Wednesday, August 14, 2013

Ang Lovelife Ni Sadako - Chapter 16


Ang Lovelife ni Sadako
Chapter 16: New Character


Nerdo's POV:
Ngayong napagtanto ko na mahal ko na si Shie. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung paano siya harapin. Kasi, oras na harapin ko siya. Lumalabas ang inner loser side ko. Pero, matagal naman akong loser eh! pero haiiist! ewan.
Nandito kami ngayon sa bahay ko. Dito ko muna siya pinatili kasi umuulan ng malakas. Pumayag naman si ma, ang importante raw wag si Sadako ang manatili dito baka matraumatize daw kami sa sobrang takot. Pfft! paranoid lang eh no?
Pero kahit nasa loob si Sadako ay natatakot pa rin siya kasi naririnig sa loob ang sounds ng mga kidlat. Naaawa ako sakanya kasi tuwing kumikidlat ay napapaiyak siya kaya ayun, nakasubsob siya sa corner at yakap yakap niya sarili niya.
Gusto ko siyang I-comfort at sabihin sakanya na wag na siyang matakot kasi nandito ako sa tabi niya. Pero, letche! para akong timang na nakaupo sa harapan niya. Na parang aliw na aliw na panoorin siyang matakot sa kidlat.
Ano ba Allison? Magpakalalake ka nga! tingnan mo oh, para kang ewan sa harapan ni Shie. Tumayo ka nga dyan! at icomfort siya!
Nilunok ko nalang ang hiya ko at agad pumunta kay Shie.
"Okay ka lang ba?"
"Hindi pa ba obvious?!" Aray! grabe naman 'tong babaeng 'to. Parang lalake kung mambatok o baka sadyang mahina talaga ako. wrong move! nerdo mo talaga!
"So...sorry."
"Antanga...tanga......" hindi na siya nakatapos magsalita nang kumidlat ulit ng malakas. Agad niya akong niyakap at umiyak. Sobra kasing malakas yung kidlat eh. "Ateeee...."
"S...Shie...." at niyakap ko rin siya. Ano bang nangyayare saakin? bakit parang automatic na gumagalaw ang katawan ko? ito ba ang epekto ng sinasabi nilang 'love'? Kung ganun, I hate it.
I hate it. I hate you Shie! I hate you for making me feel this way.
Napabuntong hininga nalang ako. Napatingin ako sa headphone ko  na nasa table. Then an idea suddenly striked in.
Binitawan ko muna si Shie pero parang ayaw niya eh. "S...Shie....."
"Wag mo akong iwan."
"Pe...pero.."
"Wag mo akong iwan."
"Pero kelangan eh." at bigla nalang niya pinahigpit ang yakap niya to the point na hindi na talaga ako makahinga. Ang hina hina mo naman....
"S..Shie! di...di ako makahinga! ho...hoy!!!" God! ang higpit niya kung yumakap! di na talaga ako makahinga! I...I need Oxygen!
"I will never let you go!!!!"
"S...Shie!!!"
"Never!!!" ano bang iniisip ng babaeng 'to?!! di na talaga ako makahinga! call...call an amberlamps. amberlamps?! da heck!!!
"SHIE!!!" sumigaw na talaga ako kasi kelangan ko pang mabuhay. Ang O.A. lang eh no??? Dahil ata sa gulat eh binitawan na niya ako. "Sorry, akala ko kung sino." I just gave her a confused look. Kinuha ko ang headphone ko at ibinigay sakanya.
"Ano namang gagawin ko dito?" tanong niya.
"Ipupulupot mo 'yan sa leeg mo."  sagot ko na may halong sarcasm. May side effect ata ang kidlat sakanya eh? nagiging tanga kasi siya. Ewan ko kung bakit pa ako nahulog sa isang tanga. Anlabo ni Kupido no? kelangan na niya ata ng salamin. =___=
Agad naman niyang itinapon ang headset saakin pero buti agad ko namang nailagan iyon. "Ikaw naman oh! jinojoke lang kita."
"Kung ganun! wag ka ng magjoke! di nakakatawa." At napangiti ako. It was because her old self wasQ back. Ayoko kasi sa side na ipinakita niya kanina. Nasasaktan kasi ako eh 'pag nakikita ko siyang natatakot.
"Oh ano nginingiti ngiti mo dyan?"
"Wala." sagot ko sakanya. Hindi pa rin maalis ang ngiti ko. Nagmumukha ka ng timang sa kakangiti dyan.
"Ang weird mo eh no? masokista ka no?"
"Hi...hindi no!" Inirapan niya nalang ako at naglakad sa paligid ng room. Para siyang nasa isang museum. Pero, okay lang. Mas maganda ang magmasid siya sa kwarto keysa sa sumubsod sa corner at umiyak.
Kahit magmukha siyang abnormal na ewan ay okay lang saakin, ang importante lang ay hindi siya nasasaktan sa harap ko.
Napangiti ako ulit habang pinagmamasdan ko siyang magbasa ng libro sa shelves. "Shie." tawag ko sakanya kaya napatingin siya saakin. "Here!" itinapon ko ang headphone ko sa sakanya. Buti, nasalo niya. "Gamitin mo 'yan para di mo marinig yung mga kidlat."
Agad naman siyang namula at dahan dahang nilagay ang headphone sa ulo niya. Buti, may built in MP3 sa headphone kaya di na niya kelangan sumaksak sa isang device.
"Ampapanget naman ng mga kanta mo."
"Sorry."
***
3rd person
Sa isang mansion ay mga maid at butlers na abalang abala sa pag-aayos ng bahay. It was because their young mistress is arriving later. Habang naglilinis sila at ang iba naman ay nagluluto ng mga masasarap na pagkain ay bigla nalang sumigaw ang head butler nila.
"The young mistress has arrived!"
Automatic naman na naglinya ang mga maid at butlers. Nasa left ang mga maid at ang mga butlers naman ay nasa right. Nang nabuksan ang malaking pintuan ay nagbow sila at sabay sabay nilang binati ang young mistress.
"Welcome back young mistress." ginantian naman sila ng babae ng isang ngiti. Nakita niya ang head butler na naglalakad papunta sakanya. Nagbow rin siya nang nasa harapan na siya ng mistress.
"Welcome back young mistress Eileen Linscott."
"Long time no see head butler Sebastian."
Ano kaya ang magiging role ni Eileen sa buhay ni Shie? Magiging kaibigan ba siya o kalaban?





4 comments:

  1. wAaAhhh updAted n,,, thAnk u auThor,,,, evRy wdnesdAy n b anG updAte ntO??

    ReplyDelete
  2. aT ndE k LosEr, nerdO,,, iNLuv k LnG tLga,,, ayiiiEe,,, uNg neW chAracTer n c eiLeeN, kinkBahAn aq,,, mAgAnda kSi at muKha nmAng maAmo ang muKha dUn s piCture oH,,, wAg LNg sNa xAh mALditA,,, aq ssbuNot s kAnyA,,, hwAhehE,,,

    ReplyDelete
  3. sa August 28 yung next UD (next next Wednesday) tas sa August 21 yung UD ng SDC (next Wednesday) or in short words, alternate ang update ng dalawa kong story. Kapag di ako masyadong busy. I'll try na pagsabayin sila. :)

    ReplyDelete
  4. Ate mag update kna po.Ang gnda po kc khit ngaun q plng to nbasa!^-^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^