Sunday, August 25, 2013

"The Online Famous" [One-Shot]

“The Online Famous”


Napatulo ang luha ko nang mabasa ko na ang mga salitang ‘THE END’ sa kwentong nagpabaliw saakin sa loob ng isang linggo. Hindi naman tragic ang katapusan pero nang magsink-in na sa utak ko na tapos na ang kwento nina Paris at Amyr, initial reaction ko ay,  ‘Ano na pagkatapos nito? Wala na akong mababasa?’


Dali-dali na akong gumawa ng account dun sa site kung saan ko nabasa ang ‘Just One Glance’ at para ipaalam sa author kung gaano ako naadik sa gawa niya. At ito ang personal message ko sa kanya.


@ParaKayJayPee,

Grabe po Ate, hindi ko alam kung paano ko sisimulan itong message ko. Matagal na po akong silent reader dito sa site na ito. Maraming kwento na rin akong kinabaliwan dito.
Kahit yung ibang stories niyo, kinabaliwan ko din. Pero iba ang naging impact saakin ng kwento niyong ‘Just One Glance’. Ito pala po ang 1st story niyo ditto at dahil nga sa story na ito kaya napagawa na talaga ako ng account sa site na ito dahil hindi ko na kayang maging silent reader na lang.
Dito ko sa school namin binasa ang kwento nina Paris at Amyr kasi libre ang WIFI at dahil kapag may free time talaga ako, ang pagbabasa lang ang gusto kong gawin.
Super fan po ako ng ParAmyr! At minahal ko lahat ng characters ng kwento, pwera lang syempre yung mga kontrabida dahil effective sila, nakakaasar talaga ang mga ugali nila.
Congratulations po sa pagtapos niyo sa kwentong ito pero kung gagawa pa kayo ng sequel nito, magpapa-fiesta talaga ako. Seryoso po Ate PKJP, ganun ako kaadik sa kwento niyo.
Ay hala ang dami ko nang sinabi pero the best ka talaga Ate. Continue writing and inspiring other people. Kasama ako na susuporta sa inyo all the way.

PS. At alam niyo po kung anong mas nakapagpasaya saakin? Kasi feeling ko para saakin itong kwento mo. Hehehe. Kasi ang username niyo po ay ParaKayJayPee. Eh JayPee po kasi ang nickname ko. Tapos kahit hindi ko pa nakikita ang real face mo, I’m having agirl crush on you na. Pero wag kayong matakot saakin ha, in a good way naman yun. Kasi po si Lacus Clyne yung nasa display pic mo. Eh favorite girl anime ko pa po yun! Hihihi.

PS ulit. Promise ko din pong ivo-vote ko lahat ng chapters dito.

God bless and I love you po. Sobra.

-Jayne “JayPee” Peralta


Pagkatapos ng nobelang mensahe ko para kay Ate ParaKayJayPee, ginawa ko na yung promise ko sa kanya. I voted for all the chapters dahil deserve yun ng kwento. Though alam ko naman na hindi after si Author sa number of views and votes sa story niya, paraan ko na lang ito para magpapasalamat sa napakagandang kwentong ibinigay niya saamin.


And to think na first story niya lang daw ito. Naalala ko yun dahil nabasa ko sa unang Author's Note niya. At kaya daw niya naisulat itong kwento ay para mapansin siya ng isang tao, na sa tingin ko ay si JayPee nga ng buhay niya.


Tapos ko nang i-vote ang lahat ng chapters sa ‘Just One Glance.’ Tumingin ako sa orasan at malapit nang magsimula ang sunod kong klase. Pero nagulat ako nang may new message sa Inbox ko. Nang i-check ko, nag-reply agad si Ate ParaKayJayPee!


@AkoSiJayPee,

Ayos naman ng username mo. Salamat sa pagbabasa ng kwento ko at sa suporta mo. Nakakatuwang malaman na gumawa ka talaga ng account para lang masabi yun saakin. hehe.
Matanong ko lang, JayPee pala nickname mo. At tsaka familiar din kasi yung display pic na gamit mo. Jayne Peralta ba talaga real name mo?


Nagtitili ako sa kilig. Biruin mo isang online famous at super idol ko, nagreply nga saakin! NAPANSIN NIYA AKO! Tinanong niya pa ang pangalan ko! At sabi pa niya mukhang familiar daw ang mukha ko. Feeling ko tuloy, meant to be na magkakilala talaga kami.


@ParaKayJayPee,

Gosh Ate!!! Hindi ako maka-getover sa kilig dito!!! Napansin mo nga ako!!!
Jayne Peralta po talaga ang real name ko! Nag-aaral ako sa Edinham School of Art. 3rd year na ako at major in Visual Arts. Naku Ate baka taga-Edinham ka rin kaya mukhang familiar ang mukha.
Please po Ate PKJP, kung taga-Edinham ka din o malapit ka dito sa lugar namin, I will do anything para lang makilala ka din ng personal. At pasensya na kung masyadong FC. Hindi ko lang talaga mapigilan. That’s how much I love you Ate.


Grabe. Pangalan lang ang tinanong niya pero ang dami ko nang nasabi tungkol sa sarili ko. Pero okay lang saakin yun dahil gusto ko talagang ipaabot ang full force na suporta ko sa kanya.


Naghintay ako sa sunod na reply ni Ate PKJP pero inabot na ng 10 minutes, wala pa din. Tumunog na yung bell, meaning kailangan ko nang pumasok ulit. Napilitan na akong patayin ang laptop na gamit ko para pumasok na. Sa susunod na break na lang ulit ako mago-online.


= = = = =


Break na ulit at dumaan lang ako sa cafeteria para bumili ng pam-merienda ko. Pero pagkatapos nun, dumirecho ulit ako sa 3rd floor, sa may study area kung saan pinakamalakas ang connection. Pagdating ko dun, may nauna nang nakaupo sa favorite spot ko. Hindi ko na lang pinansin at naghanap na lang ako ng ibang pwesto.


I opened my laptop, nag-connect sa WIFI, and online na ulit ako.


Pero pagdating ko sa newly made account ko, sabog ang inbox ko. Ang dami ding nag-post sa MB ko. And I was like “What. The. Pyok.” Anong meron? Bakit ako mini-message ng mga online users na ito?


Sa sobrang dami, hindi ko alam kung saan uunahin kong basahin.


Pero ang umagaw ng atensyon ko, yung bagong display pic ni ParaKayJayPee. Siya lang kasi yung nag-iisang ni-follow ko sa site na ‘to. At sa picture niya, lalaki siya na may hawak ng paper bouquet. LALAKI SIYA!!! At pogi siya!!! All this time tinatawag ko siyang ATE… at hindi lang ako!!! Lahat kaming mga readers niya!!!


Nalipat ulit ang atensyon ko dahil may dedicated story—a chapter para saakin. At ang chapter na yun, isang special chapter sa ‘Just One Glance’ ni ParaKayJayPee.


I refreshed my browser dahil baka lang kasi namamalik-mata ako. Pero hindi eh. All I have to do is to click that link para mabasa ko kung anong meron sa special chapter na yun. At bakit yung nakadedicate saakin.


Ang title ng special chapter: “Para kay JayPee” At syempre dedicated kay @AkoSiJayPee. That’s me.

Almost two years na ang nakakalipas nang matapos ko ang kwentong “JUST ONE GLANCE”. Nagdaan ito sa napakarami at maduguang revisions para mas mapaganda ko pa ang kwento at para mas mapansin pa siya ng mga tao. Pero sa totoo lang, ginawa ko lahat ng yun para talaga mabasa ng isang tao lang. ISA LANG. At sa wakas dumating na ang oras na hinihintay ko, napansin na niya ako.
Para kay JayPee o kay Jayne Peralta, una kitang nakita sa study area ng school natin na nagbabasa ng kwento online. You were so busy reading online stories kaya hindi ko alam kung paano lumapit o magpakilala sayo.
Believe me, I tried introducing myself to you. But you were a SNOB. Snob ka kasi nakatuon lang ang buong atensyon mo sa mga binabasa mo. It hurts dahil hindi pa man ako nagsisimula, parang nabasted na ako ng atensyon mo.
And then it hit me. The only way for you to notice me is for me to write my own story. At kahit walang kasiguraduhan kung mapapansin mo ako, naglakas-loob pa rin ako.
Ngayon, nagpapasalamat ako kay God dahil siya ang nagbigay saakin ng idea para may maisulat akong mga nobela.
Maraming salamat din sa mga readers and supporters ko dahil kung wala sila, wala din ako dito. Pasensya na rin pala kayo kung inakala niyong lahat na babae ako. LALAKI PO AKO. I just had to keep my identity hidden pero ngayon, makikilala niyo na talaga ako.
At higit sa lahat pinakapinasasalamatan ko ay ikaw JayPee dahil binasa mo ang gawa ko, nakarating sayo ang mensahe ko, natupad na ang kahilingan ko.

Ako nga pala si Sean Paul Roldan. Yung nang-agaw ng favorite spot mo ngayon dito sa study area. I’m the one looking at you now, waiting just one glance from you.


Kumakabog ang puso ko. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Mixed emotions.


Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para tignan ang direksyon ng paborito kong pwesto. Yung lalaking nakaupo doon, nakatingin nga saakin. Kamukha niya yung nasa display pic ni ParaKayJayPee. Siya si ParaKayJayPee!!!


Tumayo siya at lumapit na saakin. Nastarstruck naman ako sa kanya. "I... ikaw...?" Ang sabi ko.


Ngumiti siya at para bang nahihiya. Pero nagbago din ang reaction niya at inabot saakin ang hawak niyang paper bouquet. "Para sayo JayPee."


=THE END=



18 comments:

  1. kyahhhhhhhhhhhh ang ganda ganda <33

    ReplyDelete
  2. Ghaddd..Aegyo! napa-iyak ako! Promise..Ang sweet kasi..buti binasa ko 'to agad-agad! Matutulog tuloy ako na may ngiti sa aking mga labi..ahaha..dramwbels..ko..pero seriously! Ang ganda promise! Feel na feel ko :))

    ReplyDelete
  3. Kyyyaaaaaaaaaaaahhhhh! >.< Kilig much >3< Kyaaaaaaaaaaaaaah! wala akong masabiii! hahahahah! Kilig Overlooadd <3 <3 >.< iiihhhhh!! May mga stories talaga na gusto mo ipanalangin na mangyari din sayo :"""> at ginagawa ko un ngayooon! ahhahaha! Sana magkaron din ng ganyan kakilig na scene sa buhaay koooo! ahahhaha! xD Ang ganda ateee! :DD

    ReplyDelete
  4. omg,.kakakilig nmn,.so sw8.,nkaka diabetis.,haha XD,.but really it was so good.,ngpapangiti ng wala s oras.,hahaha

    ReplyDelete
  5. OMD! Ang cute ng story!and to think i like guy writers and romance writers at tat!Nakakakilig po! Sana may story talaga sila.Nakakabitin ang one shot eh.Still,ang galing niyo po Ate!

    ReplyDelete
  6. Yung napasheeeeeet! AKo Inay! Omigosh! Omigosh! Teka hihinga lang ako! HAHAHA

    ReplyDelete
  7. OH. MY. GOD. AS IN. OHMYGOD!!!!!!! MAMA KINIKILIG AKOOOOO! ALAM MO MAY PINAGMANAHAN TALAGA AKO PAGDATING SA PAGPAPAKILIG NG READERS! KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH. SABI KO NA SABI KO NA EHHHH!! >______________< MA, KELAN BA TOH MANGYAYARI SAKEN?!

    PS. CAPSLOCK PARA INTENSE.

    ReplyDelete
  8. SHOCKS!!! KILIG MUCH MOMMY A!!! THE BEST!!! WHIIEE!!! DI MO ALAM KUNG GAANO AKO KAKINIKILIG! WHHA!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  9. ohhh emmm jii!! i sooo love this!!! sana gawin din to ng crush ko sakin!!! hahaha..

    ReplyDelete
  10. kyAaaH atEy,,, nkkKiLig,,, sNa mEi mNgyAri diN skEn ng gAnyAn, nkkAkiLig si seAn pAUL,,, tPos uNg useRnmE niA pARaKaYNicOLe,,, hwAhiHi,,, LibRe mnGarAp,,,

    ReplyDelete
  11. Oh em. Nakakakilig ng bongga! Shet, di ako mkahinga sa sobrang kilig! <3 asdflkjhg; One-shot of this isn't enough! Another sequel! :D

    ReplyDelete
  12. Sheks! Kinikiig akooooooooooooooooooo~ Mygawd. ♥♥

    ReplyDelete
  13. Ang ganda naman po ng kwento ms. Aegyo sobra! Nakakakilig to the max! Graveh! Kayo na tlga ang dabest! Hihihihi :">

    ReplyDelete
  14. Tae. Kilig ☺️💕☺️💕

    ReplyDelete
  15. ememe.... all this time para sa kanya pala yung kwento kinakakakiligan niya XD hindi ko kinaya ang kilig!! I'm so dead na talaga.. pinatay nako sa kilig ng mga kwento ni miss aegyo :)

    ReplyDelete
  16. ememe... all this time para pala sa kanya yung kwentong kinakikiligan niya XD hindi ko kinaya ang kilig!!! wala na.. patay na talaga ako sa kilig sa mga kwento ni miss aegyo :)

    this is what you call a man's true efforts (>////<).

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^