Tuesday, August 27, 2013

Brokenhearted Playgirl: Chapter Five

Brokenhearted Playgirl
by: InnocentPen


Chapter Five




Normal POV  [Author’s POV]





Hayaan na muna niyong ako ang magkwento para mabigyan linaw ang mga ilang detalye at pangyayari na naganap.



“Hazel….Please….Ingatan mo ang damdamin ni Gelo ha?” “I trust you.”


Iyan ang mga binitawang words ni Raiza, ang EX girlfriend ni Gelo. Nag-break sila 2 months ago. Bakit? Nung una, mahal nila (Gelo at Raiza) ang isa’t isa. Pero nang bumalik ang first love ni Raiza….hindi nito naiwasang maibalik ang pagmamahal nito para sa ex niya. Kaya unti-unting naaalis ang pagmamahal ni Raiza para kay Gelo. Kahit ayaw nitong saktan si Gelo eh kinailangan niya makipag-break dito dahil ayaw niya mas lumalim pa ang mga kasalanan niya para kay Gelo. Minahal niya si Gelo pero walang-wala ang pagmamahal niyang iyon sa pagmamahal niya para kay Henley, ang first love ni Raiza.  Ayaw ni Gelo nung una pero naintindihan niya rin. Naka-one year din ang dalawa. Second year pa lang kasi, naging sila na.


Yes, long time crush ni Gelo si Hazel. Simula pa nung nagtransfer si Hazel sa Wonderstruck University.  Kahit girlfriend pa rin ni Gelo si Raiza ng mga panahong iyon, hindi pa rin nito maiwasang mabighani sa kasimplihan ni Hazel. Pero medyo natatakot siya lapitan ito baka kasi kung ano ang sabihin nito, napakatahimik kasi nito at parang mailap kaya natatakot nyang lapitan ito.

Hanggang sa makausap niya ito for the first time, yun yung napalabas silang dalawa sa room dahil sa kalokohang ginawa ni Gelo. At that time, sobrang saya ni Gelo kaya gaya ng gustung-gusto niyang gawin dinala niya ito sa canteen at inilbre ito ng Palabok na sobrang favorite nito.


Umalis lang siya habang kumakain ito dahil biglang nagtext si Raiza at agad rin naman niyang pinuntahan.


After non, ineexpect na ni Gelo na magiging close na sila ng crush niya na si Hazel. Ang kaso after that day, hindi ito pumasok. After a week dun lang ito nakapasok ng school. Gaya ng dati hindi siya nito pinapansin. Sobra siyang nadisappoint non at wala na siyang alam na kailangan niyang gawin para mapalapit dito.


Hanggang sa magbreak sila ni Raiza. Nasaktan ito, at inaamin niya iyon sa sarili nito.
Ginawa niya ang lahat para maging masaya siya, para mapasaya niya ulit ang sarili niya. Sumaya lang siya ng nakausap niya ulit si Hazel.. At yun. Sinabi na niya sa sarili niya na kahit lumayo man sakanya si Hazel, hahabul-habulin niya pa rin ito. Dahil kay Hazel…..sakaniya lang nito nararamdaman ang tunay na saya.  Mahal niya nga ba si Hazel? Hindi pa niya alam. O…….may pinipilit pa rin siyang isang damdamin na mapatubo ulit.




Hazel’s POV


“I trust you…”


“R-raiza?” Naguguluhan talaga ako, lalo na dun sa ‘Hazel….Please….Ingatan mo ang damdamin ni Gelo ha?’


Hindi na ba sila?

“Matagal ka ng gusto nyan. Nung kami pa, lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sayo. Pero alam mo bang kinikilig ako non? Hihihi. Napaka-torpe eh.” O__O Confirmed na break na nga sila. Bakit hindi ko nahalata? Sabagay barkada pa rin sila.


“Hindi ka ba nagalit sakin non?”Tanong ko.


“Hmm. Nope, gusto nga kitang kaibiganin non kaso natatakot ako sayo. Hehe. Napaka-mysterious kasi ng dating mo. Baka i-ignore mo lang ako.”


“*smiles* Hindi ka ba nagselos…ay hindi. Nagalit o nainis dahil sa sinabi mo nga na baka g-gusto niya ako?” Naalangan pa akong itanong yun.


“Nagselos? Hindi. Nagalit? Hindi rin. Natutuwa ako! *O* Kasi alam kong kapag wala na kami may magugustuhan pa siyang hihigit saken, at gusto ko ikaw yun.” Nakakabilib itong si Raiza, napakahinhin pero hyper na hyper. *u*


“Nice to finally meet you, Hazel! Hihihi. Ingatan mo ha? Una nako, nagtext na si boyfie ko.” Bago siya umalis nagbeso-beso muna kami. Close na kami agad? Ang friendly niya. Hindi nakakapagtaka kung bakit ang daming nagkakagusto dito. Bukod sa maganda, matalino, ang bait bait niya.


Haaaay. Gusto kong maging tulad—



“Ito ba yung lunch mo, Zel? Ito lang nakita ko sa tabi ng bag mo eh.” Humihingal na sabi ni Gelo habang hawakhawak yung maliit na bag ko.


Ngumiti ako sakanya, medyo naiilang pa ako dahil sa nalaman ko kay Raiza, “Yan nga yan. Wait lang ha? Kukuha lang ako ng spoon para maka-share ka saken.”


Tatayo sana ako ulit pero pinigilan na naman niya ako, “Di na kailangan. Pwede namang salit-salitan na lang tayo….kung ayos lang sayo, Zel.”


Kung ganon….share kami sa isang spoon. Parang nagkiss na rin kami ulit non. Indirect kiss? Erase! Erase! Napo-pollute na ang utak ko.


“H’wag kang mag-alala. Okay lang naman sa akin ang indirect kiss.” Anu daw? Pano nya nalaman ang nasa isip ko? Nakakahiya. (_ _) Kaya hindi na lang ako nagsalita.


“—Pero kung gusto mo….direct kiss na lang---aww!” Hindi na niya natuloy ang sinasabi niya kasi pinaghahampas ko na siya gamit ang mga kamay ko.


“Ganon? Ang sakit ah. Ito sayo…” Tiningnan niya ako ng napakaseryoso. At kinabahan ako.

Nilalapit na niya ang mukha niya saakin.


*gulp*

Anong gagawin niya? =|



“Uyy. Gelo, joke lang naman---“


“Ahhh. Pffft, HAHAHAHAHA! HAHAHA! Tama na please! Ge…loooo! Hahahaha! Huuuy, jokee lang namannnn pooo eh.”



Weakness ko ang kinikiliti ako.


After 30 seconds siguro dun lang niya ako tinigilan.


“*Hinga* Kainis ka! *hinga*” Hinihingal talaga ako.


“Hahahaha! Ang cute mong tumawa! MAS LALO YATA AKONG NAIINLOVE SAYO EH!” o_O Anu daw? Tama ba ang narinig ko?


“A-ano nga ulit yun?” Paniniguro ko kung tama ba yung narinig ko.


He blushed, “Huh? Wala yun! Look at them, nakatingin sila sa atin.” Napatingin naman ako sa mga tao sa canteen.


Nakatingin nga sila sa amin. Bakit ngayon ko lang naisip yun? Ang lakas lakas ng tawa ko kanina….nakakahiya. Ganon ba talaga kapag kasama mo yung gusto mo? Yung feeling na kapag kasama mo siya…siya lang. Sa isipan mo, nawawala yung mga ibang tao kung saan kayo naroroon.


“B-bakit hindi mo sinabi kaagad? Nakakahiya.” Konting-konti na lang magtatago na talaga ako sa likuran niya.

Biglang nagbago ang emosyon ng mukha niya. Hurt?


“Zel, pwede bang magtanong?”


“Ano yun?” Nagtatakang tanong ko.





“Bakit mo ba ako ikinakahiya?” Nakatungong sabi niya.


Sa tanong niyang yun. Nagulantang talaga ako. Yun ba talaga ang tingin niya? Na ikinakahiya ko siya? Hindi naman siya eh. Ako. Nahihiya ako para sa sarili ko.



“Hindi ah, pano mo naman nasabi yan?”


He smiled pero hindi umabot sa mga mata niya iyon, “Pero bakit parang ayaw mong nakikita nilang magkasama tayo?”


Sasabihin ko na ba na gusto ko siya? Hindi ako ready eh.


“Wag mo na kasing isipin yan. Hindi kita ikinakahiya ha? Talaga lang na mahiyain lang ako. Nahahalata mo naman yun diba?”


He nodded. ”Kung ganun pala….kaya mo bang patunayan?” Nakangiti niyang sabi sa akin.


Pano ba? Sisigaw ba ako ng ‘I love you, Gelo Fernandez’ ?! Nakakahiya naman yun.
Hmmm, hahalikan ko ba sa harap ng mga co-students namin? Erase! Erase! Erase! Ano bang iniisip ko?! Polluted na talaga ang utak ko.



Binuksan ko ang bag ko at inilabas yung lunch at spoon ko, “Kain na tayo.” Sabi ko at saka ako huminga ng malalim.


Ito na, “Gelo…Say AHH.” Nakangiti lang ako kay Gelo habang sinusubuan ko siya ng lunch ko.


Nilapit naman niya ang mukha niya akala ko isusubo na niya yung spoon kaso hindi. Nilapit lang niya na parang hahalikan niya ako. Siya rin ba ang magiging second kiss ko? (_ _) Nahihiya na ako sa mga pinag-iisip ko. Polluted mind! Pwe! Pumikit na lang ako.


“Parang….mas masarap yata yung tinitingnan ko.” Bigla niya sabi. Napadilat naman ang isa kong mata para makita kung ano ang tinitingnan niya. Nung makita ko, napadilat na talaga ang dalawang mata ko.


Yung mga labi ko ang tinitingnan niya.. Naiilang ako.


Napa-smile na lang ako at tinuro ko yung spoon na hanggang ngayon hawak hawak ko pa. Pero ayaw niya pa ring isubo pero kinuha niya yung spoon. Siya yata yung nahihiyang kasama ako eh, tingnan mo nga ayaw niya subuan ko siya sa harap ng maraming—


“Zel, open your mouth…”Sabi saken ni Gelo habang sinusubuan niya ako ng pagkain. Sabi ko sainyo eh, di niya ako ikinakahiya. Hehe.

“Ako na lang.” Prisinta ko nang susubuan pa sana niya ako ng ikalawang beses.

“Ikinakahiya mo nga ako kung ganon?”

“H-hindi naman eh. Gusto ko sana ako—“Hindi na niya pinatapos yung sasabihin ko kasi bigla na lang siya tumayo sa mesa niya. A iniwan na lang ako mag-isa sa may table.


Napa-nganga na lang ako sa nangyari. Ngayon ko lang nalaman na, sensitive pala ito. Pero bakit naman siya nagagalit? Ang gusto ko lang sana eh patunayan na hindi ko siya ikinakahiya. Gusto ko lang naman na ako na lang yung magsusubo sakanya. Kasi diba sabi niya patunayan ko daw na hindi ko siya ikinakahiya? Pero bigla naman yata siyang nagalit.

Hindi ko ugaling humabol sa taong nainis saken. Kasi ang ginagawa ko eh binibigyan ko muna sila ng time na magpalamig para kapag kinausap ko na, hindi na masyadong mainit yung magiging usapan namin. Kaya ang ginawa ko pinilit kong kumain na lang pero dahil sa nangyari nawalan na ako ng gana.


Tumayo na ako at inayos yung lunch ko at inilagay sa bag. Nung paalis na ako sa may canteen, nakita kong nakatingin silang lahat sakin na may pagtataka sa mga mukha nila. Hindi ko na lang pinansin, simula kasi ng makasama ko si Gelo lagi na lang ganyan ang ibinibigay nilang tingin saken. Eh dati naman wala namang pumapansin saken kahit madapa pa ako dito sa may hallway ng school.


Pumasok na lang ako sa room namin, may one hour pa bago magsimula ang next class kaya nagdecide ako na matulog na muna saglit, wala naman kasing gagawin eh. Para antukin ako, iniisip ko yung mga nangyayari. Kasi sa mga kilos ni Gelo, parang nanliligaw siya saken….pero wala naman siyang binabanggit. At hanggang ngayon eh iniisip ko pa rin yung sinabi ni Raiza na matagal na pala akong gusto ni Gelo at simula pa nung mag-on pa sila. Hindi ko alam kung maniniwala ako kasi…basta parang nakakalito lang. Sa dami ng iniisip ko nakatulog din ako agad.




“Hey… Who is she? Is she your girlfriend? Why she’s sleeping? Is she dead?”

“Just shut up, Braiden.”

“Why? And what? You’re asking me to shut up? I’ll tell mom about this.”

“Tell her about this. Go on. If you want, I will still help you.”

“Kuya, you’re so bad.”

“Thank you, Braiden.”



May narinig akong mga nag-uusap…Kaya nagmulat ako ng mata at nasa loob ako ng sasakyan. Sasakyan toh ni Gelo ha? Napabalikwas ako ng bangon at nakita ko si Gelo na nagdadrive at yung little boy na naka-uniform na pang Prep sa Wonderstruck University.


“Kuya! She’s alive!” Sabi nung bata napatingin naman sakin si Gelo. Pero tiningnan lang niya ako. Hindi na toh nagsalita.


“Kuya, she’s pretty and I will marry her someday! Hi love!” Nakakaloka itong batang toh. Nasa may front seat siya kaya dumaan siya sa pagitan nung dalawang seat para makalapit saken sa may back seat.


“Braiden! Wag kang malikot!” Daing ni Gelo pero di naman siya pinansin ni Braiden daw yung name. Ngayon lang ako nakarinig ng ganung pangalan. Loka lang, Haha.



“Hello Love! I don’t know your name so can I call you Love, instead?” Hahaha. Ang bata pa lang nito. Playboy na, ba’t di siya gumaya sa kuya niya. Ang cuteee.


“Hi Braiden! Sure, you can call me Love but can you add the word, ‘Ate’?” Pang-aasar ko sakanya. Hahaha. Nag-pout si bata. Ang cutee. Pigilan niyo ako, i-uuwi ko tong batang toh. XD


Naka-pout pa rin si Braiden, “But why? Handsome naman ako diba? Kaya pwede kitang maging girlfriend.”


“You’re just six years old, Braiden. Hintay ka na lang until you reach the right age.”


“I’m not six years old, Love. I’m turning five palang. *pouts*” Haha. Hindi ko naiwasang mapatawa nakita ko ring natatawa si Gelo sa may mirror.


“See? I told you. You’re too young for me.”


“Ouch! Kuya, now I understand you when you cry because of the girl you like but she doesn’t liked you back. I’m so hurt. This is my first heartbreak. I have this feeling….like I’m dying.”


Napa-NGANGA na lang ako. Bata ba itong nasa harap ko? Sino kaya yung tinutukoy ni Braiden na girl? Hihi.

“Ate Love, can you wait?”


“Wait for what?”


“Can you wait for me? I will eat more foods so I will grow fast. And you can marry me na.”


“Hahaha. So cute.” I pinched his cheeks. Napatingin naman si Braiden kay Kuya niya.


Nilapit ni Braiden ang bibig niya saken, “Ate, look at him…he seems jealous.” Bulong nito.

Napatingin naman ako kay Gelo, namumula ito. He’s blushing! I-aangat niya sana ang ulo niya para tingnan kami nang nagmadali akong tumingin sa labas ng sasakyan. Nakakahiya kung mahuili niyang nakatingin ako sakanya.



“Hihihi! Kuya, Ate Love is looking at you kanina!” Batang ‘toh! Ibuking ba naman ako. =__=


“Can you keep—“


“Ahm… G-gelo, saan ba tayo pupunta?” Bigla kong singit, alam ko kasing susuwayin na naman niya si Braiden. Kawawa naman, ang cute cute pa naman nung bata.


“Ihahatid na kita sa bahay niyo.” Yun lang ang sagot niya at saka nagconcentrate sa pagdidrive.


Tumahimik na lang ako at kinuha ko yung bag ko sa may tabi ng kinauupuan ko, ngayon ko lang toh napansin. Masyado akong naaliw nitong si Braiden.


O_O


Nagulat ako ng biglang nagpreno si Gelo….

Pero mas nagulat ako kasi binigyan ako ng smack kiss ni Braiden…..




Sa lips! Siya ang second kiss ko! Waaaah. Gusto ko si Gelo pa rin. =((



“BRAIDEN! That’s enough! Bumalik ka nga dito sa harap!” Namumula pa rin si Gelo. Nagseselos talaga toh? Sa isang 5 years old? Weh?


Naka-pout na naman si Braiden, ang cute talaga!!!

“Thank you, Ate Love.” Tapos ikikiss na naman sana niya ako….



“Bumalik ka na dito sa harap! Braiden! Isa!”

“Ito na nga Kuya oh!”




Waitt… Ganon ba siya ka-possessive? Pati bata pinagseselosan niya? Hindi pa nga kami eh. Pano kaya kung naging kami? ASA NAMAN AKO!
**

Hi, sorry for the long wait. This is originally posted on Wattpad. So if you want to read the edited version (without emoticons) you can continue reading it on Wattpad. Thank you! <3
GOT TO BELIEVE AFTER JUAN DELA CRUZ! <3
-Joycei

Twitter account: @Innocent_Pen


1 comment:

  1. BUti nAg-updAte k pO uLit,,, mrAmi aqnG cLassm8s n nAg-aabAng ng kAthniEL stOries,,, eH ikAw Lng Po yTa aNg kaThniEL dtO kYa mtGaL cLa nGhihiNtaY,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^