Monday, June 10, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 6



CHAPTER 6

“Just You and I”
[ ELLAINE’s POV ]


“Tulungan na kaya kita?” Tumayo ako para lapitan si Jaylord na nasa kusina at busy sa pagluluto.


“You stay where you are.”


Napabalik ako sa pagkakaupo sa couch. Tanaw ko lang naman siya sa pwesto ko. “Masarap ba ‘yang lulutuin mo?”


“Oo.”


“Are you sure?”


Nilingon niya ko. “Nagpaturo ako kay Chad, okay.” Saka pinagpatuloy ang ginagawa niya. “Wag mo na kong guluhin.”


“Okay. Pero don’t worry, kahit walang lasa ‘yan. Kakainin ko pa rin ‘yan.” Tiningnan niya ko ng masama. Itinaas ko ang kamay ko. “Tatahimik na po.”


Wala kasing hilig sa pagluluto si Jaylord. Kaya nga si Chad ang personal chef niya. Magluluto lang siya kung maglalambing ako sa kaniya. Hindi man pwedeng pumasa sa mga restaurant ang luto niya, pwede namang pumasa ‘yon sa mga carinderia.
At hindi ako naglambing sa kaniya na ipagluto niya ako ngayon.


May business trip ang lolo niya sa Korea at Hongkong. At kasama siya. Two weeks silang mawawala. At bukas na ang alis nila. Day off ko ngayon at hindi siya pumasok. Si Khalil ang pansamantalang acting head ng marketing department habang wala siya. Katulong sina Chad at Clay.


Buong araw kaming magkasama ni Jaylord ngayon. Kahit naman dati pa, laging ganito ang set-up namin kapag mag-a-out of the country siya at matagal siyang mawawala. Kung hindi kami magpupunta sa gusto kong puntahan, mag-i-stay kami sa condo niya. Foodtrip. DVD Marathon. Games. At kukulitin ko siya hanggang sa magsalubong ang kilay niya. Wahehe.


 Nandito kami sa condo niya. Hindi sa penthouse. Ayaw niya do’n dahil ang pangit daw ng atmosphere at mas lalong ayaw daw niya ng mga istorbo.


Tumayo ako at naghanap ng cd na mapapatugtog. Napangiti ako ng may makita ako. Maya-maya. Para na kong baliw na nagsasayaw sa gitna ng sala. Sa kabila ng tugtog na naririnig ko, sumisingit ang tawa ng isang tao. Nilingon ko si Jaylord. Tawa siya ng tawa. Nang mapalingon siya sakin. “Inggit ka?”


Ilang beses siyang tumikhim. “Hindi.” Hindi na siya tumatawa pero ang lapad pa rin ng ngiti niya.


“Isusumbong kita kay Pearl. Pinagtatawanan mo yung steps kong itinuro niya.”


“Hindi nga.” Tinakpan niya ang bibig niya at tumalikod.


At alam kong tumatawa pa rin siya. Pinipigilan lang niya. At alam ko kung bakit. Last summer lang ng ituro sakin ni Pearl ang steps na ‘to. Nasa mansion kami ng lolo ni Jaylord. Nasa guest room kaming dalawa at nakabukas ang pinto. At habang tinuturo sakin ni Pearl yung step, tamang-tamang dumaan si lolo Ferdinand. At nakisali samin. Todo ang pigil namin ni Pearl sa pagtawa no’n habang inaaral ni lolo Ferdinand yung steps. Seryoso kasi ang mukha niya habang nagsasayaw. Pero nagulat kami ng biglang may tumawa ng malakas. Napalingon kami no’n sa pintuan. At nakita namin si Jaylord na tawa ng tawa habang hawak ang tiyan niya. Nang mapansin niyang nakatingin kami sa kaniya. Umayos siya ng tayo at huminto sa pagtawa sabay alis. Si lolo naman, ilang beses na tumikhim bago kami lingunin at nagpaalam ng umalis. Sumilip kami sa pintuan ni Pearl no’n. Naglalakad sa kabilang side si lolo Ferdinand habang napapakamot ng ulo. Sa kabilang side naman si Jaylord, hawak niya ang tiyan at bibig niya. Nakita din naming yumuyugyog ang balikat niya. Nagkatinginan kami ni Pearl no’n, sinarado namin ang pintuan at tumawa. Nang mahina.


Si Mr. Ferdinand Joe Nevarez, ang kagalang-galang na presidente ng NPC, strikto sa paningin ng iba, seryoso sa harap ng ibang tao; nagsayaw ng modern dance.


Tiningnan ko si Jaylord. Nakatalikod pa rin siya at yumuyugyog ang balikat niya. Napangiti na lang ako. Siguro kung makikita siya ng ibang tao ngayon, lalo na ng mga nagta-trabaho sa NPC, I’m sure mapapanganga na lang sila. Hindi pa rin kasi nawawala ang aura ni Jaylord until now na nagsasabing ‘back off’. Diba nga nung college pa kami, ilag na sa kaniya ang mga tao no’n?


And this other side of him na nakikita ko ngayon, ako lang ang tanging nakakakita.


“Magluto ka na nga dyan. Nagugutom na ko.” untag ko sa kaniya. Hindi na ko nagsayaw. Hininaan ko na lang ang volume. Naghanap na lang ako ng pwedeng mabasa. Kinuha ko ang isang magazine na nakita ko. Men’s magazine ‘yon. Naka-two piece na babae ang nasa cover. Binitawan ko din ‘yon at itinago sa ilalim ng cabinet. Hindi ko na kailangang sitahin si Jaylord ng tungkol do’n. Hindi naman makitid ang utak ko.


Kahit siguro yung mga nerdy na lalaki, nagbabasa rin no’n. Katulad nga ng minsang sinabi ni Clay, ‘walang matinong lalaki sa mundo na hindi nagbabasa ng men’s magazine, tandaan ninyo ‘yan’. Sina Khalil ang kausap niya no’n at narinig ko lang. Pero tinandaan ko rin ‘yon.


“Honey, wag mong ikalat yung men’s magazine mo dito na parang paninda dahil walang bibili.” Hindi ko pa rin mapigilang sabihin sa kaniya. “Kanina ang daming kalat. Pati ba naman ‘to?”


“Itapon mo kung gusto mo. Sina Clay ang nagkalat dito dahil galing sila kahapon dito.” Sa kabilang unit lang nakatira ang tatlo. And yes, magkakasama silang tatlo. Okay na ang pakikitungo nila sa kaniya-kaniya nilang pamilya. Pero mas pinili nilang mamuhay ng magkakasama. “Wag mong hawakan ‘yan.” pahabol pa niya.


Itapon daw, pero wag kong hawakan. Paano ko kaya gagawin ‘yon? “Hindi ko naman hinawakan.” Itinabi ko lang.


Umupo na lang ako sa couch ng may marinig akong nag-ri-ring na phone. Napalingon ako kay Jaylord. Hawak niya ang phone niya.


“Yes, Megan?” tanong niya sa kausap niya.


Ano na naman kayang kailangan ng Megan na ‘yon? One week na simula nung anniversary ng NPC. And yes, just like what Jaylord said, nagalit si Megan sa kaniya. Pinagkibit-balikat lang ni Jaylord ‘yon. Si Megan din ang unang kumausap sa kaniya. At ngayon nga ‘yon.


“Si Khalil ang acting head ng marketing department ngayon. Regarding that matter, siya ang kausapin mo.”


Pause.


“I’m with my girlfriend right now, Megan. Out of the town kami. And we’re busy. Bye.” Iyon lang at tinapos na niya ang tawag.


Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang suplado ng mokong. Tuluyan na kong humiga sa couch at pumikit. “Kaya ako sa’yo Jaylord, eh.” bulong ko. Hindi niya hinahayaang may sumira ng araw namin. Kahit sino pa ‘yon. Ilang saglit lang ng marinig ko ang pagtawag sakin ni Jaylord. “Bakit?” tanong ko ng nakapikit pa rin. Pero bakit parang ang lapit lang ng boses niya ng tawagin niya ko?


“Why are you smiling?”


Idinilat ko ang mata ko. Sinalubong ako ng mukha niya. Kaya pala ang lapit lang ng boses niya. Nakatayo siya likuran ng couch at nakatukod ang mga braso niya sa sandalan habang nakayuko sakin. “Masama bang ngumiti?” balik tanong ko.


“Oo. Lalo na pag hindi ako ang iniisip mo.” Napangiti ako. May inilagay siyang phone sa tiyan ko. Nakahiwalay ang battery sa phone. “Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot. Yun pala nababaliw ka na dito.”


I pouted. “Baliw ka dyan.” Kinuha ko yung battery ng phone niya. “Bakit mo tinanggal ‘to?”


“Ayoko ng istorbo. Inaantok ka ba?”


“Oo. Ang aga mo kasi akong sunduin sa bahay, eh.” Six o’clock ng umaga. Seven thirty pa lang ngayon.


Hinaplos niya ang buhok ko. “Sa kwarto ka na matulog.”


“Dito na lang.” Pinikit ko na ang mga mata ko. “Baka kasi reypin mo ko, eh.” I heard him chuckled. “Magluto ka na. Madami akong gutom pag nagising ako.”


“Wala ka namang kabusugan.” He lightly kissed my lips. Bago ko naramdamang umalis na siya.


Tumagilid ako ng higa. Ilang saglit lang ng maramdaman kong may nag-angat ng ulo ko. Napangiti na lang ako ng maramdaman ko ang malambot na unan. I opened my eyes. “Thank you, honey.”


“Yakap mo.” May inabot pa siya saking isang unan. Niyakap ko ‘yon bago pumikit. Alam kong hindi pa siya umaalis dahil ramdam ko ang paghinga niyang tumatama sa pisngi ko. “Dito ka na matulog mamaya.”


Dumilat ako. Isang dangkal lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. “Bakit?”


Kumunot ang noo niya. “Anong bakit? Para namang hindi ka natutulog dito.”


“Joke lang.” Pumikit uli ako. “Okay.”


“Sleep well.” bulong niya sa tenga ko. As I felt him caressed my hair and kissed my forehead.

= = =

2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^