Thursday, August 8, 2013

What's Your Status? : Chapter One


Good Morning!!!


Richelle POV

"Richelle naman, bumangon ka na. Late ka na naman nyan eh, baka bukas sabihin na lang sa'yo ng boss mo na wag ka ng magpapakita sa kanila because you're fired." Nanay ko yan, pasensya na kayo at avid subscriber sya ng unlimited sermon. Gising naman na ako, tinatamad pa nga lang bumangon.


"Oo, gising na ako." Sagot ko naman habang numanakaw pa ng ilang minuto.

"Lahat na lang kayo ang hirap ninyong gisingin, maryosep. Aba, nagsasawa na ako ha. Ang tatanda nyo na, may tiga-gising pa kayo." Sabay labas nya ng kwarto.

Sus, lumitanya na naman ang nanay ko. Ganyan sya tuwing umaga. Sinimulan sya ng bunso kong kapatid, na sobrang hirap gisingin kasi late na kung matulog. Tapos yung middle child sa bahay, ganun din. Kaya ang ending, ako ang shock absorber. Sa akin lahat ng sermon, sa akin lahat ng sisi.

"Eto na nga po, babangon na." sagot ko sa nanay ko habang patayo na ako. "Ano ulam?"

 Hindi sya sumagot, malamang nasa kapitbahay na naman yun para manghiram ng anak ng may anak. Yung cute na si Yuan lang naman ang laruan nya, ang pampalipas-oras, at stress reliever nya.

 "Pritong itlog, itlog na maalat, at nilagang itlog ang ulam?" Wala ako sa mood kumain ng kanin, kinuha ko na lang yung loaf bread at saka ipinalaman yung itlog, yung itlog na maalat.

Tanghali na nga, kaya habang busy ang bibig ko, busy na rin ako sa pag-aayos ng isusuot ko today. Kahit na may paunang almusal na sermon na si nanay, hindi pa rin nya nakakalimutan na ipagtimpla ako ng gatas. Hihi, kaya mahal na mahal ko yan eh.

 "Tay, hintay mo na ako? Sabay ako sa'yo hanggang sa sakayan ng jeep." Lambing ko sa tatay ko ng makita ko sya sa labas na busy sa pag-tanggal ng uban nya. "Maligo ka na, tanghali na. Pati ako mahuhuli." Sagot nya na hindi man lang ako tiningnan. Busy ang daddy ko, hayaan na lang. "May kailangan ka na naman?"

Isang malapad at ngiting tagumpay lang muna ang ibinigay ko sa kanya, at alam na nya ang ibig sabihin nun. Patakbo na akong pumasok ng banyo para maligo, baka hindi pa nya ako payagan.  

▶▶◑◀◀ ▶▶◑◀◀ ▶▶◑◀◀ ▶▶◑◀◀

Reachellen POV

"Reachellen kumain ka na." Ano ba naman yan, umaga na naman. "Bangon na at baka ma-late ka pa."


Iyan ang mama ko, soft-spoken. Wag mo nga lang sasagarin ang pasensya at nagiging tigre yan sa bangis. "Si Bebe Ma, nakapasok na?" Tanong ko sa kanya habang bumabangon. 

Nasa kusina na si Mama, abala sa paghuhugas ng mga pinag-kainan. "Kanina pang ala-seis lumakad, opening daw sya."

Ang kapatid kong si Bebe, yung sununod sa akin ay sa isang fast-food restaurant nagtra-trabaho. Yung bunso naman naming kapatid na lalake, na sakit na sa ulo ay grade seven na.

 "Ma, nakapag-init ka na po ba ng tubig?" May ibang purpose ang paglaga ni Mama ng tubig. "Nigiginaw na naman ako, di ko kaya ng walang tubig na mainit yung pampaligo ko." Hindi naman na nag-abala si mama na lapitan ako.

"Nakahanda na po ang pampaligo mo, kanina ka pa hinihintay." the best talaga si mama.

 Nagmamadali na akong naligo, baka kasi mamaya ma-late na naman ako, masira na naman agad ang araw ko dahil sa bunganga si Sir Ricky. Nang matapos akong maligo at mag-ayos, diretso na agad ako sa kusina. Hindi para kumain, kundi para mag-paalam sa mama ko na busy pa rin sa paglilinis sa kitchen.

"Ma, una na ako ha. Ingat ka dito, kapag may problema tawag ka na lang." At humalik na ako kay mama. "Ba-bye."  


▶▶◑◀◀ ▶▶◑◀◀ ▶▶◑◀◀ ▶▶◑◀◀
Princess POV

"Daddy gising ka na, baka ma-late pa tayo pareho." Gising ko sa asawa kong tulog mantika. "Daddy."

Lumabas na ako ng kwarto para ayusin ang almusal naming dalawa. Medyo late na ako nakabangon kaya ok na ang instant noodles as our breakfast.

 "Good morning Mommy." And he hugs me from behind. "Creamy latte ako today huh." He kissed me before he went straight to out bathroom.

Habang abala ang asawa ko sa paliligo, ako naman ay busy sa pagpapainit ng tubig para sa coffee at noodles namin. My husband is a teacher in a private school near our home, and I have a work too. We're two years married, but sad to say, we still don't have a baby. Hindi naman sa nagmamadali ako na magkaroon ng baby, it’s just that there is something missing in our house. Alam mo yun, yung alam mo yung kulang yet, you can't do anything to have that missing piece.

"My, paabot naman nung towel ko." Biglang sigaw ng asawa ko. Tapos na pala sya maligo hindi ko man lang namalayan.

 Inilagay ko na yung noodles sa isang bowl para makakain na sya, habang ako naman ang naliligo. Dapat yata magkagawa pa kami ng isa pang banyo para naman kapag late na kami nagising, hindi kami nagmamadali pareho sa paliligo.

 "Kumain ka na ha, yung isusuot mo naka-ayos na rin." Bilin ko sa kanya bago ako pumasok ng banyo.

After ng morning rituals namin, umalis na kami ng bahay para pumasok to our respective job. Hindi na ako nagpahatid kay Kian kasi baka ma-late pa sya. That's not a good example for his students.  

▶▶◑◀◀ ▶▶◑◀◀ ▶▶◑◀◀ ▶▶◑◀◀

Richelle POV

"Good morning, good morning, good morning girls." Walang masyadong sigla kong bati sa kanila. "Ang lola Rica, nandyan na ba?" Tanong ko sa mga kasamahan ko sa trabaho.

Akala ko late na ako, pero mas late pa pala ng mga dakila kong kaibigan. What's new, college pa lang kami sila na lang lagi ko hinihintay. Bihira lang mangyari yung ako ang hinintay nila.

"Good morning ladies and gentlemen." Bungad agad ni Chellen na akala mo kasali na naman sa Binibining Pinalayas. "Is Lola Rica here already? Late na naman ba tayo bakla?"

Obviously, hindi kami late. You're late once na maunahan ka pang dumating ng mahal na lola Rica. Si lola Rica ay ang branch supervisor ng pinapasukan naming bangko, Rica is short for Ricardo/Ricky.

 "Good morning." Matamlay pa sa pagong na bati ng bagong dating na si Princess.

 "Four rounds!" Sabay baling ko kay Chellen na may nakakalokong ngiti.

"Wild guess, three smoking hot rounds." Hula naman ni Chellen na ipinapaypay pa ang kamay na akala mo mainit talaga.

Isang pamatay na tingin naman ang ibinigay sa amin ni Princess. "Gusto nyo bang pati kayo mabaon sa Ground Zero ng buhay?" Sabay lagay nito ng bag nya sa locker nya.

"Ahhhh... kaya pala..." sabay na sabi na lang namin ni Chellen, at inilagay na rin ang gamit sa locker. "Tigang pala!" Sabay ulit naming sabi.

"Mga baklaaaaa...." at nagmamadali na kaming lumabas ni Chellen sa locker room.

New accounts ang hawak ngayon ni Chellen, si Princess naman sa teller, at ako sa payments. Every month nagro-rotate ang position namin. Why? Sabi kasi ni Lola Rica para maging flexible kami, pwede sa lahat. Yun yung sabi nya, pero syempre hindi kami bilib sa dahilan nya.



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^