lang ako. Siguro kung nagbulag-bulagan na lang ako.
Siguro,
masaya si Ellaine ngayon.
But
I am selfish.
Pero
selfish nga ba ang isipin ko ang kapakanan niya na hindi siya ikasal sa
lalaking ‘yon na pumatay sa kuya ko? Selfish nga ba ang isipin ko ang hustisya
para sa kuya ko? Selfish nga ba ang manahimik na lang at itago ang nangyari sa
warehouse dahil ayokong magbago ang tingin niya sakin? Selfish nga ba ang tawag
do’n?
“I’m sorry,
Ellaine.” bulong ko nang tuluyan akong lumagpas sa kaniya.
Lumipas
ang linggo.
Pasko
na.
Simula
nang mamatay ang kuya ko, hindi ko na sine-celebrate ang araw na ‘to. It’s my
brother’s death anniversary.
Nandito
ako ngayon sa harap ng puntod niya.
“Kuya.”
Hinawakan ko ang lapida niya. “Are you happy now? Wala na siya, kuya. Wala na ang taong
pumatay sa’yo. Wala na ang taong sumira ng buhay mo, ng buhay ko, ng buhay
nating dalawa. Wala na siya. Natupad ko na ang ipinangako ko sa’yo.”
Kinuyom
ko ang kamao. “Nawala
na rin ang taong pinakamahalaga sa buhay ko ngayon. Hindi ko na makikita ang
mga ngiti niya. I should be completely happy now pero hindi ‘yon ang
nararamdaman ko. Masaya ako sa tuwing iniisip kong natupad ko ang pangako ko
sa’yo. Pero nasasaktan din ako kapag naaalala ko ang lungkot sa mukha niya.”
“Kung maibabalik ko
lang ang oras, sana noon ko pa sinabi kay Ellaine ang tungkol kay Jaylord. Kung
naging matapang lang sana ko noon, hindi mangyayari ‘to. Hindi ako
makokonsensya ng ganito at hindi ako masasaktan ng ganito.”
“I’m sorry, kuya.
Until now, sarili ko lang iniisip ko. I’m sorry...”
=
= =
Nandito
ako sa harap ng bahay ni Ellaine. Ngayong wala na si Ellaine, alam kong mag-isa
lang ang mama niya. Si Tita Julia. Alam ko kung ga’no kalapit si Ellaine sa
mama niya. At ngayon, parehas na kami ni Tita Julia. Parehas na kami ngayong
mag-isa.
Naging
mabait siya sakin. Pero anong ginawa ko?
Inilipag
ko ang basket ng prutas at regalo ko para kay Tita Julia. Wala card na nakaipit
sa basket pero simpleng letter ‘D’ lang inilagay ko. Pagkatapos kong mag-doorbell
ay bumalik na agad ako ng kotse ko.
Aalis
na sana ako sa lugar na ‘yon nang matigilan ako sa nakita ko. Si Ellaine.
Lumabas siya gate.
Anong
ginagawa niya dito? Nasa Korea siya hindi ba?
Namalayan
ko na lang na lumabas ako ng kotse ko at lumapit sa kaniya. Hindi ko na naisip
na maaaring sumbatan niya ko dahil sa mga narinig niya nang huli kaming
magkita.
“Ellaine.”
Tiningala
niya ko dahil nakayuko siya. Nagulat siya. “Drenz?! Anong ginagawa mo dito? Nasa Europe ka diba?
Kailan ka nakabalik? Nagkita ba kayo ni Charie? Kamusta na siya?”
Nagtaka
ako. Hindi ang reaksyon niya ang inaasahan ko. Wala bang sinabi sa kaniya si
Khalil? At kaya ba walang sinabi sakin si Charie dahil wala pa ring alam si
Ellaine? Ano bang nangyari? Bakit parang wala siyang alam?
“Hindi kami nagkita,
Ellaine.”
“Talaga? Sayang
naman. Nakakamiss na ang bruhang ‘yon. Ikaw? Kamusta ka na? Nasa’n ang
pasalubong sakin?” Natigilan siya. “Teka lang. Bakit parang pumayat ka ata? At
ang seryoso mo ngayon, ah.”
She
was smiling. She was smiling again.
Mahigit
isang linggo lang simula nang huli kaming magkita. Gano’n na lang ba kadaling
magbago ang nararamdaman niya? Bakit hindi siya natuloy sa Korea? Anong
nangyari na hindi ko alam? Bakit nakakangiti na siya ng ganyan?
I
should be happy, right?
Pero
bakit nararamdaman kong may mali?
“Pwede ba tayong
mag-usap?”
“Hah? O sige.
Magpapaalam muna ko kay mama.”
“It’s urgent,
Ellaine. Saglit lang ‘to. Kailangan ko na din kasing umalis, eh.”
“O-okay.”
Humakbang
ako sa kotse ko. Sumunod naman siya. Kalalabas lang namin ng village at hindi
pa kami tuluyang nakakalayo nang may mag-overtake na kotse at humarang sa
harapan namin. Mabilis akong naka-preno.
Nakilala
ko ang bumaba sa kotseng ‘yon. Si Clay. Napababa na rin si Ellaine.
“Clay, ano ba?
Papatayin mo ba kami?”
Bumaba
na rin ako ng kotse.
“Pumasok ka ng kotse
ko, Ellaine.”
“Pero...”
“Anong ginagawa mo
dito, Drenz?” baling sakin ni Clay. Seryoso ang
mukha niya.
“Dinadalaw ko lang
si Ellaine. Masama ba ‘yon, Clay?”
“Bakit tinangay mo
na lang siya?”
“Hindi ko siya
tinangay. Kusa siyang sumama.”
Bakit
ba pakiramdam ko ayaw nila kong pinapalapit kay Ellaine? Ayaw ba nilang malaman
ni Ellaine ang katotohan? Ayaw ba nilang malaman ni Ellaine na masasama silang
tao? Wala na nga si Jaylord, pero hanggang ngayon ginagawa pa rin nilang tanga
si Ellaine.
At
‘yon ang hindi ko papayagan.
Hindi
ko papayagang makasama ng mga masasamang taong katulad nila si Ellaine. Ito na
ang oras para hindi ako magpakaduwag. Tatanggapin ko kung sumbatan man ako ni
Ellaine kapag nalaman niya ang lahat. Ayokong mabuhay ng puro ‘what ifs’ ang
naiisip ko. I needed to this. For Ellaine’s sake.
“Ano bang nangyayari
dito? May alam ba kayo na hindi ko alam?”
Nilingon
ko si Ellaine.
“Oo. About Jaylord.”
“Pumasok ka na ng
kotse, Ellaine.”
“Bakit mo siya
pinapasok, Clay? Ayaw mo bang marinig niya ang mga sasabihin ko?”
“Drenz. Ano bang
sinasabi mo?”
nagtatakang
tanong ni Ellaine.
Tiningnan
ko siya. Mahirap pero kailangan kong gawin. Ayokong mabuhay siya ng puro
kasinungalingan at pagpapanggap ang nasa paligid niya. Sasabihin ko na sa
kaniya ang lahat-lahat. “Na ang taong buhay mong minahal ay mamamatay tao pala.”
Hanggang
do’n na lang ang nasabi ko dahil may dumating na hindi inaasahan. May van na
bigla na lang huminto sa gilid namin. Lumabas do’n ang limang lalaki. Limang
taon ang lumipas pero nakilala ko pa rin ang mga pagmumukha nila. Member sila
ng ACG.
Ang
bilis nang pangyayari.
Sinugod
nila si Clay. Pati ako. Hindi ako gano’n kagaling lumaban lalo na at na kay
Ellaine ang atensyon ko na ngayon ay pasakay na ng kotse ni Clay. Pero hindi
siya nakaalis.
Nakita
ko kung paano harangin ni Clay ang balang papunta sa gawi ni Ellaine. Nakita ko
kung paano lumaban si Clay sa kabila ng mga tama ng baril na nakuha niya.
Nakita kung paano nila tangayin si Ellaine.
At
bago tuluyang nagdilim ang paningin ko dahil sa bugbog na natamo ko habang
kinaladkad ako ng isang lalaki, mukha ni Ellaine ang huli kong nakita.
And
she was crying.
At
wala man lang akong magawa.
Dahil
hanggang sa huli, ang hina ko pa rin.
- E N
D O F
F L A S H B A C K -
=
= =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^