Who You Gonna Call?
☆Richelle POV☆
It's been a week since Jullian and I met, at isang Linggo na rin nya akong kinukulit na makipagkita sa kanya. May bago daw kasi syang natapos na one-shot story, and he wants me to be the first reader of it.
"Sabado ngayon Jullian, wala akong pasok kaya hindi ako aalis ng bahay. Dapat kasi kahapon mo pa iyan tinapos, inuna mo pa kasi ang tumambay na naman." Mahabang sabi ko sa kanya.
"Nagsalita ang napakasipag magsulat." Sagot naman nya mula sa kabilang linya.
Call waiting? Salamat naman Princess at tumatawag ka. "Hoy Jullian, tumatawag si Princess maya na lang ulit tayo usap. Babay!" Bakit kaya tumatawag ang bruha? "Bading, napatawag ka?" Tanong koagad pagkasagot ko.
"Kita tayo sa Pizza Hut, my treat." Pizza hut? Ano 'to naglilihi?
"Ayaw ko dun, Starbucks na lang kahit treat ko pa." Pumayag naman sya, but it's still her treat.
Kung pumayag sya na Starbucks, kahit ang gusto nya ay Pizza Hut, malamang na hindi sya naglilihi. Ninety nine percent, problemang mag-asawa na naman ang issue naming dalawa.
Tinapos ko na lahat ng dapat kong tapusin, para mamaya pag-uwi ko matutulog na lang ako. Nag-paalam ako sa nanay ko na aalis ako, pero umapela na naman sya na aalis din daw sya, so ang ending umalis pa rin ako dahil wala akong balak magkulong sa bahay. Nagmamadali na akong pumunta ng garahe para kuhanin ang bigbike ko. Dahil ayokong maghintay, sinuguro ko muna na naka-alis na sa bahay nila si Princess. Sakto naman dahil kadarating lang daw nya, ten minutes lang nya akong hihintayin.
Pagpasok ko ng mall, hindi ko alam pero parang tanga lahat ng nakakasalubong ko. Ngayon lang ba sila nakakita ng taong katulad ko? Para fitted pants, tee shirt, at leather boots ang suot ko akala mo kriminal ako kung titigan nila. Eh bakit ba, feelingerang astig ang peg ko ngayon. Dumiretso na agad ako kung nasaan si Princess.
"So ano na naman ang issue nyo? Teka, darating din ba si Chellen?" Tanong ko pa. "
“Yes, kaya hintayin na natin sya kesa dalawang beses ko pang ulitin ang kwento." Ayokong naghihintay, alam nila yan. Kaya naman tinawagan ko na agad si Chellen.
"Nasaan ka na?" Tanong ko agad pagkasagot nya sa tawag ko, at nasa labas na daw sya ng mall. Tumatakbo na daw sya dahil alam nya na umuusok na ang ilong ko. "Oh sige, ingat sila sa'yo." At hindi nga nagtagal ay akala mo hinihika na dumating ang bruha.
"Order na muna tayo." Sabi ko, pero hindi man lang sila tumayo. Anong plano nila, umupo at singhutin lang ang amoy dito? "Fine! Akin na pambayad."
Masaya na sila sa Mocha, Dark Mocha ang trip ko ngayon, at lahat Venti size dahil mahaba-habang usapan to panigurado. Isang chocolate glazed donut, isang honey glazed donut, at fresh fruit with whip cream pa para pambara.
"Oh, ano ba kasi ang nangyari? Don't tell me dahil yan sa unexpected sightings nyong dalawa ng pinsan ko." Bungad na tanong agad ni Chellen pagdating ko. Ako, nakikinig lang muna sa kanila. Bahala na muna silang mag-enumerate ng possible reasons ng LQ ni Princess.
"Oo, dahil nga kay Tantan."
"Bakit naman, hindi ba kayo pwedeng magkamustahan bilang magkaibigan?" Sagot na naman ni Chellen habang ngumunguya nung donut nya. "Ex mo na yon eh, past na."
"Teacher sya, kaya dapat alam nya ang mga tenses. Past, present, and future. Si Tantan past na, si Kian ang present pati na rin ang future. Unless may balak kang ipa-annulled ang kasal ninyo, pero sa tagal ng process malamang chugi ka na hindi pa naa-annulled ang kasal nyo." Singit ko sa usapan nila habang abala ang daliri ko sa pagsundot sa whip cream.
"Tama!" Bigla namang sabi ni Chellen. "Anong klaseng assurance pa ba ang kailangan nya mula sayo?"
"Hindi ko alam, mahal ko naman talaga sya eh. Hindi ko naman hawak yung nararamdaman nya, kanya yun eh. Hindi rin naman nya ako pinipigilan o pinapakelaman kapag ako naman ang nagseselos." Buntong hininga lang ang naging sagot naming dalawa ni Chellen.
Ano bang alam ko sa mga marital issues, boyfriend nga wala ako eh. "One week ka ng dedma sa asawa mo, so one week kana ring walang exercise." Sinipa ni Princess yung inuupuan ni Chellen. Gaga kasi, kailangan talaga iyon ang problemahin? Kunsabagay, kung lagi silang may LQ wala talaga silang mabubuo na baby.
"Pero bading, humanda ka naman kapag peace on earth na ulit kayo ng asawa mo. Sabi ni Jullian, make-up sex is the best." Sabi ko na kaming tatlo lang ang nakakarinig, sana.
Tawanan lang kami, sandali naming nakalimutan yung problema ni Princess. Kaya lang si Chellen minsan panira ng ligaya. "Kapag dinedma ka pa rin ng asawa mo mamaya pag-uwi mo, dedmahin mo na lang din." Suggest nya. "Ewan ko ba kasi dyan kay Kian, bakit hindi nya ma-gets na wala na kayo matagal na. You're relationship with Tantan was long overdue, endo na."
"Eh kasi nga bakla, yun kasing Section Love, Understanding Road ni Kian one way lang, at ang masama under rehabilitation kasi marami ng sira." Sagot ko naman.
"Wala ba kayong maibibigay na magandang advice? Sa tingin nyo ba biro lang ang di nya pagpansin sa akin?" There it goes; emotional din ako ngayon. "Bakit ba kasi kayo pa ang tinawagan ko para hingan ng advice?!"
"Sorry ha, kasi siguro kaibigan mo kami kaya kami ang tinawagan mo, kung kaibigan nga ang tingin mo sa amin." Di ko mapigil ang aking ragging emotions. "Oo nga, bakit ba kasi ako pa ang tinawagan mo eh ano bang alam ko sa usapan ng problemang mag-asawa eh kahit nga boyfriend wala ako."
Para namang nagulat yung dalawa sa outburst ko, obvious na hindi nila inaasahan. Kasi naman diba, hindi naman masama na magsabi ng opinion, ng observation. "Kung based on experience na payo ang gusto mo, pasensya na pero wala talaga akong maibibigay sayo. Kung wala kang mahingan ng magandang payo, try mong magbasa ng mga kwento online. Marami kang makukuha na magandang solution sa problema mo. I'll go ahead." At iniwan ko na silang dalawa, pero bumalik din agad ako sa Starbucks. Bibili ako ng sarili kong fruits and frappe.
Habang nasa pila ako, biglang tumawag si Jullian. Sa peripheral vision ko, kita ko na tinitingnan nila akong dalawa. "Hello Jull, oo nandito lang din ako. Nasaan ka ba, puntahan kita, tapos ililibre mo ako." Nasa Cobo lang naman pala sya, fruits na lang ang bibilhin ko, doon na lang ako bibili ng drinks. "Oo nga, may binibili lang ako tapos pupuntahan na kita dyan."
Naiinis ako actually, naiinis ako sa lahat ng mga nasabi ko sa kaibigan ko, but somehow I feel sad. I didn't expect to hear those words from her, I just want to help her to the best way I know.
"Kanina pa lamog yang kiwi, maawa ka naman sa kanya." Biglang sabi ni Jullian. "Eh kung tao yan, multiple murder ang pwedeng ikaso sayo."
"Sulitin na kaya natin, isama na kaya kita?" Naka-ngising aso na sabi ko.
"Pa-kiss muna." Yuck, kadiri.
Sa kanya ko nga binato yung grapes na nakuha ko dun sa fruits ko, sapol sya sa noo. "Kanina pa ako tanong ng tanong kung maganda ba yung sinulat ko, iling ka lang ng iling dyan." Oo nga pala, kanina pa nya sapilitang ipinababasa sa akin yung natapos nyang story.
"Ano bang ibig sabihin ng iling, hindi diba. Hindi maganda yung ginawa mo, kaya ulitin mo." Birong sagot ko sa kanya. Ang totoo nyan, wala akong naintindihan sa mga nabasa ko. Hindi nga matatawag na pagbasa yung ginawa ko, kasi tinitigan ko lang yung mga letters. "Jullian, sa tingin mo mali yung mga sinabi ko sa kanya? Nasobrahan na ba talaga yung pagiging prangka ko?" Bigla ko lang naitanong sa kanya. Kanina kasi wala man lang syang sinabi, walang kwentang paglabasan ng sama ng loob.
"Kung ako ang tatanungin, hindi naman OA yung naging reaksyon mo. Natural lang yun, affected ka eh. Affected much ka kasi kaibigan mo ako, kasi totoo kang kaibigan. Ok sa akin kasi honest ka, you're not playing saint kasi impakta ka naman talaga. Mas gugustuhin ko naman na affected ka at wagas kung makapag-react, kesa naman para kang tuod na walang reaksyon." Mahabang sagot ni Jullian sa akin.
Bakit ang mga bading ang haba ng sagot? Ay oo, bading nga si Jullian pero hindi sya masyadong lantad. Hindi naman sinasadya na malaman ko, sadyang malakas lang ang pang-amoy ko. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot sa sagot mo." Because honestly, feeling ko wala akong kwentang kaibigan, na ang non-sense ko. "Natutuwa ako kasi naiintindihan mo ako, na sa tingin mo tama lang ang mga nasabi ko. Nalulungkot ako kasi parang hindi iyon naisip ni Princess, na parang hindi pa nya ako kilala. We're friends since we were on our college days, tapos ganon pa."
Nag-add pa kami ng dalawang mug ng beer. Nandito kami sa food court, kasi gusto ko talagang uminom para naman makalimutan ko yung nangyari sa amin ni Princess.
"Ano ba yan Richelle, magtigil ka na nga sa paglaklak mo. Baka mamaya malasing ka pa, hindi ko alam kung saan kita ihahatid." Nasabi ko ba sa kanya na mababa na ang alcohol tolerance ko?
"Naku Jullian matakot ka na. Kapag ako nalasing baka mahalay kita, ang pogi mo pa naman ngayon." Pananakot ko pa sa kanya. Pero pwede namang totohanin diba, gwapo naman talaga si Jull.
"Mahiya ka nga ng isang dangkal sa mga sinasabi mo, hindi ka nga sexy eh." Kaibigan ko ba talaga sya? "Kakalkalin ko yang bag mo, hahanapin ko I.D. mo para malaman ko ang address mo. Magpapakilala ako sa parents mo ba boyfriend mo, lagot ka."
Ako pa talaga tinakot nya ng ganon. Hindi nya alam gustong-gusto na ng nanay ko na may ipakilala sa kanila na boyfriend, tapos etong gwapong si Jullian, willing victim ang drama. Magkunwari kaya ako na lasing na talaga ako, at hindi ko na kayang umuwi? Pero hindi, hindi pwede. Hindi ipagkakatiwala yung motor ko sa isang 'to.
"Uwi na tayo Jullian, inaantok na ako." Aya ko sa kanya, sabay tayo. "Convoy tayo, baka mag-semplang ako eh." Tumayo na rin sya, at sabay na kaming nagpunta ng parking.
Pumayag naman sya ng convoy kami, kasi nga friends kami. Ng masiguro nya na safe na ako, umuwi na rin sya. Nabasa nya yata yung naiisip ko kanina, kaya hindi na bumaba ng kotse nya para maipakilala sa parents ko. Pagpasok ko ng bahay, nag-tanggal lang ako ng boots, saka pantalon. Naka-boxer shorts naman ako kaya ok lang, walang live-show na nasaksihan ang nanay ko. Yung tatay ko wala pa, mamaya pa yun uuwi. Yung isa kong kapatid nasa trabaho pa, yung isa naman nasa mukang vacuum cleaner nyang syota.
"Tulog na ako 'nay. Hindi na po ako kakain ng dinner, wag nyo na po ako gisingin, bukas na lang." At pumasok na ako ng kwarto, naghubad ng tee shirt, at saka padapang nag-landing sa kama. Kakapikit ko pa lang, bigla na namang tumunog yung cellphone ko. Kung may pambili lang ako ng bago, malamang naibato ko na 'to sa pader para lang tumigil sya sa pag-iingay. Inaantok na talaga ako, kaya naman inilagay ko na lang sa ilalim ng unan ko yung cellphone. Kung sino man syang istorbo sya, pasensya na sya pero hindi ako pwedeng abalahin ngayon.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^