Monday, June 10, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 5



CHAPTER 5

“Right Next to Him”
[ ELLAINE’s POV ]


“Take your hands off her!”


Jaylord! Napalingon ako sa likuran ko. “Jaylord!” Kasama niya din sina Chad. Na nasa likuran lang niya. Inilang hakbang lang ni Jaylord ang papunta sakin. Kasabay ng dahan-dahang pagbitaw ni Seth sa braso ko. At kasabay ng pagsulpot ng dalawang kasama niya kanina sa party mula sa kung saan.


Hinawakan ni Jaylord ng mahigpit ang kamay ko. “Are you okay?” tanong niya. Tumango lang ako habang hawak ang kaliwang braso ko. “Khalil.” tawag niya. Lumapit si Khalil samin at inakay ako palayo kay Jaylord. Kasabay ng paglapit nina Chad at Clay sa kaniya.


“What was that, Seth?” tanong ni Jaylord.


Seth just grinned. “Wala ‘yon, insan. Nagkakatuwaan lang kami ni Ellaine.”


“I know what I just saw. I told you before and I will tell you again. Don’t ever mess with her. Nor lay your hands on her.” Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Jaylord dahil nakatalikod siya gawi ko. Ramdam ko ang talim sa bawat salita niya.


“Nauna ako dito. Siya ang lumapit sakin. Kaya wag ako ang pagsabihan mo. At yung nakita mong hawak ko ang braso niya.” I saw how Seth’s face expression became serious. “Ang talim naman kasi ng dila ng girlfriend mo.” Iyon lang at unti-unti ng ngumiti si Seth bago lingunin ang mga kasama niya. “Let’s go. Ang init masyado dito. Let’s find some place na malamig-lamig.” Sabay tingin sakin. “Bye, Ellaine. See you around.” Iyon lang at tumalikod na siya kasunod ng dalawang alipores niya. Saka lang ako nakahinga ng maluwag.


“Clay, make sure kung aalis na sila dito sa hotel. Chad, bumalik ka sa loob. Baka hinahanap ako ni lolo. Just tell him na kasama ko si Ellaine. And Khalil, make sure na walang ibang taong pupunta dito. Mag-uusap kami ng masinsinan ng katabi mo.”


Napangiwi ako sa huling sinabi ni Jaylord. Kahit nakatalikod siya. Alam kong ang sama nang timpla ng mukha niya. Sunod-sunod akong tinapik sa balikat nina Chad.


“Ang gala mo kasi. Don’t worry, hindi ka kakainin niyan.”


“Ikaw pa. Malakas ka kay Jaylord.”


“Goodluck, Ellaine.”


Nakaalis na silang tatlo, pero nakatalikod pa rin sakin si Ellaine. “Jaylord.”


Hindi siya sumagot. Hinayaan ko muna siya. Ganito ang ginagawa niya kapag may ginawa akong ikakagalit niya. Ilang minuto siyang tatahimik habang nakatalikod sakin. Hindi katyulad no’n na sermon agad ang inaabot ko sa kaniya. Parang armalite ang boses niya. Hanggang sa mapapaiyak na lang ako. At mas lalo siyang naiinis, hindi sakin, kundi sa sarili niya dahil sa ginawa niyang paninigaw sakin.


Nakita kong humakbang siya, hindi palapit sakin. Pero papunta sa isang bench na nasa gilid ng isang puno. Sumunod ako sa kaniya at umupo sa kabilang dulo ng bench sa kaliwa niya.


“Ang sabi mo sa restroom ka lang. Bakit nakarating ka dito?” masungit niyang tanong.


“Nagpahangin lang ako. Hindi ko naman alam na nandito si Seth. Kung alam ko lang, edi sana hindi ako pumunta dito.”


“Nung nakita mo siya, bakit hindi ka pa umalis?”


“Kinausap niya ko, eh.”


Matagal bago siya sumagot. “What happened between the two of you?”


“I told him na ano...”


“Na ano?”


I pouted. “Na duwag siya.”


“What?!” Halos magkasalubong ang kilay niya ng lingunin niya ko.


“Hindi niya kasi kayang ipaglaban si Megan.”


“What do you mean by that?”


Umiwas ako ng tingin. Tiningnan ko ang kaliwang braso ko. “He likes Megan. But Megan likes you.”


“Ellaine.”


Tiningnan ko siya. “Babae rin ako. At hindi naman ako manhid para hindi mapansin ‘yon.” Nginitian ko siya ng tipid. “I can’t stop those women na nagkakagusto sa’yo. But I know how much you love me. So that’s fine with me.”


He sighed. “Come here.”


Umusad naman ako sa tabi niya. He put his left arm around me. I rested my head between his neck and shoulder. Tiningala ko siya. “Honey, hindi ka na galit?”


“Naiinis.” hindi lumilingong sagot niya.


“Sorry na nga.”


“Wag ka na uli lalapit kay Seth and provoke him like what you did earlier. You don’t know him and what he is capable to do.“


“I know.” Alam ko ang tinutukoy niya. Muntik nang makapatay last year si Seth. Buti na lang at dumating si Jaylord.


Pero ang sinabi ni Jaylord na hindi ko kilala si Seth. Yes. Hindi ko nga siya kilala. Pero naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Pero ayoko ng sabihin ‘yon kay Jaylord.


“Masakit pa ba?” tanong niya. Sabay haplos sa kaliwang braso kong hinawakan ni Seth kanina.


“Hindi na.”


He sighed. Hindi na siya nagsalita. Niyakap lang niya ko ng mahigpit. Tahimik lang kaming nakatingin sa langit. Tiningala ko siya. Pero wala akong sinabi. “Alam kong may itatanong ka. Ano ‘yon?” tanong niya ng hind ako nililingon.


“Si Megan. Bakit kayo magkasama kanina? Siya ba yung emergency na tinutukoy mo?”


“No.”


“So, it was Seth.”


“Tinawagan ako ni lolo kanina. Nasa mansion daw si Seth.” Nakatira sa condo si Seth. At kapag pumupunta siya sa mansion, it’s either may gusto siyang hingin o pasasakitin lang niya ang ulo ng grandparents niya. “Sinabi niyang pupunta siya dito. That’s why I made a deal with him. Na siya ang magiging escort ni Megan kaya dapat siyang magtino. Ayoko sanang gamitin si Megan, but I needed to. Ilang beses na bang nagkagulo sa party ng NPC kapag pumupunta si Seth?”


“Madami na rin. And when it comes to Megan, medyo tumitino siya. Kaya ba magkasama kayo ni Megan kaninang dumating?”


“Sinundo ko siya. Pero wala akong sinabi na ako ang magiging escort niya. And I’m sure galit na ‘yon lalo na ng kunin siya sakin ni Seth.”


Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Yumuko ako at tiningnan ang braso niyang nakayakap sakin. “Kunin siya sa’yo.” bulong ko. Ba’t parang ang pangit ng dating ng mga salitang ‘yon sa tenga ko? And it made my heart twitched a little.


“Nagselos ka ba kanina?”


“Paano mo nasabing nagselos ako kahit hindi.” pagsisinungaling ko.


“I saw it ng bigla kang umiwas ng tingin habang papalapit kami sa inyo.” Hinawakan niya ang baba ko para mapalingon ako sa kaniya. “The truth, Elle?”


Tinitigan ko ang mga mata niya. “Normal lang naman na magselos ako. Hindi mawawala sakin ‘yon. Ikaw nga—” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan na niya ko. Napangiti na lang ako as I responded with his kiss.


Hawak niya ang magkabilang pisngi ko pagkatapos. Seryoso ang mukha niya ng titigan niya ko. “Remember this, Elle. Kahit ilang Megan pa ang magkagusto sakin, hinding-hindi kita ipagpapalit. Mamamatay ako na ikaw lang ang una’t huling babae sa puso ko. Tandaan mo ‘yan.”


I smiled. “Me, too, Jaylord.”


He smiled and hugged me. Tumingin kami sa langit habang nakasandal ako sa balikat niya. “Ang daming stars.” sabi niya.


“Oo nga. Ang dami nila.” May naalala tuloy ako. “Natatandaan mo ba nung sinagot kita?”


“Of course. Nasa campus tayo no’n at katatapos lang ng graduation ko.”


“Ganito rin kadami ang stars no’n. Natatandaan mo ba yung sinabi ko sa’yo?”


“Na kasing dami ng stars ang sagot mo.”


“Tapos sinabi mo kung sure na ko sa sagot kong No.”


“Hindi ko naman alam na sasagutin mo ko ng gabing ‘yon. At sa pagkakatanda ko, tinanong kita no’n kung gusto mong pumunta ng Avilon Zoo. Ipapahawak ko sa’yo yung ahas nila.”


Napangiwi ako. “Hindi ko narinig ‘yon kasi may iba akong iniisip. I was thinking kung paano ko sasabihin sa’yo na sinasagot na kita.”


“Kaya ng ituro mo yung mga stars na gano’n karami ang sagot mo sakin. All I thought na No ang sagot mo sa tanong ko dahil ayaw mo ng ahas. At nag-walk out ka pagkatapos.”


“Pero hinabol mo naman ako.”


“Kasi hawak mo yung toga ko.”


Pinalo ko ang braso niya ng maalala ko ang eksenang ‘yon. Nnag hinabol niya ko, inis na tinanong ko siya ng ‘bakit’. Ang sagot ba naman, “yung toga ko akin na.” Kaya nga mas lalo akong nainis sa kaniya no’n, eh. “Nakakainis ‘to!”


Tinawanan lang niya ko. “Inis na hinagis mo yung toga ko sa mukha ko. When I asked you kung galit ka.”


“Ang sabi ko, oo. At dahil galit ako sa’yo, break na agad tayo.” natatawang sabi ko.


“At do’n ko lang na-realize na kasing dami ng stars ang sagot mo sakin. Na sinasagot mo na ko.”


Tiningala ko siya. “Ang tagal na pala natin.”


Tiningnan niya ko. “Bakit? Gusto mo na ba kong pakasalan?”


Seryoso ba siya sa tanong niya? Pero seryoso ang mukha niya. Is he proposing? Pero... Umiwas ako ng tingin sa kaniya. “Hindi pa tayo pwedeng magpakasal.”


Kumunot ang noo niya. “Bakit? Ayaw mo ba?”


“Marami ka pang obligasyon sa kumpanya ninyo. Ayokong dumagdag pa sa mga ‘yon.”


Hinawakan niya ang baba ko. Napatingin ako sa kaniya. “You’re never an obligation for me. Because above all of this, you are my top priority.”


Hindi ko mapigilang mapangiti. “Wag mo nga kong pakiligin. Pero thank you na rin.”


“Thank you lang?”


I gave him a quick kiss. “Okay na?”


“Pwede na rin.” Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. “I love you, Elle.” He whispered. “Kahit may ginawa ka na namang nakakainis kanina.” nanggigigil pero mahina niyang sabi.


Gano’n din ang ginawa ko. “I love you, too, Jaylord.” nakangiting bulong ko. “Alam ko namang hindi mo ko matitiis, eh.”


“Ehem! Ehem!” Sabay pa kaming napalingon ng makarinig kami ng tikhim mula sa likuran namin. Si Khalil ang nakita namin. “I’m sorry to disturb you two. Mr. President is looking for you, Jaylord. Madami daw gustong kumausap sa’yo.”


“Susunod na kami, Khalil.”


“Okay.” Nauna ng umalis si Khalil.


Hinawakan ni Jaylord ang kamay ko ng tumayo kami. At sumunod kay Khalil. “That’s why I don’t like event parties. Mabo-bored na naman ako sa mga sasabihin nila.”


“As the successor of the company, masanay ka na.”


“Basta kasama kita, hinding-hindi ako mabo-bored.” I smiled. “Kaya wag ka ng tatakas sa tabi ko. Baka kung sa’n-sa’n ka na naman magsusu-suot.”


“Sabi mo, eh.”


At kahit hindi niya sabihin, I will stay by his side. No matter what.


= = =

2 comments:

  1. Ay nKu kHaLiL, iStorBo mUch LNg,,, aNg gAnda n ng moMent eEh,,,

    ReplyDelete
  2. I will stay by his side..no matter what... pero akit siyaaaaaaaaaaa! hahaha! okay excited malyo pa ako doon

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^