Wednesday, September 25, 2013

Fantasy Online Game: Chapter 7



Chapter 7

Misha's pov

“Yawn.” Hindi ko mapigilan na humikab. Inaantok na ako subalit hindi ako pwede matulog dahil kasalukuyan nasa klase ako.


Alas-otso na ng gabi at thirty minutes na lang at tapos na ang klase. Ngunit sa bawat minuto na lumipas ay hinihila na ako ng antok!

Tinakpan ko ang bibig ko at humikab uli.

“Ms. Ricamora, nakakaantok ba talaga ang klase ko?” Tumigil sa paglalakad si Sir Victor, ang guro ko sa Literature(Minor Subject). Ohmygolly! Mukhang hindi siya nasisiyahan sa nakita. Patay! Kilala pa naman siya sa pagiging strikto! Kahit isang hikab lang ay paparusahan ka na!

“P-po?” Inadjust ko ang salamin at hindi makatingin sa kanya. Naku naman! This will be my first time kung pagagalitan ako.

“I never thought that my top student sa klase ko ay magiging antokin. Did you find my class boring no, Ms. Ricamora?”

“H-hindi po!”

Anak ng tokwa! Kasalanan kasi ni Suzette ito eh! Kung hindi niya ako pinipilit na maglaro ng ‘fantasy onling game’ ay hindi ito mangyayari sa akin. Pagod na pagod ang utak ko! Last night ay naglalaro ako ng FOG kasama si Archilles na ka-party ko at dahil doon ay nawala sa aking isipan na napatagal pala ako sa pag-lalaro at kanina din, one hour ago, ay naglaro din ako. Level 50 na ako sa game at Archilles naman ay ganun din.

“Pfft!”

Pigil ang pagtawa ni Jake sa akin. Asar ah! Siya lang ata ang naeenjoy sa kamiserablehan ko ngayon. Ang iba kasi ay patuloy lang sa pagkopya sa nakasulat sa blackboard.

“Kung ganun bakit?”

Napayuko ako. “Kulang po kasi ako sa tulog d-dahil na-nagkaroon kasi ng problema sa amin eh.”

Please lang sana maniwala sa excuse ko.

“Ganun ba? Tsk! Papatawarin kita sa ginawa mo ngayon pero sa susunod kapag inulit mo uli iyon ay tatakbo ka ng two laps!”

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi naman pala ako paparusahan. Phew. Nakatulong sa akin ang pagiging top one ko sa klase.

“yes sir!”

“Okay. Basahin mo ang page 32.”

Ginawa ko naman ang kanyang pinag-uutos. Pagkatapos niyon ay umupo na ako.

“Okay class iyon muna ang lahat pero bago ko kayo pauuwiin ay gusto ko lang sana itanong kung lahat ba kayo ay may account sa ‘fantasy online game’. Raise your hand kung meron.”

Muntik na akong mapasubsob sa narinig. Sa lahat pa naman itanong ay `yon pa! parang hindi ko nagugustuhan ito ah.

Lahat ng mga kaklase ko ay iniangat nila ang kamay. Ako lang ang hindi dahil ayoko malaman nila na naglalaro ako niyon kahit na naeenjoy ako sa paglalaro.

Sa akin tumuon si sir.

“Mukhang ikaw lang ang walang account niyon.” Sabi niya.

“Abala po ako sa pag-aaral at wala po akong panahon na maglaro ng mga online games, sir.”

“Oh I see pero dito sa klase ko ay kailangan may account ka niyon dahil para makagawa ka ng mas epic na fantasy movie, Ms. Ricamora. Nasabi ko na noong first day niyo palang dito sa klase ko. Every student is required to have a account in FOG. Okay lang na hindi ka active doon.”

Aba, tinuturuan niya ang mga studyante na maglaro ng games! What kind of a teacher are you? B.I siya! “Eh pano iyan sir? Wala akong account eh.”

Bumingisngis naman ang lahat sa narinig nila sa akin. Cool! Ginawa na nila akong clown!

“If you don’t want your grades decrease I suggest you should make one.” Walang gatol na suhestiyon niya sa akin.

Naku naman! Anong gagawin ako? May account nga ako ngunit malaki na rin `yong level ko at baka magtaka sila kung bakit level 50 na ako. Impossible naman ako magiging level 50 sa iisang araw!

“E-eh s-sir hindi ko naman alam kung pano maglaro niyon.” Palusot ko. Bahala na maging katatawanan na ako ng mga classmate ko.

“Then let Mr. Ethelbert teach you.”

Hindi ko mapigilan na mapanganga sa sinabi niya. Tinapunan ko ng tingin si Cross na natutulog lang sa sulok ng silid aralan naming. Teka, bakit siya ay hindi pinapagalitan ni sir? Natutuloy na siya sa klase ah!

“But why him?!” mahinang usal ko. Nagkita na kami sa game at kapag naisipan niyang magkita kami doon sa FOG ay sigurado ako na madidiskubre niya ang sekreto ko!

“You know the answer why, Ms. Ricamora.”

Hindi ko mapigilan na kagatin ang ibabang labi ko. Pano na ang future ko nito? Baka tanggalin lahat ng benefit ko dito sa school ng may ari ng school na ito. Baka tanggalin ako ng scholarship nito!

“Narinig mo ba ang sinasabi ko, Cross?”

He open his eye at nagtama ang mga mata namin. Bigla ako nagbawi ng tingin sa kanya. Gising pala siya? Akala ko natutulog siya sa klase!

“I got it. I’ll help her.”

“Good. Isama mo na din siya sa magiging grupo mo.”

Tumango lang si Cross. Pagkatapos niyon ay isinulat na nang guro naming ang mga requirement at kung kalian ang deadline. At binigyan niya kami ng oras para bumuo ng grupo. Hindi pa nga kami nakapag-usap ay madami na ang gustong mapasama sa grupo naming. Siyempre, hindi sa akin ang dahilan kundi kay cross. Mostly na gusto sumali sa amin ay mga babae pero `ni isa sa kanila ay hindi pinansin ni Cross. Tumayo siya at lumapit sa kinauupuan ni Jake.

Kinabahan na ako niyan! Sana naman po mali ang iniisip ko!

“Jake, want to join my group?”

“Sure pare!”

Close sila? Bakit hindi ko ata pansin iyon? Ngek!

Ilang minute pa ang nakalipas ay nakabuo na kami limang membro. Kahit na nasa tabi lang nila ako ay hindi nila ako pinapansin. Okay lang. Sige lang. Sanay na ako. Ha! Kung ayaw niyo sa akin mas lalo naman ako. Gumawa na kami ng plano para gumawa ng short film movie.

Tatlong lalaki at dalawang babae kaming lahat. Si Raze Marquez ang magsusulat ng script namin at si Abegail naman ang bahala sa pag-edit ng video at ako naman ang bahala sa larawan naming lima. For your information ay walang excemption sa amin. Kailangan kaming lahat ang maging actor and actress sa short film.

“Teka. Bakit si Ethelbert at si Junior lang ang walang gagawin?” hindi ko maiwasan na magreklamo.

“They’re the main character of the story.” Sagot ni Abegail.

Namilog ang mga mata ko. Hindi dahil lang sila ang main character kundi ay kay junior. Gusto ko tumawa sa narinig pero pinigilan ko na lang. Shet! Siya maging main character? Nagpapatawa ba sila?

Siguro nagtataka kayo `no? kasi naman po noong bata kami meron kasing role play sila noong intrams at dahil nga cute siya noong BATA pa at MUKHANG anghel ay siya ang ginawang main character at humaglpak ako sa tawa dahil nga ang panget nang acting niya.

“Hindi ako makakapayag.” Walang gatol na sabi ko sa kanya. Lahat silang apat ay napatingin sa akin. “Kung hindi niyo alam ay uulan ng dugo dito sa school natin kapag ginawa niyong maging main character si Jake jr.”

Na-gets naman ni Raze `yong ibig kong sabihin kaya naman gumalaw `yong bibig niya na para bang pinipigilan niyang tumawa.

“At hindi rin ako makakapagyag na walang trabaho si Ethelbert.” Dugtong ko. Kumunot ang noo niya. “Kahit na anak siya nang may-ari ng school na ito at whatsoever na nagawa ng ama niya ay hindi ibig sabihin niyon ay magagawa na niya.” Nagpakawala ako ng hangin.

Hindi makapaniwala na tiningnan ako ni abegail. Napapailing naman si Raze na para bang may sinabi ako na hindi dapat.

Marahang sinulyapan ko siya at nakita ko na dumilim `yong mukha niya at ngitian niya ako na para bang nakakamatay.

“Ba’t hindi na lang natin isali natin `yong pagturo ko sa`yo kung pano laruin ang FOG?”

Lumunok ako nang ilang beses.

Pagkatapos ng klase sumama ka sa akin para naman wala kang maereklamo sa akin.”

“Hahaha! Gusto ko iyang iniisip mo, pare! Tutulong na din ako para wala na din iyan ereklamo sa akin.” Sumingit si Jake sa usapan na mukhang naiinis ata sa sinabi ko. Eh totoo naman eh!

Agad-agad?! Nadagdagan ang suliranin ko! Jusko!


***
Kinakagat ang kuko ko habang pabalik-balik lang na naglalakad sa harap ng mesa ni suzette. Tumakas lang ako saglit kanina noong pagkatapos ng klase naming. Nag-excuse ako kanina sa kanila na tinatawag ako ng kalikasan kaya kailangan ko mag-cr kahit na hiyang-hiya na ako sa pinagsasabi!

“Anong gagawin ko suzette? I really don’t want them to know about this!”

Inaantok na tiningnan niya ako. “Your problem is simple.”

“Simple?!”

“Yeah! Pwede mong hindi gawin ang project and let your grades decrease. Just make sure na maperfect mo ang lahat ng exam then wala ka ng problema.”

“Easy for you to say dahil graduate ka na at wala ka ng alalahanin sa grades. Alam mo naman na kailangan ko mae-maintain na mataas ang grades ko para hindi ako tanggalan ng scholarship.”

Matiim na tiningnan siya. At tila ba nasa malalim na siya ng iniisip. Ilang minute ang nakalipas ay nagsalita na siya. “Just pretend na low-level ka.”

“Pwede ba `yon?”

Hindi mapakaniwala na tiningnan niya ako. Bakit ba ngayon gabi ay parati ako nakakatanggap nang ganoon expression.

“Hindi ka ba nagbabasa ng guideline?”

“Hindi.”

“Hay! Kaya pala eh! Tingnan mo sa setting then e-private mo ang status mo! Leche! Inistorbo mo lang pala ako sa wala!” Tumayo siya at pumunta sa likuran ko. Tinulak niya ako palabas ng office.

“T-teka l-lang!”

“Bumalik ka na doon. Madami pa akong inaasikasong papeles.”

Pinasok ko ang paa ko sa loob para mapigilan ang pagsara niya subalit imbes na tumigil sa pagsara ng pinto ay itinulak pa niya yun at napahiyaw ako sa sakit. Hinila ko ang paa ko at hinihipan. Ang sakit!! Ang sama talaga ng matandang iyon! Kaya siguro kahit nasa late twenties siya ay wala parin naging boyfriend ito!

“Nandito ka lang pala!” Malakas na sabi ni Cross nang makita ko siya na naglalakad patungo sa akin. “May balak ka bang tumakas, ha?”

“Hindi ah!” Malaking pagtanggi ko sa kanya. Hindi naman ako tatakas kahit na isang malaking pagkakamali sa akin na makipagkita sa kanya at nang iba pa naming kagroup sa online game.

“If that’s the case then we are leaving! Hindi sa lahat ng oras ay naghihintay ako! Maswerte ka lang dahil nakiusap sa akin ang guro natin na turuan kita.”

Hinablot niya ang kwelyo ko at hinila lakad. Napaaringking ako na ikinatigil niya. Nakangiwi na tiningnan ko siya. Bumaba ang tingin niya at napansin niya ang pamumula ng binti ko.

“Tsk!” Tinalikuran niya ako at naglakad. Oh ha? Akala ninyo tutulungan niya ako? Hindi `no. kagaya ng nabalitaan ko hindi talaga gentleman ang ugok na `to. “Umuwi ka na muna.”

“Ha?”

“Hindi mo ba ako narinig. Bukas na lang natin itutuloy. Tinatamad ako ngayon.” Humikab siya at nagpatuloy na sa paglalakad palayo sa`kin. Kinamot ko ang ulo sa pagtataka. Kanina lang ay atat na umuwi para turuan ako at ngayon naman ay pinapauwi ako! oh well, okay na din `yon para makapaghanda ako.

Umuwi na nga ako at nakita ko na naman si Agatha na nagtatangka na pumasok sa bahay ko. Napapailing na lumapit ako sa kanya at kinurot ang gilid nito kaya naman ay napatili siya.

“Misha naman eh!”

“Heh! Misha ka diyan! Ilang beses na ba kita sinabihan na huwag na huwag ka magtatangka na pumasok na alam mo naman na walang tao sa bahay. Mapagkamalan ka pa na magnanakaw! Anong ginagawa mo dito?”

“Makikitulog?”

“No you can’t.”  Lalo na may balak akong maglaro ngayon. Baka malaman mo iyon. “Kaya umuwi ka na.”

“Ang sama mo!”

“Masama na kung masama. Hala uwi!” pagtataboy sa kanya. She stuck out her tongue tingnan mo parang bata `to. Bigla ko naalala iyong nangyari sa kasalan. “Uh, nga pala. Kamusta naman ang hubby mo sa game?” Hopefully ay nilubayan ka na ng lalaking iyon.

Napabusangot siya. “Huwag mo na nga ipaalala sa`kin iyon. Dahil sa nangyari noon ay wala ng mangyayaring kasalan. Bwisit talaga iyong Demoness na iyon! Kapag nakita ko siya ay pababalikin ko siya hanggang level 1!”

Napangiwi ako sa narinig. Ganun ba talaga kasama ang ginawa niya? Pero tama naman iyong ginawa ko dahil kung natuloy pa ang kasal na iyon ay baka magsisi ang kaibigan ko kung bakit pinakasalan niya ang prince-the-jerk.

“Baka naman may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyon.” Wala sa sarili na nasabi ko iyon. Tinitigan niya ako.

“Alam mo kung hindi ko lang alam na wala kang hilig sa paglalaro ay baka naisipan ko na ikaw iyon si Demoness.”

Muntik na ako mabuwal sa pagkakahawak ng Gate. “B-bakit mo naman nasabi iyan?” Akala ko ba walang makakilala sa akin dahil anyo ko?

“Kasi magkaboses ka`yo ni Demoness eh. “ ay ganun pala.  Kailangan ko ata mag-practice na iba iyong boses ko. “Oh siya. Makaalis na nga. Basta huwag kang iiyak sa kwarto mo dahil mag-isa ka lang—pero hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?”

Umiling ako.

Pumasok na ako sa bahay ng makaalis na ito.  

Nilock niya ang pinto at inilagay ang bag sa couch. Kumain muna siya ng instant noodles at pagkatapos niyon ay pumasok na sa kwarto para maglaro.

***
Mukhang hindi online ngayon si Archilles kaya naman ay naglibot-libot na lang ako sa Rackuel Village para maghanap ng Quest. But sad to say ay walang quest na babagay sa aking level kaya naman ay umalis muna ako doon sa isla at pumunta sa Sun City, kung saan ako nakagawa ng gulo pero wala akong pinagsisihan doon dahil bagay lang naman sa prince na iyon ang nangyari, he doesn’t deserve agatha’s attention.




Dinala ako nang teleportation Scroll sa malapit sa fountain at naglakad para humanag ng Quest.

Tumigil ako sa harap ng malaking bulletin board kung saan nilalagay ang General Quest. Nandon din ang poster ko. Kinuha ko iyong papel na kulay pilak at binasa iyon. Ayon sa nakasulat ay may ipa-deliver na sulat lang naman daw.  Ayos ito na lang. Naglalakad ako patungo sa Silangan bahagi ng Sun Central. Makikita ko daw doon si Arlika na magbibigay sa akin ng sulat at e-deliver sa kung sino man NPC na iyon. Habang naglalakad ay nahagip ng paningin ko ang isang grupo.  Isang babae at tatlong lalaki na nag-uusap. Namilog ang mata ko dahil nakilala ko ang apat na iyon! Sa lahat ba naman ng mga tao ang makikita niya ay ang apat pa iyan. Nakakunot ang noo ko na makita ko si Cross. He was not the same cross na nakita niya noon.  Pale white na parang hindi nasisinagan ng araw ang balat nito, red eye and he is diffinetly not wearing a hanbok! Para itong isang bampira kung tutuusin kesa human race!

“What the hell?” Usal ko at agad na tumalikod ng mapansin ko na sumulyap ang dalawang lalaki sa akin at naglakad palayo doon. Tiningnan ko ang hologram na map at tiningnan kung may daan pa ba papunta sa bahay ng Arlika maliban kanina. Meron naman akong nakita ngunit kailangan ko pa lumabas ng City at umikot patungo hilaga. May maliit na gate doon.

Sa paglabas ko ay on-guard dapat ako dahil baka may monster ang umatake sa akin. Sa gilid lang ako naglakad para makaiwas sa mga monster. Inilabas ko si Toad sa inventory. Napaka-boring kasi na walang kasama. Tahimik lang si Toad at hindi umiimik. Nakapagtaka dahil hindi naman ganun siya napakadaldal nga niya kahit na isa lang itong NPC.

“Oh bakit ang tahimik mo ngayon?”

“Dahil wala ka naman tinatanong tungkol sa game maliban na lang diyan sa tanong mo.”

Oh great! Ang tahimik. Dahil malayo pa naman ang north gate kaya naman sumagi sa isipan niya kung may storyline ba ang game na ito. Imposible naman na wala `no?

“Fine. Since ang tahimik mo ngayon ay magkwento ka kung anong estorya ng game na ito.”

“Hindi sakop sa impormasiyon ko tungkol doon. Bisitahin mo ang site ng game para malaman mo.”

Awts.

Hindi na lang ako nag-komento at maya’t maya ay napansin ko na parang may mga matang nakatingin sa akin kaya naman ay nilibot ko ang paningin at hindi mawari kung totoo ba iyon o bunga lang ng imahinasiyon. Nang makarating na sa distinasyon ay kinausap niya agad ang babae na nagngangalan Arlika.

“Here, this is the letter that you should deliver to my lord, Erlon. He is located at southern Baruches. Becareful on your way in Baruches Island, I heard some rumors that it was spawn by strong monster so I suggest that you should bring your friends to help you. If ever you succeed delivering this letter to my lord, I will reward you and your friend.”

So kailangan palang party para sa Quest na `to. Damn it!

“Oh don’t worry I could take care of myself without the help of my friend.”

“You don’t understand, Demon Queen, Many adveturer tried to go there alone but they failed.”

“Oh Okay!”  Wala rin naman akong choice kundi pumayag na lang. Mabuti na lang at kahit pano ay nagkaroon ako ng kaibigan dito. Iyon nga lang ay si Arch lang.

Iniwan ko na siya at lumabas na ng Sun City. Pano ba ako makapunta doon sa isla? May teleportation ba papunta doon? “Toad, Pano ako makapunta doon sa Baruches Island? May teleportation scroll ba?”

“Wala. Tanging barko lang ang magagamit mo para makapunta doon. Para makasakay ka doon sa barko ay kailangan mo ng 300,000 Zen para makabili ng ticket.”

“300,000 Zen?! Saan lupalop ako makakahanap ng ginto? I only have one hundred thousand zen! At kailangan ko din bumili ng mga health potion! Letse!”

“Hindi ko na problema iyon.”

“Kung ganito naman kamahal ang pamasahe ay hindi ko na kukunin itong quest.”

“Pag-isipan mo muna bago mo gawin iyan. Tandaan mo kapag ganito kamahal ang mga gastusin mo para sa paglakbay ay malaki ang reward na matatanggap mo.”

Sinulyapan ko si Arlika na nakatayo lang sa harap ng malaking bahay at tinatanaw pa ako palabas ng City. Kahit na isa lang siyang NPC ay hindi ko maiwasan na maawa sa kanya dahil ang expression niya kasi ang napakalungkot na para bang inaasam na maging successful ang mission ko. Napaka-importante siguro sa kanya na mahatid itong letter kay Erlon.

Mukha din naman siyang mayaman kaya inalis sa isipan ko ang pag-abandona sa Quest na ito.

“Tsk. Oh sige na! gagawin ko na itong Que—Agh!“

Napaigik ako ng maramdaman ko ang matalim na bagay na tumama sa likod ko. Naramdaman ko ang mainit na likido na umaagos sa likod ko. Pakshet!

Syster: Player attack you.

Hindi isang monster ang umatake sa akin! Pero sino?!

Nilibot ko ang paningin ko pero wala naman tao sa paligid maliban sa mga low level monster. Kung wala sa paligid ay baka… nag-angat ako ng tingin at namilog ang mata ko ng makita ko ang isang lalaki, falling from the sky! Then he landed on the ground safely. Iyon nga lang ay bumaon ang lupa kung saan siya nag-landed.

“Tsk! Tama nga ang impormasiyon na binigay sa akin. Hindi ka madaling patayin, Demoness.”

Naningkit ang mga mata ko. Pamilyar siya sa akin kaya naman ay tinitigan ko ang hitsura niya ngunit hindi talaga ko talaga maalala kung saan ko siya nakita. His jet-black hair was slightly long, at ang chinky eye, matangos ang ilong ang well angle jawlines. May nakaguhit ng kung ano sa pisngi nya, Tattoo ba iyon? No, I am sure that it wasn’t just a simple tattoo dahil lumiliwanag iyon. And her instinct is telling her to escape from this dangerous man.

“Sino ka? Alam mo ba na bawal umatake sa isang player?!” Kinuha ko sa bulsa ang maliit na botel na laman lang naman ay health potion. I need to recover my health or else I’ll be doom!


“Persona’s my name and I’m here to capture you.”

Shet. Gusto ko sakalin si Suzette sa sinabi niya na walang makakilala sa akin!

“B-bakit?” Pagmamaangan ko.

“Bakit? Dahil nasa listahan kita. Malaking pera na nakapatong sa ulo mo!” Umayos siya sa pagkatayo at tiningnan siya. Nakakunot ang noo niya na lumapit sa akin. Bahagya pa akong napaatras sa ginawa niya. I gasp when he held my chin at tinaas ang mukha ko.  Tiningnan niya mabuti ang mukha ko left to right. Asar ang lalaking ito ah. Pinalis ko ang kamay niya at dumistansiya sa kanya. Your not Demoness.” Nakabusangot sa sabi nito.

Phew. Akala ko ay deadbol na ako! bye scholarship and school na ako `pag nagkataon! Humalukipkip na tinaasan ko siya ng kilay. “Aren’t you going to say sorry after you mistook me to someone else?”

Kumunot ang noo niya. “That voice.” He said. “I knew it! Hindi ako nagkakamali ay kagaya mo din ng boses si Demoness. Tsk! Kung maloloko mo ako pwes nagkakamali ka. Ang mga magecian ay kaya din nila mag-disguise. Your coming with me.” Hinablot niya ang braso ko at bago pa ako makapag-react ay isang iglap ay nasa loob na ako ng Sun Central City.

Shit! Sana nag-practice muna ako na ibahin iyong boses ko!

“Let go of me jerk! Hindi ibig sabihin na magkaboses kami ng Demoness na iyan ay ako na! I saw her poster at masasabi ko lang doon ay hindi kami magkamukha! Blue ang mata ko at sa kanya ng red! She’s a blonde woman and I’m not!”

“Oh shut up woman! If you thought that you can just decieve me ay nagkakamali ka! Hala punta na tayo sa presinto. Huwag kang mag-alala, months lang naman na ma-ban ka dito sa game. It’s not like you can’t play or worst ay baka pabalikin ka nila sa low level.”

Nagpumiglas ako pero napakalakas niya. Kung hindi lang nasa game ay baka nakatikim ito ng karate sa akin eh!

“Anong kaguluhan `to, Persona?”

Familiar ang boses nito nang lumingon ako ay si Cross iyon.

“Cross, buddy! Wala naman gulo dito. I’m just going to take her on jail and get my reward.”

Napalunok ako ng ilang beses. Ang boses kasi nito ay napakadominante at ang tindig niya ay nagsasabi na huwag na huwag siyang kalabanin.  He really looks like a vampire! Kapag bumubuka kasi ang bibig nito para magsalita ay napapansin ko na may pangil siya.

“She looks like Demoness.” Komento niya na parang ngayon lang siya nito nakita kahit na nagkita na sila nagdaang araw. He even save me from the bad guys!

“Yo! Nagkita uli tayo!” Sabi ko naman sa kanya. Hopefully na matutulungan niya ako. “Sabihin mo nga sa lalaking ito na hindi ako si Demoness. Kamukha ko lang siya but I am not her.”

“Magkakilala kayo, Cross?”

“I believe na ngayon ko lang siya nakita. Bitiwan mo na nga lang iyan, Persona. Tingnan mo nga ang data niya para malaman mo. Her name’s Demon Queen not Demoness at isa lang siyang low level.” Hindi ako makapaniwala. Ngayon lang niya ako nakita? Sure siya?!

Ginawa naman ni Persona ang sinabi ni Cross at chineck ang data ko. Natigilan siya at sumimangot na binitwan ang braso ko.

“Darn.”

Hinihimas ko ang braso. “Anong sinasabi mo na ngayon lang tayo nagkita?” Kumunot ang noo ni Cross.  “Hindi mo ba natandaan na nagkita tayo sa Rackuel Island. You even save from the bad guys or did you just forget?”

“Wala akong matandaan sa pinagsasabi mo, Miss.”

“hehehe! Baka naman isa iyan sa mga naging babae mo, Cross.” Lumapit sa amin si Abegail, Walang gaanong nagbago sa hitsura niya kaya madali lang siya makilala.

“Babae niya?!” Namilog ang mata. “For your information, hindi niya ako naging babae! Hindi ako nagsisinungaling kung iyan din ang iniisip ninyo. Hindi ko alam kung pano mo nagbago ang appearance mo pero sigurado ako na ikaw iyon! Your name’s Hedike, a human race….” Natigilan ako.  

“Hindi naman human race si Cross eh. His a vampire, a vurdalak. At Cross ang pangalan niya.” 

Kinagat ko ang hintuturo. Hindi siya iyong nagligtas sa akin? Hindi siya iyong pervert na lalaki? Pero magkamukha silang talaga! Kung ka-look a like niya iyon eh bakit sobra naman ata ka-look a like?!

“oh never mind. Magkamukha lang siguro sila. If you’ll excuse me aalis na ako para pumunta sa Baruches Island.”

“baruches Island? Bakit doon ka pupunta kung level 55 ka lang? Don’t you know that all the monster there ay mga level 80? Isang tira lang ay patay ka na.” Sabi ni Abegail. “Ba’t hindi mo samahan si Demon Queen sa kanyang paglalakbay, Persona? Para naman makabawi ka sa ginawa mo sa kanya na pinagkamalan mo siya na si Demoness.” Nakangising sabi ni Abegail

Nagpakawala ng hangin si persona at napakamot sa ulo. “Sabihin mo gusto mo lang masolo si Cross. Cross, buddy, sasama ka naman sa`kin di ba?” Inakbayan ni Persona si Cross na seryoso na nakatingin sa akin. “Tsaka hindi ka ba naku-curious sa ka-look a like mo…” May binulong ito kay Cross then nagdagdagan ng gatla sa noo niya.

“Fine. I’ll go with you—Nymph, samahan mo si Raze. Tulungan mo siya sa trabaho. Kailangan matapos na iyang script next week para makapagsimula na tayo sa paggawa ng film.”

Tumalikod na ang dalawang lalaki at iniwan si Abegail na naka-pout ang labi. Napakabilis nangyari.

“tatayo ka lang ba diyan o susunod?” malakas na sabi ni Cross.

“Ah teka! Wala akong pera para pambili ng ticket at may kaibigan pa ako na sasama, hindi ko lang alam kung kelan siya magiging online.”

Humarap ang dalawang binata sa akin.

Familiar talaga sa akin ang lalaking kasama ni Cross eh! Saan ko ba siya nakita?

“What the ef--“ Dahil sa nangyari ay na-postpone ang pagpunta namin doon sa isla dahil kailangan ko daw mag-ipon muna ng pera bago pumunta doon. Kailangan ko din sabihan si Archilles kaya naman ay nag-iwan na lang ako ng message sa kanya tungkol sa quest.

Sina Persona at Cross naman ay nag-log out dahil may gagawin pa raw ayaw ng mga ito na mag-aksaya ng oras sa kakahintay sa akin. Ini-add nila ako as a friend sa listahan nila para maka-usap ko. Jerk.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^