Thursday, June 20, 2013

The Killer: Chapter 5


Nang magkamalay na ako napansin kong nakagapos na ang buong katawan ko pinilit kong bumangon para makatakas pero nabigo ako dahil sa pag angat ko pa lang sa ulo ko hindi ko na magawa itinaas ko ang tingin ko para Makita kung bakit hindi ko maiangat ung ulo ko at nakita ko ang malaking baton a may tali na nakatugon sa leeg ko, tiningnan ko lahat ng may tali sa katawan ko ung kamay, paa at binti lahat yun may nakataling malalaking bato. Ang masama pa hindi ko magawang sumigaw para humingi ng saklolo para marinig ako ng barkada ko dahil tinalian nya pati ung bibig ko.




Nag isip ako ng paraan para makalayo man lang at makapagtago ngunit kung minamalas nga naman ako nakita ko ulit say naglalakad sya palapit sa akin hanggang sa nasa tapat ko na sya sinipa nya ako kaya gumulong ako ng gumulong kaya ung tali sa leeg ko ay pumulupot na lahat sa akin kaya kitang kita ko kung gaano kalaki ung batong nakatali ditto. Binuhat nya ako, ang lakas nya dahil parang nagbuhat lang sya ng barbell. Tiningnan ko kung saan nya ako ihahagis ang laking gulat ko…….sa lawa. Tumingin ako sa kanya umiling iling ako sa kanya na huwag ituloy ang binabalak nya at naramdaman ko na lang na ihahagis na ako. Bumagsak na ako sa tubig ang bilis ng paglubog ko dahil sa mga nakataling malalaking bato  sa akin pinilit kong lumangoy pero hindi man lang ako makaangat. Hindi ko na kaya dahil malalagutan na ako ng hininga.

(Martin POV)
Tinanghali na ako ng gising at masakit pa ang ulo ko dahil nag inuman nga pala kaming tatlo kagabi. Lumabas na ako sa kwarto para kumain at maligo. Nang makatapos na ako pumunta ako sa sala naupo ako at kinuha ko ung cellphone ko sa bulsa para mag soundtrip. Napansin kong parang ang tahimik, siguro nga tulog pa ung mga kasama ko. Kumuha ako ng yosi sa bulsa ko pati ung lighter, kinapa ko ung lighter ko pero wala sa bulsa ko kaya pumunta ulit ako sa kwarto. Binuksan ko ung bag ko pero wala hindi ko nakita siguro naiwan ko. Lumabas na ako sa kwarto nakita ko si Nathan kalalabas lang mula sa kwarto nya kaya tinawag ko.
“Dude pahiram naman ng lighter mo”Martin
Lumingon sya sa akin habang nag iinat”Nawawala ung lighter ko eh kay Dennis ka na lang manghiram siguradong meron yun. ”
Pumunta ako sa kwarto ni Dennis bago ako pumasok kumatok muna ako pero walang sumasagot kaya binuksan ko na ung pinto tumingin ako sa buong kwarto napatingin ako sa table nakita ko ung lighter  ni Dennis nakalagay dun lumapit ako para sindihan ang yosi ko at lumabas na sa kwarto nya.
“Nathan na saan si Dennis wala kasi sa kwarto nya?”
“Abay ewan kakagising ko lang noh mas nauna kang nagising jan sakin mo pa tinanong. Baka lumabas lang sandal.”
Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
Madilim na sa labas pero hangang ngayon hindi ko pa rin nakikitang bumalik ditto sa tinutuluyan naming si Dennis kaya tinanong ko ulit si Nathan na naglalaro sa cellphone nya.





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^