Monday, July 15, 2013

Fantasy Online Game: Chapter 6





Rackuel Tribe
Party!
Misha's pov




System:  Demon Queen has revived.
She is now on Rackuel Village; Rebirth Point

Sa pagdilat ko ay nasa loob ako ng madilim na kwarto at ang tanging nagsisilbi lang na ilaw dito ay ang malalaking crystal na lumulutang sa gilid ko.

Tumayo ako at pinagpag ang damit. "Great! Nabawasan ang experience ko! Lecheng halimaw na iyon at ang sakit, ha!" kinuha ko sa bulsa ko ang isang maliit na bote na ang laman ay health potion.

I open the small bottle and drink it. Habang ininom ko iyon ay nakita ko ang nakabukas na pinto kaya naman lumabas ako doon.

Nasopresa ako sa nakita ko sa labas. Parang nasa probinsiya lang ako eh. May nagbebenta ng sandata, pagkain, damit at ang mga bahay dito ay nepa hut lang at mukhang madali lang attakehin ng mga halimaw.

Pinagtitinginan ako ng ibang player. Er... Bakit?

Narinig ko pa sila na nagbulungan.

"kamukha niya ang nasa poster." sabi ng isang lalaki.

"Er... Kamukha nga pero... Iba naman ang kulay ng mata at buhok niya at mukha siyang inosente kesa diyan eh." kasama niya na isang elf.

Nagkibit balikat na lang ako at pumunta na lang sa Quest Board. Makikita mo doon ang general request ng mga NPC.

Ohh... May naghahanap ng 20 pcs serpent fang. Kinuha ko yung papel. Napagtanto ko ang isa pang bulletin board na mukhang nandoon ang mga listahan ng criminal.

Nabitiwan ko ang bottle at lahat ng ininom ko ay naibugwak ko!

"Bwashh!" tumakbo na lumapit ako doon at tinitigan ang picture sa pinakahuling wanted list.

Noooooo! Thos can't be happening! Nasa wanted list ako!! Uwaaah! Kahit na sketch lang iyon ay sigurado ako iyan!



Wanted: Demoness
Reward: 5,000,000 Zen

TT_TT mamatay na ako! Ano kaya ang gagawin nila kapag mahuli nila ako? Dadalhin ba nila ako sa police station? Aghhhhh!

"Miss!" tawag ata sa akin.

Humarap ako sa tatlong lalaki.

Tinuro ko ang sarili.

"Oo, ikaw."

"May kailangan kayo sa akin?"

Ngumisi silang dalawa at ang isa naman ay tahimik lang then they took the poster and show it in front of me. "Kahit na baguhin mo pa ang kulay ng buhok at mata ay alam namin na ikaw si Demoness. Ba't hindi ka na lang sumuko sa amin at..."

Shet, hindi pwede! Akala ko pa naman ay ligtas na ako! "Wala akong balak na sumuko sa isang kasalan na hindi ko naman ginawa." umalis na kayo!

"Haaa?" Taas noong tiningnan niya ako. "Fred, nagmamaangan pa itong babae eh."

"You can't fool, little miss." sabi ng lalaki na nagngangalan Fred. Ang maliit na punyal niya ay itinutok niya sa leeg ko.

Tiningnan ko ang status nila. Mas malaki ang level nila kesa sa akin. Kailangan ko ng makaalis dito.

Aatras na sana ako pero may kung anong pumigil sa paa ko. Nang tingnan ko sa baba ay ugat ng puno ay lumingkis sa paa ko at ang kamay ko din!

"Fred, sigurado ka ba na siya si demoness? Mukhang mahina naman ito eh" Ang pangatlong lalaki na kasama nila.

Itinulak ni Fred ang kasama. "Sinasabi mo ba na mali ako, Arch?!"

Si Arch ang pinakalow level sakanila. Magkasing level lang kami.

"Eh.... Er..." hindi na lang ito sumagkot.

Tsk! What a wimp!

Hinawakan ng isa nilang kasama ang chin ko at tinaas. "Ba't hindi natin enjoyin ang sarili natin sa babaeng ito bago natin siya isuko sa pulis?"

"Eh! Pero wala naman sa plano natin iyan ah!" hindi sang-ayon na sabi ni Arch.

"oh shut up!" sinuntok ng isa niyang kasama si fred.

"Hindi ba kaibigan niyo siya? Bakit ganyan ang trato niyo sakanya?"

"Haa? Kaibigan? Nagpapatawa ka ba? Kahit kailan ay hindi namin iyan naging kaibigan! Kaya namin siya pinayagan na sumali sa party namin dahil nangangailangan kami ng Archer!"

Pumiglas ako dahil nangangati na ang kamay ko. Gusto ko siya suntukin!

"Kung ganyan naman ang ugali mo, Arch, mas makakabuti na umalis ka sa party namin. We don't need a weak like you. Ah, saan na nga tayo sa pinaguusapan, miss? " 

Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin pero binigyan ko lang siya ng headbutt kaya napaungol ito sa sakit.

"You bitch!" nilabas niya ang kanyang espada. He was about to strike me when someone stop him by just holding his wrist. "pota kang lalaki ka! Sino ka?!"

Isang lalaki na nakasuot ng asul na hanbok with matching head band. Nanlaki ang mga mata ko. Bakit nandito siya?! Sa lahat ba naman ng tao ay bakit siya pa?!


"Now, now, people like you shouldn't bully people especially low level people like them." malamig na sabi niya. Shet, kahit dito ay ganun pa din ang ugali niya.

Nagtataka kayo kung sino anb tinutukoy ko? Wala naman iba kundi Cross Ethelbert!

Napadaing si fred sa sakit. Bigla nalang hinablot ni Cross ang kamay niya kaya naman naputol. Napatili ko sa nakita. Umaagos ang dugo! "Hedike Taisho. A swordman who travel the whole world."

Kung hindi ko lang nakita kung pano niya pinutol ang kamay nito ay baka matawa pa ako sa kanyang sinabi. Hindi ko kasi inaasahan na ganun ang sasabihin niya.

"Fuck"

Sumugod silang dalawa kay hedike sa isang iglap lang ay nasa likod na si hedike sa dalawa na nakahugot na ang espada. "hahaha! Ano ba naman iyan! Wala man lang kami naramdaman sa atake mo! It didn't even hit on us." sabi ng kasama ni fred.

"No. It DID hit you."

"Anon... ARGH"

A blood squirt on their body. Then they turn into a pillar of light.

Nawala na yung ugat sa kamay at paa ko. I sigh in relief at napaupo sa lupa.

Lumapit sa akin si Cross o mas kilalang Hedike. Nilahad ang kanyang kamay.

Mukhang mas mabait siya dito sa game. Pero hindi ko parin gusto yung blanko niyang mukha.

"Salamat." tinanggap ko naman iyon. Pagkatapos niyon ay binitiwan ko na ang kamay niya. Nakabuka patin iyong kamay niya sa harap ko.

Er... May kailangan pa ba ito sa akin? Hindi ba niya narinig ang sinabi ko sakanya?

"Thank you for saving me."

"Instead of thanking me why don't you just give me a reward. I would prefer a money by the way than the cheap item you have." Walang emotion na sabi niya sa akin.

Tumalikod ako sakanya at palihim na tiningnan ang inventory ko.

20,000 zen

Toinkz!

Tama lang itong pera ko para makaalis dito sa isla at potion. Malapit na rin kasi maubos ang potion ko.

Waah! Anong gagawin niya sa akin kapag hindi ko siya babayaran? Bullyhin sa school? Pero mukhang hindi pa naman niya narealize na ako ito.

"Hey!" untag niya sa akin.

Humarap ako uli sakanya. Napakamot sa ulo. "20k zen lang ang meron ako eh tsaka kailangan ki itong pera para makabili ng potion at ticket para makaalis ako dito sa isla."

Dumilim ang kanyang mukha.

"Then why don't you pay it with your body then?"

Pay it with my body? Magtatrabaho ba ako sakanya? Hindi naman siguro yung green na naiisip ko di ba?

Habang nag-iisip ay naramdaman ko ang malaking palad sa dibdib ko. Pinisil pa niya iyon.

"This will be fine. Now, where should you want us to do it? Hotel or in the deep forest?"

Namumula na sinampal ko siya.

"Pervert! Asshole! Anong akala mo sa akin? Prostitute? Ha! Hindi ako ganun!"

"I was just kidding, kiddo. Don't take seriously anyways just think of what i did as repayment." 

Tumalikod siya sa akin.

Para akong lalagnatin sa ginawa niya! Hindi ko inaakala na bastos pala si Cross. Masama na tiningnan ko siya. Bigla siyang lumingon sa akin. At hayun na naman ang kanyang walang emotion na mukha. "On a second thought, just pay me once you already have enough money to pay your debt."

I stuck out my tongue. "Kung magkita pa tayo, Jerk!"

Tumalikod ako dahil may gagawin pa ako sa isang ito. Madilim na tiningnan ko ang lalaki na nagngangalan Arch. Pinatunog ko pa ang daliri ko.

"Ngayon ikaw na lang ang mag-isa. Anong gusto mo gawin ko sa'yo? Pumili ka mamatay or mamatay? Since, magkalevel lang naman tayo ay walang problema sa akin na tapusin ka."

"Sorry! Akala kasi namin na ikaw si Demoness eh kaya plano namin tatlo na talunin ka then isuko sa mga pulis." nakayukong sabi niya. "kaya sana ay mapatawad mo ako."

Hinablot ko ang kwelyo niya. At bibigyan ko sana siya ng suntok ng biglang pinigilan ako ni toad. Ang walanghiya ngayon lang nagpakita sa akin.

"Teka lang, Master!"

"Oh tamang tama ang pagsulpot mo, langya ka! gagawin ko kayong uod! At bakit ako titigik, aber?"

"Dahil kailangan natin siya."

Napataas ang kilay ko. "Kailangan? Nagpapatawa ka ba?"

"Hindi ako nagbibiro. Sa larong ito ay kailangan mo ng party dahil mas madali sa inyo na lumevel up at tsaka may mga dungeon at quest dito na kinakailangan ng party. Tsaka hindi ba mas maganda kung may magiging kasama ka sa paglalakbay mo? Sa isang party kailangan mo ng long range kagaya ng archer, healer, magecian, tanker."

Binitiwan ko si Arch at naiinis na tiningnan silang dalawa.

"Wala bang problema sayo, Arch? Ngayon wala ka ng party?"

He nodded dumbly.  ay ang bwisit na palaka ay feeling kilala niya si Arch ah! Pet lang naman siya!

"Fine. Lets form a team pero kung may gagawin ka na hindi ko gusto. Say good bye to this world, okay?"

May maliit na hologram picture niya na lumitaw sa harap ko. Pinindot ko iyon ay may option lumabas.

Add to friendlist
Add party
View his equipment
And etc...


Pinindot ko ang dalawang iyon. Add to friendlist at sa party. Hinintay ko siya na e accept niya. Iyon.

System: Demon Queen and Archilles form a team!


Chineck ko ang oras. Shit, hapon na pala. "Magkita na lang tayo dito mamayang 10 sa gabi. Kailangan ko ng maglog out kailangan ko na umuwi galing school."

"Eh! Kakalabas ko lang sa inventory!" Angal ni Toad.

"Nasa school ka ngayon?" Tumango ako. "Okay. Ah, ako nga pala si Archilles pero pwede mo din ako tawagin Arch."



Tumango ako. "Demon Queen ang pangalan ko but of course you already know that dahil lumabas iyan sa system mo. See you later."

DUMILAT ako at mabilis na tinaggal ang visual devices. "So, anong level ka na, Misha?" Nasa loob din pala si Suzette.

"Level 30. Malapit na sana ako naging 31 kung hindi lang ako inatake sa boss. At teka lang ha? Kayo ba ang naglagay ng pangalan ko sa wanted list?"

"Uh. Yeah, So?"

"Bakit niyo ginawa iyon? Ayan tuloy! Muntik na ako mahuli!"

"It is our duty tsaka pasalamat ka nga at hindi iyang totoo mong username ang ginamit namin. Tsaka mahihirapan naman silang makilala ka kasi sa level, class at kulay ng buhok at mata mo. Beside they wont also know because all they know may sungay ka at buntot kaya kung ako sayo pagbutihin mo na magpanggap bilang isang human race."

Tumayo ako at inismiran siya. Umalis na ako sa school.

Bago ako umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa bookstore para bumili ng libro tungkol sa martial art at sword.

"Hi Ms. TAPIA!" sumabay sa paglalakad si Jake Junior sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Nakakasawa na kasing makipag-away sa lalaking ito.

"Bakit hindi ka pumasok sa klase, ha?"

"I don't have any obligation to answer your question and will you please leave me alone, junior."

"Tch, Para malaman mo hindi kita sinusunod. Maganda ka ba para sundan ko?"

Humiwalay na siya sa akin.

Lumiko ako at nang makita ko na ang bookstore ay pumasok ako. Iniwan ko ang bag sa courtesy booth.

Habang naghahanap ng libro ay bigla ko naalala na kailangan ko na palang bumili ng sketchpad at eraser. Mabuti na lang nagbebenta din sila ng school supply dito. Nang mahanap ko na ang libro ay tiningnan ko ang price tag. Halos lumuwa na ang mata ko sa presyo. 459.95 Php.

Binalik ko na lang iyon at pumunta na lang sa school supply section.

Bago pa ako makarating ay may napansin akong dalawang lalaki at tatlong babae na nag-uusap.

"Cross, maglaro na tayo ng Fantasy Online Game. Buong hapon na tayo nandito eh. Hindi nga ako pumasok sa klase para lang maglaro kasama ka." sabi ng babae na bigla nalang lumingkis kay Cross.

"Iwanan niyo na lang ako dito kung gusto niyo maglaro."

Tama ba ang narinig ko? Halos buong hapon? So ibig sabihin niyon ay...hindi siya naglaro kanina lang? Eh sino yung lalaki kanina?! Kambal niya?!

Pero sabi ng iba na siya lang daw ang nag-iisang anak ngayon. Err... Base na din sa narinig ko sa mga malalanding dash tsismosa ay may kakambal si Cross pero namatay daw dahil sa car accident.

Eh!! Huwag niyong sabihin na multo yun?!

Inalis ko na lang sa isipan iyon. Baka look alike lang.

Isa sa kasama niya napansin sa akin kaya siniko niya si Cross at tinuro ako. Shit! Pesteng lalaki talaga iyon ah!

Nakakunot ang noo niya na tiningnan ako.

Walang emotion na tiningnan ko siya. Then, umalis na lang. Phew! Mabuti nalang at best actress ako pagdating sa ganun! Pagkatapos ko bumili ng sketchpad, watercolor at pastel ay umuwi na ako.

Nakita ko si Agatha na umakyat sa bakod ko.

Tinitigan ko siya. "What the hell are you doing?"

Nang mapansin niya ako ay nagpiece sign siya at ngumiti. "Papasok."

Binuksa ko ang gate at iniwan siya? Pinigilan niya ako sa pagpasok sa bahay.

"Misha!" binigyan niya ako ng puppy eye. Agh! Sa lahat ba naman bakit yan pa! Nakakakilabot!

"Grrr... Ano naman ang kailangan mo?"

"Iimbitahan sana kita na magdinner doon sa amin. Okay lang ba sayo?"

"Hindi."

"Waah! Vaketch?"

"Dahil feel ko lang." Tsaka nandon ang kuya niyang asungot eh. Baka kung anong sabihin niya.

"Sigeee naaaa! Please! Madami kasing inimbita si kuya eh tsaka hindi naman tayo doon sa sala kakain doon nalang sa rooftop. Mas maganda pa doon dahil marami kang makikitang star sa langit."

"Kahit na." tsaka maglalaro pa ako mamaya.

"Ayaw mo talaga?"

"Oo. Alam mo naman ang lahat na ginawa ng kuya at ng kanyang kaibigan sa akin di ba?"

Tumango siya. "Hm... Okay! BUT the next time i invite i wouldn't take no for an answer, you got that?"

"Oo na po."

"Ah nga pala may iniwan sa akin ang deliver sayo nitong sobre. Galing sa magulang mo." Binigayna niya ang puting sobre sa akin at umalis na.

Nang makapasok na ako ay binuksan ko iyon. Pera lang ang laman doon at wala ng iba.
I sigh. Pinatong ko iyong sobre sa mesa. Hindi man lang sumulat sa akin...
Sana man lang ay sumulat sila sa akin kahit na maikli lang. Kinuha ko uli ang sobre at dumiritso sa kwarto.

Sinuot ko iyong earring at nag-log in.

Magpapalipas na lang ako ng oras doon... Ngayon ko lang narealize nankapag naglalaro ako ay nakalimutan ko ang mga malulungkot na bagay...


10 comments:

  1. WiiiEee kiNikiLig aq kEi crOsS,,, mAy pAgkamAnyAk LNg eHh,,, hwAheHe,,,

    ReplyDelete
  2. Update po ulit :) i love this story

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^