Thursday, June 20, 2013

The Killer: Chapter 6


“Nathan hindi mo ba napapansin na hindi pa umuuwi ditto si Dennis baka may nangyari na dun.”
“Uuwi din yun saka lumabas kanina sila Tricia at Janel baka magkakasama nay un pabalik dito.”sabi nya habang nakatingin pa rin sa nilalaro nya sa cellphone.
Bumukas un pinto nakita naming sila Tricia at Janel hawak hawak nila pareho ang mga cellphone nila. Tumingin ako sa likuran nila kung kasama si Dennis pero wala.
“Uy Tricia Janel na saan si Dennis?”
nagkatinginan silang dalawa tapos nagsalita


”hindi ko alam”Tricia
“kami lang dalawa ang magkasama maghapon noh”Janel
“Pero nakita nyo si Dennis?“tanong ni Nathan
“Hindi”sabay nilang sagot
“Eh saan kayo nagpunta?”Nathan
“Sa labas naghanap ng signal”Tricia
“Hindi tuloy kami makapagtext sa magulang namin”Janel
“Wala talagang signal ditto dahil nasa gitna tayo ng gubat”Nathan

Pumunta ako sa kwarto para kunin sa bag ko ung flashlight pati sila kinha rin ung dala nilang flashlight. Lumabas kami kahit na madilim na sa labas para hanapin si Dennis. Sinsigaw naming lahat ang pangalan nya pero wala pa rin kaming nakita. Isang oras na naming syang hinahanap pero bigo pa rin kami.
“Martin baka bumalik nay un sa tinutuluyan natin baka iniintay na tayo dun.”Janel
“Tara bumalik na nga tayo dun baka nga nandun nay un.”Martin
Tumalikod na kaming lahat para bumalik na sa tinutuluyan naming, ilang minute na kaming naglalakad ng biglang……
“Guys, sandal lang”sabi ni Nathan habang nakaharang ung braso nya sa amin at nakatingin sya sa paligid.
“Bakit Nathan?”Janel
“Hindi nyo ba narinig?”Nathan
“Hindi eh ano ba narinig mo?”Tricia
“Kasi parang may narinig akong……”

(Nathan POV)
Hindi ko naituloy ung sinasabi ko dahil may narinig kaming humahakbang sa bandang likod namin. Sabay sabay kaming lumingon sa likod para tingnan ung narinig naming tinapat naming ung flashlight nakita namin na may isang tao na nakaitim na hood na may mask nakatayo lang sya sa pwesto nya.
“Oy Dennis wag mo na kami takitin kanina ka pa naming hinahanap nanjan ka lang pala.” Hindi sya umimik sa sinabi ko sa halip ay binali bali nya ung leeg nya na parang nangangalay ung leeg nya.
“Nathan parang hindi si Dennis yan sa porma pa lang ng suot nya halatang hindi sya.”pabulong na sabi ni Martin sa akin.
“Nagsimulang humakbang ung lalaki papalapit sa amin kaya kami naman ay napaatras. May inilabas sya mula sa likuran nya ng Makita naming yun may hawak syang patalim.”
“Guys sa tingin ko kailangan na nating tumakbo.”
“Oo nga sa tingin ko rin”Tricia
“Takbooooooooo !!!!!!!”


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^