Naglakad ako palapit kay Nathan at nagsalita.
“Nathan siguro kung hindi ako natagpuan ng hunter na yon siguro patay na ako. Eh kaso sinuwerte ako ng araw na yon na mabuhay pa at kaya siguro ako nabuhay pa para balikan ko kayo….kayong lahat. O kaya naman……..kaya buhay pa ako hangang ngayon dahil masamang damo ako katulad mo…….pero mas masamang damo ako kesa sayo dahil mag isa lang ako preo napatay ko ng walang kahirap hirap ang apat mong kaibigan….pero kayong lima magkakatulong pa na subukang patayin ako pero hindi nyo nagawa…..ang hina nyo naman tsk…ts…tsk” sabi ko habang umiiling. Tumingin ako ulit kay Nathan.”Teka may itatanong ako sayo hindi ka ba natatakot sa itsura ko? Kasi paglumalabas ako ng bahay ko dapat nakatago ang mukha ko at saka tuwing gabi lang ako lumalabas ng bahay dahil natatakot sila sa itsura ko, lahat lumalayo pagnakikita na nila ako tapos nagbubulungan pagnakadaan na ako. Sya nga pala bago ko makalimutan may hinanda nga pala akong regalo sayo sana magustuhan mo” inilabas ko ang nasa bulsa ko. “Oito ang regalo ko para sayo” inihagis ko ang asido sa buong mukha nya sa paghais ko nun narinig ko na ang malakas nyang pagsigaw.”Habang sumisigaw ka jan, hindi ka ba nagtataka kung bakit nandito rin ako sa gubat na ito at alam ko ang tinutuluyan nyo? Para sayo ikukwento ko.”
“Naalala mo ba ung dumaan na kotse malapit sa tambayan nyo tapos may biglang nilipad na papel nung pagkadaan ng sasakyang yun?............ako ung lalaking yun at sinadya kong liparin ng hangin ung papel na yun para makuha mo dahil alam kong pupulutin mo yun para ipakita sa barkada mo at alam ko rin na sa mga oras na yun kakatapos nyo lang magplano tungkol sa balak nyong puntahan sa bakasyon. Alam mo ba matagal ko na kayong binabantayan lahat ng puntahan nyo nandun din ako. At ito pa pala nagustuhan nyo ba ang bahay kong ito? Pinaganda ko ’to para pagbumisita na kayo dito magandahan kayo. Tapos ung mapa para makarating kayo dito buti na lang at napuntahan nyo at hindi kayo naligaw, alam ko naman Nathan na ikaw ang hahawak ng mapang yun magaling ka diba pagdating dun.”
(Nathan POV)
Habang kinukwento nya sa akin ang ginawa nyang plano para sa amin napansin ko mula sa likuran nya na may pumasok sa pintuan may nakasabit sa katawan nyang baril at dahan dahan syang lumapit papunta kay Marxton na nakatingin sa akin habang patuloy pa rin sa pagkukwento. Ilang sandali lang nakalapit na ang lalaki kay Marxton at inihampas nya sa ulo gamit ang dala nyang baril ng bumagsak na ito sa sahig kaagad nya akong nilapitan para tanggalin ang mga nakatali sa akin pero nahihirapan sya tanggalin ito.
“Teka kayo po ba ung lalaking tinutukoy ni Marxton?”
“Oo ako nga iyon na ikwento na pala nya ako sayo.”
“Eh pano nyo po kami natagpuan dito?”
“May nakita kasi akong papel dito sa gubat na may mapa na katulad ng pinakita sa akin noon ni Marxton, mukhang nahuli na ako ng pagdating dito dahil ikaw na lang ata ang natitira sa mga kaibigan mo.”
Sa pagkasabi nya nun bigla na lang ksmi nagulat sa nangyari sa kanya dahil sinaksak sya mula sa likod at tumagos ito mula sa dibdib nya, hinila ni Marxton pabalik ung patalim para makuha ulit. Napahiga na lang sa sahig ung lalaki kaya nabitawan nya ung dala nyang baril. Hinawakan naman ni Marxton ung baril at ikinasa ito at itinapat ito sa bandang ulo ng lalaki at may sinabi sya.
“Sinabi ko naman sayo na huwag ka na makialam sa gagawin ko pero makulit ka kaya ito bagay sayo.” Kinalabit na nya ung baril at tumama ang bala nito sa noon g lalaki at namatay ito.
Ibinalik nya ang tingin nya sa akin atinutok sa akin ang baril…
Itinapat sa akin at sinabing “BANG !!!!!” pero hindi nya pinaputok sa halip ay tumawa sya ng makita nya akong takot na takot. Pinaputok nya ‘to pero hindi nya ako pinatamaan pero ng pinaputok na nya ito ulit pinatamaan nya ako sa dibdib at sa ulo.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^