Thursday, June 20, 2013

The Killer: Chapter 8



Yumuko sya dahil may kinuha sya sa pantaloon nya ng Makita ko kung ano yun, isang patalim na hawak nya kagabi. Hinawakan nya ung lubid at pinutol nya yun.
“w….w-wag mong gawin yan”sigaw ko habang sinusubukang makawala sa pagkakatali sa puno.
Kaya ba nya tinanggal ung nakatakip sa mukha ko para iapakita sa harap ko mismo kung paano nya patayin si Janel? Ang sama nya. Tumilansik sa akin at sa buong paligid ung dugo ni Janel. Pagkatapos lumapit sa akin ung mamamatay taong ito dala ang hilahila nyang baseball bat at sinimulan nya akong paghahatawin sa buong katawan binali nya ung binti ko tapos may kinuha sya sa likod ng puno kung saan ako nakatali nung Makita ko umg hawak nya….isang palakol nanalaki ung mata ko ng makita kong ihahataw nya sa akin sa bandang leeg ko.


(Tricia POV)
Napansin kong kami na lang ni Nathan ang magkasamang tumatakbo dahil hindi ko na nakita ung dalawa sa likod  naming. Inumaga na kami sa pagtakbo dahil naligaw pa kami dahil hindi naming makita ung daan.
Nakarating na kami sa tinutuluyan naming na bahay. Pumasok na kami agad at dumirtso sa kwarto ni Martin para kuhanin ung susi sa likod ng pinto ng kwarto nya. Lalabas n asana kami sa tinutuluyan naming ng Makita naming may pilit na pinipihit ung doorknob dahan dahan kaming umatras palayo sa pinto at bumalik sa kwarto ni Martin. Binuksan ni Nathan ung bintana para malatakas kami pinauna nya akong makalabas tapos sumunod sya, narinig ko pang parang sinisira nun ung pinto para makapasok.
Tumakbo na naman kami ni Nathan papunta dun sad ala naming sasakyan pumasok kami sa sasakyan at sinubukan ni Nathan paandarin ung kotse.
“Nathan ano ba? Bilisan mo baka Makita tayo nun.”sabi ko habang natataranta na sa nangyayari.
“Teka nga….nakita mo na ngang ayaw mag start nito eh…..saka wag kang maingay jan mas lalo nya tayong mahahanap nyan dahil sa ingay mo.”pasigaw nyang sagot sa akin.
Ilang saglit pa nakita ko ng lumabas ung taong nakita naming kagabi at naikta ko ung nasa kamay nya may dala syang palakol na may dugo pa at sa kabila naman ng kamay nya may bitbit syang……tinitigan kong mabuti dahil hindi ko masyadong Makita kung ano yun. Nang Makita ko na bumilis ung tibok ng puso ko dahil nakitako ung pugot na ulo ni Martin hindi ko napigilang tumili sa takot ng Makita ko yun, kaya napatingin si Nathan sa akin tapos tiningnan nya rin kung ano yun. Kaya  hinagis sa amin ung pugot na ulo ni Martin at nagmadaling pumunta sa amin. Kami naman ni Nathan lumabas sa kotse para makatakbo palayo.
Kumaripas kami ng takbo palayo naghanap kami ng ibang daan na mabilis kaming makakaalis sa lugar na ito pero ilang saglit lang napahinto kami dahil may mataas na bakod na hindi kami makakaakyat para makatakas.
“Nathan anon a gagawin natin?”
“Wala tayong magagawa kindi humanap ng ibang daan.”
Luminga linga sya sa paligid tapos may tinuro sya sa kanan nya.
“Dun tayo dumaan baka sakaling walang harang dun.”
Tumango na lang ako bilang pagsang ayon sa plano nya. Isang oras na din kami tumtakbo ni Nathan hinihingal na ako at pati rin sya. Habang tinitingnsn ko ang buong paligid habang tumatakbo sa unang paghakbang ko bigla na lang akong lumusot na parang patibong at nahulog ako dun.



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^