Thursday, August 22, 2013

Gimme Love (One-Shot)

---x
"Goodluck, Be!" Sabi ni Renji bago ako halikan sa pisngi.

Renji Anne Alcantara. Certified Bestfriend daw. Bakit? Marami kasi siyang kaibigan. Halos lahat kinakaibigan siya. Mostly, lalaki. Maganda siya, cute, natural curl tapos natural brown yung buhok. Maputi, tapos 5 flat yung height. Mabait siya pero marami na siyang nabasted na lalaki. Not literally, basted. Kapag kasi aamin sa kanya yung lalaki, sasabihin niya hanggang bestfriends lang. Wooh! Buti na lang di pa ko umaamin na may gusto din ako sa kanya. Baka sabihin niya hanggang bestfriends lang din kami. Masakit yun.

"Be, akyat na!"

Natauhan ako nung tapikin niya yung braso ko. Nginitian ko siya tapos ginulo ko yung buhok niya.

"Gimme a Goodluck kiss." Ngiti kong sabi.

Nagpout siya. "Kanina pa kaya kita nabigyan." Sagot niya.

Naglean down ako at mabilis na hinalikan yung nakapout niyang labi tapos tumkbo na ako paakyat ng stage.

Kasama ang Voiceless Gods sa dance contest ng school. Induction ngayon kaya sumali kami.

Habang nagsasayaw kami, nililibot ko yung mata ko. Maraming nakatitig pero marami ring naghihiyawan. Kasama si Renji sa nakatitig. Nakatitig siya sakin. Tsk! Ang gwapo ko talaga! Kaya bagay kami eh!

Kumindat ako kay Renji.

Maraming nagtiliang babae na katabi niya pero siya nakatitig lang sakin.

Aray. Di man lang siya kinilig?

Ang sakit.

Tsk! Pagbutihin mo na nga lang ang pagsayaw mo, Ryan! Ang drama mo eh!



Pagkatapos namin magsayaw, nagpunta muna ko sa Cafeteria. Bumili ako ng malamig na tubig pati ng siomai. Pumunta ako sa mya lamesa at duon nagsimulang kumain.

"Be!" Tawag ng kung sino.

Nakita kong umupo sa tabi ko si Renji habang nakain ng Ice cream.

"Pahinging Ice cream." Biro ko.

"Switch food." Sabi niya tapos tumingin sakin.

Natawa ako kasi may Ice cream sa gilid ng labi niya.

Tinaas ko yung kamay ko saka pinunasan yung giild ng labi niya.

"Ang messy mo, Be." Sabi ko sa kanya.

Nagpout siya. "Ang sama mo talaga. Parati mo na lang ako nilalait kapag kumakain ako. I hate you!" Sabi niya tapos tumalikod sakin.

"Akala ko ba, switch food?" Tanong ko sa kanya.

Umayos siya ng upo tapos pinagpalit yung pagkain namin.

"Anduga mo, be. Sabi ko pahingi lang eh." Sabi ko.

Kumain ako nung ice cream tapos bigla niya akong kinalabit.

"Be, say ah." Sabi niya.

Binuka ko yung bibig ko. Sinubo niya sa bibig ko yung siomai tapos nginuya ko. Bakit mas sumasarap yata kapag siya yung nagsusubo sakin ng pagkain?

Anubayan! Bakit ako kinikilig?

Anak ng tokwa!

Nag-scoop ako ng ice cream tapos kinalabit ko rin siya.

"Say ah." Sabi ko.

"Aah"

Tapos sinubo ko sa kanya yung kutsara na may lamang ice cream.

tarages, bakit ba nagiiba yung iniisip ko kapag sinasabi ko yung word na 'subo'? Pustahan, yung mga pervert nakakarelate sakin. Tama ba?

"Rai, balik na sa gym. Maya-maya lang sasabihin na yung mananalo." Paalala ni Troy. Member ng Voiceless Gods.

"Ge, par." Sagot ko.

"Yown oh! May date yung mag-BESTFRIEND! Ingat-ingat din, Rai!" Sabi naman ni Jale.

Puta! Bagay sa kulungan eh! Palibhasa tunog kulungan yung pangalan eh!

"Bunganga mo nga, Jale!" Saway ni Eros.

"Tss." Sabi na lang ni Jale saka bumili ng makakain.

I clenched my teeth, then grab Renji's hand.

"Let's go, ji." Sabi ko tapos dumiretso na kami sa Gym.

Pagkarating namin sa gym, umupo kami sa upuan ng mga contestant. Contestant si Renji sa singing contest kasi napaka-ganda ng boses. Mala-anghel dagdag mo pa na ang ganda-ganda niya. Kaso, bestfriend 'daw' ng lahat. Sa tingin ko hindi kasi simula nung maging magkaibigan kami, parang nasa akin na yung atensyon niya palagi. Kaya nga nainlove ako eh. Bwiset.

"Good Afternoon, everyone. Who do you think is the 3rd place winner in the singing contest?" Tanong ng MC.

"Ellaine!" Hiyaw nung iba.

"Allison!" Hiyaw naman nung kabilang parte ng crowd.

"Si Phoebe!!" Hiyaw nung nasa gitnang part pati nung nasa dulo.

"Okay, okay. Be quiet." Saway nung MC tapos tinignan niya yung list.

"And the 3rd placer is..." Nagpause yung MC tapos may drum roll. "Ellaine Manansala!" Sabi nung MC after tumigil nung drum roll.

"Wooooh!! We love you, Ellaine!" Hiyaw nung mga kaibigan ni Ellaine.

Umakyat si Ellaine sa may stage tapos kinuha yung ibinigay na trophy sa kanya. Ngumiti si Ellaine sa harap ng camera tapos bumaba na rin ng stage.

"Congrats, Ellaine!" Sabi nung MC tapos tumingin ulit sa list. "The 2nd placer is..." Putol nung MC tapos nagdrum roll. "Patricia Allison Cruz!" Sabi nung MC.

Umakyat din si Allison tulad ni Ellaine tapos kinuha yung trophy at ngumiti sa camera tapos bumaba na rin.

"Congrats, Allison!" Sabi nung MC.

"Sino sa tingin niyo ang winner natin?" Tanong ng MC.

"Renji! Renji! Renji! Renji!" Hiyaw nang buong crowd.

Tumingin ako kay Renji na kasalukuyang namumula at kinikilig.

"You're right, guys. Renji is the winner!" Sabi nung MC habang ngiting-ngiti.

Nanlaki yung mata ko.

Winner yung mahal ko? As in, panalo? Huwaw!!

Tumayo ako tapos hinila ko siya at binuhat.

"Woohoo!! Winner yung bestfriend ko!! Woohoo!!" Hiyaw ko habang nagpapaikot-ikot.

Maya-maya ibinaba ko na siya tapos hinalikan sa noo saka hinila para bigyan ng mahigpit at mainit na yakap.

"Yiee!!" Hiyaw ng ibang contestant.

Binitawan ko na siya tapos hinila siya papunta sa stage. Kinuha ko yung trophy saka inabot sa kanya.

"Kyaaaa~ Ryan, akin ka na lang!!" Tili nung babaeng nasa 4th row.

Pagkatapos sunod-sunod na yung tilian nila.

Tinitigan ako ni Renji saka niya ako kinurot sa pisngi.

"Ang gwapo-gwapo at ang cute-cute mo talagaaa!!" Nanggigigil na sabi ni Renji.

"A-araaaaay!" Hiyaw ko nung bitawan niya yung pisngi ko. Ansakeet!!

"Picture na po." Approach nung cameraman.

Medyo lumapit kami tapos inakbayan ko siya.

Bago magflash yung camera, humalik ako sa buhok niya kaya panigurado nakahalik ako sa kanya pagkadevelop ng picture.

Pagkatapos nun, bumaba na ulit kami at pumunta sa upuan namin.

"Nice par." Bati ni Jason. Isa sa mga singer.

"Salamat, par." Sagot ko saka nakipag-apir sa kanya.



After i-announce yung winners ng singing contest, sinunod naman yung dance contest. Pang-2nd placer na.

"Second place goes to..." Putol niya saka may tumunog na drum roll. "Bee group! Congrats, Bee Group!" Sabi nung MC.

"And the winner is..." Ulit niya ulit.

"Astro pops!" Sabi nung MC.

Naghiyawan yung mga members ng Astro pops

May lalaking lumapit dun sa MC tapos may ibinulong.

"Oh, I'm sorry. Voiceless Gods pala ang panalo sa dance contest." Nakangiting sabi nung MC.

"Woohoo!! I love you, Ryan Ramos!!" Hiyaw nung mga babae sa crowd.

"Kyaaa~ Eljhae!!!" Hiyaw naman nung iba.

Panalo kami? Weh?

May humila sa sleeves ng damit ko kaya napalingon ako. Si Franco. Ka-member ko sa Voiceless Gods.

"Ano, par? Di ka aakyat? Ikaw leader diba?" Tanong ni Franco.

"Bakit? Sino ba panalo?" Tanong ko.

"Tanga, tayo panalo!" Sagot niya.

Aray. Na-tanga pa ko.

"Sandali lang, Renji ha." Sabi ko saka tinapik yung balikat niya.

Ngumiti siya saka tinapik yung likod ko nung makatayo ako. "Congrats, Be! Ang galing-galing mo talaga sumayaw!" Sabi niya.

"Yung reward ko mamaya ha." Pahabol kong sabi.

Umakyat na ako saka kinuha yung trophy at itinaas. Nagsi-akbay sakin yung mga ka-member ko tapos ngumiti sa camera.

"Jale, ang gwapo gwapo mo talaga!!" Tili nung nasa gitnang row.

"We love you, Troy!" Sigaw naman nung nasa dulo.

Nung matapos yung contest, nagkaroon ng celebration sa Resto-Bar nila Franco. Lahat ng nanalo pati ng gustong pumunta, pwedeng umattend.

"Tara, tagay pa Voiceless Gods!" Lasing na sabi ni Tj.

"Woohoo!" Hiyaw nung iba pa.

Tsk. Lasing na kami.

Tumayo muna ako at naglakad papunta sa balcony ng Resto-Bar nila Franco.

Am I taking advantages on her?

We're just bestfriends but whenever I want to kiss her on the lips, I will. What is happening to me? She's so innocent, what the hell!

Napagitla ako nung may kumapit sa bewang ko.

"Why are you alone, Be?" She asked.

Yes. She's Renji.

I looked at her.

Fuck! I want to kiss her so badly!

"N-nothing." I stuttered.

I look away, not looking into her lips.

"Is there a problem?" She asked.

"Nothing." Sagot ko.

Patience, Ryan.

Sumandal siya sa braso ko saka yumakap sa bewang ko.

"Renji, lasing ako." Paalala ko.

Sinubukan kong kalasin yung mga kamay niyang nakakapit sakin pero lalo niya lang hinihigpitan.

"No! Please let me hug you!" Pagpupumilit niya.

Fuck! Ano ba 'to?!

I can't take it anymore!

Kinalas ko yung mga kamay niyang kapit na kapit sakin tapos hinatak ko siya para halikan sa labi.

Ang lambot-lambot ng labi niya. Parang marshmallow. Tapos ang tamis-tamis.

I was terribly shocked nung itulak niya ako at sampalin.

She immediately ran away, and leaving me shocked.

What have I done?



Kinabukasan, dahil sabado, pumunta ako sa bahay nila Renji.

Tatlong beses kong pinindot yung doorbell tapos inantay kong bumukas yung gate.

Nung bumukas yung gate, nakita ko si Aling Marta, katulong nila.

"Oh, Ryan, ikaw pala yan. Bakit ka napadalaw?" Tanong ni Aling Marta.

"Nandyan po ba si Renji?" Tanong ko.

"Wala rito eh. Nasa playground." Sagot ni Aling Marta.

"Ah, sige po. Pupuntahan ko na lang po siya dun." Sabi ko saka ngumiti.

"Osige, hijo." Sagot ni Aling Marta saka isinara yung gate.

Dumiretso ako sa plaground ng village namin. May nakita kong dalawang bulto ng taong magka-yakap habang sumasayaw.

Namukhaan ko yung babae at sa totoo lang, parang gusto kong pumatay ng tao.

May lalaking kayakap si Renji habang umiiyak siya.

Umiiyak? Sinong nagpaiyak sa kanya?

Nobyo niya ba yon? Bakit pinapaiyak siya?

Di ko na kaya. Di ko siya kayang makitang may kayakap na iba.

Tumakbo ako paalis.

Ang sakit! Ang sakit-sakit!

Isang linggong makalipas.

Isang linggo na siyang hindi pumapasok.

Iang linggo na siyang hinahanap ng mga kaibigan niya.

Isang linggo ko na siyang hinahanap.

Isang linggo na silang nag-aalala para sa kanya.

Isang linggo na akong nag-aalala para sa kanya.

Isang linggo na.

Isang linggo na akong tulala dahil sa kanya.

Nasaan na ba kasi siya?

"RAMOS!"

Muntik na kong mapatalon dahil sa gulat. Lumingon ako sa teacher namin na mukhang kanina pa yata umuusok yung ilong.

"Goddamn it, Mr. Ramos! Kung wala kang balak makinig, just please, get out?!" Sigaw ni Sir Madrid.

Tumayo ako. "I'm so sorry for not cooperating on your class, sir. I won't do it again." Sagot ko.

Umiling-ilinh siya saka inayos yung mga gamit niya sa podium. Maya-maya, bago siya lumabas may sinabi pa siya.

"Class dismissed. You're 65, Mr. Ramos."

Nagtinginan yung mga kaklase ko sa akin.

Lumapit si Tj saka ako inapiran.

"Nice! Ikaw lang pala makakapagpa-alis sa bwiset na teacher na yun! Haha!" Ngiting sabi ni Tj.

Wow. Nakakatawa pala yun? -_____-

Lumapit sa akin si Yasmin, kaibigan ni Renji.

"Ryan, alam mo na ba yung tungkol sa pagpapadrop-out ni Renji?" Tanong ni Yasmin.

Drop out? Oh?

"Oh? Kelan pa?" Tanong ko rin.

"Nung monday pa raw." Sagot ni Yasmin.

"Sige, salamat sa information." Sabi ko saka na binuhat yung bag ko pati yung dalawang libro ko.

Uwian na. Dumiretso ako sa locker room at binuksan yung locker ko. Ilalagay ko dapat yung dalawa kong libro nung mapansin kong may nakatuping bond paper na nakaipit sa isa kong libro.

Hindi kaya, nilagay 'to ni Renji dito? Wala pa kasi 'to kaninang umaga eh. Tsaka isa pa, siya lang yung may duplicate ng locker ko.

Kinuha ko yung bond paper tapos nilagay ko yung dalawang libro ko sa locker tapos sinara at umalis na.

Habang naglalakad ako, napaisip ako tungkol sa letter.

Binuklat ko yung hawak kong bond paper.

~O~O~O~
                                     Be,
    Punta ka sa NAIA ng 5:30 pm. Aantayin kita dun.
                                                                        Renji Anne xx
~O~O~O~

Tinignan ko yung orasan ko.

4:00 pm

Kumaripas ako ng takbo papunta sa terminal ng taxi.

"Manong, sa NAIA nga po." Hinihingal kong sabi.

"Oh sige, sakay na dyan." Sabi ni Manong driver.

Sumakay ako sa front seat tapos nagmaneho na si Manong.

Wait for me, Renji. Please wait for me.

Nung malapit na sa Airport, biglang nagtraffic.

Kaasar!

"Manong, magkano babayaran ko?" Tanong ko.

"200." Sagot ni Manong.

Kinuha ko yung wallet ko sa bag saka inabot kay Manong yung dalawang daan.

"Salamat manong." Sabi ko saka na ako lumabas ng taxi.

Tinakbo ko na lang papasok sa airport.


Pagdating ko sa loob, inilibot ko agad yung mga mata ko. Naglakad-lakad ako at hinanap siya.

Ang laki ng NAIA! Saan ko siya hahanapin dito?

Naupo ako sa may departure area.

Anong gagawin ko?

Tumingin ako sa orasan ko.

It's exactly 5:30 pm.

Am I going to lose her?

Am I letting her go?

I want to tell her the truth!

I want to tell her how much I love her!

"Ji, sigurado ka bang dadating yung hinihintay mo?"

"Sigurado, dad."

I froze.

Wait, boses niya yun diba?

Unti-unti akong lumingon.

"Re-renji?" Gulat kong tanong.

Napatingin siya sakin. Nanlaki yung mga mata niya tapos tumakbo palapit at yumakap sakin.

"Thank you, Ryan! Thank you dahil dumating ka!" Tuwang-tuwa niyang sabi.

Umupo siya sa tabi ko tapos niyakap ako ng mahigpit. Napansin kong lumapit sila Tito at Tita.

"So, si Ryan ba ang hinihintay mo?" Tanong ni Tito.

Kumalas sa yakap si Renji tapos tumingin kay Tito. "Yes, dad." Sagot niya.

"And then?" Tanong ni Tito na nag-aantay pa ng kasunod.

Tumayo ako at pinatayo rin si Renji. Pinaharap ko siya sa akin saka ko hinawakan yung magkabila niyang balikat.

"It's so gay but I want to tell you something." I paused. "I didn't know when this feeling starts, but I want you to know that I love you. I won't force you to love me back. That's rude." Dagdag ko.

She smiled.

"You know what? I hate you." She said then continue. "I hate you for being so slow in realizing what is Love and what is Friendship." She said.

What?

"And I hate myself for loving you eventhough I felt like I'm not loved by you." She continued.

She what?

She loves me too?

Humawak siya sa kamay ko tapos lumapit kami kila Tito at Tita.

"Hinihintay ko siya dahil mahal ko siya." Sabi ni Renji habang nakangiti.

"So, would you still go to Toronto with us?" Tita asked.

Renji shook her head.

"Maybe if he didn't come, I would, but here he is, so I won't go." Renji answered.

Nagkatiginan si Tita at Tito.

"Okay. Padadalhan ka na lang namin parati ng pera." Sabi ni Tito.

"Nasa drawer ko yung pambayad mo ng enrollment fee. Di ka naman sasamaeh. Mag-enroll ka na lang ulit sa school mo." Sabi naman ni Tita.

"Okay, mom!" Nakangiting sabi ni Renji.

"Osha, aalis na kami. Ryan, alagaan mo yan ha." Paalala ni Tita.

"Yes, Tita." Sagot ko.

Pagka-alis nila Tita, naupo muna kami.

"Pano yung ticket mo papunta sa Toronto?" Tanong ko habang hawak yung kamay niya.

"Pina-cancel nila Mom." Sagot ni Renji.

"So you're really expecting that I will come and stop you?" Tanong ko.

"Well, I'm hoping and I can feel it." Sagot niya sakin.

"Girl's Instinct?" I asked, curiously.

"Yeah." She answered.

"Tara na." Yaya ko.

Tumayo na kami tapos kinuha ko yung bag ko at umalis na kami.

Habang naglalakad kami palabas ng Airport, yumakap siya sakin. "Be, sino yung kasama mo sa playground last saturday?" Tanong ko. 

"Si kuya kenji." Sagot niya saka tumingin sakin. Umakbay ako sa kanya. "Ka-ano ano mo siya?" Tanong ko. Nakakaselos kasi eh. "Wait, don't tell me nagseselos ka?" Nakangiti niyang tanong. "Sus, bat naman ako magseselos?" Tanong ko rin. Sumimangot siya. "He's my cousin." Sagot niya habang nakapout.

Don't look at her lips, Ryan! Don't look at it!

"But he's adopted." Dugtong ni Renji.

Nanlaki yung mata ko.

"Wag kang sasama sa kanya." Seryoso kong sabi.

"Why not?" Ngisi niya.

I looked away then whisper: "I'm jealous."

"Jokiebeans!" Masaya niyang sabi.

What?

Bipolar pala 'tong mahal ko? Wew!

"luh?" Nagtataka kong tanong.

"Hindi ampon si kuya kenji." Sabi ni Renji.

Ay? Tokwa. -____-

"Wag ka na magselos, Be. Ikaw lang mahal ko." Sabi niya saka mas hinigpitan yung yakap sakin.

"Baby!"

Here we go again.

"What?" Taas kilay kong tanong.

"Happy first monthsary, Baby!" Bati niya saka may inabot na box sakin.

Kinuha ko sa bag ko yung white envelope. Inabot ko sa kanya tapos kinuha ko naman yung box na bigay niya.

"Sorry kung yan lang. Wala pa kasi akong pera eh." Sabi ko.

"Okay lang, Baby!" Ngiti niya.

Binuksan ko yung balot tapos binuksan ko yung box.

Woosh. Relo.

Niyakap ko si Renji. "Thank you, Baby." Ngiti kong sabi.

Tinapik niya yung likod ko. Nung kumalas na kami sa yakap, sinimulan niya nang basahin yung letter ko.

~O~O~O~
Dear Renji,
                  From the very start, pakiramdam ko mahal na kita. Lahat naman kasi nahuhulog sayo. Mabait ka kasi. Wala silang ibang masabi sayo kasi napaka-thoughtful mo tapos ang ganda mo pa, idagdag mo pa na ang galing mo kumanta at ang tali-talino mo. Kaso may isang bagay kung saan ka bumagsak eh. Alam mo ba kung saan? Sa puso ko. Pasensya na nga pala nung hinalikan kita nung induction ha. Kasi naman, di na ko nakatiis kaya nahalikan kita, idagdag mo pa na lasing ako nung mga oras na yun. Sorry talaga ha? Sorry din kung dahil sa akin parati tayong nag-aaway. Mahal na mahal kita, Baby. To infinity and beyond. :)
Truly Yours,
Ryan Ramos
~O~O~O~

Pinunasan ko yung luha na tumutulo mula sa mga mata niya.

"Don't cry, Baby." Pagpapatahan ko sa kanya.

"You're so bad. Palagi mo na lang akong pinapaiyak." Nakapout niyang sabi.

Tinakpan ko yung mga mata ko. Baka mahalikan ko siya bigla eh.

Naramdaman kong niyakap niya ko tapos hinalikan sa pisngi.

"Mahal na mahal din kita, Baby." Bulong niya sakin.

I cupped her face then lightly kissed her lips.

Magpigil ka, Ryan. Wag mong manyakin yung labi ng girlfriend mo.

Nagulat ako nung hawakan niya yung magkabila kong pisngi tapos halikan ako. It was fine but she moved her lips and deepen the kiss. It became passionate but gentle.

I gave her Love and she Gimme Love.

That's all that I know.

2 comments:

  1. YiiiEe aNg swEet,,, snA mkhAnaP aq ng ktuLad ni ryAn,,, hwAhehE,,,

    ReplyDelete
  2. pS, nAghhNaP aq ng bAgiNg updAtes, nApdAdpaD aq s oNe-sHots at mmrAthOn q iTong sAu,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^