Thursday, August 15, 2013

What's Your Status? : Chapter Two

The Who times Three?!


Richelle POV

 "Che, paki-singit na lang kapag wala ng nagbabayad." Si Clarita, isa pa naming kasama sa trabaho.

Halos lahat kami babae, maliban na lang sa security guards. Gusto ko sanang i-apela na babae na rin ang gawing guards, kaya lang hindi daw pwede because of safety purposes. Kapag babae ang guards 'di na safe, ganon ba 'yon?

"Lunch break na tayo bading, gutom na mga alaga ko." Biglang sulpot ni Chellen sa gilid ko. Tumayo na rin ako, gutom na anaconda sa tiyan ko. Pinuntahan na rin namin si Princess, pero kasamaang palad ay may nagde-deposit pa yata. No choice, balik na muna ulit kami sa respective table namin.

Naka-received pa ako ng tatlong payments bago kami tinawag ni Princess para mag-late lunch. Oo, late lunch na talaga because its already two in the afternoon. "What's down for our late lunch?" Tanong ko agad ng makapasok na kami sa pantry. "Chellen, anong baon mo?"

"Baon, ano ako grade school student?" Sagot naman ng bruha. Wala syang kwentang kausap.

"Ikaw bading, may baon ka?" Ay teka, mali yung tao na tinanong ko. "Wala diba?" Paano ako kakain nito, wala silang baon, wala din akong baon.

Paano ako kakain kung wala akong kakainin? Naknamputchang buhay to, ang laki ng problema ng sikmura ko. "Balik na nga lang ako sa table ko, wala naman pala tayo kakainin." Eh kesa tumunganga ako dito, mag-trabaho na lang ako.

"Good afternoon po, sino dito si Richelle Cruz?"

Syet, sino na naman ang humahanap sa akin? Wala naman akong utang, hindi ko pa nga nagagamit yung card ko. Pagtaas ko ng tingin ko, nagulat ako kasi mayroong lalake na may hawak ng isang boquet of stargazers, at two party size pizza boxes from Shakey's. What the hell!? Wala akong tinawagan para magpa-deliver ng pizza at bulaklak para sa sarili ko.

"Ah mam, papirma na lang po dito." agaw atensyon na sabi ni manong. "Baka naman nagkakamali ka, hindi naman ako nag-order nyang mga dala mo." Baka mamaya magulat na lang ako mayroon na akong utang. "Saka Kuya, kulang sa amin and dalawang box ng pizza, kaya imposible na ako ang nag-order nyan." Never say die talaga ang peg ko sa pag-convince na hindi akin ang mga dala nya.

"Tanggapin mo na lang ang biyaya mula sa kung sino man ang nagbigay nyan." PG ang poopoo. "Kung ayaw mo ng flowers, ialay mo na lang kay mother Rica." sulsol pa ni Princess.

Kinuha ko na yung papel na pinapapirmahan ni delivery boy, habang naka-tingin sa dalawa kong kaibigan. "Kapag eto utang, kayong dalawa ang magbabayad." At ibinalik ko na agad ang papel kay kuya, at lumayas na sya sa harap ko.

Ang dalawang bruha, nauna pang tingnan yung card na naka-lagay sa bulaklak. Yung maarteng si Myra naman naka-tingin lang habang nakataas ang kilay. Mamatay ka sa inggit.

"My Richelle... These beautiful flowers are for the most beautiful creature of God in my eyes. Love lots, Cooper" Pakelamera talaga 'tong nga bakla na ito eh. Nauna pa talaga silang tumingin sa card dun sa flowers ko. "P.S. Next time I'll give you your favorite chocolates." Sabay na naman nilang basa.

Hay, Cooper! Why you have to do all these? Sino nga ba si Cooper? Ex-boyfriend ko sya. Why we broke up kahit na sweet, caring, thoughtful, understanding, with great sense of humour, gwapo, mabait, at good kisser sya? Because he is too perfect for me. I can't give my whole self to him, you know what I mean. Above all those good characteristics, sumablay sya sa isang bagay. Mahilig sya.

Though twenty four years na akong nage-exist sa mundo, hindi ko pa rin kayang ibigay ang lahat-lahat sa kanya, kahit pa he's giving me all the love I need from a guy, a boyfriend, a partner.

"So sino si Cooper? We haven't heard anything about him from you." Tanong ni Princess habang ngumunguya. "May past, present, or future kayo?"

"Describe him bakla." Utos pa ni Chellen. Silang lahat kumakain na nung pizza, ako nakatingin lang sa bulaklak. Hindi ko kasi talaga maisip kung bakit nya pa ito ginagawa, wala na kami diba?

"Kung tititigan mo lang yang bulakak mo, hindi ka mabubusog." Sabi naman ni Clarita.

Si Rochelle din nakisama din sa amin. Sukat ba namang subuan ako ng pizza. "Kung hindi ka naaawa sa sarili mo, maawa ka man lang sa mga alaga mo dyan sa tyan mo." Kahit kailan talaga, ang sungit nitong si Rochelle.

Bilang gutom na ulit ako, kumuha na ako ng isang slice ng pizza, at saka nilagyan ng hot sauce. "So ano na Che, hindi mo man lang ba sasabihin sa amin ni Chellen kung sino si Cooper?" Biglang singit na naman ni Princess.

"Mamaya nyo na ako i-interrogate, aamin naman ako. Nawawalan ako ng ganang kumain sa mga tanong at tingin nyo eh." Sagot ko naman habang tinatanggal ang mga onions sa pizza ko.

 "Oh, back to work. Tapos na ang oras ng tsismisan."

Kanya-kanya naman kaming ayos, habang binibigyan ang isa't-isa ng 'epal-talaga-ang-bading-na-si-Rica-kahit-kailan' look.

Reachellen POV

 Friday na naman, meaning meeting na naman namin ni boo ko. Diba, peg ko lang si Kitty ng Monster Incorporated. Susunduin nya ako ngayon dito sa work. "I'll go ahead." Paalam ni Richelle sa amin ni Cess na naghihintay sa mga sundo namin.

"Starbucks!" Sabi ni Princess.

"Cobo!" Sabi ko naman. Ang hilig ka nya ang tumambay kung saan may free wifi every Friday, maliban na lang kung may lakad sila nila nanay.

"Starbucks." Sagot naman nya. "Alam nyo na, baliw ang kaibigan nyo."

Isa kasi sa stress reliever nya ay ang magsulat ng kung ano-anong kabalbalan na kwento. Would you believe, madaming bumasa at bumabasa nung first ever finished story nya?

"See you later!" Sigaw naming dalawa ni Princess.

Wala lang, gusto lang namin sya ulit na guluhin for the uncountable time around. Hindi naman makakatanggi si Junno kasi coffee addict din iyon, same as Kian – Princess’ husband.

"Fuck off this time badings, maghahanap ako ng ligaya!" Sagot agad ng bruha, saka sumakay ng taxi.

"Like that's gonna happen!" Sabay na naman naming sabi ni Princess, kasabay ng pagdating ng sundo naming dalawa.

"Boo, sundan ulit natin si Richelle. You love coffee, right? She'll be at Starbucks."

Ganyan ko lambingin ang boo ko kapag may kailangan ako sa kanya. Simple pero may kasamang landi na hindi mahahalata. Si Princess ganoon din ang ginagawa, nilalandi din nya ang asawa para maaundan at mainis din si Richelle.

"Fine!" Sukong sabi ng dalawa.

Si Princess at Kian may sariling motor, kaming dalawa ni Junno nag-taxi na lang din. After ten minutes, nandito na kami sa mall.

"That's very emotional story. I cry, laugh, mad, and jealous. Lahat na yata ng posibleng maramdaman ng tao, naramdaman ko sa story na iyon."

Rinig namin na sabi ni Richelle sa kausap nya. Ang bakla, ang bilis makahanap ng boylet. And infairness, choosy talaga ang bakla, gwapo ang nalambat. "So what story you're trying to finish now?" Tanong naman nung lalake na kausap nya. Aba, mukhang matagal ng nagkikita ang dalawa na ito at mukhang close na sila. Hindi naman kasi pinagsasabi ni Richelle na online writer sya, except to her closest friends.

"I'm baking a new dilemma, haha." We can't take this anymore, we have to make our move para makilala na namin ang latest ni Chel. So, we made our way towards them.

"Hello our dear friend," and she just gave us a deadly look. "We told you we'll follow you." She sighs as a sign of her disbelief.

"So?" Sabi agad ni Princess habang nakataas pa ang kilay.

"Fine!" Ahahaha, nasira ang diskarte ng bakla. "Meet Jullian, my friend. Jullian, these are my friends; Princess with her husband Kian; and she's Chellen and her boyfriend Junno."

Shake hands lang, tamang kwentuhan habang yung tingin ni Richelle nakakamatay na. Wala naman kaming balak na sirain ang plano nya na magkaron na ng boyfriend, or manligaw. Muka namang mabait si Jullian, kaya lang hindi ko sya gusto para kay Richelle. Pogi, one point na agad sya; may sense of humor, two points na agad sya. Hindi kasi sya yung type namin ni Princess para sa kanya.

"Boo, grocery muna tayo para sa gagawin natin bukas." Biglang sabi ni Junno. Oo nga pala, magluluto nga pala sya ng Pastel at gagawa ng vegetable salad bukas. Iyon kasi ang bonding naming dalawa. We rather stay home, than go out on a date which is more expensive.

Princess POV

May asawa na ako pero bakit parang mas lumala ang problema ko sa love life. Not my love life, yung kay Richelle ang pinoproblema ko. I know she's old enough to choose and look for his twin flame, but I don't think na ang lalake na ito ang twin flame nya.

"What you do for a living?" Tanong ko kay Jullian according to Richelle. "I'm an online writer," hindi nya kayang buhayin ang isang Richelle. "But I do have a business." Ah, may business naman pala.

I'm too judgemental sometimes, I'm sorry about that. I just want the best for my friends.

"Punta muna kaming supermarket, may mga kailangan lang kaming bilhin." Paalam ni Chellen.

Si Richelle tahimik lang habang busy sa pagta-type ng kung ano sa laptop nya, parang tanga nangingiti pa mag-isa. "Ano ang business mo, Jullian" tanong ko ulit sa date ni Richelle.

"May spa business ako, that's what keeps me busy, and the writing of course." Sagot na naman nya, at saka tumingin sa ginagawa ni Richelle. "Comedy na naman? Subukan mo kayang magsulat ng drama."

Binalingan ko na lang ang asawa ko, na busy na sa pag-inom nya ng kape habang naglalaro sa tablet nya. Kinuha ko na lang yung phone ko at saka naglaro. Hindi pa man din ako nakaka-isang minuto ay may tumawag sa akin.

"Princess!" Eskandaloso, ipagsigawan pa talaga. "Kamusta ka na?"

Guess who kung sino ang nakakita sa akin, si Tantan na pinsan ni Chellen na ex-boyfriend ko nung college pa kami. What the hell, baka mamaya may bigla na lang humila ng buhok ko.

"H-hi? Who are you with?" Alanganing bati at tanong ko sa kanya. Ikaw ba naman ang magkaroon ng selosong asawa, ewan ko lang kung hindi ka kabahan. Hindi nagsasalita si Kian, kaya alam kong hanggang mamaya pa iyang silent mode nya.

"I'm alone, may binili lang ako para sa anak ko." Sagot naman nya. At sana, hindi magalit ang asawa ko dahil pinagsigawan ni Tantan ang pangalan ko kanina. "He must be Kian, your husband. Reachellen told me about him, kaya alam ko."

Wala pa rin syang kupas, he can still read what's on my mind. Eh baka naman masyado pa rin akong transparent sa kanya kaya nababasa nya ang naiisip ko?

"Teka Queen, mamaya ka na mag-type at may gyera na papasiklab. Marami tayong makukuhang magandang eksena dito." Bigla namang sabi ni Jullian kay Richelle. Tumigil naman si Richelle sa kung ano man ang ginagawa nya, at tumingin sa aming tatlo.

Alam kong baliw ang kaibigan ko na 'to, pero bakit parang lumala sya ngayong kasama nya si Jullian? Sa halip na damayan ako dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari, hayun ang bruha at kita bagang sa laki ng ngiti habang nagbubulungan silang dalawa ng katabi nya.

"Queen alam mo ang klase ng kwento na mga ginagawa ko. Alam mo na ang ibig kong sabihin, huh."

"No way, Jullian." Matigas na sagot ni Richelle.

"But make-up sex is the sexiest kind of sex."

"Gusto mong ilipat ko yang putotoy mo sa noo mo para mahiya ka naman ng konti?"

"Madamot!" Naka-nguso pang sabi ni Jullian. "Kaya siguro wala kang boyfriend."


Kahit na kinakabahan ako, at natatakot sa pwedeng mangyari ay natawa pa rin ako sa sinabi ng bagong kaibigan ni Richelle. Bihira lang kasi ang nakakapagsalita ng ganon kay Richelle, takot lang nila sa maldita kong kaibigan.






1 comment:

  1. ohh eem jiii! late ko na ito nabasa! to be honest, napadaan lang ako.. 2 months na nung last kong tambay dito! gosh! nakakamiss talaga!

    tawa lang ako ng tawa! ^___^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^