Reunion My Ass!
☆Reachellen POV☆
Nakakaloka ang dalawa kong kaibigan, tama bang mag-away pa? But as I expected, hindi sila tatagal na magkagalit ng more than two days. Ay oo, ganyan talaga kaming magka-kaibigan. Hindi kasi namin matagalan ang katahimikan, kaya nagbabati na agad kami para maibgay na ulit ang mundo.
"Natanggap nyo na ba yung invitation?" Bigla kong tanong sa kanila habang nag-hahanda para sa best part of our work, uwian.
"Alin, yung invitation sa kasal ni Daniela at Jericho?" Sagot na tanong ni Princess.
Isang 'Seriously?' look naman ang ibinigay ni Richelle kay Princess. "Close? Mare din ba tawagan ninyo?" Kita nyo na, tanong din ang sagot nya. Wala talagang kwentang kausap ang dalawa na yan minsan eh.
"Hindi iyon, yung invitation para sa reunion." Ang OA nga nung nag-organize nung reunion, four years pa lang naman kaming graduate. Hindi pa nakapaghintay ng isa pang taon para half a decade since we graduated, mas magandang pakinggan diba?!
"Reunion my ass!" React agad ni Iche. Ay nako, ang bitter talaga nya kapag usapang reunion. Imagine, yung reunion ng batch nila nung grade school hindi nya sinipot kahit anong klaseng pamimilit ang ginawa namin at nila nanay sa kanya. Tapos heto na naman ngayon, wala na naman ayang balak mag-attend.
"Ano bang meron sa reunion at ayaw mong pumupunta?" Tanong ko sa kanya. "Mayroon ka bang ayaw makita sa mga naging classmates natin?"
"Si Myra nga ayaw kong nakikita, pero wala naman akong choice kasi hahara-hara sya lagi dito. Hindi ko lang talaga trip yang mga ganyan." Sagot naman ni Richelle.
"Eh bakit nga kasi?" Namimilit na tanong ni Princess. "Hindi naman siguro si Jenricks ang ayaw mong makita?"
"Teka, bakit nadamay na naman ang unggoy na Jenricks na yun sa usapan? He has nothing to do with this, why I don't like attending reunions." Basta nababanggit ang pangalan ni Jenricks, naha-highblood ang bruha. "Past na 'yun, nasa present na ako kung saan hindi nage-exist ang salitang 'relationship' o 'commitment' sa dictionary ko."
"Eh bakit nga kasi, kung sinagot mo agad kung bakit hindi mo na narinig ang pangalan na Jenricks." Litanya pa ni Princess.
"Who would want to come in a gathering na ginawa lang para magpayabangan? Definitely not me, give me a break." Oh, valid naman pala ang reason. Ayaw nya sa mga plastic, kahit naman ako ayoko sa kanila. Pero sayang naman din yung chance, minsan lang may matyaga na mag-ayos ng reunion.
"Problema ba yon, eh di dedma!" Sabay na sabi namin ni Princess.
"Dedma? Madededma mo ba yun kung pinagduduldulan na sa ngusu mo yung mga achievements nila na wala namang nagtatanong?" Grabe, may pinaghuhugutan ang bruha, hahaha. "Hey I just got home from Hong Kong for my one week vacation, kayo where did you spend your summer?" Richelle said in a mimic voice. Looks like I know kung sino ang ayaw nyang makita at makasama sa reunion.
"Oh, oh, I know who that one is." Napapatalon pang sabi ni Princess. "Her name starts with the letter G?"
☆ミ ☆彡☆ミ ☆彡☆ミ ☆彡☆ミ ☆彡☆ミ ☆彡☆ミ ☆彡
"Ang kulit nyo naman kasi, sabi na kasing wag na tayong pumunta dito." Di pa rin nagtitigil na sabi ni Iche.
"Dedma nga lang kasi, dedma!" At hindi pa rin kami nagtitigil ni Princess.
"Kasi naman Richelle, alisin mo muna yang hearing aide mo. Ibalik mo na lang kapag pauwi na tayo." Dagdag pa ni Princess.
"Baka naman kasi insecure ka lang!" Singit ko pa.
"Insecure? On what reason? Dahil maganda ang trabaho nila at well compensated? Plus the fact that they can go wherever they want, whenever they want? Oh please, spare me." Isa lang sinabi ko, ang dami na nung kanya. "Kung meron mang dapat ma-insecure, sila yon. Why? Kasi tayo may ipon, sila wala. Tayo may good future ahead because we're prepared, sila hindi." Akala ko tapos na sya, may kasunod pa pala.
Tama sya, tama sya, may tama talaga sya! I agree sa lahat ng sinabi nya, kaya naman "Doon muna ako ha, kukuha lang ako ng drinks." Paalam ko dun sa dalawa, pero ang totoo pupintahan ko si Jennifer.
"Powder room muna ako Iche." Narinig ko pang paalam ni Princess.
☆Richelle POV☆
"Doon muna ako ha, kukuha lang ang ako ng drinks."
"Powder room muna ako Iche."
Seriously, kinaladkad nila akong dalawa na pumunta dito tapos heto at iniwan nila akong dalawa, giving those damn excuses.
"As always, and as expected"
"As always, and as expected too."
Yeah right, si Jenricks nga ang nagsalita na yon, parang galing sa banga ang boses. Naku talaga naman, wala na yatang mas sasama pa sa araw na ito.
"Why are you alone?"
Nakakaloko ang tanong nya, he deserves the same answer. "Kasi wala akong kasama." Mabait pa ako nyan, promise.
Iiling-iling naman sya bago ulit nagsalita. "Wala ka pa ring pinagbago, wala pa ring kupas yang katarayan mo pagdating sa akin." Lagi ko na ngang tinatarayan hindi pa rin magsawa eh.
"At ikaw, wala pa ring nabawas dyan sa tyaga mo."
Kahit ba ganyan kaming mag-usap, masasabi ko na friends pa rin kami. Maybe I'm not close with him as I am with Princess and Chellen, still I consider him as one of my few friends.
"Kamusta ba?" Wala ba syang ibang itatanong, yung medyo bago naman, yung may sense?
"Honestly I am not ok. Ayoko dito sa party na ito, kaya lang wala naman na akong choice since Chellen and Princess drag me here." Remember, honesty is the best but one of the stupid policy ever. "By the way, sinong mayaman naman na classmate natin ang nag-sponsor nitong reunion? Talagang may hotel accomodation pa for one night."
"I organized everything, but hindi ako ang gumastos, napag-utusan lang ako." Ang daming sinasabi, ang tanong ko lang naman kung sino ang nag-sponsor. For all I care kung sya ang nag-ubos ng gas, at nagpatulo ng ilang litro ng pawis. Pakelam ko ba kung sya yung nagpaka-alila sa sponsor nitong reunion. "Si Apple."
Apple? Sino yun, may ganun ba kaming classmate dati? Parang wala naman yata akong natatandaan. Ahh, baka naman nagpalit na ng pangalan. Kasi naman ginawa na yata nila na hobby ang pagpapalit ng pangalan. Kagaya na lang ni Lourdes, pinagpipilitan nya na Mariel ang itawag sa kanya. Maria Lourdes pangalan nya, san naman nya napulot yung Mariel?
"Kung sino man yang Apple na yan, paki-sabi salamat. Una na ako sa kwarto namin."
Ka-badtrip! Iniwan ako ng dalawang humila sa akin, hindi ko mahanap yung kwarto namin. Ano bang mali ang nagawa ko ngayong araw at ganitong klaseng kamalasan ang inaabot ko? Kung ganito rin lang naman, eh di lilibutin ko na lang ang buong Thunderbird Resort. Ilang minuto na rin naman akong naglilibot, at nahabol na ako ng katamaran, kaya naman nilublob ko na lang yung paa ko dun sa isang pool na walang ibang tao.
"Hay, kailan ka ba darating? Pwede bang lumagpak ka na lang dito sa harap ko mula sa langit?"
Nakakaloka na talaga. Masaya din naman ang maging single, but there are instances na hihilingin mo na sana may partner ka, na may boyfriend ka. Pero yun nga lang, minsan masarap din yung mag-isa ka lang. Yung wala kng iisipin na baka magalit kapag ginawa mo ito, ginawa mo iyan.
"Mas marami na ang mga babae, kaya kung ako sa'yo maghahanap na ako. Hindi na ako maghihintay na lumaglag sya sa harap ko. Hindi ka na bumabata, tumatanda ka na!"
Badtrip naman oh, ipagdikdikan pa nya sa akin na matanda na ako, na wala na akong hihintayin. Teka, sino ba yun? Lingon, lingon! Ayun, sa likod nung puno!
"Nakita na kita, lumabas ka na dyan!" Alam ko na nandun sya, pero hindi ko alam kung sino sya. "Jokno! Omeng!" Tumayo ako bigla at saka patakbong lumapit sa kanila with wide and open arms.
Super na-miss ko sila, lalo na si Jokno kasi the last time we saw him was nung kasal pa ni Princess. Niyakap ko silang dalawa, and since gutom yata sila ang ending natumba silang dalawa.
"Aha, nandyan ka lang pala!" Biglang sulpot nung dalawa. "Sali kami sa wrestling ninyo!" At dinaganan na nila kami.
Ng magsawa kami sa pag-gulong at pag-tumbling sa damuhan, ayun shoot kaming lima sa swimming pool. And finally, alam ko na kung nasaan ang hotel room namin. And you know what makes it more fun, katabi lang ng room namin ang room ni Romeo at Jessie.
"So, alam nyo na ba kung sino ang pasimuno ng reunion na 'to? Kilala nyo na ba kung sino ang mayaman na nag-sponsor nito?" Tanong ko sa kanila nung makapagpalit na kaming lima.
"Nope," sagot ni Chellen "kanina pa nga ako nagtatanong sa kanila, wala rin naman silang alam."
"A person named Apple was the culprit, that's what Jeric told me when I asked him." Mga tingin naman nila, nabanggit lang pangalan nun eh. "What? Kasalanan nyong dalawa kung bakit kami nakapag-usap. Tama bang iwan akong mag-isa."
"Wala naman kaming sinasabi ah." Sabi naman ni Princess. "So ano pang nalaman mo?"
"May classmate ba tayong Apple dati?" Tanong naming dalawa ni Chellen. Kibit-balikat lang naman ang isinagot ni Jessie at Romeo sa amin. "Kasi naman yung iba nating classmate ang hilig bigyan ang sarili nila ng petname."
Nasabi ko na lang. Panay pa rin ang hulaan naming apat kung sino ba si Apple, ng biglang may bumulabog sa ginagawa namin. "Ako na." Presinta ni Jessie.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng kwarto namin, may biglang yumakap kay Jessie na maitim ba babae. Hala, nasundan sya ng asawa nya? Nung kumalas sa pagkakayakap yung babae, saka lang namin napansin na nakatayo din pala si Jeric sa may pinto. Finally, napansin din nya na may iba pang tao dito sa kwarto at hindi lang si Jessie. After nyang yakapin si Jessie, si Romeo naman ang nilapitan nya at niyakap. Kaming tatlong babae naman ay pwede nang pasukan ng langaw ang bibig namin na naka-nganga. Oo, literal na naka-nganga kaming tatlo. Lingon ako kay Princess, lingon ako kay Chellen. Iisa lang ang expression naming tatlo, lahat nahihiwagaan kung bakit ganyang ang babaeng maitim. Matapos nyang yakapin si Romeo, kay Princess naman sya lumapit yumakap at nakipag-beso. Putek, ano bang problema nitong si Lourdes? Natatakot na ako sa kanya ha, hindi nya normal na gawain yan.
"Richelle!" Sabi nya bigla nung tapos na syang pagsamantalahan ang pagkabigla ni Princess. "Kamusta ka na?"
"Eh-he-hehe. Close tayo?" Nasabi ko na lang habang nakatingin sa kanilang lima. "Lourdes!"
Yung itsura ko, alam ko muka akong tanga ngayon. Hindi ko alam kung paano magre-react, hindi naman kami nyan close. Lagi ko pa ngang napapagdiskitahan yung ngipin nya na hindi maitago, tapos ngayon beso-beso pa kami. Dapat ba akong magsalita o mas mavuting manahimik na lang ako? Ayan, si Chellen naman ang hina-harass nya.
"Hehe, hi Lourdes!" Sabay-sabay na bati ning tatlo sa kanya. Isang nagtatanong na tingin naman ang binato namin kay Jenricks na prenteng naka-sandal sa hamba ng pintuan. At tango lang ang ibinigay nyang sagot. Si Lourdes ay si Apple din? Ah, hobby na nga nya ang bigyan ang sarili ng petname. Noon Mariel ang pinagdidiskitahan nyang itawag sa kanya, ngayon Apple na.
Haha.. May pinaghuhugutan ata to ahh.. Haha.. Basede from experience?,,
ReplyDeleteIba rin trip nitong si Jenricks. Pero nakakatawa!!
ReplyDelete