Nandito kaming lima sa likod ng bahay, ditto kasi naming napiling gumawa ng bonfire.
”Guys may ikukwento ako sa inyo”
“Ano yun?”sabay sabay nilang tinanong
“Ito makinig kayo”tiningnan ko silang lahat.
Biyernes ng gabi nun kakauwi ko lang sa bahay naming dahil sinamahan ko ung classmate ko dahil nagpasama kasi syang bumili ng gamot.Nkauwi na ako sa amin, dahan dahan akong lumakad papunta sa kwarto ko hanggang sa makarating ako ng ligtas at walang nakarinig sa akin. Nagbihis na ako kaagad ilang monuto lang narinig kong may pumipihit sa doorknob pilit nyang nyang pinipihit yun. Dahan dahan naman akong humakbang papalapit sa pinto binuksan ko ung pinto at nanlaki ung mata ko dahil nakita ko ung kinatatakutan kong…………………….
“Ano? Ano ung nakita mo?”Janel
“Nakakatakot ba itsura nya?”Tricia
“Oo nakakatakot ung itsura nya”Dennis
“Teka ano ung nakita mo?”Janel
“Nang binuksan ko ung pinto nakita ko ung……….”dahan dahan silang lumapit sa akin para marinig ung susunod kong sasabihin dahil hininaan ko ung boses ko.
“ung……………..ung nakakatakot kong lola umuwi pala sa amin dahil makikitulog daw sya sa amin.”
“Hahahahahhahh……na loko mo umg dalawa”Nathan
“Hahahahaha…..paniwalang paniwala sila sa kwento mp Dennis”
Natawa ako sa sinabi ni Nathan at Martin tapos nag apir kaming tatlo tapos tumingin ako sa dalawa, si Tricia halatang naasar sa sinbi ng dalawa tapos si Janel naman inirapan kaing tatlong lalaki. Hindi nagtagal nagwalk out sila Tricia at Janel bumalik na sila sa bahay. Kaming tatlo na lang ang natira ditto. Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano habang umiinom ng alak na dala ni Nathan.
Tumayo sa kinauupuan si Martin kaya kami ni Nathan napatingin sa kanya.
“Dude bakit ka tumayo?”Ntahan
“Ha? Eh babalik na ako dun kasi inaantok na kasi ako ”Martin
“Sabay na tayo bumalik, nilalamok na kasi ako dito, eh ikaw ba Dennus hindi ka ba sasabay sa amin?”Nathan
“Hindi sige mauna na kayo mamaya susunod na rin ako”Dennis
“Oh sige mauuna na kami”Nathan
Ako na lang ang naiwan ditto sa likod, nahiga ako sa inuupuan kong putol na puno at pinagmasdan ang langit. Napalingon ako sa narinig kong kumakaluskos kaya bumangon ako saka na upo habang palinga linga sa paligid.
“Sino yan?”may narinig na naman ako ulit na kaluskos sa kabilang gilid ko.
“Hoy alam kong kayo lang yan kaya hindi nyo ako matatakot sa gingawa nyo. Magsilabas na nga kayo jan.”sinabi ko habang tumatawa.
Inintay ko silang lumabas sa tinataguan nila pero wala kahit isa sa kanila ang nagpakita sa akin. Nakiramdam ako sa paligid nawala kasi bigla ung naririnig kong kumakaluskos kanina, ilang minute lang may narinig naman akong naglalakad sa bandang likod ko. Paglingon ko may nakita akong isang naka mask at naka hood na may hawak na baseball bat at hinampas sa mukha ko kaya hindi na ako naka ilag pa, hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari pagkatapos nun.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^