CHAPTER
7
“LoveSomnia”
[ ELLAINE’s POV ]
“Ano? Masarap ba?”
“Hindi. Pero pwede
na ring pagtiyagaan ng mga katulad kong gutom.”
sagot ko sa tanong ni Jaylord.
Binitawan
niya ang kutsara niya. At humalukipkip. “Umorder na lang tayo.” Akmang kukunin niya
ang plato ko ng ilayo ko ‘yon.
Nginitian
ko siya. “Joke
lang. Masarap kaya.”
“Talaga?”
Sunod-sunod
akong tumango. “Yap,
yap.” Sumubo ako ng ulam. “Parang yung mga kinakain ko sa carinderia.”
“Ellaine.”
Sumubo
pa ko ng isa. “Pero
infairness, ah. Nag-level up ang lasa ng luto mo. Yung iba kasing kinakain ko
sa carinderia, walang lasa.”
“Kung pipintasan mo
lang—” Pinisil ko ang pisngi.
“Joke lang ulit,
honey.” natatawa kong sabi. Masarap naman talaga. Mas
masarap pa do’n sa mga sa ulam sa mga carinderia.
Napailing
na lang siya. “Ang
hirap mong gutumin.” Nagsimula na ulit siyang kumain.
“Mahirap talaga.”
Inilapit ko sa kaniya ang kutsara ko. “Say, ah...”
Hindi
ko na siya kailangang pilitin dahil isinubo agad niya ‘yon. Gano’n din ang
ginawa niya sakin. Sinubuan din niya ko. Ang sweet namin noh? Hahaha!
Dito
lang kasi namin sa condo nagagawa ‘yan o kaya sa penthouse. Ang dami kasing matang nakatingin samin nang minsang magsabay kaming kumain sa cafeteria nung
bago pa lang akong pasok nun sa NPC. At ‘yon ang ayaw ni Jaylord. Hindi ko nga
siya napigilan no’n ng sitahin niya ang mga taong nakatingin samin. Simpleng, “Why are you, guys, staring at us? Gusto ninyo bang
maki-share ng table?” sabay usad niya no’n. “You’re
free to do it.” Sunod-sunod lang na umiling ang mga taong
kasabayan naming kumain.
Kaya
nga simula no’n, either sa penthouse kami kakain o kasabay ko sina Charie at
Drenz sa cafeteria. Hindi naman kami laging sabay na kumain ni Jaylord, minsan
kasi sa office na siya kumakain kapag busy siya. Hinahatidan na lang siya ng
pagkain ni Chad.
“Elle.”
Napalingon
ako kay Jaylord. “What?”
Umangat
lang ang kamay niya papunta sa labi ko at may kung anong tinanggal. “Ang kalat mong
kumain.” he said.
“Ikaw din naman,
ah.”
Tinuro ko ang labi niya.
“Saan?”
“Sa kaliwa.”
Kumuha
siya ng tissue at pinunasan ang bibig niya. “Wala naman, ah.” sabi niya ng
tingnan niya ang tissue.
“Wala na. Lumipad
na, eh.”
Napangiti
na lang siya. “Ang
kulit.”
Narinig
kong nag-ring ang phone ko. Tumayo ako at kinuha ang phone ko sa sala. Kumunot
ang noo ko. Si Drenz? Bakit kaya? Sinagot ko ang tawag.
“Hi, Drenz! Bakit ka
tumawag? May problema ba? Inaway ka ba ni Charie? O ikaw ang nang-away kay
Charie?” sunod-sunod kong
tanong.
“Ellaine, ang mama
mo ‘to. Nandito si Drenz sa bahay. May kukunin daw na files sa laptop mo. Anong
password ng laptop mo?”
Bago
ko pa nasagot ang tanong ni mama ay nawala na sa kamay ko ang phone ko.
Paglingon ko, hawak na ‘yon ni Jaylord. Hindi ko na siya napigilan dahil
nagsalita agad siya.
“It’s Jaylord.
Day-off ni Ellaine ngayon. Kung tungkol sa trabaho ang dahilan kung bakit ka
tumawag, bukas ninyo na lang pag-usapan. Nakakaistorbo—”
Bigla siyang napahinto. “Tita Julia?” Halatang nagulat siya. Sabay
tingin niya sakin. Nang matalim. Itinaas niya ang hintuturo niya at tinuro ako
na parang nagsasabing lagot ako sa kaniya. Umiling ako. Wala naman akong
kasalanan, ah. Bakit niya kasi inagaw yung phone? “I’m so sorry, Tita Julia. I thought
officemate niya yung tumawag sa kaniya dahil yun ang narinig kong sinabi niya
kanina.” Pause. “Kumakain lang po kami. Itatanong ko po sa kaniya.”
Inilayo niya ang phone sa tenga niya. “Your laptop’s password? Maya ka sakin.”
I
just smiled. “Your
name.”
Ibinalik
niya ang phone sa tenga niya. “Your name, Tita.” Pause. “Po? Hindi po. Your name po.”
Kumunot ang noo ni Jaylord. Parang hindi sila nagkakaintindihan ni mama.
Natawa
ako. Tiningnan niya ko ng masama. “Ako na ngang kakausap.” Kinuha ko ang phone
sa kaniya at kinausap si mama. “Ma, si Ellaine na ‘to.”
“Ano ba talagang password?
Ang sabi ni Jaylord ‘your name’ daw. Name ko ba? Edi, Julia? Ang sweet naman ng
anak ko. Ako pa talaga ang password niya.”
“Hindi, Ma.”
natatawang sabi ko.
“Hindi ba? Ano nga?”
Tiningnan
ko si Jaylord. “Jaylord
po. Name niya. Yun ang password ng laptop ko.” Nagbago ang timpla ng
mukha niya. Nawala na ang pagkakasalubong ng kilay niya kanina. Pero naging
poker face na ang mukha niya. “Ang slow ninyo naman po kasing dalawa.”
“Ellaine!” chorus
na sabi ni mama at Jaylord.
Natawa
na naman ako. “Nagkasabay
pa talaga kayo ni Jaylord, Ma.” natatawang
sabi ko.
“Ewan ko sa’yong
bata ka. Sige na. Ba-bye na.”
“Sige, Ma! Love
you!” Nilapag ko sa couch ang phone ko. “Kain na tayo.”
nakangiting aya ko kay Jaylord. Humakbang na ko ng humarang siya. “Bakit?”
“Wala ka bang
sasabihin?”
“Anong sasabihin?”
balik tanong ko. “Ah! Na ikaw ang password ko?”
“Bakit kasi pangalan
no’n ang binanggit mo? Nakakahiya sa mama mo.”
“Ni Drenz? Akala ko
siya, eh. Nakitawag lang pala si mama sa kaniya. Teka lang...”
Humalukipkip ako. “Why do I have this feeling na ayaw mo sa kaibigan ko na
‘yon?”
“Ilang beses mo ng
natanong ‘yan at nasagot ko na ‘yan.” Tumalikod na siya.
Sumunod
ako sa kaniya. “Dahil
hindi mo siya feel. Mabait naman siya, ah. May topak nga lang. Para nga siyang
si Emjhay, eh. Si Emjhay nga, nakasundo mo. Makakasundo mo rin si Drenz for
sure.”
“Hindi kita
pinipigilang makipag-kaibigan sa iba. Kaya wag mo kong piliting makipagkaibigan
sa mga taong hindi ko gusto.”
“Pero—”
“End of discussion!”
Napahinto
ako sa paghakbang sa sinabi niya. Ito minsan ang ayaw ko sa kaniya, eh. Kapag
sinabi niyang tapos na ang usapan. Tapos na. Ako naman ‘to kasing si makulit.
Para namang hindi ko siya kilala. Alam ko namang hindi siya yung taong mahilig
makipag-kaibigan. Oo. Nakikisama siya sa ibang taong tulad niyang nasa loob ng
business world. Pero sina Chad, Khalil at Clay lang ang masasabi kong kaibigan
niya. Isama na rin sina Pearl at Emjhay. Lima lang. Sobrang dami. May
nakalimutan pa pala ako. Ang mga ka-brod niya dati sa Donaghy Shere. Madami din
pala kahit paano. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa likuran
niya.
Napansin
siguro niyang hindi na ko nakasunod sa kaniya kaya napalingon siya sakin. Saglit
siyang natigilan habang nakatingin sakin. Napailing siya. At napakamot ng batok
niya. Humakbang siya palapit sakin at niyakap ako. “I’m sorry.” Mukhang napansin
niya ang reaksyon ng mukha ko. “What I mean is, kumain na tayo kaya wag na nating
pag-usapan ‘yon.”
Minsan
na kasi naming napag-awayan ‘yang way niya para wag na kong mangulit pa. Para naman
kasi kaming nasa meeting o klase kapag sinasabi niya ‘yon. At siya ang boss o
teacher. At ako, employee o estudyante. Na pag sinabing tumahimik, tumahimik na
lang.
“Okay lang.”
sagot ko. Napangiti na rin ako.
Ito
naman ang gusto ko sa kaniya. Sensitive siya lagi sa nararamdaman ko. Hindi ko
na kailangang magsalita para malaman niya. Sa tagal naming magkasama simula
pagkabata namin, nababasa na namin ang iniisip at nararamdaman ng isa’t isa.
Pero minsan talaga, nahihirapan din akong basahin ang iniisip niya lalo na pag
poker face siya.
=
= = = = = = =
“Honey, tulog ka
na?”
Hindi ako nakarinig ng sagot mula kay Jaylord. Sinilip ko siya sa baba ng kama.
Nakahiga siya sa comforter. Nakapatong ang isang braso niya sa ibabaw ng mga
mata niya kaya hindi ko makita kung nakapikit ba siya o hindi. Saka madilim
rin, eh. Konting liwanag lang ang nilalabas ng lampshade. Kinalabit ko siya. “Jaylord!
Yuhoo!”
“Ellaine.”
Napangiti
ako. “Hindi
ako makatulog.”
“Nakatulog na ko.”
“Ows? Bakit gising
ka pa?”
“Dahil ginising mo
ko.”
“Pero hindi talaga
ko makatulog.”
“Dahil habang nanonood
tayo kanina ng movie, unang palabas pa lang, tinulugan mo na hanggang sa
matapos.”
“Nakakaantok ka
kasing unan.”
Hinilot
niya ang braso niya. “Sumakit ang braso ko sa’yo.”
“Sorry.”
Nagpangalumbaba ako sa kama habang nakatingin sa kaniya. Humikab siya. “Inaantok ka na
talaga noh?”
Pumikit
siya. “It’s
almost eleven pm, Elle. Maaga pa ang flight namin ni lolo bukas.”
“Sige na nga.
Matulog ka na.” Umayos ako ng pagkakahiga sa kama.
Hindi
na ako nakarinig nang sagot mula sa kaniya. Napabuntong-hininga ako. Gusto kong
matulog, pero hindi ako makatulog. May times naman na kahit hindi ako inaantok,
makakatulog pa rin ako kapag pinikit ko ang mata ko. Inaatake na naman ako
ng...
“Insomnia?”
Napalingon
ako kay Jaylord ng magsalita siya. At nabasa niya ang nasa isip ko. “Oo.”
sagot ko. Bumangon siya at walang salitang lumipat sa tabi ko. Napangiti ako.
Umunan ako sa braso niya at niyakap siya. Tinapik-tapik naman niya ng marahan
ang braso kong nakayakap sa kaniya.
Kapag
kasi may insomnia ako, tatabi ako kay mama at tatapikin niya ang braso ko para
makatulog ako. Minsan umi-epekto. Pero minsan, hindi talaga hanggang sa
makatulog na si mama sa pagtapik sakin. At ako, dilat ang mata ko at
nagbibilang ng tupa.
“Naalala ko nung
atakihin ka dito ng insomnia mo. Nakatulog na ko sa comforter no’n. At ikaw,
inatake mo yung mga stock kong chocolates sa ref. Kinabukasan, sumakit ang
ngipin mo.”
I
smiled. “Ibibigay
mo naman talaga sakin ‘yon diba? Kaya kinain ko na.”
“Hindi ka ba
nagsasawa sa chocolates? Simula pagkabata natin, kumakain ka na no’n.”
“Hindi.”
Tiningala ko siya. “Ikaw, Jaylord? Hindi ka ba nagsasawa sakin? Biruin mo twenty three years of your life ako ang nakasama mo. Hindi ka ba
nagsasawa sa mga kakulitan ko, pakikialam ko, at katigasan ng ulo ko?”
Tiningnan
niya ko. “Ikaw,
Elle? Hindi ka rin ba nagsasawa sakin? Twenty three years of your life ako ang
nakasama mo. Hindi ka ba nagsasawa sa mga panenermon ko, kasungitan ko, at
pagbabantay ko sa’yo?”
I
pouted. “Binalik
mo lang yung tanong ko, eh.” Tinapik ko ang pisngi niya. “Sagutin mo
na.”
Ngumiti
lang siya. Akala ko sasagutin na niya pero iba ang sinabi niya, “Matulog na
tayo.”
“Hindi nga ako
makatulog. Ang kulit naman nito.”
Pumikit
na siya. “Matutulog
na ko.”
“Bahala ka dyan.”
Inalis ko ang pagkakayakap sa kaniya. Siya naman ang yumakap sakin.
“Sasagutin ko ‘yang
tanong mo pagbalik ko from our business trip. Ikaw? Anong sagot mo?”
“Ayoko nga. Unfair
naman no’n. Sasagutin ko din pagbalik mo para quits tayo.”
He
chuckled. “Okay.”
Hinaplos ng kamay niya, kung sa’ng braso ako nakaunan, ang ulo ko. Pumikit na rin
ako at sumiksik sa kaniya. Ilang minuto ang lumipas ng maramdaman kong hindi na
niya hinahaplos ang ulo ko. Napangiti ako ng maramdaman ko ang malalim na
pag-hinga niya. Nakatulog na agad siya.
Tiningala
ko siya. Gamit ang hintuturo ko, pinasadahan ko ang noo niya, ang noo niyang
hobby na ang pagkunot. Ang kilay niyang hobby na ang magsalubong. Ang mata
niyang hobby na ang tumingin ng matalim. Ang ilong niyang hobby na ang lumukot.
Ang labi niyang hobby na ang magdikit ng madiin pag nagagalit. At ang mukha
niya. Ang mukha niyang madalas sa madalas ay walang ekspresyon kang mababasa.
Pero hindi ibig sabihin no’n, wala siyang nararamdaman na kahit na ano. Sadyang
alam lang niya kung kailan niya dapat ipakita ang mga ‘yon. At ako ang taong
laging nakakakita no’n.
Napangiti
ako.
Hindi
ko na hihintaying bumalik siya. Dahil ngayon pa lang, makukuha na niya ang
sagot ko. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. “Hindi ako magsasawang makasama ka. I just
finished spending my twenty three years of life with you. And I still want to
spend my next twenty three years, and the next coming years with you.”
I kissed his cheek as I closed my eyes. “I love you, Jaylord...”
=
= =
ntAwa aq s mahiWagaNg pAsswOrd ng LaPtOp ni eLLainE,,, nAgkaLoKohaN p maMa niA at c jLorD,,, hwaHoho,,,
ReplyDelete^_^ papalitan ko nadin yung P.w ng laptop ko...
ReplyDelete