Monday, June 10, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 8



CHAPTER 8

“Heart to Heart Talk with an Ex-Gangster”
[ ELLAINE’s POV ]


“Bukas na ang uwi ni Sir Jaylord diba?”


Napalingon ako kay Charie habang inaayos ko ang bag ko. Pauwi na kami. “Yes.” nakangiting sagot ko.


“Namiss mo na noh?”


“Hindi, ah.”


“Kunwari ka pa.”


“Shh... Wag kang maingay.”


“Namiss mo nga.”


“Namiss nga ni Miss Takaw. Ikaw ‘tong makulit, Charie, eh.” singit ni Drenz na bigla na lang sumulpot sa gilid namin.


“Sa’n ka galing, Drenz? Ba’t bigla kang nawala?” tanong ni Charie.


Hinawakan ni Drenz ang braso ni Charie. “Restroom.”


“Yak!” nakangiwing sabi ni Charie sabay layo kay Drenz.


“Yak ka dyan.”


“Yak naman talaga!”


“Ang ingay ninyo.” natatawang sabi ko. Binitbit ko na ang bag ko. “Hindi pa ba kayo uuwi?”


“Sabay na tayo, Ellaine.”


”Ikaw, Drenz?” tanong ko.


“Mag-o-OT ako, Miss Takaw.”


“Kailan mo ba ko uli tatawagin sa pangalan ko, hah? At kailan mo ba ko huling tinawag sa pangalan ko?”


“Last lifetime.”


“Ano?”


“One year ago ‘yon, Ellaine.” singit ni Charie. “Birthday niya nung bigla ka niyang tinawag na Miss takaw. Narinig ko ‘yon, eh.”


“Ah! Oo! Natatandaan ko na.”


“Ang daldal ninyong dalawa. Ang dami ninyong alam. Umalis na nga kayo dito.” pagtataboy samin ni Drenz.


Binatukan siya ni Charie. “Talaga.”


“Wag mong sabihing may boyfriend ka na kaya ang tapang mo ngayon, Charitot? May utang ka pa sakin nung anniversary. Asan yung bayad sa pagiging escort ko?” sabay lahad niya ng kamay niya. Isa pang batok ang natikman ni Drenz. “Aray, ah!”


“Yan yung bayad.” May kung anong kinuha si Charie sa bag niya. “Ito pang piso.” sabay lapag no’n sa table.


“Lumayas na nga kayong dalawa dito.” naiinis na sabi ni Drenz.


“Tara na nga, Ellaine. Baka magbuga ng apoy yung isa dyan.” Hinila na ako ni Charie palabas ng office.


“Mga pangit!” Narinig pa naming pahabol ni Drenz bago kami makalabas ng office. Nagtawanan lang kami ni Charie.


Nasa loob na kami ng elevator ng mag-vibrate ang phone ko sa bag. Kinuha ko ‘yon. Sinilip ni Charie ang phone ko. “Si Sir ‘yan noh? Sagutin mo na. Ayaw pa, o.”


“Ang ingay mo talaga, Charie.” bulong ko.


Sinagot ko na ang tawag. “Ang tagal mo namang sagutin.” bungad agad ni Jaylord mula sa kabilang linya.


“Naka-silent ang phone ko.” pagdadahilan ko.


“Ba’t ang hina ng boses mo?”


“Nasa elevator ako, eh.”


“Pauwi ka na ba?”


“Yap. Bakit ka tumawag? Kakatawag mo lang kaninang lunch, ah.”


“Wala kong makausap dito. And I’m totally bored.”


“Nasa’n ang lolo mo?”


“May kausap. At nag-excuse lang ako sa kanila.”


Siniko ako ni Charie. “May mga uzi.” bulong niya sakin.


Nilingon ko ang mga taong kasabay namin sa elevator na kaniya-kaniyang iwas ng tingin.


“Elle? Still there?” untag sakin ni Jaylord.


“Yes.” Sakto namang bumukas ang elevator. “Palabas na ko ng building.”


“Palapit na rin si lolo sakin. I’ll call you later kapag nasa hotel na kami. Mag-ingat ka pauwi, okay.”


“Yun lang?”


I heard him chuckled. “I miss you.”


“Bye.”


“Elle—” I ended the call. Napabungisngis ako.


“May ginawa ka na namang kalokohan noh?” tanong sakin ni Charie.


“Wala, ah.” Nakalabas na kami ng building. “Himalang hindi na-late ang sundo mo.” sabi ko ng makita ko ang boyfriend niya.


“Subukan lang niya. Ibe-break ko siya.”


“Kaya mo?”


“Ito naman, hindi mabiro.”


“Sige na, bye na.” Lumapit na ko sa naghihintay na si Chad na nakasandal sa kotse at nakatingin sa gawi nina Charie. “Anong itsura ‘yan? Broken hearted pa rin?”


Hinimas niya ang baba niya. “Anong mero’n sa lalaking ‘yan na wala ako? Hindi ko talaga mapin-point.”


Tinapik ko ang balikat niya. “Itigil mo na ‘yan. At mag-move on ka na lang.” Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ng...


“Hi, Charie!” sigaw niya.


“Uy! Anong ginagawa mo?” Tiningnan ko si Charie na nakatingin samin at napakamot ng kilay. At ang boyfriend niyang naka-kunot ang noo habang nakatingin din samin. “Sira ka talaga, Chad! Tara na nga!” Sumakay na ko sa passenger seat.


“Bye, Charie!”


Napailing na lang ako. “Humirit pa talaga.”


Natatawang sumakay ng driver seat si Chad. “Last na lang.”


“Chad!”


Hindi niya ko pinansin. Isinungaw niya ang ulo niya sa bintana. Sakto namang dumaan ang kotse ng boyfriend ni Charie. “Hi, Charie!” Pinanlakihan siya ng mata ni Charie. Natatawang inistart na niya ang kotse at pinatakbo.


“Sira ka talaga noh?”


“Mas gwapo naman ako sa boyfriend niya diba?”


“Immune na kasi siya sa mga gwapo kaya gano’n.”


“Pero mas gwapo naman ako sa boyfriend niya.”


“Oo na. Nang matahimik ka na.” Tumingin ako sa bintana. “Daan tayo ng convenience store, ah.”


“Yes, Mrs. Nevarez!”


“Sira!” natatawang sabi ko. Tumingin ako sa bintana. Wala pang isang oras ang byahe hanggang samin. At lagi akong hinahatid pauwi simula ng magtrabaho ako sa NPC ng tatlong masqueteers. Salitan ang tatlo. Ewan ko ba. Utos daw ni Jaylord. Naiintindihan ko naman kung bakit. “Chad.” tawag ko ng hindi lumilingon sa kaniya.


“Bakit?”


“Siguro naman, hindi ninyo na ko kailangang ihatid nina Khalil pauwi. Kaya ko na ang sarili ko. I can defend myself. Sasabihin ko na lang kay Jaylord pag-uwi niya.”


“Hindi pwede.”


Napalingon ako sa kaniya. “Pero...”


“Hindi naman namin ‘to ginagawa dahil lang sa utos ni Jaylord. We’re doing this because we wanted to. Lahat ng mahalaga kay Jaylord, mahalaga na rin samin. Lahat ng gusto niyang protektahan, po-protektahan namin. At alam naming ikaw lang ang makakapagpasaya sa kaibigan namin.”


Napangiti ako. “Thank you, Chad.” Tinapik ko ang balikat niya. “Don’t worry. Hahanapan kita ng girlfriend.”


“At wag na wag mong ipapakilala kay Khalil. Aagawan na naman niya ko. Kay Clay pwede pa,”


“Dahil mas gusto pa no’ng ka-date ang computer niya.” chorus naming sabi. Nagkatawanan kami.


“Eh, ikaw Ellaine? Hindi ka ba nagsasawa sa mukha naming tatlong laging naghahatid sa’yo?”


“Parang narinig ko na ‘yang tanong na ‘yan.” Tama. Halos ganyan din ang tanong ni Jaylord sakin two weeks ago. “Hindi ang sagot ko. Ang swerte ko nga, eh. Biruin ninyo, tatlong gwapong hombre pa ang naghahatid sakin.” biro ko. “Naiinggit na nga sakin yung mga kasamahan ko sa trabaho. Pwede daw bang sila naman ang ihatid ninyo?”


“Maganda ba?”


“Oo naman.”


“Sino do’n? Para kasing nakita ko nang lahat ng mukha ng mga officemates mo. Kayo lang ata ni Charie ang maganda do’n.”


“Kaya ka hindi nagkaka-girlfriend, eh. Puro ka maganda.”


“Nagka-girlfriend na ko, ah.”


“Ng seryoso?”


“Ah. Ibang usapan na ‘yan.”


“Bakit nga ba? Pati sina Khalil din. Hmm... Baka naman si Jaylord ang type ninyo? May balak pa kayong agawan ninyo ko, ah.”


Ang lakas ng tawa niya. “Magtigil ka nga dyan, Ellaine.”


“Bakit nga?” pangungulit ko.


Ilang beses siyang tumikhim. “Alam mo naman ang buhay ko dati diba? Marami akong kaaway. Marami akong naagrabyado. At alam kong hanggang ngayon, naghihintay lang sila ng pagkakataon na makaganti sakin. Kaya mahirap pumasok sa sitwasyong sinasabi mo na seryosohan.”


“Pero paano kung dumating na yung babae?”


“Katulad mo sa buhay ni Jaylord? It’s either gawin ko ang ginawa ni Jaylord nung college kami, ang layuan siya para hindi siya mapahamak o ang manatili sa tabi niya at protektahan siya. That two choices na kung titingnan mo, ang dali lang pumili. Simple nga pero mahirap. Alam ko ‘yan dahil nakita ko mismo kung paano ka iwasan ni Jaylord kahit gustong-gusto ka niyang lapitan no’n. At kahit hindi siya makalapit sa’yo, hindi naman niya maiwasang gumawa ng mga bagay para sa’yo.”


“Nabanggit ‘yan ni Jaylord nung magtapat siya nung debu ko. Pero hindi naman niya sinabi kung anong mga bagay ang ginawa niya no’n. Ano nga ba ‘yon?”


“Kailangan mo pa bang malaman?”


Ngumiti ako. “Hindi na. Hindi na mahalagang malaman ko ‘yon. Basta alam kong hindi niya ko pinabayaan no’n. Okay na okay na ko do’n.”


Saglit niya kong nilingon. “Make him happy, Ellaine. Make him more happy.”


Nginitian ko siya. “Sure. Kahit hindi mo sasabihin.”


Tinapik niya ang manibela niya at napapalatak. “Kung narinig nina Khalil ang pinagsasabi ko ngayon, hahagalpak ng tawa ang mga ‘yon. Kaya wag mong ipapaalam na nag-heart to heart talk tayo. Sikreto lang natin ‘to, ah.” natatawang sabi niya.


Umiling ako. “Sa tingin ko hindi sila tatawa. Kung tatawa man sila, alam kong deep inside ‘yon din ang iniisip nila. Katulad ng sa’yo.”


Matagal bago siya sumagot. Then he smiled. “Tama ka. Kahit hindi namin pag-usapan ang bagay na ‘yon.”


Natahimik na kami pagkatapos no’n. Tumingin ako sa bintana ng kotse. At napangiti. Ngayon ko lang nalaman na ganyan pala ang iniisip ni Chad. At kahit hindi ko na tanungin sina Khalil, gano’n din siguro ang magiging sagot nila.


Ang layuan ang babaeng mamahalin nila para hindi mapahamak ng dahil sa kanila.


O ang piliing makasama ang babaeng ’yon at protektahan, maging kapalit man no’n ang buhay nila.


That’s the life of a gangster.


That’s the life of an ex-gangster.


Na kahit wala na sila sa mundong ‘yon na kinasanayan nila.


Nakatatak pa rin sa puso’t isip nila ang buhay nilang ‘yon.


Na hindi sila basta-basta makakatakas sa mundong ‘yon.


Susundan at susundan sila ng anino nilang ‘yon.


At hindi sila basta-basta pwedeng magmahal.


Because once a gangster fell in love, it comes with a great responsibility. And a dilemma.


To ignore that feeling. Or accept that feeling.


For one reason: protect the girl they love.


Ignore that feeling, you lose the girl but protecting her from danger.


Accept that feeling, you got the girl that’s why you have to protect her.


Pinagdaanan na ni Jaylord ang dalawang choices na ‘yon. But at the end, he chose the latter. Pinili niyang mahalin ako. At protektahan ako ng buhay niya.


Kaya gagawin ko ang lahat-lahat mapasaya lang siya.

 = = =

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^