Thursday, June 20, 2013

The Killer: Chapter 10


“Martin…..Dennis kunin nyo ‘to oh” binigyan ko si Martin ng malaking kahoy at si Dennis naman binigyan ko ng malalaking bato. Pinalapit ko ung dalawang babae si Tricia at Janel na nasa likod ko at ipinahawak sa kanila ung flashlight na dala ko, hiniram ko pa kay Dennis ung dala nyang flashlight para parehas silang may hawak para makita namin kung ano na ang nangyayari kay Marxton.




Ipinahinto ko muna sandali ung dalawang pumapalo kay Marxton. Tinawag ko si Marxton para lumingon sa direksyon ko kaya tumingin sya sa akin, kinuha ko agad ung nasa bulsa ko at ibinuhos ko sa buong mukha nya ung asido kaya nagsisigaw sya sa sakit pagkatapos ay sumenyas ako sa dalawa para ipagpatuloy ung paghampas kay Marxton. Tinawag ako ng dalawang babae at nag request pa na kung pwede makisali sila sa dalawang lalaki kahit tadyak man lang, hindi naman ako nagdalawang isip na pagbigyan sila pero nakisali na rin ako kahit mga sampung tadyak lang. Napansin kong hindi na sya kumikilos kaya iniharang ko ung braso ko sa kanila para itigil na ung pambubugbog kay Marxton, sinipa ko pa sya para malaman ko kung papalag pa sya pero hindi na sya kumilos pa kaya napagdesistunan naming itigil na namin ang pambubugbog sa kanya inaya ko na silang umalis sa gubat, nauna silang naglakad pero ako naiwan sa pwesto ko tiningnan ko si Marxton para sabihin na…………
“Nagkamali ka sa pinili mong kaibigan dahil hindi ka bagay sa grupo namin dahil…..dahil isa kang talunan, mahina, hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo.” Pagkasabi ko nun tumalikod na ako para  sumunod na sa kabarkada ko.

(Marxton POV)
Siguro naman naaalala mo na ngayon ang ginawa nyo noon sa akin dahil dalawang taon palang naman ang nakakalipas kaya medyo natatandaan nyo pa yon………….lalong lalo ka na.

*Flash back*
Nag aya si Nathan maglibot kasama kaming lahat sa lugar para sa huling gabi namin dito patuloy lang kami sa paglalakad hangang sa mapadpad kami sa isang madilim na gubat. Nagsalita bigla si Nathan na ako daw ang manguna sa paghahanap ng daan pabalik sa camp kaya nilakihan ko ang paghakbang para mapunta ako sa unahan nila. Tinawag ulit ako ni Nathan para ibigay ung flashlight nya pero nang paglingon ko sa kanya bigla na lang nya ako hinampas gamit ang flashlight nya.
Akala ko isang hindi magandang panaginip lang ang nangyayari sa akin pero hindi…..nagkakamali pala ako………hindi pala ito isang panaginip dahil totoo ito…..totoo itong nangyayari. Hindi ko ito inaasahan na mangyayari ito s akin. Atang hindi ko lubos na maisip kung bakit sila pa ang gumawa sa akin nito.
Hangang sa magising na lang ako na nasa ibang lugar na ako dahil ang pagkakatanda ko kasi ay nasa isang gubat kami na napakadilim ng paligid. Sinubukan kong bumangon sa pagkakahiga pero naramdaman ko na ang sakit ng katawan ko na puno ng sugat at pasa.
Napansin ko na parang may tali ang mukha ko dahan dahan ko itong hinawakan balak ko sana itong tanggalin para malaman kung bakit may tali ang mukha ko pero natigilan ako dahil may biglang nagbukas ng pinto ng kwarto, isang lalaki ang nakita ko sa may pinto hamakbang sya papalapit sa akin at tinanong ako kung maayos na daw ba ang pakiramdam ko tumango lang ako sa kanya. Tumayo sya para ikuha ako ng pagkain pero pinigil ko sya para itanong kung bakit may tali ang buong mukha ko ikinuwento nya ang nagyari na nagpunta sya sa gubat para mangaso ng umagang yon nakakita daw sya ng isang lalaki na akala nya daw ay patay na pero ng malaman nyang buhay pa ako dinala nya agad ako sa tinutuluyan  nya. Sinbi nya sa akin na nasira ang mukha ko at puro pasa at sugat ang katawan ko sa pagtapos ng kwento nya sa akin lumabas na sya ng kwarto para kumuha ng pagkain ko.
Bumalik na sya na may dalang madaming pagkain. Ilang buwan ako nanatili sa bahay nya at napag isip isip kong gumawa ng plano, sinabi ko sa kanya yon pero hindi sya sumang ayon sa gagawin ko kaya nagpasya akong umalis pero bago yun nagpasalamat ako sa kanya sa pag gamot sa akin pero sinabi ko sa kanya na huwag nya akong pigilan sa plano ko at wag makialam.
*Eng of flash back*





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^