Monday, June 10, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 9



CHAPTER 9

“Yes!”
[ ELLAINE’s POV ]


Pumarada si Chad sa tapat ng isang convenience store. Sabay kaming lumabas ng kotse at pumasok sa loob. Kumuha ako ng limang box ng chocolate. Hindi na nagtaka si Chad kung bakit gano’n karami ang binili ko. Matapos bayaran ‘yon ay lumabas na kami.


“Shit! Yung cellphone ko!”


Napalingon ako kay Chad. “Nawawala?”


“Nailapag ko do’n sa estante kanina.”


“Bilis! Pumasok ka na do’n sa loob. Baka mamaya may makakita pa no’n. Mauna na ko sa kotse.”


“I-lock mo yung pintuan ng kotse.” paalala niya. At nagmamadaling pumasok uli ng convenience store.


Humakbang na ko palapit sa kotse ng may pumaradang van sa harap ko. Napaatras ako ng biglang bumukas ‘yon at may lumabas na lalaking bonnet ng itim.


“Shit!” Nahawakan na agad niya ang braso ko at hinila ako. Sinipa ko siya ng malakas sa tuhod niya. Napa-aray ang taong ‘yon pero hindi niya ko binitawan. Mahigpit ang pagkakahawak niya sakin. “Saklolo!” I was about to give him a jab punch straight to his face ng maunahan niya kong takpan ang bibig ko. May naamoy akong unting-unting nakapagpatigil sakin. Tuluyan na kong naipasok ng lalaki sa loob ng kotse habang nasa bibig ko ang panyong hawak niya. Nabanggit na sakin ni Jaylord ‘yon. May gamot ang panyong ‘yon. Hindi ako huminga.


“Ellaine!”


Napalingon pa ko sa tumawag no’n. Nakita ko sa Chad mula sa labas ng bintana. Na palapit sa van namin. Nagpumiglas pa ko sa loob ng kotse ng maramdaman kong umandar ‘yon. Nakawala ako sa pagkakahawak ng lalaki. Nahulog ang panyong nasa bibig ko. Ang kaninang hindi ko naibigay na jab punch ay ibinigay ko na sa kaniya. Sadsad sa gilid ang lalaki.


“Shit!”


Napalingon ako sa driver seat ng marinig ko ‘yon. May isa pang lalaki. Mabilis niyang nahawakan ang batok ko. Kinagat ko ang braso niya. Napamura siya. Nang makita kong lumapit uli ang lalaking nasuntok ko. Hinawakan niya ang batok ko at may kung anong pinisil o pinitik.


“Ang sakit ng kagat niya.”


Yun na lang ang huling naalala ko bago ako mawalan ng malay.


= = = = = = = =


“Hmm...” Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Napaderetso ako ng upo ng ma-realize ang nangyari kanina. Nasa kotse pa rin ako. At kasama pa rin ang dalawang lalaking naka-bonnet. “Sino ba kayo?!” Hindi ko maigalaw ang mga paa at kamay ko dahil nakatali ang mga ‘yon.


“Manahimik ka na lang, Miss.” sabi ng driver ko. Ang boses niya, nakakatakot!


“Ano bang kailangan ninyo sakin?!”


“Hindi kami ang may kailangan sa’yo.” sabi ng katabi ko. Pati ang boses niya, nakakatakot!


“Sino?!” Hindi kaya dati silang nakaaway nina Jaylord dati at ngayon sila gaganti?


“Malalaman mo na lang.” sabi niya. Kasabay ng paghinto ng kotse sa tapat ng isang bahay. Para siyang resthouse. At walang katao-tao o anumang bahay akong nakikita. Puro puno ang nakikita ko. Bumaba ang dalawang lalaki. Nagsumiksik ako sa gilid. Binuhat nila kong dalawa.


“Let go off me! Mga bwisit kayo! Sa’n ninyo ba ko dadalhin?! Humanda kayo kay Jaylord! Humanda kayo! Bitiwan ninyo ko sabi!”


Pero wala si Jaylord dito. Wala siya! Anong gagawin ko? No! Kailangan kong magpakatatag! Tinuruan ako ni Jaylord kung anong gagawin ko kapag nangyari ang ganito ng hindi namin inaasahan. Alam kong sinundan ako ni Chad. Sa mga oras na ‘to, parating na din sina Khalil. Alam kong ililigtas nila ko kahit wala si Jaylord dito.


Bakit ba kasi ngayon pa nangyari ‘to? Bakit kung kailan nasa ibang bansa pa siya? Jaylord...


Inilapag nila ko sa hagdan. Tiningnan ko sila. “Kung si Jaylord ang kailangan ninyo, pwes wala siya dito sa Pilipinas. Kaya nag-aaksaya lang kayo ng panahon sakin.”


Nagtawanan ang dalawa. “Edi, hihintayin natin siya hanggang sa dumating siya.” sabi ng isa. “Ang sakit ng suntok mo sakin, ah.”


“At ang braso ko, hanggang ngayon, kita ko pa yung kagat niya.” Lumapit siya sakin. “Maglaro tayo ng game,” Tinanggal niya ang pagkakatali ng kamay at paa ko. Pagkawalang-pagkawala no’n ay tumayo agad ako at umatras. “Habang wala pa si Jaylord, maglaro na muna tayo. Tumakbo ka hanggang gusto mo at tiyakin mong hindi ka namin mahahabol. Malawak ‘tong lugar na ‘to. Kahit sumigaw ka ng sumigaw, walang makakarinig sa’yo.”


Kinakabahan man ako, pumorma na rin ako para labanan sila ng maalala ko ang minsang sinabi sakin ni Jaylord, “Kung may pagkakataon kang tumakas, wag ka ng magdalawang isip pa. Wag ka ng magpaka-action star at labanan sila.”


I gritted my teeth. “Fine.” Tumakbo na agad ako. Palayo sa kanila. Kailangan kong makatakas. Nilingon ko sila. Prente lang silang naglalakad pasunod sakin. Binilisan ko ang takbo. “Saklolo!” sigaw ko pa rin. Wala kong pakialam kung may makarinig man sakin o wala. Gusto kong ilabas ang kaba ko.


“Jaylord!” Ang sabi niya, darating siya tawagin ko lang ang pangalan niya. Pero paano siya darating kung wala nga siya dito sa Pilipinas?!


Napahinto ako sa pagtakbo ng paglabas ko ng mga puno, dagat ang bumungad sakin. At palubog na ang araw. “Nasa’ng lugar ba ko?” Nilingon ko ang mga sumusunod sakin. Hindi ko sila matanaw.


“Ellaine!”


Nanlaki ang mata ko. Ang boses na ‘yon! Napalingon ako sa kanan ko. And there I saw him. Naglalakad siya tabi ng dagat habang palapit sakin. Tama ba talaga ang nakikita ko? O naghahalucinate ako? Nasa ibang bansa siya diba? Anong ginagawa niya dito?


Kumunot ang noo niya ng malapit na siya sakin. “Bakit ganyan ang itsura mo?”


Si Jaylord nga! “Jaylord!” Tinakbo ko ang pagitan namin at niyakap siya. “Jaylord...” Napaiyak ako sa sobrang relieve.


“Anong nangyari sa’yo?”


Sunod-sunod akong umiling. Tiningala ko siya. “Kasi... kasi...” Wala talaga kong maintindihan sa nangyayari.


Hinaplos niya ang mukha ko. Kumunot ang noo niya. Inalis niya ang tingin sakin at tumingin sa bandang likuran ko. “Anong ginawa ninyo kay Ellaine? At bakit ganyan ang itsura ninyong dalawa?” tanong niya sa kung sino man ‘yon.


Napalingon ako sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko. “Kinidnap nila ko! Sila—” agad din akong napahinto ng makitang kasama ng dalawang lalaking naka-bonnet si Chad!


“Ang sakit ng kagat mo sakin, Ellaine. Bampira ka ba?” sabi ng isa sabay tanggal ng bonnet niya ng makalapit sila samin.


Nanlaki ang mata ko. “Khalil?!”


“Mas lalo naman ako, sinipa na niya ko sa tuhod, nasuntok pa ko sa mukha.” kasabay ng pagtanggal niya ng bonnet niya.


“Clay?!”


“Basta ako, ang galing ng pag-arte ko kanina. Wala pang masakit sa katawan ko.” nakangiting sabi ni Chad.


“Anong wala?”


“Etong sa’yo.”


Sabay na binatukan ng dalawa si Chad. “Aray, ah!”


“Pero ang galing talaga nitong gadget na binigay mo, Clay, ah.” Khalil said. May hawak siyang maliit na bagay. Inilagay niya ‘yon sa bibig niya at nagsalita. “Manahimik ka na lang dyan, Miss.” Yung nakakatakot na boses ang narinig ko! Kaya pala! May gadget silang ginamit kaya nag-iba ang boses nila kanina.


“The three of you!” Napaderetso ng tayo ang tatlo ng sumigaw si Jaylord. “Ang sabi ko, mag-isip kayo ng paraan na dalhin dito sa Ellaine na hindi siya makakahalata. Bakit sa dinami-dami ng pwede ninyong gawin, bakit pangingidnap pa ang naisip ninyong tatlo?” may diin at malakas na tanong ni Jaylord na halatang tinitimpi ang inis sa tatlo.


Nagkatinginan ang tatlo. “Para memorable ang araw na ‘to sa inyong dalawa. Lalo na kay Ellaine.” sagot ni Khalil.


“Memorable talaga!” naiinis na sabi ko sabay irap sa kanilang tatlo. “Hindi ko na kayo papansinin!” Ang lakas ng trip nila, hah. Sobrang lakas! Kinabahan kaya ko do’n. Tapos iniisip ko pa kanina na ililigtas nila ko. Yun naman pala, sila ang may pakana nito!


“Ellaine!” sabay-sabay na sabi ng tatlo.


“Ewan ko sa inyo!” Tinalikuran ko sila. Habang nakasimangot ako.


“Jaylord.” chorus na naman nilang sabi na parang humihingi ng saklolo kay Jaylord.


“Bumalik na kayo sa resthouse.” utos ni Jaylord sa kanila. “Hindi pa tayo tapos.”


Nilingon ko sila. Naglalakad na sila pabalik.


“Ikaw kasi, Chad.”


“Bakit ako?”


“Basta ikaw! Gamutin mo nga ‘tong sugat sa braso ko. Hindi kaya maging bampira ako nito? Sa tingin ninyo?”


“Paniki pa, Khalil, pwede pa. At ako din, Chad. Tutal naman, wala kang ginawa at walang masakit sa katawan mo. Nang may pakinabang ka naman. Gamutin mo rin ‘tong suntok sakin. Feeling ko mangingitim na ‘to. Pati ‘tong tuhod ko, pakihilot na rin. Khalil, may dala ka bang gamot dyan? O kaya dumeretso na lang tayo ng ospital?”


“Ewan ko sa inyong dalawa. Parang hindi sanay ang katawan ninyo sa bugbugan, ah.”


“Masakit naman talaga.” chorus na sabi nina Khalil at Clay.


Nakonsensya naman agad ako sa mga narinig ko. Mukhang nasaktan sila sa ginawa ko kanina. Hindi naman kasi sila gumanti. Oo nga. Yun ang napansin ko kanina. Kaya siguro pinatulog na lang nila ko para matahimik na ko.


“Mukhang napuruhan mo yung dalawa.”


Napalingon ako kay Jaylord. Humalukipkip ako. “Akala ko ba tomorrow pa ang uwi mo?”


“I lied. Kaninang umaga pa ko nakauwi.”


“Kaya pala, maya’t maya ang tawag mo.”


“Dahil nabo-bored ako dito at walang makausap.” Pinunasan niya ang pisngi ko. “Natakot ka ba?”


“Oo. Lalo ng maisip kong wala ka dito. Pero nang maisip ko sina Clay, nawala rin ang takot ko kahit papano. Alam ko namang hindi nila ko pababayaan.” I pouted. “Yun pala. Sila ang may pakana nito.”


“Kakausapin ko sila mamaya.”


“Wag mo na silang pagalitan.”


“At bakit?”


“Nasaktan na nga sila, eh. Pero naiinis pa rin talaga ko sa kanila. Bakit ba kasi kailangan pa nila kong kidnapin para dalhin dito?”


“I’ll deal with them later. Now...” Hinila niya ako at niyakap. Wala siyang sinabi pero alam kong namiss niya ko. “Bakit mo ko pinagbabaan ng phone kanina?”


I hugged him back. “I miss you, too, Jaylord.” sa halip ay sagot ko.


Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin. We stayed that way for a couple of minutes ng magsalita siya. “Elle.”


“Hmm?”


“Naalala mo yung tanong mo sakin two weeks ago?”


Tiningala ko siya. “Yes. Sasagutin mo na?”


Dahan-dahan siyang humiwalay siya sakin. He held my face with his two hands. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. “I’m not that sweet type of guy na gugustuhin ng mga babae. Masungit ako. Suplado. Lagi ka pang nakakatikim ng sermon sakin. Buong buhay mo, halos ako na ang nakasama mo. Buong buhay mo, lagi akong nakabantay sa’yo. Kaya ang tanong ko, hindi ka ba nagsasawa sakin? Kasi ako...” Nagulat ako ng lumuhod siya. Nanlaki ang mata ko. “Hinding-hindi ako magsasawa sa kakulitan mo, sa pakikialam mo sakin at sa katigasan ng ulo mong nadadagdagan araw-araw. Pinapainit mo man ang ulo ko, pero ‘yon din ang dahilan kung bakit napapangiti mo ako.” May kung anong inilabas siya sa bulsa niya. Mas lalong nanlaki ang mata ko ng makita ko ang singsing na hawak niya.


“Jaylord...” Nangilid ang luha sa gilid ng mga mata ko. Hanggang sa tuluyang pumatak ‘yon.


“I really want to spend my whole life with you, Elle. Twenty three years of my lfe has been spent almost with you. At kahit ilang years pa ang dumating sa buhay ko, I’m more than willing to spend those years with you and protecting you. So, will you marry me, Ellaine Manansalas, and spend your lifetime with me?”


At kitang-kita ko ‘yon sa mga mata niya ngayon. Lahat ng emosyon na nararamdaman niya ng mga sandaling ‘yon, kitang-kita ko sa mukha niya. Kinagat ko ang labi ko para pigilin ang pag-iyak ko. Pero tuloy-tuloy lang ang mga luha ko. “You have your own ways para ipakita ang sweetness mo, kaya para sakin ikaw ang pinaka-sweet sa lahat... At wala kong paki kung ikaw ang pinaka-masungit at suplado, basta ba sa ibang babae ka lang gano’n, okay sakin... Hindi naman ako nasasakal sa pagbabantay mo, eh... Kasi pinaparamdam mo pa rin na malaya kong gawin ang gusto ko... Pati ang makipag-kaibigan sa mga taong hindi mo naman gusto...”


Huminga ako ng malalim. “Nasabi ko na sa’yo ‘to while you’re sleeping two weeks ago. Uulitin ko lang.” Yumuko ako sa kaniya para magpantay ang mukha namin. “Hindi ako magsasawang makasama ka. I just finished spending my twenty three years of life with you... And I still want to spend my next twenty three years, and the next coming years with you...” I smiled while crying. “And yes, I will marry you!” Ako na ang humalik sa kaniya na ginantihan naman niya.


Hanggang sa may marinig akong hiyawan sa paligid namin. Humiwalay si Jaylord sakin at isinuot ang singsing sa daliri ko. Lumingon kami sa pinagmulan ng hiyawan no’n. Sina Chad, Khalil at Clay na nakatago sa isang puno. Naglabasan sila habang parang mga batang nagtatatalon.


“Tama nga sila, this day will be memorable.” nakangiting sabi ko ng tingnan ko ang singsing sa daliri ko. Nilingon ko si Jaylord. Na nakangiting nakatingin kina Clay. Those smile. Those priceless smile.


Napalingon siya sakin. He kissed my forehead and whispered those words... “I love you, Elle.”

= = =

4 comments:

  1. NkkAinis!!! aKaLa q tLga nKidnAp n xAh,,, ayAn tuLoy nasuNtok at nkagaT cNa kHaLiL at cLay,,, at akLa ni chAd mkkLigtAs siYa hA,,, hwAheHe,,,

    kkAinis k tLga aTey hAh,,, nDe q inExpect uN,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha! Kakaiba lang talaga ang takbo ng utak ng tatlong masqueteers! Wahehehe! At syempre, ndi pdeng makalusot si CHAD. Fair lang dapat, hahah!

      Delete
  2. at ayiiiEeehhh,,, eNgaGed n cLa,,, kyAhhh,,, nExt n aGad atEy,,, cAnt wAit s nXt ud,,,

    ReplyDelete
  3. eto na ....may typo pala dito sa name ko ^0^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^