Monday, July 15, 2013

Fantasy Online Game: Chapter 4


Fantasy Online Game
Wedding's Battle!
Misha Ricamora's pov


Pumasok ako doon sa loob. Hindi ko inaasahan na madaming dadalo sa kasal. Siguro ang iba sakanila ay kagaya ko na manonood lang ng kasal. Pumwesto ako sa malayo at hindi makikita ng kaibigan ko. Nakita ko na naglalakad siya sa aisle at nakangiti na nakatingin sa kanyang groom. Hay, parang totoo talaga iyong kasal niya.



Habang pinapanood sakanya ay sinulyapan ko ang dalawang babae na mukhang hindi nila gusto ang nagaganap.

"Bakit ba niya ako inimbita sa kasal?! Ako dapat na nasa altar kasama ng Prince Earl!" sabi ng babae na na isang Elf.

"Huwag kang lumikha ng gulo dito, Celty! Tsaka laro lang iyan. Alam mo naman na ikaw talaga ang mahal ni Prince." Shock ako sa narining ng human race na babae.

Siya ang mahal ni Prince Earl? Bakit pakakasalan ni Prince si Agatha kung mahal niya si Celty? I don't like what i'm thinking. 

"Kuh, obvious naman na pera at reputasiyon ang habol niya kay Natasha Knightling. Hay, fine. Tatahimik na ako. Makikinabang rin naman ako sa pera na mahuthot niya sakanya eh. I could a high class gear and etc."

Tumawa pa sila. Shet! Piniperahan nang hinayupak na iyon ang bessy ko?! Kahit isang laro ito ay wala silang karapatan na lokohin siya! Kawawa naman ang best friend ko. Mukha pa naman na in love siya sa ungas na iyan! Kailangan ko itigil ang kasal kung hindinay baka lahat ng pera sa inventory niya ay maubos kapag kasal na sila.

Guide: married people can share their things or money to their partner.

Pero ano ang magagawa ko? One versus all of them? Hindi kere! Pero baka ang kataas taasan ay may solution. Bago ako tumawag sa higher up ay lumayo muna ako sakanila. Pumasok ako doon sa confession room. "System!" lumitaw ang hologram at pinindot ko ang friendlist.                               

Demon Queen's Friendlist

1. HIGHER MANAGEMENT

Oo na! Ako na ang kawawa! Wala akong friend dito maliban kay big bro (referring to higher up mgt.)
Pinindot ko ang name din may lumitaw na naman.

Message
Call
Whisper
Video call
Remove from friendlist
Block the user

Pinindot ko iyong video call. Note, ako lang ang meron niya kesa sa mga ibang player dahil narin siguro hidden GM ako. Mabuti na lang ang bilis ng loading

100% done!!!

Lumitaw sa hologram ang isang lalaki. Madilim ang lugar kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Boss! Ask ko lang kung pwede mo ipatigil ang kasal kasi nalaman ko na mga scammer pala iyong groom. Hindi ko naman sila pwede labanin dahil low level pa ako. Bilisan mo lang ha?"

"Tsk! Why doncha fight them all by yourself, idiot!" Mukhang bagong gising kahit na hindi ko nakikita ang mukha.

God, pwede ko ba sapakin itong lalaki?  "Ang dami kaya nila! Tsaka bingi ka ba? Sinabi ko sayo low level ako. Hindi ba sinabi ni bossing na e report ko kung may bug or scammer? So heto na!"

Bumuntong hininga pa siya bago may tinitipa siya sa malahiganteng computer. "Ikaw na ang bahaka sakanila. All i could do for you is to make your level higher temporarily. I could also give you a special attack kahit ang mga high levelndiyan ay matatalo mo. Meron din akong nilagay sa inventory mo kaya tingnan mo."

Ginawa ko naman angbinutos niya sa akin. "System!... Inventory!" nakita ko sa inventory ko iyong parang papel. Sinagot na niya angbmga katanungan ko sa isipan.

"Isa iyang Mage Scroll. Kung gagamitin mo iyan ay pwede ka maging isang magecian temporarily. Malaya ka na gamitin ang skill niyan. Ah, kung hindi momalam kung pano gamitin ay simple lang ang gawin mo punitin mo"

"Pero.."

"Sigh... Kung hindi mo bilisan ay baka huli ka na. Oh well, laro lang naman ito kaya walang prob..."

Sukat na marinig ko ang sinabi niya ay daling-dali na in-end video call. Mabilis na kinuha sa inventory ang scroll then pinunit ko iyon. Naglabas iyon ng kakaibang liwanag at naramdaman ko na mas lalo akong lumakas kesa noon.

Yosh, kailangan ko magpalit sa totoo kong anyo. Naka-human race in disguise kasi ako. Tinubuan ng buntot ang likod ko at ang blue green eye ay naging pula. Kuko na naging matulis na may red manicure. At ang itim

na buhok ay naging kasing kulay ng ginto.

"...Natasha Knighking, do you take as your lawful..." Hindi na ako nagpaligoy pa at mabilis na lumabas sa confession room at sumigaw.

"Itigil ang kasal!!" Shet, para akong babae na inagawan ng nobyo at gustong itigil ang kasal.



Agatha/Natasha Knightling's POV

Umugong ang malakas na bulongan sa loob ng simbahan ng may isang babaeng sumigaw.

"Itigil ang kasal!" a demoness girl shouted.

Naglalakad siya sa aisle patungo sa amin. Napakapit ako sa braso ni Prince. Isa ba itong fan ni Prince at totol sa kasal namin?

Lagpas sa balikat ang kanyang buhok na kasing kulay ng ginto. Kahit na nasa malayo pa siya ay halatang maganda ang babaeng ito kahit ang mga lalaki dito sa loob ay gusto siguro makuha ang attention niya pero walang nagtangka dahil narin sa aura niya.

Halatang nasa high level na ang babaeng ito.

Pero pakialam ko? Nakakainis! Sa lahat ba naman guluhin ay sa kasal ko pa!

"Kilala mo ba siya, Prince?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ko siya kilala." Sagot niya. Ahh... Baka fan girl.

"Miss." Simula ko. "Kung trip mo lang ng manggulo pwede ba umalis ka."

Nameywang siya at napabuntong hininga. "Sa tingin mo. Lilikha lang ako ng gulo dito sa harap ng madaming tao? Seryoso ako. Dapat hindi mo siya dapat pakasalan!"

Tama ang hinala ko. Ayaw niya makasal si Prince dahil gusto niya ito!

"Tumahimik ka! Magpapakasal kami sa ayaw mo at sa gusto!" Naiirita na ako sa babaeng ito. Alam ko na wala ako panama sa physical na anyo kesa sakanya pero hindi ibig sabihin niyon na papayag na ako na hiwalayan si Prince.



Misha's POV

Gusto ko na talaga paulanan ang best friend ko ng mura sa inis.

Sorry, lord, at napakasama kong babae dahil dito pa talaga ako sa simbahan na lumikha ng gulo.
Kinuyom ko ang aking kamay at masamang tiningnan ang lalaki. Mukhang hindi pa niya alam na alam ko ang plano niya. Damn him! 

"Mas makakabuti na huwag mo na siya pakasalan, babae. Dahil ikaw rin ang magsisi sa bandang huli kahit na isa lamang itong laro." Sabi ko sakanya. Mukhang mahal na mahal niya ang lalaki talaga! Akmang susugod siya sa akin. Mabuti na lang at pinigilan siya. Mabuti na rin iyon dahil hindi ko rin alam kung anong gagawin ko kung mangyari iyon.

"I don't know who you are and it seems that you are not one of my fan girls." Sabi ni Princey Prince.

"You got a point there, Mister incey wincey princey. At huwag mo na rin tanongin kung balit desperada ako na matigil itong kasal dahil baka masira ka" Nakuha naman niya ang pinapahiwatig ko sakanya. Kitang kita ko ang pagkuyom ng kamao niya.

Inalis niya ang kamay ni Agatha sa braso niya at tinaas ang kaliwang kamay. May mga kumukutitap na liwanag sa paligid at kinokolekta niya iyon patungo sakanya g kamay at bumuo iyon ng isang spear.

Uh-oh mapapasubok ata ako nito.

"Wala na akong magagawa kundi ibalik kita sa Rebirth Point dahil ikaw naman ang nagsimula nito."

REBIRTH POINT? Naku! Ayokong mamatay. Ang sakit kaya niyon. Almost 100 percent ang sakit na maramdaman ko kapag mamatay ako dito! Bawas pa sa experience ko. 

Naririnig ko pa ang pag cheer ng lahat sakanya.

"Bring it on!" namemorize ko na ang mga skill ng mage pero... Iyong mga ultimate skill ng mage ay hirap ememorize. Hindi ko nga din mabasa eh dahil ibang lengwahe ang ginamit.

Sumugod siya at ako naman mabilis na umiwas. Wew, mabuti na lang talaga at nanonood ako ng mga action movie. Inilabas ko sa inventory ang magical staff at sinangga iyon sa espada niya.

Napakalas niya. As expected sa isang swordsman.

Tumawa siya. "Your pretty good for a mere mage."

I just smirk. Itinulak ko siya ng malakas and jerked away from him. Humihingal na nakafighter position. Shet, nakalimutan ko na hindi naman physical combat ang isang mage kundi magic! Itinaas ko ang staff at pinapaikot sa ere.

"Creature I summon you!!!"

Hindi ko alam kung anong halimaw ang tinawag ko basta lang madidistract niya si Prince Earl habang ako ay abala sa pagchant ng spell.

A huge magical circle appeared in a mid air at naglabas ng nakakasilaw na liwanag. Lumabas doon ang malaking tao na nakasuot na itim na cloak at napakalaking scythe.
Isang malaking death reaper!! Chineck ko ang status niya.

Reaper lvl 60
Health: 15000/15000
Mana: 2000/2000
Stregnth: 40000
Critical: 50%

Last long for only five minutes.

"Reaper!" Tawag ko. Bigla naman siyang lumingon sa akin. "Pigilan mo siya habang sa makaka5a mo. Kailangan ko pa ng ilang oras para matapos ko ang chant."

Iniwagayway na lang niya ang kanyang matulis na scythe sa ere at tinutok ko Earl.

"Cool! Ngayon ko lang ako nakakita ng Giant Reaper kung ikompara mo sa ibang Demon mage ay hindi kasing laki ng sayo ang iba."

"Genius kasi ako." Nakangising sabi ko.

Sumugod siya pero dinipensahan ako ni Reaper at silang dalawa ang naglalaban.

Hm... Anong klaseng attack ang kailangan ko. I look around and saw that peer was planning to attack me. Hindi ito maganda kaya naman tiningnan ko ang skills ko na pwede ko ma-mob ang lahat ng player dito na magtatangka atakihin ako.

Pinili ko ay ang poison mist. It said in the guide book na ito daw na klaseng skill ay kayang magpatumba ng lahat na kalaban-

Oh, great. Nandito ako sa magulong sitwasiyon dahil lang sa gusto ko iligtas ang kaibigan ko sa kamay nang hinayupak na Earl na iyan! Nakita ko na ilang hit na lang sa reaper ko ay mamatay na iyon kaya naman ay agad ko ginamit ang skill na iyon. I don't have choice but to use it because, right now, the whole bunch of player is headed towards me!

"Poison Mist!" I raise my magical staff over my head at naglabas ng maliit na liwanag.  A demonic magic circle appeared Beneath my feet. A cloud form above us at nagsimulang umambon. Nakakatwa, hindi man lang ako nabasa kahit kunti at ang mga player dito ay nagsitakbuhan palabas ng simbahan.  ang iba naman ay bigla na lang natumba at bumubola ang bibig. Afterward, they became a light pillar that it passed through the ceiling.

System: Demon Queen killed jac jack, greatest fighter ever, dragona, megamind, superlight and etc!

Narinig ko Earl na tumatawa. Hindi siya naapektuhan sa ambon na may lason. Oh, baka may amplifyer siya na nakapag-immune ng lason kaya ganun? Or maybe not. Lumakas na kasi yung ulan at nabasa na ito baka iniinda na lang niya ang nararamdaman niya.

Kami na lang dalawa nandito. Mabuti na lang at nilisan na ni Agatha ang lugar na ito.

I gave him a deadly glare.

"Anong nakakatawa?!"

"Dahil sa ginawa mo ay lumikha ka lang ng maraming kalaban mo. Idiot."

May punto siya dahil sa ginawa ko ay isa na akong criminal dahil nasali ko ang mga inosenteng tao pati na din iyong mga tsismoso at tsismosa. Paniguradong sa susunod na araw ay nasa wanted list na ako. Bakt ko nasabi iyon? Hindi kasi PvP mode eh.

Dapat ako ang hero dito pero parang napalabas ata na ako pa iyong masama. Bumuntong hininga at tumalikod na sakanya. Halata na hindi na niya kayang lumaban at nakikita ko ang health bar niya na bumaba na rin.

"Cough!" umubo siya nang dugo. "Saan ka pupunta?! H-hindi pa tayo tapos!"

"Earl!" bumalik si Agatha at sinalo niya si Earl na muntikan ng matumba. Binigyan niya ako ng matalim na tingin. Hindi ko gusto iyon. Ginawa ko lang naman ito para iligtas siya sa kamay ng

hinayupak na iyan. Ako pa tuloy ang nagmukhang masama. Bahala na nga! Laro lang ito pwede ako tumigil sa paglalaro ng games na ito at magpatuloy na lang sa dull kong buhay. "Are you okay?"

"I'm fine mawawala lang itong lason paguminom na ako ng gamot. Dapat umalis ka na rito." playing as a mister goog guy, huh? Then, i'll play along with your game. For now i will play the role as a villain.

Nagsimula na ako maglakad nang tinawag ako ni Agatha. "Bakit mo ba ito ginagawa, ha? You just ruined my wedding! And you even hurt my friends and my fiancee! Sino ka ba? May ginawa ba kaming masama sa'yo? Base na din sa pakikitungo mo kay Earl ay mukhang wala ka naman interest sakanya!"

I hold a grip. Kahit na siguro laro ito ay sigurado ako na hindi naman niya ako paniniwalaan. Mabuti na lang at hindi niya alam na ako ito. Huminga nang malalim at lumingon sakanya. I look at her coldly and gave her a triumphantly smile"Want to know the reason, girl? I just want to show everyone that i am stronger than you." 

Mabuti na lang at binasa ko sa site kung sino ang nagta-top na pinakamalakas na player dito sa game. Top 20 si Agatha o mas kilalang Natasha at si Earl naman ay top 15.

I turn around and start walking away from them. I wave my hand. "Call me 'Demoness' the queen of darkness. Hmm... If you want to avange your lover then look for me and get stronger. I might consider you as my rival. "

Kinuha ko sa inventory ang teleportation gem. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito sa madaling panahon dahil mukhang mawawala na iyong bisa na binigay ni boss. Kapag malaman nila na vagrant palang ako at nagsisimula palang ay baka kung anong gawin nila sa akin.

UNKNOWN POV

Madilim na kwarto; maraming naglalakihan monitor.

At parang dinaanan ng bagyo ang kanyang kwarto ay nandon ang isang lalaki na nakaipo sa harap ng malaking monitor. Pinapanood niya ang mainit na labanan sa loob ng simbahan. Nang matapos na ang laban at madaming namatay na player ay nadismaya siya dahil hindi man lang umabot ng 30 mjnutes ang laban. Pinapaikot niya ang sariling swivel chair at lumipat sa laptop.
May namumuo idea siya. Nagsimula na siyang magtipa sa keyboard.

This is going to be fun!






2 comments:

  1. YEs mbbSa q n riN itEy,, wELcuM bAck pO aTey sOrcereSs pRincess,,, sbRaNg nMiss kitA at updAtes Mu,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^